Share

BS03: Hidden Son Of Mr. Santford
BS03: Hidden Son Of Mr. Santford
Penulis: Chamyxoxox

Prologue

Penulis: Chamyxoxox
last update Terakhir Diperbarui: 2023-08-17 12:35:57

"She's fine, the baby is also fine. Do you need something, Mr. Santford?" rinig kong tanong ng butler ni Vandeon sa kanya. Nanatili lamang nakapikit ang mga mata ko, gustuhin ko mang buksan ito ay hindi ko ginawa, ayokong makita ang mukha ni Vandeon, galit na galit ako sa ginawa niya sa akin. Siya ang may pakana ng lahat, he killed my mother, my father at may balak pa siyang patayin kami ng anak niya. How dare him, pero hindi niya alam na anak niya ito at wala rin naman akong balak na sabihin sa kanya ang totoo. Walang amang mamatay tao ang anak ko. 

Kinuyom ko nang mariin ang kamao ko. Pilit kong pinipigilan ang pag agos ng mga luha ko. Hindi ko pwedeng ipakita sa kanya na mahina ako, na wala akong lakas na loob para lumaban. Ngunit, how can I fight back kung isang bilyonaryo ang kalaban ko? 

"Do I look like I need something? Just check her and the baby, don't let her escape or else I'll kill you." mariin na sagot ni Vandeon at ramdam ko ang matalim na tingin nito sa gawi ko. Bigla akong kinabahan. Ano kaya ang plano niya sa amin, why is he doing this to us. 

"Sino po ba ang ama ng dinadala niya, boss?" tanong ng isa sa mga tauhan niya. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata, nakita ko siyang nakaupo sa sofa habang may hawak na baril sa kamay. S-Shit. 

"Sa pagkakaalam ko hindi rin alam ni boss, 'di pa kasi nagsasalita si Ma'am tungkol sa pinagbubuntis niya e." sagot din ng isa sa mga tauhan niya. Hindi kasi umiimik si Vandeon. Sa pagkakataon na ito nag-iisip na siguro siya kung papaano niya kami papatayin. Kilalang-kilala ko na siya. Ang alam lang ng mga tao sa kanya ay matalino, mabait, mayaman, gwapo at tuso sa mga negosyo. Wala siyang kalaban dahil pati mga barkada niya rin ay mamatay tao rin. 

"When she wakes up? Kill her and the baby." mariing sabi niya at isang ingay ang narinig ko sa mesa bago siya tuluyang lumabas. Naramdaman ko naman ang pagbagsak ng luha ko. Akala may pakialam siya sa akin, akala ko mahal niya ako. Wala akong kwenta para sa kanya kaya't habang nabubuhay pa ako magiging tago mula sa kanya ang batang ito. 

Dahan-dahan kong inangat ang kamay. Pinunasan ko ang luha ko at dahan-dahan ring umupo. Nang makita ako ng mga tauhan ni Vandeon, bigla silang nataranta at nag-uunahan na kumuha ng baril. Ngumiti ako ng malamya, hinawakan ko ang tiyan ko, malapit na akong manganak. Hold on baby, I'll protect you no matter what. 

"Almika, You should rest!" Tarantang sigaw ng isang lalaking kakapasok lamang. Napalingon naman ako at nanlaki ang mga mata nang mamukhaan ko siya. It was Kace. 

"Kace!" masayang sigaw ko. Pero bago siya lumapit sa akin, sinamaan niya muna ng tingin ang mga tauhan ni Vandeon, kaya't unti-unti nitong binaba ang mga baril. 

"Lumabas muna kayo." utos niya sa mga ito. Halata namang ayaw ng mga tauhan ni Vandeon. 

"Kilala niyo ba ako?" 

"Opo, Sir!" Nag-uunahan silang lumabas. Yumuko ako, ito na naman ang luha ko, tutulo na naman. Nakakainis! 

"You need to get out of here now, Almika." bulong niya sanhi nang pag lingon ko sa gawi niya. Anong ibig niyang sabihin? Alam kong may binabalak si Vandeon, pero hindi niya ako basta basta mailalabas dito kahit na sa ibang bansa. 

"Alam mong hindi ako makakalabas, Kace. Maraming koneksyon si Vandeon, delekado kapag tatakas ako mula sa kanya." 

"I know he's more powerful than me, but I can protect you with my own power, he doesn't know me well, Almika, pag dating sa sekretohan walang pakialamanan kaya sundin mo ako," kumunot ang noo ko. Anong plano mo, Kace? 

