Share

Chapter 5

Almika's POV

Mahigpit kong hinawakan ang folder at bag ko. Hindi ako humarap kay Vandeon ngunit alam kong nagtitimpi na siya ngayon ng galit niya. Pakialam ko naman sa kanya. Bahala siya sa buhay niyang manigas diyan. Hindi ko siya sinagot sa halip ay mabilis ang mga kilos kong lumabas ng opisina ni Ma'am, nakalimutan ko pang mag-advance ng sweldo sa kanya. Saan na kami titira ngayon? Baka may taong maniningil na naman at 'di na kami pwedeng bumalik doon baka may mga tauhan ni Vandeon ang pumunta duon.

"The fvck! Almika. Come back here! Damn it! Let me go, Roswell, papatayin ko kayo!"

Pilit kong iniiwasan na marinig ang malakas na sigaw ni Vandeon. Ngayong may ideya na siya kung ano niya si Vandish, ay hindi ko siya hahayaang makalapit sa anak ko.

Nang makalayo-layo na ako sa opisina ni Ma'am Ladeo. Ramdam ko parin ang kaba sa dibdib ko, mataas ang lalaking 'yun, ilang hakbang lang ay paniguradong mahuhuli niya na kami.

"Ma'am Almika! Buti nakita niyo si Vandish. Anong nangyayari, Ma'am?" Nakasalubong ko si Manang. Pawis na pawis din ang noo niya, panay punas niya pa rito. Saglit akong lumingon sa likuran bago ko hinila si Manang palabas ng kompanya kaya lang...

Akma na sana kaming aalis nang makarinig kami ng putok ng baril sanhi ng panlalaki ng mata ko kasabay din nito ang ungol na narinig ko sa tabi ko. Umawang ang labi ko, umatras ako habang nakatingin kay Manang na ngayon ay dumudugo na ang bibig, duguan ang kanyang dibdib, pilit niya akong inaabot, ngunit hindi ako makagamaw. Nagsimula na namang manginig ang mga binti ko, may takot na namang bumalot sa'kin. At kusa na lamang tumulo ang luha ko kasabay nito ang pag tumba ni Manang sa harapan ko.

"A...A...Manang! Manang!" nagda-dalawang isip ako kung lalapitan ko ba siya. Natatakot ako. Natatakot na ako ngayon sa maari kong kahihinatnan.

Nanginginig ang mga kamay ko habang sinusubukan siyang abutin. "Manang, patawarin mo 'ko. Patawarin mo 'ko." Umayos ako ng tayo. Nilingon ko kung nasaan nanggaling ang bala ng baril, mula rito nakita ko si Vandeon na nakatayo medyo malayo sa amin. Nasa likuran niya ang dalawang kaibigan niya na kapwa wala ng mga malay.

Umatras ako sa nasaksihan, anong klaseng demonyo ang sumapi sa taong ito. Wala siyang awa! Wala siyang awa! Sa harapan pa namin niya ginawa ang kademonyuhan niya. Mamatay kana, Vandeon. Hayop ka!

Umatras ako nang mapansing humahakbang siya papalapit sa amin. May ngisi na namang nakaplaster sa labi niya ngayon, puro pasa pa ang dalawang pisnge niya at namumula rin ang kanyang kamao. Anong ginawa mo sa kanila hayop ka, Vandeon!

"One step, you'll be dead." limang hakbang na lang ay mahuhuli niya na kami kaya't imbes na matakot at manatili sa pwesto ko, mabilis akong tumakbo habang hawak ang ulo ni Vandish.

"SHIT!" rinig kong mura niya na mas lalong nagpa-kaba sa akin. Takbo lang ako ng takbo, hindi alintana 'yung mga sasakyang naka palibot sa buong parking lot. Hindi ako lumingon kahit saan, sa daan lang ako nakapukos.

Walang liko liko akong pinasukan, takbo lang ako ng takbo hanggang sa bumungad na sa amin ang highway. Napansin ko pang kinukusot ni Vandish ang kanyang mata pero hindi ko na inabala 'yun, pinagpatuloy ko lamang ang pag takbo hanggang sa may nakita akong masikip na daan, pumasok ako roon at sumandal sa pader.

Hinayaan kong dumadausos ang likod ko pababa. Pagod na pagod na ako, Hanggang kailan niya kami gaganituhin. Pagod na pagod na talaga ako. Ayoko na, ayoko na sa larong ito, Vandeon. Tigilan mo na kami.

"Mommy? Pwede na bang mag-mulat?" Hearing my son's voice makes me calm. Huminga ako ng malalim, tinanguan ko siya at niyakap nang mahigpit. Mahal na mahal kita, Vandish at hindi ako magsasawa na mahalin ka araw-araw.

Sa pag-mulat ng mga mata niya, tumambad sa aking harapan ang mala-pilak na mga mata niya. I saw sadness in his eyes, narinig niya kanina ang putok ng baril. He's smart alam na alam niya ang nangyayari, but he chose not to spill it out. Tatahimik lamang siya, isa na 'yun sa mga nagustuhan kong ugali ni Vandish ngunit hindi dapat lagi na lang siyang tatahimik. Darating din ang panahon na siya na mismo ang mag desisyon sa buhay niya.

"Did he hurt you, Mommy?" tanong niya at hinawakan ang pisnge ko. I smiled at him bitterly, umiling ako.

"No, baby, are you hungry?" tanong ko para iwasan ang pag-aalala niya sa akin. Umiling naman siya at ngumiti. Damn baby, I'm dying to see those smiles of yours, always put that on your lips kahit na marami man tayong problemang kinakaharap. You're the most important to me now. My prince.

