Almika Sheen Monteverdi's POV
"Magandang umaga po, Ma'am Monteverdi, tinanggap na po ni Ma'am Ladeo ang resume niyo, bukas na bukas po ay pwede na kayong mag simula sa trabaho." paalala sa'kin ng isa sa mga empleyado ni Ma'am Ladeo. Tumango naman ako sa kanya at nagpa-salamat. Nilagay ko sa loob ng bag ko ang cellphone ko 'saka ako sumakay sa kotse ko. Tinungo ko 'yung daan pauwi sa inuupahan naming bahay ng anak ko. Mahal kasi ang condo unit, kaya sa maliit na bahay kami tumitira ngayon at 'saka luma naman 'yung bahay pero kapag nilinisan mo? Magbabago ang anyo. Malapit na rin pala ang deadline ng bayarin, hays.
Mayaman naman kami pero hindi ko pa pwede makuha 'yung iniwan sa akin hangga't hindi pa ako kasal. Wala parin naman akong balak mag-asawa dahil mas priority ko ang anak ko ngayon, titiisin ko muna ito ngayon, kapag mahanap ko na ang taong pwede sa akin magpapakasal na ako.
Pinark ko ang kotse ko sa gilid ng maliit namin na bahay, hinubad ko ang sling bag ko 'saka pumasok na sa loob. Tumambad sa'kin si Manang, ang nagbabantay sa limang taong gulang kong anak. Kumunot ang noo ko, mas lalo yatang pumula ang pisnge ni Manang ngayon ah, anong meron?
"Naku, Ma'am, buti ay dumating na po kayo! Si Vandish po kasi!" tila kinakabahan nyang saad. Hinawakan ko s'ya sa braso upang pakalmahin.
"What's the problem, Manang? May nangyari ba?" tanong ko habang inaangat ang tingin para hagilapin kung nasaan na naman ang anak ko.
"Nilagyan niya po ng spicy ketchup ang mukha ko Ma'am, ang anghang!" hindi niya na ako hinintay na sumagot dahil mabilis itong lumabas para maghilamos.
Hinilot ko nang mariin ang sentido ko. Dahan-dahan akong humakbang papasok sa kwarto ni Vandish, nadatnan ko siyang tumatawa habang kalaro ang kanyang robot na laruan, kakabili ko lang nyan sa palengke, mura lang kaya't binili ko. Nanatili lang ako sa labas ng pinto, pinagmasdan ko ang anak ko na naglalaro.
Siguro kung lumaki ito sa ama niya paniguradong lahat nang gusto niya ay makukuha niya, siya ang mamana sa yaman ni Vandeon, pero ayokong lumaki ang anak ko sa mamatay tao, mas mabuti nang maghirap kaysa pakisamahan ang taong anytime ay sasaksakin ka.
Meron na akong trabaho anak, lilipat na tayo sa mas komportableng higaan at sa malinis na kapaligiran. Bumuntong hininga ako, unti unti kong nilakihan ang siwang ng pinto. Napansin niya naman iyon kaya't agad syang lumingon sa akin, I met his silver eyes like mine pero naka contact lens ako ngayon, ayoko lang ibandara ang mata ko. Masyadong nakakaagaw ng pansin at baka mahanap ako ni Vandeon. It's been years past already. Hindi niya ako nahabol ngunit patay naman 'yung driver ni Kace, pinatay ng walang hiyang Vandeon.
"Mommy! You're here!" Sinalubong ako nang mahigpit na yakap ng anak ko. Sumubsob naman ako sa leeg niya.
"How's my son?" tanong ko at ginulo ang buhok niya. Sobrang gwapo talaga ni Vandish. Namana niya lahat ang genes ni Vandeon, isang tingin mo pa lang sa mukha niya kamukha niya na talaga ang mayamang si Mr. Santford, sana naman hindi mag tagpo ang landas nila. My son deserve a better life. I can give him that. Wag lang sanang umepal si Vandeon.
