Share

Chapter 4

Almika's POV

"You'll regret this day Santford, I swear!" nag tagis ang mga ngipin ko habang mariin kong tinitigan si Vandeon na ngayong walang emosyon ang mukha pero may ngisi naman sa labi. Hawak niya ang anak ko sa braso at nakatutok ang nguso ng baril sa ulo ng anak ko. Sobrang sama niyang tao! Hindi ko mapapatawad ang demonyong Vandeon na 'to.

Pinikit ko nang mariin ang mata ko. Tapos na akong lumuha, pagod na pagod na ako, hindi na ako magtataka kung sa isang iglap babagsak na ako sa sahig.

"I'm asking you, any last words for your son?" tanong niyang muli. Tiningnan ko lamang siya bago ko tinapunan nang tingin ang anak ko na ngayong namumula na ang mga mata, he's about to cry now, but he didn't let himself. I'm sorry, baby, I'm really sorry.

Inangat ko muli ang tingin. This time I'm desperate, gagawin ko ang lahat kahit na kapalit nito ang buhay ko. The most important thing in this world is my son, I don't care what will happen to me, I need to fight back for my son's life. I am the mother here, I'll do everything for my son. Nagpakawala ako ng hininga without breaking the glance, I know he's thinking right now. Maybe he know already what my plans is.

"Before you could do that to my son? I'm gonna wreck your neck first." malamig na sagot ko at humakbang papalapit sa pwesto ni Vandeon. Hindi man lang siya nasindak sa banta ko. Sa halip ay mas lalong lumaki pa ang ngisi niya. That's him, devil with his evil smirk, he always put that on his face kapag may gustong gawin at may papatayin. Damn you, Santford.

"You can't do that. You see this? I'm holding your son's neck. One snap of my finger he'll die. So now? I'm asking you once again, any last words for your son?"

"How dare you talk like that in front of my son! Kung sakaling may anak ka naman ngayon I'm pretty sure he'll hate you so much, mamatay tao kasi ang ama nya," this time ngumisi ako ng pilit. Maipakita lang sa kanya na hindi ako takot sa kanya, but deep inside? I'm scared. Hawak niya ang anak ko, anytime he'll pull the trigger and shoot my son. But nanatili lamang akong kalmado, gusto ko siyang saktan sa pamamaraan ng salita ko. I want to hurt him so bad. He doesn't deserve this world, no devils can live long here.

"Poor you, woman. I don't have a child. Answer me or else I'll pull this trigger to your son,"

"Go on kill him, shoot him," masakit sa dibdib na sabihin 'yun. Hindi ko tinapunan ng tingin si Vandish, but I heard him sobbed. Sorry, baby, trust me Vandish, Mommy will fix this.

Umarko 'yung kilay niya. Hindi niya inaasahan ang sagot ko. Alam kong nagda-dalawang isip ka na ngayon Vandeon, kill your own son kung 'yan ang mapapasaya sa'yo. Sarili mong kadugo papatayin mo? I pity you.

"Are you serious?"

"Do I look like I'm kidding? I'm letting you kill my son, Mr. Santford. This is your chance now, kill him. Don't fvcking hesitate." Tiningnan ko ang anak ko. Tila may milyong kutsilyo ang tumarak sa puso ko. Tumutulo na ang luha niya ngayon. God knows how much I love you, Vandish, gusto kong punasan ang luha mo ngayon, anak, gusto kong agawin ka agad. Tanginang Vandeon kasi.

"You've got to be kidding me!"

"Joking around is not my thing, Vandeon. You knew me. You did your research right? I assumed that you knew me already. I'm deadly serious." Isang hakbang na lang maaabot ko na ang anak ko. Huminto ako sa harapan ni Vandish. Lumuhod ako sa sahig.

"Listen up, son. Your dad is so cruel to us, I told you he's not worth it right? Don't miss him too much. Don't think about him anymore, he always hurt your Momma, baby, and he'll hurt you too." tumulo na naman ang luha ko, tumingala ako kay Vandeon.

"I hope you're happy right now. Devils never felt happy after killing humans I hope you feel happy after this."

Tumayo ako. I wiped my tears away and look at him again straight in the eyes, bigla naman nanlaki ang mata niya pero agad din 'yung nawala. My silver eyes can tell you a secret, but not now, saksi lagi ang mga mata kong ito sa mga ginagawa mo.

Kamukha mo ang anak mo pero 'di mo lang pinagtuunan ng pansin, ang gusto mo lang ay maghiganti. Kaya ayaw kong aminin na anak mo si Vandish dahil gusto kong ayusin mo muna ang sarili mo. Erase the hatred, revenge. Be a good guy, Vandeon, and this eyes will tell you a secret. I hope you'll do that.

"I've been waiting for this day, Almika,"

"Waiting for revenge? Really? Ganiyan kana ba kababa? Anong klaseng gawain iyan, Vandeon! This isn't you!"

"What do I look like then?" tanong niya at hinila sa sentido ang anak ko palapit sa kanya. Bigla naman akong kinabahan pero hindi ko pinakita sa kanya.

"Fvck yourself!" I'm done talking to this guy! Kanina pa ako nagtitimpi.

"Really?"

Hindi ko na siya sinagot sa halip ay yumuko ako at sinipa ko 'yung baril na nakatutok sa ulo ng anak ko, mabilis ang mga kilos ko ganu'n din siya. Napaatras siya nang tangkain ko siyang sipain.

Wala man lang emosyon ang kanyang mukha. Ang kanyang ngisi kanina ay napalitan na ng seryosong mukha. Pinagpagan niya pa ang damit niya bago mariing tumitig sa'kin.

