Share

CHAPTER 3

- Lily -

Nangangati ang palad ko at parang gusto nang dumapo sa mukha ng tukmol na ito.

“Di mo ‘to ititigil?" pagbabanta ko kulasa.

“No." balewalang sagot nito at diretso lang ang paningin sa daan habang nagmamaneho.

Nanggigigil na kinuha ko ang cellphone ko at nag-dial sa numero ng kakambal ko. Isang ring lang ay agad na sumagot ito.

“Kini-kidnap ako Leandro!" malakas kong sigaw habang mataas ang volume ng speaker.

“What the f**k?!" sabay na napamura pa si Leandro na nasa kabilang linya at ang lalaking tukmol na siyang driver ko marahas na napalingon pa ito sa akin.

“Bilisan mo at baka hindi na ako makauwi ng buhay!" kunwaring takot na takot pa ang boses ko.

“F**king sh it! Hold up I will catch you!" Agad na nawala sa linya ang kakambal ko.

Napangisi ako sa aking kabaliwan. Itong si tukmol naman ay halos mag-isang linya ang mga kilay na makakapal habang nakatingin sa akin.

“Hoy tumingin ka sa daanan at baka mabangga tayo. Ayoko pang mamatay. Kung gusto mo mauna ka." pairap ko dito.

“How could you say that i was kidnapping you?" kasing dilim ng uling ang pagmumukha nito.

Parang nagtayuan ang mga balahibo ko sa batok sa paraan ng galit ng boses nito. Pero hindi ako matatakot sa ugok nito. Sino ba ito para katakutan ko? Di bale parating na rin ang kapatid ko na isang detective. Kayang-kaya nito ipatapon sa pacific ocean ang lalaking ito na feeling gwapo mukha namang tukmol.

Nagde-kwatro ako at niyakap ang sarili habang parang batas na sumulyap rito sabay ngiti ng napakatamis.

“I already warned you. Pero di ka nakikinig. Anung akala mo sa akin pipitsuging tao?" m*****a kong asik rito.

“Really? Nice. I like your attitude. Mukhang mas mapapaaga kitang mapapaamo." sabay ngisi nitong parang nakakaloko.

Pinanliitan ko ito ng mga mata. Hindi ko gusto ang lumabalabas sa bibig ng gunggong na ito.

“Kung ako sayo ibaba mo na ako kung gusto mo pang mabuhay!" naasar na talaga ako.

Hindi na ito nagsalita. Kaya mas lalo parang gusto ko magwala. Pero parang nagsasalita lang ako sa hangin dahil hindi nito pinapansin ang mga pagsigaw at lumilipad kong mura. My goshh! Ayokong mastress at pagod ako sa trabaho.

Pero nabigla ako nang mapansin ko ang pamilyar na dinadaanan namin hanggang sa makapasok sa luxury village kung saan nakatira ang pamilya ko.

“Hey you?! How did you know where i live?!"

Pero wala akong nakuhang sagot sa ugok nito. Mayà-maya pa ay huminto ito sa tapat ng napakalaking gate ng mansiyon namin.

“Get out!" pagtataboy ni kumag sa akin.

Parang gusto kong suntukin sa pagitan ng mga mata ang animal na ito. Matapos niya akong hindi kausapin sa loob ng sasakyan at para akong baliw na nagsasalita ay bigla-bigla niya akong palayasin sa loob ng sasakyan nito? Napaka-gago naman.

“Hoy Animal ka! Never akong magpapasalamat sayo kahit hinatid mo ako sa bahay namin. Pero sisiguraduhin kong magkaka- black eye ka sa akin once na magkita pa tayo.!"

Nagkukumahog akong bumaba ng sasakyan at malakas kong binalibag ang pintuan ng kotse. Nagpupuyos ang aking kalooban sa tindi ng inis sa lalaking baliw na iyon.

Hindi ako nastress sa first day ng trabaho ko pero nastress ako sa animal na iyon. Gag0ng Draco Frimmenger ka. Draco .. Dracula! Animal ka!

“Jusmiyo anak?!" nagmamadaling lumapit sa akin si Mommy at pinasadahan pa ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

“Wala ako sa mood Mom." kahit bad mood ako ay kailangan pa rin ng pag-galang sa Mommy ko. Yumakap ako rito at humalik sa pisngi.

“Hija anak ko." Mula kusina ay lumabas si Dad.

Bumitaw ako kay Mom at lumapit kay Dad para yakapin at halikan ito.

“Nagtrabaho ka na naman?" bagamat malumanay ang boses ni Dad ay alam kong may kakaiba na naman sa boses nito dahil sa pagtatanong.

“Yeah" pagod kong sagot.

“Are you tired? You should eat now, come on" hinila ako ni Mom papuntang living room.

Hinayaan ko na lamang sila at pinagsilbihan ako ng mga maids para sa dinner ko. Ngayon ko lang naramdaman ang matinding gutom ng maamoy ang masarap na pagkain. Parang gusto na magwala ng mga alaga ko sa tiyan.

Nakatingin lang ang mag-asawa sa akin habang nilalantakan ko ang masarap na pagkain. Hindi ko na namalayan na nasimot ko na ang buong pinggan ko sa sobrang pagkagutom.

“Ops!" napadighay pa ako matapos kong uminom ng mango juice.

“Can we talk now my princess?" Daddy looked at me.

“Okay Dad." as i had no choice and shrugged my shoulders.

