- Lily -Para akong pusang hindi mapaanak dahil pabalik-balik ako sa paglalakad sa sobrang pagkabwisit dito sa loob ng aking kwarto. Wala na talagang pag-asang magbago pa ang pananaw ko ngayon kay Dracula. Habang tumatagal ay nadaragdagan ang pagkayamot ko sa animal na iyon. Tangina, magsama silang dalawa ng babaeng paniki na yun! Muntik na akong mapatangay sa nakakamatay na kamandag ni Impakto, kulang na lang kasi ay kainin nito ng buo ang aking labi sa sobrang pagkatakam. Yes, we were in the middle of our passionate kissed at halos malimutan ko na ang galit ko sa impaktong iyon dahil maski sarili ko ay hindi ko na nakilala dahil sa mapang-akit at masarap na halik ni Dracula nang bigla na lang may umeksenang istorbo. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang may kumatok ng malakas sa pintuan na walang iba kundi si Nenita. Nasipa ko tuloy sa sikmura si Dracula sa sobrang pagkabigla. Namimilipit itong lumapit sa pintuan na parang bagong tuli.Hingal na hingal at parang nakakita ng
- Lily -"Mmmm"Halos mapangapusan ako ng hininga ng sakupin ni Dracula ang aking buong labi. Hindi ito nasiyahan sa simpleng halik lang dahil nang tumugon ako ay para itong sinaniban ng masamang espiritu. Ang sabi ng utak ko ay itulak ko ang Dracula na ito , pero ang puso ko naman ay halos malunod na sa pagkasabik kung anu pa ang susunod na mangyayari. Matanda na ako at alam ko na ang tama at mali. Nangarap din akong makalasap ng ganitong klaseng romantic, pero sa taong magiging asawa ko at mamahalin ko habang buhay. Pero mukhang mababali ko ang pinangako ko sa aking sarili. Dahil pati ang katawan ko ay tumutugon sa bawat haplos, halik at init ng katawan na ipinapada sa akin ni Draco.Galit ako sa taong ito, dapat hindi ko siya pinapahintulutang hawak-hawakan at halikan ako. Anu ba itong pinasok ko? Tangina nakakabaliw na halik..."Ahhh" Kapwa kami hinihingal na dalawa sa matinding halikan na aming pinagsaluhan ng maghiwalay ang aming mga labi."Honey" Halos pabulong na lamang iyon
- Lily -Para akong pusang hindi mapaanak dahil pabalik-balik ako sa paglalakad sa sobrang pagkabwisit dito sa loob ng aking kwarto. Wala na talagang pag-asang magbago pa ang pananaw ko ngayon kay Dracula. Habang tumatagal ay nadaragdagan ang pagkayamot ko sa animal na iyon. Tangina, magsama silang dalawa ng babaeng paniki na yun! Muntik na akong mapatangay sa nakakamatay na kamandag ni Impakto, kulang na lang kasi ay kainin nito ng buo ang aking labi sa sobrang pagkatakam. Yes, we were in the middle of our passionate kissed at halos malimutan ko na ang galit ko sa impaktong iyon dahil maski sarili ko ay hindi ko na nakilala dahil sa mapang-akit at masarap na halik ni Dracula nang bigla na lang may umeksenang istorbo. Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang may kumatok ng malakas sa pintuan na walang iba kundi si Nenita. Nasipa ko tuloy sa sikmura si Dracula sa sobrang pagkabigla. Namimilipit itong lumapit sa pintuan na parang bagong tuli.Hingal na hingal at parang nakakita ng
Todo ngisi ako ngayon habang nagse-serve ng alak sa mga costumers ko na mga mukhang lasing na. Ayos lang dahil kahit magkanda simot ang dala nilang pera at tiyak tuwang-tuwa naman ang boss ko. “Napapa gabi-gabi kami ngayon dito sa bar dahil sayo magandang binibini!" sabad ng isang mukhang sabog na sa alak.“Iba ka talaga! Nakakagigil" parang nauulol pang sabi ng isang mukhang tikbalang.“Syempre basta para sa inyo! Kaya wag kayo aabsent dito para naman matuwa ang boss ko at lakihan ang sweldo ko lalo na may pito akong anak" baliw kong sagot sa mga ito. “Gusto mo dagdagan natin yang anak mo ng lima para isang dosena?" epal na sagot ng lalaking mukhang unggoy.“Sige pag iisipan ko yan! oh sige dun naman ako sa kabila ahh pakalasing lang kayo hanggang sa mamatay!" sigaw ko sa mga ito na kinatawa ng mga gunggung.Nilayasan ko na ang mga ito dahil nakakasura na ang mga hilatcha ng mga pagmumukha. Pumunta ako sa banyo para umihi.Sa isang linggo ko dito bilang waitress sa pipitsuging bar