Binaling ko ang atensyon sa anak ko. Lumuhod ako at hinalikan siya sa noo at buhok. Damn it! Finally nakuha rin kita baby.

"Mommy! Mommy!" humagolgol na ang anak ko. Yumakap siya sa'kin nang sobrang higpit. Dinama ko iyon habang nakatingin pa rin sa pwesto ni Vandeon. Kita ko ang paninigas niya sa kinatatayuan niya, what's wrong with him?

"Mommy, I'm scared. Mommy, let's go home. I promise I'll be a good boy na Mommy, please,"

Kinalas ko siya sa yakap ko. Hinawakan ko ang pisnge niya, pinunasan ko ang luha niya. Habang tumatagal nagiging kamukha niya na si Vandeon, kahit na ganu'n hindi ako nagsisi na anak ko ito. I will always love him.

"Don't be. You're brave baby, just always trust me okay? Alam mo naman kung saan ka l..."

"What's going on here, Vandeon? What's with the gun?"

Hindi ko natapos 'yung sasabihin ko nang may taong nagsalita galing sa pintuan. Lumingon ako roon habang yakap ang anak ko. Pinunasan ko na rin ang luha ko.

"Pre, anong ginawa mo?" panibagong tanong naman ng isang lalaki. Ito 'yung mga kaibigan ni Vandeon. Seryoso nilang binalingan ng tingin si Vandeon bago sa amin ng anak ko.

"What did you do, bro! You are trying to kill them?" Mabilis na lumapit iyong matangkad na lalaki at kinwelyuhan si Vandeon, ngunit bigla na lamang tumawa si Vandeon na kina gulat naming lahat. Tawang demonyo, napaka-gago niya talaga. Ang sama sama niya.

"I'm done here, but I'm not done with you." Tinuro niya ako gamit ang baril niya.

"Vandeon!"

Umikot ang mukha ni Vandish. Humarap siya sa mga kaibigan ni Vandeon saka tumingin kay Vandeon. And I saw shocked written on their faces.

"Holy fvck!"

"Holy shit!"

"What the hell?"

Yumuko ako at mabilis na tinago ang mukha ng anak ko. Nagpasya rin ako na lumabas na pero bago pa man ako tuluyang makalayo nagsalita pa si Vandeon.

"You have to tell me what the fvck is going on, Almika! You fvcking tell me! Bakit kami magkamukha, Almika!

Nanigas ako.

"Answer me! ALMIKA! I WANNA HEAR IT FROM YOU!" Pilit siyang kumalas sa pagkakahawak ng mga kaibigan niya ngunit hindi siya hinayaan kaya mas lalo siyang nagalit.

***

FL04 (Story from the past)

"Kamukhang-kamukha niya si Vandeon Brix Santford." sabi ni Doktora nang makita ang buong mukha ni Vandish. Umiwas naman ako nang tingin dahil totoo ang kanyang sinabi. Kamukhang+kamukha ng anak ko si Vandeon, isang tingin mo palang sa kanya ay may dugong Santford talaga.

Unang anak nina Tita si Vandeon. Plano namin noon na gumawa ng sariling pamilya at mamuhay ng tahimik kaso nasira ang lahat dahil sa kanya. Mabuti nalang talaga nakapagtapos ako ng pag-aaral nu'ng pinagbubuntis ko pa lamang si Vandish, hindi ako mahihirapan sa trabaho.

Hindi ko siya sinagot. Hinaplos ko ang mahabang buhok ni Vandish.

"Nga pala, may kakilala akong mag-aalaga sa anak mo habang may trabaho ka,"

Mabilis akong lumingon sa kanya. Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. "Alam kong hanggang ngayon ay natatakot ka parin at hindi basta-bastang naniniwala sa iba, pero kailangan mong kumita, Almika. Lumalaki na si Vandish, mapagkatiwalaan naman si Manang."

Simula nu'ng nangyari sa amin. Wala na akong tiwala sa ibang tao, lalo na't kapag hindi ko kilala, hindi agad ako basta-bastang nagtitiwala. Baka kasi ksabwat ni Vandeon, at baka gigising kami kinaumagahan na wala ng buhay.

Mahina akong nagpakawala ng malalim na hininga. Kailangan ko rin naman kumita. Tumango ako at pinakilala niya sa akin ang katulong na magbabantay kay Vandish pansamantala. May katandaan na ang ginang, medyo mabait naman.

Kaso nga lang ay hindi maganda ang pakikitungo sa kanya ni Vandish. Lagi niyang binubully si Manang. Mabuti nalang hindi nagsasawa si Manang sa ugali niya.

"Stop bullying your yaya, Vandish, masama 'yan."

"Okay Mommy!"

Sana maayos na ang lahat. Nilibot ko ang paningin sa tinitirhan namin ngayon, hindi maayos. Kapos na kapos talaga ako ngayon. Ayoko rin namang humingi pa ng tulong kay Kace, sapat na 'yung mga tulong niya, ayokong makasagabal pa, baka isipin ng asawa niya na kabit niya ako, jusko!

***

Be aware of the short past story. Sinali ko siya sa last part ng present story, hope na hindi kayo malito. Thankies!

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Barbrs Vs Mnita
ambot ss imo. bks gusto mo rin e sunod sunod muns bago mo laktawan ung huli hndi ko kc ma gets subrang bobo ko st nasubrahan nmn ung talino mo? seguro ung nababasa mo noon gsnito rin ksya ginaya mo na lng din. haha. pero make sure na happy ending ito ha?
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status