"Mommy, are you really okay? We can talk to anybody here and ask for help."

"Baby, we can't do that. He'll see us if we do that." Ngumuso naman siya 'saka nilagay ang kamay sa leeg ko. Umakbay siya. Aw so cute.

"He's bad right, Mommy? I saw what he did to yaya, Mommy, he shot her. But instead feeling bad about it? I stayed calm, Mommy." that's my boy. And I feel sorry for what happened to Manang, napaka-sama talaga ni Vandeon. I'm really sorry, Manang, I hope you're happy right now. Sorry.

"Baby, thank you for understanding me. Don't leave your Momma, okay?"

He nodded. "Entiendo, Mamà,"ngumiti muli ako sa anak ko, nilapit ko siya sa akin at hinalikan ang noo kasabay nito ang mabibigat na mga yapak na papalapit sa amin.

"Sino po hinahanap niyo, Sir?" rinig kong tanong ng medyo may kantandaang lalaki. Lumingon naman agad ako sa anak ko, sumenyas ako na manahimik.

"Did you see a girl walking in this area? She's holding a child, a boy," seryosong tanong nito. Yumuko naman ako.

"Wala naman po, Sir baka nasa kabilang area po pumunta, Sir."

"FVCK! DAMN YOU, ALMIKA!"

Nang marinig ko ang papalayo na yapak niya dahan dahan akong sumilip sa matanda, nakakamot siya ngayon sa ulo nyang kalbo. "Hindi man lang nagpasalamat at minura pa ako."

Nagpakawala ako nang malalim na hininga. Nilabas ko ang cellphone ko sa bag at hinanap ang number ni Entice.

Naka ilang ring pa bago sinagot.

"Tangina mo, Cass! Manahimik ka riyan!"

"Aba gago ka ba? Kung 'di mo lang sana pinakialaman gamit ko mananahimik ako!"

"Shut up both of you! Tumatawag ang kaibigan natin, si Almika!"

Nilayo ko nang kaunti ang cellphone dahil sa sobrang ingay nila. Wala na akong ibang mapupuntahan ngayon kundi sa mga kaibigan ko na lamang. Wala akong pera ngayon at saan kami uuwi.

"Napatawag ka, Almika?" tanong ni Entice ni hindi man lang kami kinamusta. Walang hiya talaga.

"I need your help guys, we're trapped here."

"ANO? Kasama mo na naman ang anak mo sa kagagahan mo?!" boses ni Cy, nakakarindi sa tenga.

"Guys, I need you right now! Wala na kaming matutuluyan ng anak ko, wala na akong pera at patay na si Manang, parang awa niyo na."

"Nasaan kayo ngayon, Almika?" tanong ng isa naming kaibigan.

Saglit akong tumingin sa anak ko ganu'n din sa daan. Napasinghap ako nang makitang natutulog na ang anak ko. Sinandal ko siya sa dibdib ko at inayos ang suot niya. Tila pagod na pagod.

"Hindi ko alam kung nasaan kami ngayon, tumakbo kasi ako papalayo sa taong iyon. He's chasing us right now, I don't know where to go."

"And Manang is dead, he killed her."

"WHAT?! Patay na si Manang? How? At teka nasaan ka-Ay takte 'yung pinto Cass, buksan mo!" ang late reaction naman nitong kaibigan ko. Sinabi ko na nga na patay na si Manang kanina pa eh. Saglit na tumahimik ang paligid, nagtaka naman ako roon kaya't nagpasya ako na magpatuloy.

"Nakita kami ni Vandeon kanina, siya ang pumatay kay Manang at gusto niya kaming isunod kaya lang nakita niya ang mukha ng bata baka kukunin niya na sa'kin ang anak ko, Entice. I'm afraid for my son's life." lintanya ko. Pero sandaling nanahimik ang kabilang linya. Anong nangyari sa bruhang 'yon?

"Entice? Cass? Cy? Where are you guys,"

"WHERE THE FVCK ARE YOU, ALMIKA?!"

Ay putangina!

I stunned again. Nandun siya! No No not my friends, Vandeon, damn it.

"In a one snap, Almika, you'll find your friends dead bodies later."

"Don't you fvcking dare, Vandeon! Walang kinalaman ang mga kaibigan ko dito! Kung gusto mo talaga akong patayin, chase me, Mr. Santford. I know you're good at that."

Paano niya nalaman ang bahay ni Entice? Shit, may anak si Entice, ayokong madamay ang inosenteng batang iyon.

"I've been chasing and longing, Almika. I'll surely do that if you want,"

"Chasing is the only way to get you and lock you again."

Kaagad na nahulog ang cellphone mula sa kamay ko. Umatras ako habang hawak ang anak ko.

"Anong ibig niyang sabihin?"

***

Again, for those readers na nalilito sa daloy ng story, huwag nalang pong basahin instead na mag comment ng mga hindi kaaya-aya. It was stated po sa umpisa na kapag naguluhan? You stop or you continue. Have a nice day and take care always! Spread love 🫶

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Lenlen Tedios
but my bayad na agad
goodnovel comment avatar
MISS_25_1992
hindi maganda ang story.magulo sayang sa oras.kung demonyo si vandeon mas demonyo si heitor pero ang pinapatay lang ni heitor yung may atraso sa kanya.or masasaktan ang mga mahal nya sa buhay.pero itong si vandeon dinadamay nya ang mga muwang?pati mga kaibigan nya.
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status