- Lily -Matapos ang nangyari sa akin isang linggo na ang lumipas ay pinarusahan ako ni Mom at Dad. Daig ko pa ang teenager dahil grounded ako. Pinagbawalan muna ako lumabas ng aming mansiyon. Hindi rin ako pwedeng umuwi sa aming bahay kasama ng aking mga kaibigan. Walang katapusan ba naman nila akong sermunan, nakakatulog na nga lang ako kung minsan sa kanilang kakatalak sa akin. Asar na asar naman ako sa aking kakambal na si Leandro. Muntik ko na nga itong sipain dahil marunong ako sa taekwondo bilang self defense. Ngunit sadyang mabilis ang asungot na iyon. Hindi naman ako nito pinapatulan sa aking kabaliwan kung minsan. Hindi pa man din ako sanay na hindi nakakalakwatsa. Ang sarap sana ngayon magparty-party o mamundok kasama ang aking mga kaibigan, pero madalas ay mga busy naman ang mga iyon. Ang tanging kapartner ko lang talaga sa aking kabaliwan ay si Akeera. Hays mamatay ata ako sa sobrang pagka-boring. Lumabas ako sa maganda kong kwarto, daig ko pa ang anak ng prinsesa sa gan
- Lily -Maaga palang ay nakagayak na ako. Kahit na napuyat ako sa kakaisip nang tagpong iyon mula pa kahapon. Ang lalaking gwapo sana ay ubod naman ng yabang sa katawan. Mabuti na lamang at maaga pa rin ako gumising para maghanda sa sarili. Dahil ito na ulit ang first day ko sa work ay dapat akong maganda. Hindi naman pwedeng panget akong nagta-trabaho bilang waitress.Alas-sais palang ng naman ng umaga pero kaya marami pa akong time at alam ko naman na alas-otso ng umaga ang opening ng cafeteria. Pagbaba ko nang hagdan naamoy ko na ang mabangong daing. Parang gusto magwala ng mga dragon ko sa tiyan. Ang beshy ko talaga nagluto na naman ng masarap na breakfast.Saktong pagpasok ko ng kusina ay sabay-sabay na nagsitingin ang lahat ng mga kaibigan ko. Magsisipasok na rin kasi ang mga ito sa trabaho kaya maaga rin ang mga gising, pwera lang kay Akeera. Halata ang gulat sa mga mukha ng mga ito halatang di talaga makapaniwala sa ganda. Iba talaga ang ganda ko kasi.“Goodmorning mga beh!"
- Lily -Nangangati ang palad ko at parang gusto nang dumapo sa mukha ng tukmol na ito. “Di mo ‘to ititigil?" pagbabanta ko kulasa.“No." balewalang sagot nito at diretso lang ang paningin sa daan habang nagmamaneho.Nanggigigil na kinuha ko ang cellphone ko at nag-dial sa numero ng kakambal ko. Isang ring lang ay agad na sumagot ito.“Kini-kidnap ako Leandro!" malakas kong sigaw habang mataas ang volume ng speaker.“What the f**k?!" sabay na napamura pa si Leandro na nasa kabilang linya at ang lalaking tukmol na siyang driver ko marahas na napalingon pa ito sa akin.“Bilisan mo at baka hindi na ako makauwi ng buhay!" kunwaring takot na takot pa ang boses ko.“F**king sh it! Hold up I will catch you!" Agad na nawala sa linya ang kakambal ko.Napangisi ako sa aking kabaliwan. Itong si tukmol naman ay halos mag-isang linya ang mga kilay na makakapal habang nakatingin sa akin.“Hoy tumingin ka sa daanan at baka mabangga tayo. Ayoko pang mamatay. Kung gusto mo mauna ka." pairap ko dito.
- Lily -Hindi ko na namalayan na nakaisang linggo na pala ako rito sa pinagtatrabahuan ko. Infairness kasundo ko ang mga kasamahan ko, diko nga sure parang mga ilag pa ang iba sa akin na talaga naman mas pabor sa akin para walang away. Dagdagan pa ng ibang mga customer na talagang pinipilahan ang counter at dagsa ang mga tao, mostly mga lalaki. Alam ko naman na ako ang dahilan, sa ganda kong ito natural naman babalik-balikan nila ang coffee shop na ito. Except sa isang kutong lupa. Simula kasi nang ihatid ako nito sa mansiyon namin ay wala na atang araw na hindi ko ito nakikita. Para itong bangaw sa aking paningin, pero ang mas nakakapang-init ng ulo ko ay ang mga babaeng kung tumingin dito ay para ba itong gwapong nilalang at feel na feel pa ng impakto. Hindi ko nga alam kung bakit araw araw siyang nandirito. Kulang nalang ay dito na rin siya tumira tutal naman nasa iisang pwesto lang naman ang kinauupuan niya. Kung minsan pa ay busy ito sa laptop nito at hinahayaan lang din naman