"Anong gagawin mo?" kinakabahan na tanong ko. Lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang pisnge ko. Nanlamig naman ako dahil sa ginawa niya. May gusto ako kay Kace noon, pero hindi ko man lang masabi-sabi sa kanya dahil may girlfriend na siya at mahal na mahal niya. Kaya mag-kaibigan na lamang kami at tanggap ko naman iyon. 

"Come with me, and trust me." sabi niya at hinawakan niya ako sa kamay. Dahan-dahan akong bumaba mula sa kama. 

"This is for the both of you, kapag hindi pa kayo lumabas dito? He'll kill you. Pareho sila ng ugali ni Kiefer, pero mas demonyo ang kaibigan kong 'to, Almika," 

"Who's Kiefer?" kunot noo kong tanong at tuluyan na ngang nakababa mula sa kama. 

"You don't need to know, mamatay tao din iyon." Lumunok ako. Hindi na ako nag tanong pa. Dahan-dahang binuksan ni Kace ang pintuan. 

"Wala ang mga tauhan ni Vandeon dito, lets go!" dahil na rin sa kaba na baka mahuli kami ni Vandeon, sinunod ko ang utos niya na magmadali kami. Natatakot ako na baka makita niya kami. Jusko naman. 

Sumakay kami ng elevator. Binalot niya sa umuumbok na tiyan ko ang kanyang leather jacket, at pinasuot niya naman sa akin ang shades niya. Tatanong na sana ako nang may panibagong pumasok na naman sa elevator, medyo masikip na at may naamoy pa akong hindi ko gusto. 

"Are you okay?" tanong niya sa likuran ko. Mukhang napansin niyang hindi ako komportable. Tinakpan ko ang ilong ko dahil nasusuka ako, shit! Not now baby. 

"Nasusuka ako sa amoy," bulong ko at hinawakan siya sa braso. Nangangatog na din ang paa ko. 

Sumenyas siya sa akin. "Lumapit ka sa akin." sinunod ko ang sinabi niya. Hindi ko inasahan ang ginawa niya, niyakap niya ako, pinasobsob niya ang mukha ko sa leeg niya kaya't ang pabango niya ang naamoy ko. I like his smell. Medyo kumalma na ako. 

"MAY NAWAWALANG PASYENTE SA ROOM 233, ISANG BABAENG BUNTIS. KANINA PA NAGHAHANAP SI MR. SANTFORD, KAPAG MAKITA NIYO PO AY MAARI PAKI BALITAAN KAMI AGAD, AGAD NA AGAD PO TAL...Ahhh!!" 

"Bullshit!"

Tila naubusan ako ng dugo sa mukha. 

"If I we're you? I won't escape dear. Pinapaaga mo lang ang kamatayan mo." malamig na sabi niya kasabay nito ang pag bukas ng elevator. Mabilis akong hinila ni Kace palabas, ramdam ko ang panlalamig ng kamay niya. Natatakot din siya kay Vandeon. 

"My car is waiting outside. My men will fetch you, lumabas kayo ng bansa okay? Planado na ang lahat, Almika, luluwas kayo ng ibang bansa together with my bodyguards. Please take care of yourself, palakihin mo ng tama ang bata. 'Wag mong ipakilalang ama si Vandeon sa kanya. Please go now." tumulo na naman ang luha ko. 

"Why are you doing this?" 

"Not now, Almika, sige na umalis kana. Ako na bahala kay Vandeon, sumakay kayo sa private plane ko." Hinila niya na naman ako papasok sa kotse niya. Ako naman panay hagolgol, hindi ko matanggap na totoo ngang papatayin ako ni Vandeon. Wala talaga siyang awa, uubusin niya lahat ng mga taong malapit sa akin. Fvck you, Vandeon. 

"Thank you for saving my life, Kace Gunner." 

Hinawakan ko ang tiyan ko. 'Wag mo akong iwan baby ah, kumapit ka ng mahigpit sa akin, aalagaan ka ni Mommy. Mas gugustuhin kong wala kang ama kaysa naman sa meron pero mamatay tao naman. 

"I will find you, and end you woman." 

Halos ito ang naririnig kong salita mula sa isip niya. 

I'll promise, I will keep my son, at hindi ko siya ipapakilala sa sarili niyang ama. Kapag malaman niya man ang totoo, I will let him chase us, I will never back down. 

"Miss, someone is following us!" Tarantang sigaw ng driver sanhi nang pagbalik ko sa reyalidad. 

"Ano po, Manong?" 

"Sasakyan ni Sir Santford sumusunod sa atin, Ma'am. Humawak po kayo ng maigi. Susubukan ko ho siyang lituhin." 

"Please, Manong, tulungan mo akong makalayo!" 

"Kung malakas si Sir Gunner, triple naman si Sir Santford, Ma'am." 

Alam kong masama talaga siyang tao, pero umaasa ako na magbabago siya. Na aakuin niya ang mga kasalanan niya. 

Pinikit ko ang mga mata. Tanging mga busina lamang ng mga sasakyan ang naririnig ko. Hindi ko narinig ang boses ni Manong. 

Kung magkikita man kami ulit? Sana hindi na siya masama. 

"Take this card, may pera sa loob nito. You take care of the child and stay away from that bastard." 

Huling sinabi ni Kace sa amin. Sumakay kami sa private plane niya at nagpasalamat na ligtas kaming dalawa ng anak ko. May mga pasang natamo ang driver ni Kace, sabi niya hindi naman daw malala pero masakit. Well, hindi talaga ito palalampasin ni Vandeon. Papatay talaga siya ng tao. 

"Patingin ng tiyan mo," may lumapit sa aking doctor. Nilingon ko naman si Manong, nagtataka. 

"From now on, I will be your personal doctor, Miss Monteverdi." 

At dito nagsimula ang buhay ko. 

I got pregnant by the billionaire, but he doesn't know that It was me, he fvcked that night. 

***

Billionaire series 03.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • BS03: Hidden Son Of Mr. Santford    Special Chapter

    Almika Sheen Monteverdi"I'm so happy right now, Almika. Finally ikakasal kana." ngiting bungad sa akin ni Riley. Kasama niya sina Freena at Yeena na nasa likod niya, kapwa silang nakangiti din sa akin. Sobrang gaganda nila ngayon. Nanliit tuloy ako sa sarili. Charot! Ang totoo palang pangalan ni Freena ay Freena Lohr Santford, siya ang bunsong kapatid nina Skie at Vandeon. Hindi niya inamin sa akin noon na magkapatid sila dahil ayaw niya akong saktan, hindi naman siya kampi sa kuya niya noon, sa katunayan nga daw? Gusto niya ring pigilan ang kapatid sa masamang plano nito. I'm not mad at her. Nagpapasalamat pa nga ako dahil nakilala ko siya. "You looked gorgeous today!" aliw na sigaw naman ni Penelope mula sa labas. Inismiran ko siya. Ngayon lang ba talaga ako maganda? Pambihira talaga itong si Penelope eh. Kasama naman niya sina Alexandra, Hanna, Carmela at Calli, sabay silang kumaway sa akin kayat kumaway din ako pabalik. Nga pala nagbati na kaming dalawa ni Penelope. Sinabi niy

  • BS03: Hidden Son Of Mr. Santford    Billionaire Series 05

    Aria's POV "Keep your eyes open!" sigaw ni Triton. Sabay-sabay naman kaming tumango at sinundan siya papasok sa isang malaking bodega na sa tingin ko ay pagmamayari ni Kelton. Nu'ng nalaman nila ang location ni Kelton, hindi na sila nagdadalawang-isip pa, miski si Triton ay parang kating-kati niya nang patayin ang taong iyon. He's really mad. Siguro may malaking kasalanan ang taong 'yon sa kanya at gusto kong malaman kung ano 'yun. Napansin kong ngumisi si Vena sa tabi ko. Inirapan ko naman siya at tiningnan ang mga pasa niyang natamo kanina sa laban, mabuti na lang hindi namatay 'tong gagang 'to. Kung namatay siguro 'to baka kanina pa nagpakamatay si Skie, chos! Hindi pwedeng gawin ni Skie iyon, lalo na't may dalawa siyang anak. Siniswerte naman si kamatayan kung magpakamatay din si Vena 'noh? "He's inlove with you," bulong niya sa tabi ko. Napansin naman ni Yeena 'yon at mukhang narinig niya pa kaya't sumilay ang nakakalokong ngisi sa labi niya. Fvck! Wala talagang magandang idu