"Someone is here kanina, Mommy, kinausap ni Yaya 'yung mga matataas na guys, they also bring big cars, Mom." Mahigpit kong hinawakan sa likuran si Vandish. Kung sino man ang mga taong iyon posibleng babalik sila sa lugar na ito, kailangan ko na talaga ng pera, bukas na bukas maga-advance ako ng sweldo para panglipat namin. Dadalhin ko rin si Vandish, baka isa iyon sa mga tauhan ni Vandeon, hindi niya pwedeng malaman na rito kami nakatira.
"Mommy, I'm scared. Para bang kukunin nila ako palayo sayo Mommy, don't leave me here, Mommy." Tumango ako sa kanya. Niyakap ko siyang muli. Nagsisimula na naman siya, ito ba talaga ang gusto niya? Ang pahirapan kami? Pwes, nagkakamali ka Vandeon. When I was a kid tinuruan ako ng magulang ko kung papano lumaban, pasalamat ka't buntis ako sa anak mo noon kaya't hindi ako makalaban saiyo, inuna ko ang kapakanan ni Vandish pero ngayon, kaya na kitang harapin, makikita mo ang hinahanap mo.
"Sleep now, son, isasama kita sa work ko bukas."
"Yeheeey!"
Kinumutan ko siya, hinalikan ko sa pisnge ang anak ko. Habang pinagmamasdan kita anak mukha ng walang hiya mong ama ang nakikita ko, I hope na hindi ka matulad sa kasamaan ng ama mo.
"Good night, baby."
***
Dinala ko nga ang anak ko sa kompanya, sinama ko na rin si Manang na dala-dala ang maleta namin. Iiwanan ko muna sila sa staff room habang ako naman gagawin 'yung trabaho ko. Makulit pa namang bata si Vandish, hindi siya mapapalagay, gusto niya talagang mag laro nang mag laro.
"You behave Vandish, magwo-work lang si Mommy muna ah. 'Wag kang malikot,"
"Yes, Mommy! I love you!"
Ngumiti ako, niyakap siya at hinalikan sa pisnge at ilong. "I love you more baby."
Tumango ako kay Manang na siya na muna ang bahala sa anak ko. Nag pakawala ako ng malalim na hininga bago tinungo ang office ni Ma'am Ladeo, hindi ako kinakabahan dahil kita ko naman kung paano mag trabaho noon sa Office namin ang secretary ni Dad. Hays, I hope my parents were still here, I missed them so much.
Nang marating ko na ang office ni Ma'am, saglit akong naghintay sa loob. Malinis ang opisina niya, simple lang pero sumisigaw ang pera na ginastos nila sa bawat furnitures na nakikita ko. Hays, kamusta na kaya 'yung mansyon namin? Pina-ambush na kaya iyon ni Vandeon? Sama talaga ng uri ng lalaking iyon.
Maya maya pa ay may narinig akong click ng pinto kaya't tumayo ako ng tuwid, pumasok ang isang babaeng sobrang ganda, ang puti puti niya rin, she's like a goddess for me. Ito na yata si Ma'am Ladeo, ang ganda naman ng boss ko.
Ngumiti ako.
"Good morning, Ma'am Ladeo, I am Almika Sheen Monteverdi, your new Secretary." pakilala ko ngunit tila kinakabahan na ako ngayon. Pinagmasdan niya ako saglit bago tumango. Humakbang siya palapit sa kanyang desk.
"Where are you from? Mukhang may half ka. Foreigner?" tanong niya at umupo siya sa lamesa niya.
"I'm from the Philippines. Yes may half ako, half Italian." sagot ko. Tumango naman siya at humarap sa kanyang laptop.
"Cancel all my appointments today, may pupuntahan lang ako." saad niya at sinara niya ang kanyang laptop. Tumango naman ako at tiningnan 'yung papel na hawak ko.
"Okay, Ma'am Ladeo." Yumuko ako at umatras para padaanin siya ngunit akmang lalabas na siya ng bigla na lamang tumakbo ang anak ko papunta sa akin. Tawang-tawa pa siya, hindi niya alintana 'yung pawis na namumuo sa noo niya, itong batang 'to talaga oh.
Inangat ko ang tingin. "Sorry, Ma'am, this is my son, