Share

Chapter 3

Third Person's POV

"I forgot to bring them." malamig at walang emosyong sabi ni Vandeon sa harapan nina Riley at Almika. 

Nanlaki ang mata ni Almika. Nagsimula na ring manginig ang kanyang mga binti, tila kakapusin din siya ng hininga. Pilit niyang sinasabi sa sarili niya na lalaban siya, magkamatayan man silang dalawa ni Vandeon ipaglalaban niya ang anak niya. 

Bata pa lang siya'y tinuruan na siya ng magulang niya kung papaano makipaglaban, sa tingin niya ito na ang pagkakataon para gamitin niya ang natutunan niya. Nagda-dalawang isip siya, nag-aalala siya sa anak niya na baka matakot ito sa kanya. Maaring makapatay siya ng tao at ayaw niyang saksihan iyon ni Vandish. Ika nga bata pa ito at wala pa sa tamang edad. 

Pinunasan ni Almika ang kanyang luha, mahigpit niyang hinawakan sa kamay ang anak. Magwawala talaga siya kapag mawalay sa kanya ang bata. Mahal niya si Vandish lalo na't ang anak niya na lamang ang karamay niya sa buhay, bahala na kung maghirap siya basta't kasama niya ang anak. 

"You two know each other?" Kunot noong tanong ni Riley kay Vandeon na ngayong madilim na ang mukha. Hindi talaga magkalapit si Riley at Vandeon dahil umpisa pa lang natatakot na si Riley na kausapin ito, lagi itong may sariling mundo. Sa magka-kaibigan, si Vandeon lamang ang taong ayaw niyang diktahan, seryoso ito, sa sobrang seryoso na tila papatayin kana sa mga tingin niya. 

Masama naman si Kiefer pero hindi ganito ka sama kay Vandeon, pero balang araw magbabago rin si Vandeon, magiging mabait din ito kagaya ni Kiefer. Pagsubok lamang 'to. 

"Yeah. Tumabi ka Riley, kukunin ko sila," 

Tumikhim si Riley, hindi niya kayang tumingin ng deretso sa mga mata nito. Kaya't imbes na sumagot pa, hinayaan niya na lamang si Vandeon na lapitan sina Almika. 

Gusto nang humagolgol ni Amilka na pakawalan na sila ni Vandeon at tigilan na. Kung ano man ang kasalanan ng pamilya niya kay Vandeon matagal na niyang binayaran 'yun, pinatay niya na ang magulang nito, ano pa ba ang kailangan niya? Hindi pa ba tapos ang binata sa plano niya? 

"Wag kang lalapit sa'kin! Ma'am Ladeo! Hindi ko kilala ang taong 'yan! Please help us! Tulungan mo kaming makalabas dito. Gusto niya kaming patayin ng anak ko,"pagma-makaawa ni Almika kay Riley. Pero tila hindi naniniwala si Riley, kilala naman siya ni Vandeon bakit sila papatayin? Si Vandeon na mismo ang nag sabi na magkakilala sila, at sigurado siyang anak ni Vandeon ang bata dahil kamukha niya ito. Baka may LQ lang ang dalawa, 'yan ang nasa isip ni Riley pero gaya rin ni Almika kinakabahan din siya. 

Lumingon siya kay Almika na ngayong umiiyak na habang hawak ang bata. Naawa siya sa babae pero hindi niya ugaling sumali sa problema ng iba, baka may pinag-aawayan lang sila. May tiwala siya kay Vandeon. Lumapit siya kay Almika, hinagod niya ang likod nito. 

"Parang awa mo na tulungan mo kaming makalabas dito, sige na. Hindi ko kilala ang taong 'yan maniwala ka naman sa akin," pagsusumamo ni Almika sa bisig ni Riley. 

"Hindi mamatay tao si Vandeon, Almika, kilala ko siya at isa siya sa mga kaibigan ng taong mahal ko at ama ng anak ko," 

"Mabait ba ang asawa mo? Hindi ba siya pumapatay ng tao?" tanong nito kay Riley. Kumalas naman sa yakap si Riley. Natamaan siya sa tanong nito. Nuong nag-aaway sila ni Kiefer pumapatay na ito ng mga tao at hindi ordinaryong tao. Hindi niya maitatangging natamaan siya. 

Umatras si Riley. "Hindi ko problema 'to, may dapat pa akong tapusin, Ms. Monteverdi, ikaw na ang bahala sa secretary ko Vandeon." hindi makagalaw si Almika sa kanyang kinatatayuan. Pinagmasdan niya lamang ang palabas na bulto ng kanyang boss. Hindi man lang siya nito tinulungan. Mas naniniwala pa ito kay Vandeon. 

"Pwede ba? Tigilan mo na kami! Ano bang problema mo! Pinatay mo na nga magulang ko pati ba naman kami idadamay mo? Anong klaseng tao ka!" galit na sigaw niya mismo sa harapan ni Vandeon. 