We go straight to my Dad's office with my Mom. Pasado alas-nuebe na rin pala ng gabi. Tumikhim si Dad at lumapit rito si Mom at pumunta sa likuran ni Dad. Habang ako naman ay prenteng nakaupo sa malambot na sofa at napahikab pa.

Biglang bukas ng pintuan at pumasok ang walang iba kundi ang kakambal kong si Leandro. Napaismid ako ng makita ko itong naka-poker face. Tumabi ito sa akin.

“We can start now." Leandro said.

Seryoso ang mukha ni Dad ng tumingin sa aming dalawa ni Leandro.

“Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa sa inyo mga anak. Your Mom and i decided to take a rest."

“Matulog na kayo ni Mommy kung ganun Dad." biglang singit ko.

“Lialyn!" masamang tingin ang ibinigay sa akin ng kakambal ko. Kaya inirapan ko naman tong tukmol.

“Thats not what i mean Anak." sagot ni Dad.

“Patapusin niyo muna si Daddy niyo." salita ni Mommy.

Ako naman ay balewalang napatikwas ang isang kilay. Makikinig nalang ako dahil kung sermon na naman ito ay baka itulog ko nalang.

“I decided to give my position for this coming weeks to you Leandro my son."

Nanlaki ang aking mga mata dahil hindi ko inaasahan ang sasabihing iyon ni Dad. Matagal na rin naman nagsabi si Dad about sa kaniyang pagreretiro pero wala pang eksaktong petsa kung kelan dahil si Leandro ay sobrang busy pa sa pagiging alagad ng batas.

“Is it too early Dad? I'm still young for that position. Mayroon pa akong three years para magtrenta bago ko tanggapin yan." Halata sa boses ni Leandro ang pagkadismaya.

“Matanda na kami ng Mommy niyo. Hayaan niyo naman kami mag-enjoy sa buhay dahil senior na kaming parehas. And you have no choice my son, dahil talagang ikaw lang ang maaasahan ko para sa kompanya. Tignan mo naman yang kapatid mo oh kung sa kaniya ko ipapasa ang position ay baka wala pang isang buwan ay pulutin tayo sa kangkungan."

“Daddy!" malakas kong tawag kay Dad. Para bang wala akong alam sa mga bagay-bagay. Kahit paano naman ay nakapagtrabaho naman ako sa office ni Dad. Madalas nga lang ay tinutulugan ko ang mga papers work kapag sinapian ako ng katamaran.

“But i still have my work. And I still enjoying what i do even it's dangerous." Himutok ni Leandro.

“Okay, I'll give you a week and resign to your current work. Bibigyan naman kita ng isang buwan na bakasyon bago ka sumabak sa pagiging CEO."

“Dad" napapailing na lang ang kakambal ko at alam ko naman na wala na itong pagpipilian.

Alam ko na sobrang dedicated ito sa kaniyang trabaho. Sa sobrang pagmamahal nito sa trabaho ay bibihira na lang to kung umuwi, minsan ilang weeks o months pa kung makauwi ito. Hindi ko alam kung bakit napakatagal nito kung umuwi, napakapanget pa naman ng mukha parang pulubing Abu sayaff.

Marami pang ibang details ang sinabi ni Daddy na hindi naman ako interesado. Mostly ay sa pagiging CEO ni Leandro lang naman ang mga iyon. Kaya walang tigil tuloy akong kakahikab. Tutal naman labas ako sa usapan.

“My princess, magpakatino ka naman habang magbabakasyon kami ng Mommy mo. Pwede rin sumama ka nalang sa amin." Sabi ni Dad habang nakatingin sa akin.

“Wag na po Dad. Masaya ako ngayon sa trabaho ko." sagot ko.

“Dont worry Dad. I have eyes on her. " singit ni Leandro.

“Anung pinagsasabi mo diyan?!" asik ko rito.

“Yeah. Anung sinasabi mong kinidnap ka kanina?" pang-aasar nito sa akin.

“What do you mean?" salita ni Mommy.

“Wala po. Wag niyong pansinin yang isa diyan!" inirapan ko si tukmol dahil naiinis ako sa pagmumukha nito ng bigla itong ngumisi.

Napapailing nalang si Dad. Nang matapos ang pag-uusap ay kasunod ko si Mom sa aking kwarto. She helped me to choose my pajamas habang nasa shower ako. Paglabas ko ay bitbit ni Mom ang uniform ko.

“Ipapalaba ko na ito para may maisuot ka for tomorrow."

“Thanks Mommy!" nakangiti ko itong hinalikan sa pisngi.

“Goodnight Baby Princess."

“Goodnight Mom"

Halos mag-alas onse na nang gabi ng makahiga ako. Pag open ko ng phone ko ay sunod-sunod ang notification. Maraming messages ang pumasok. Napangisi ako ng makita kong online pa lahat ng mga kaibigan ko sa GC.

*Hello mga beh! I'm still alive!*

*Mabuti naman nag-online ka Lily?! Bakit hindi ka pa nakakauwi?*

*First day sa work mukhang last na rin?*

*Where are you now?*

*Ate Lily where na you?*

*Are you okay?

Natawa na lang ako sa mga messages ng mga kaibigan ko.

*I'm laying in my bed here in our house. Bukas na lang tayo usap mga beh.  Ayokong pumanget remember. Beauty rest pa rin tayo.*

After ko ipadala ang message ay ipinatong ko na ang phone ko sa bedside table at pinatay ang lampshade.

May narinig akong pag-vibrate ng phone at alam kong text message iyon pero tinatamad kong basahin wala ako sa mood at makakapaghintay pa naman iyon kinabukasan.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status