  • BS03: Hidden Son Of Mr. Santford    Falling

    Almika's POV We ate together. Kinalimutan ang mainit na titigan kanina. Kung hindi umalis si Vandeon, baka kanina pa ako natumba sa panginginig ng katawan. I don't understand why I am feeling this way. Hindi ko naman crush si Vandeon or what but every time he's close naduduwag ako. Nawawala ang tapang ko. We're best friends nasisiguro ko iyon but damn it! Hindi ko matapos-tapos ang pagkain ko dahil sa kakaisip. And he wants to sleep with me! Sinong hindi mababaliw duon? Tatabi siya sa akin, kakaloka. I can't believe this is happening. "Are you full?" mahinang tanong niya kayat nabaling sa kanya ang tingin ko. Kakatapos niya lang kumain at ngayon ay nagpupunas na siya ng kanyang labi. Napalunok ako. Unti-unting yumuko upang hindi makita ang kanyang labing sobrang pula, tila nang-aakit. Fvck! Ano na ang nangyayari sa akin... "Almika, are you alright?""Ah, hindi naman sa ganun, Vandeon..." "Napapansin kong kanina ka pa tahimik. Did I make you uncomfortable? I'm sorry," halos pabulo

  • BS03: Hidden Son Of Mr. Santford    Sleep

    Almika's POV "Is this your house?" manghang tanong ko sa kanya habang nasa malaking bahay ang aking atensyon. Napapaligiran ng mga kahoy ang malaking bahay ni Vandeon. Sobrang laki at halos transparent lahat ang mga bintana. Kitang-kita mula rito ang magandang view sa labas na may maliit na sapa. Hindi pa gaanong detalyado talaga ang bahay pero sobrang ganda niya na. Wala pang pintura. Plain palang ito ngayon pero halatang matagal nang pinagplanuhan ang bahay. Well, para naman ito sa magiging pamilya niya. How did he build this house? Nag-aaral pa naman siya. Ganun ba talaga kayaman ang pamilya nila? Sa pagkakaalam ko ay student parin siya at walang trabaho. "Do you like it?" "Wow! Ang ganda ng bahay, Vandeon! Ang ganda ng view sa labas! Kitang-kita sa itaas ang pagbagsak ng ulan dahil sa glass window!" hindi maitago ang pagkamangha. Ngumiti lamang siya at tumango. Lumapit siya sa malaking pintuan ng bahay ay unti-unting binuksan iyon. Bumungad sa amin ang malaking chandelier sa

  • BS03: Hidden Son Of Mr. Santford    Future

    "Hindi ito ang gusto ko para sa anak natin!" "Anong gusto mong gawin ko ha? Hayaan ang mga iyon na pabagsakin tayo?! Mag isip ka nga!" Heto na naman silang dalawa, nagsimula na naman. Mabuti na lang talaga nasanay na akong ganito lagi ang eksesna sa umaga. Hindi na ako naririndi, ginawa ko na lamang na alarm clock sa umaga ang boses nila. Inayos ko ang aking sarili. Naglagay ako ng kaonting kolorete sa mukha, ayos ng kaonti sa buhok. Since walang pasok ngayon, sasama ako kung saan man ako dadalhin ni Vandeon. Ayaw ko namang tumalikod sa usapan namin ano, I said yes to him yesterday so. And isa na rin sa rason ay ayaw kong marinig sina mommy at daddy. Ang ingay ingay kasi nilang dalawa. Tungkol na naman 'yon sa negosyo panigurado. Gosh! Kinuha ko ang aking maliit na bag sa kama at napagpasyahan na lumabas. Nadatnan ko sina mommy at daddy na problemado ang mga mukha. Hindi ko na lamang pinansin baka madamay pa ako. Baka hindi rin ako payagan lumabas, no way! Lumabas ako ng bahay ha

  • BS03: Hidden Son Of Mr. Santford    What Happened?

    Almika's POV "Nakita ka raw nina Lily kahapon kasama si Vandeon, Almika?" bungad ni Entice sa akin. Binaba ko ang aking bag at umupo sa kanyang tabi. "Anong meron?" kunot noo kong tanong tsaka hinarap ang blackboard namin na may sulat. Assignment iyon at bukas ipapasa. Wala raw kasi si Sir ngayon, may meeting daw na pupuntahan. Kakapasok ko pa nga lang eh, nawala kaagad siya. Medyo na-late pa nga ako dahil kina Mommy at Daddy na bukambibig lagi ang negosyo, wala na silang ibang inatupag kundi ang trabaho nila. Pagkagising ko ay bangayan nila ang umingay sa loob ng bahay. Ewan ko kung ano na naman 'yung pinag-aawayan nila, lagi naman silang ganyan. Ni walang pakialam sa kung anuman ang mararamdaman ko sa tuwing naririnig sila. Lagi rin nilang sinasabi na ako ang mamana ng lahat, ng ari-arian namin. Makukuha ko lamang iyon kapag nagkaasawa ako. Matagal pa naman iyon kaya susulutin ko muna ang college life ko ngayon. Nilabas ko ang aking notebook. "Kalat na kalat na 'yon sa buong cam