"Hanggang ngayon hinahanap mo parin ako? Ganiyan ka na ba kakati. Gusto mo talaga akong patayin ano? Kailan ka pa mananahimik! Hayaan mo naman kami oh! Gusto naming mamuhay ng payapa!" 

Mabilis na nilagay ni Almika ang bata sa kanyang bisig. Hindi niya pinakita ang mukha nito. Pansin niya rin ang pamumula ng mga pisnge ni Vandish. 

"Baby, close your eyes please. Cover your ears too," utos niya sa bata na agad naman nitong sinunod. Nanatili lamang nakamasid si Vandeon sa kanilang dalawa. 

Hindi alam ni Almika kung anong iniisip nito pero kung ano man iyon? Kailangan niyang paghandaan. 

"'Wag mo namang gawin 'to sa harap ng anak ko. He's only 5 years old for damn's sake! Ayokong ma-trauma ang anak ko sa ganitong edad. Maawa ka nama..." 

"Mercy? Do you think I can give you that after what your parents did to me? Do you think I can forgive them? Especially you?!" mariing sigaw ni Vandeon at humakbang papalapit kay Almika. Panay naman atras niya. Kita niya sa mga mata ni Vandeon ang galit. 

"No. I have no mercy when it comes to you and to your family." 

"Ano ba ang ginawa ng magulang ko at pati kami idadamay mo!" 

Ngumisi ng mala-demonyo si Vandeon. Hindi nagustuhan iyon ni Almika. 

"They both took my parents away from me. Pinatay ng walang hiya mong ama ang magulang ko. We're even." Umawang ang bibig ni Almika, natulala siya bigla. 

Wala siyang alam sa ginawa ng parents niya sa pamilya ni Vandeon. Kilala niya ang Mommy at Daddy niya at hindi iyon gagawa ng masama. Pinagloloko ba siya ni Vandeon? 

"I'm not yet done with you two. Since you're related to your parents? I'll kill you too." 

May luhang tumulo na naman galing sa mata ni Almika. Sinubsob niya ang mukha sa leeg ng bata. In the first place pamilya niya ba talaga ang may kasalanan kaya naghihiganti si Vandeon?   O ginagamit niya lang iyon para sa sarili niyang kagustuhan?  

"Huwag mong idamay ang anak ko. Ako na lang ang patayin mo," bulong niya pero sapat na para marinig ni Vandeon. 

Tumawa si Vandeon. Nilabas niya ang baril sa kanyang likuran at kinasa ang gatilyo nito, tinutok niya sa ulo ng bata ang nguso ng baril sanhi ng panlalaki muli ng mata ni Almika. 

"STOP! DONT YOU DARE PULL THE TRIGGER, VANDEON!" 

"Why? Is there something you want to say?" 

Nag tagis ang kanyang mga ngipin. Hinawakan niya nang mahigpit ang anak habang mahimbing itong natutulog sa kanyang bisig. Walang kaalam-alam ang bata na tinututukan na pala siya nito ng nguso ng baril. 

Mura ng mura si Almika sa kanyang isipan. Kinuyom niya nang mariin ang kanyang dalawang kamao. Gusto niyang suntukin si Vandeon pero nag-aalala siya sa anak niya. 

Inangat niya ang ulo at tinapunan ng masamang tingin si Vandeon. 

You'll regret this day Santford, how dare you point your gun to my son's head! You don't know him at wala akong planong sabihin saiyo ang totoo. 

"Hindi ka ba ulit magmamakaawa? You used to do that before, remember?"  

She cleared her throat. Sinuklay niya 'yung buhok muna ni Vandish bago tinitigan ang baril na nakatutok sa ulo ng anak niya. 

"Choose yourself." bulong niya at sinipa niya ang kamay ni Vandeon para mailayo 'yung baril, ngunit mautak din si Vandeon, bago pa man umatake muli si Almika hinila niya ang damit nito at kinuha ang bata sa bisig niya. 

Nag mulat naman ng mata si Vandish at inosente itong nakatingin kay Almika pero alam ni Almika na kinakabahan narin ang anak niya. 

"TANGINA MO IBALIK MO ANG ANAK KO SA AKIN!" 

Ngumisi si Vandeon. 

"Wanna die too?" 

"FVCK YOU!" 

****

FL03 (Story from the past) 

"Are you sure about this, Almika? I can give you a job if you want." 

"I'm okay, Kace. May inaplayan na akong trabaho ngayon, naghihintay lamang ako ng mensahe mula sa kanila," 

"Anong klaseng trabaho naman 'yan?" 

"Secretary ni Miss Ladeo." Umatras naman siya bigla nang banggitin ko si Miss Ladeo, kilala niya kaya? 

"Kilala ko siya." 

"Talaga?" gulat ko namang tanong. 

"Asawa siya ni Kiefer, isa sa mga kaibigan ko. She's a badass girl, I think both of you can work well together. Mabait rin naman iyon." 

"Are you sure? Balita ko kasi mailap si Ma'am Ladeo," 

"Well she is. Pero kilala ko naman iyon, I can talk to her if you want..." 

Magsasalita pa sana ako kaso pinigilan niya ako. "Nah, hindi kita tutulungan, kakausapin ko lang siya." 

Ngumiti ako. "Thank you again, Kace." 

"No worries!" 

PINUNTAHAN KO ang university namin noon. Dito nagsimula ang love story namin ni Vandeon, kung saan masaya pa kami, walang problema at kaming dalawa lamang. 

After I found out that I was pregnant, he disappeared. Hinanap ko siya, and I found out that his parents were dead. Dahil duon ay nagsimula ang kinatatakutan ko, he killed my parents and kidnapped me. Lucky, dahil nakaalis ako mula sa mga kamay niya. 

Kace helped me escaped that day. Malaki na ang tiyan ko noon, wala siyang pakialam sa amin. He turned to a cold person, walang kinatatakutan. I was scared, I thought mawawala na sa akin ang anak ko. 

Dahan-dahan kong inangat ang mga kamay nang maramdaman ko ang init sa aking pisnge. May luha na palang dumadaloy. 

"Almika? Is that you?" 

Napahinto. "Ikaw nga! Almika, kamusta kana?!" 

Natigilan ako nang bigla akong yakapin ng isang babae. "Kamusta kana? Ang ganda ganda mo parin!" 

Hinarap ko siya. "Entice?" 

Gulat ang kanyang mukha nang harapin ko siya. Malaki ang pinagbago ni Entice, mas lalo siyang pumayat at kitang-kita na ang dark circles sa kanyang mga mata. Stress ba ang babaeng ito? 

"Woah! First time kong makita ang totoo mong mga mata! Its beautiful." 

"What happened to you?" imbes na pansinin ang sinabi niya. 

Mabilis naman siyang umiwas ng tingin at pilit ngumiti. "Ano ka ba, ayos lang ako noh, kapos lang sa pera," 

Huminto noon sa pag-aaral si Entice nu'ng nasa 4th year college na kami. Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya dahil pagkatapos nun ay wala na kaminh balita sa kanya. 

"Answer me." 

"Ayos lang talaga ako, Almika," 

"Answer me, Entice!" 

"Huminto ako noon sa pag-aaral dahil buntis ako at pinalayas ako ng magulang ko, Almika. Hindi rin ako tinanggap ng pamilya ni Jonas, hinayaan nila akong manglimos sa daan habang karga ko ang anak ko, Almika. Hiyang-hiya ako at naaawa ako sa sarili ko," 

Umiyak siya sa aking harapan habang ako naman ay gulat ang reaksyon. 

"Sinubukan kitang kausapin kaya lang hindi kaya ng konsensya ko. Ako ang may kasalanan kung bakit nabuntis ka ni Vandeon, Almika. Patawad." 

"Why did you do that?" 

"G-Gusto ko lang naman maghiganti kay Vandeon, hindi ko inaasahan na gagawin niya iyon sa iyo. Hindi dapat ikaw 'yung babaeng kasama niya sa gabing iyon, hindi dapat ikaw ang aako sa kasalanan ko," 

"Thank you." 

Mabilis na umangat ang kanyang ulo. Nagtaka sa sagot ko. 

"Kahit na ginawa mo iyon ay nagpapasalamat parin ako dahil sa nangyari nabuo ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko. May kasama akong mamuhay, hindi ako nag-iisa." 

Kung wala si Vandish, wala akong kasama ngayon. 

Ngumiti ako. "He didn't know that I was carrying his child that day. Hindi pa ako handang sabihin sa kanya ang totoo. Hinanap ko si Vandeon, but I can't find him. He disappeared, and I found out that his parents were dead." 

"When he saw me, galit na galit ang kanyang mga mata. Saksing-saksi ako kung paano niya patayin ang Mommy at Daddy ko, sobrang sakit nu'n. Hindi ko inaasahan na gagawin iyon ni Vandeon sa pamilya ko. Maganda naman ang samahan ng pamilya namin, pero bakit humantong sa ganu'n?" 

"A-Almika, I'm sorry..." 

"He killed them! At may balak siyang patayin rin kami!" 

"Almika..." 

"Mabuti nalang nakatakas kami sa mula kanya, Entice. Tinulungan ako ni Kace. Akala ko duon na magtatapos ang buhay namin." 

Naramdaman ko muli ang pagtulo ng mga luha ko. 

"I'm still scared." 

**** 

Hello everyone, sa mga naguguluhan parin, read the whole story po para maintindihan niyo po ang daloy. Medy

o magulo po siya sa umpisa dahil iyon talaga ang nasa plano or daloy ng story ko. In order to find the purpose of this story, you need to dig deep and look for its ending. Happy reading! 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status