  • BS03: Hidden Son Of Mr. Santford    Almika Sheen Monteverdi

    Almika's POV "Para kang santo na sinasamba ng mga kalalakihan. You are so beautiful, Almika Sheen Monteverdi but it seems like you didn't notice it. You keep turning them down, why? Do you like someone else?" Pang ilang beses na itong tanong ni Althea sa akin. Napaka-chismosa niya. Hindi naman sa tinu-turning down ko ang mga nanliligaw sa akin. Ang akin lang ay ayoko munang magpaligaw dahil ayaw ko. And duh! Anong santong pinagsasabi ng babaeng 'to? Nahihibang na ba siya? "Why are you asking?" "Uhm, kasi sayang 'yong mga poging nanliligaw sa'yo, ang yayaman pa pero ni isa ay wala kang pinili sa kanila. Are you inlove with someone? You can tell me, hindi ko sasabihin sa ibang tao," Halos tumirik ang mata ko sa iritasyon sa kanya. Unang-una pa lang talaga ay ayoko na talaga sa kanya. Maharot siya at walang tigil ang kanyang bibig. Ang ingay-ingay. Hindi ko naman kailangan ang mga opinyon niya, I just want to live a peaceful life. Can she give that to me? Oh God. Sa kanya pa yata ak

  • BS03: Hidden Son Of Mr. Santford    Epilogue

    Almika's POV1 year later"Mamma, ho un brutto sogno!""What is it?" ngiting tanong ko sa anak ko. Habang tumatagal nagiging kamukha niya na talaga si Vandeon. Argh! I missed him already, sana ay masaya na siya ngayon kung nasaan naman siya. Hindi parin ako magsasawa na mahalin ka, Vandeon. Mahal na mahal kita. "Iiwan mo rin ako, mommy. Don't leave me, mommy." Tumango ako sa anak ko. Sumenyas ako na lumapit siya sa akin. Niyakap ko siya ng mahigpit habang hinahaplos ang kanyang buhok. "I won't leave you, baby, hindi kita iiwan kahit na mamatay man ako, Vandish. Panaginip lang 'yon anak." "But, mommy... what if, it will happen?" "It will never be," pag kumbinsi ko sa kanya. Hindi 'yon mangyayari dahil hindi ko hahayan na mangyari 'yun. Ako na lang ang natira ngayon, wala na si Vandeon, iniwan niya na kami but still? He's still in my heart. "Come on! Gusto mo bang dalawin si daddy?" masiglang tanong ko sa kanya. "Yes, mommy!" "Alright, little demon, lets go!" Sumakay kami ng sas

  • BS03: Hidden Son Of Mr. Santford    Chapter 40

    Third Person's POV"Ang lakas din naman pala ng loob mong magpakita ngayon sa gan'yang kalagayan. Sa tingin mo ba kaya mong labanan ang kaibigan mo?" mariin na tanong ng matanda kay Vandeon. Hindi siya umimik, nanatili lamang malamig ang kanyang mukha. Nasa malawak na field sila ngayon, teritoryo ito ng mga Alcazar. Sa harapan niya ay sina Mr. Alcazar at Yeena na nag-aalalang nakatingin sa kanya. Nakagapos ang mga kamay nito. At ang anak niya namang si Vandish ay nakayuko habang nakakadena ang mga paa at kamay nito. Sa pag kakataon na 'to, gusto niya nang sumugod, gusto niyang iligtas ang anak niya, pero? May kondisyon ang matanda. Hindi siya pwedeng basta-basta na lamang sumugod kundi patay talaga ang anak niya. "Naaawa ako sa kalagayan mo ngayon, Vandeon. Kung hindi mo sana ako tinakasan sa tingin mo ba mangyayari ang lahat ng 'to? Matalino ka hindi ba, Santford? Anong nangyari?" tumawa ng napakalakas ang matanda. Pati mga kaibigan niya ay nagtitimpi narin. Hindi sila pwedeng sumal

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status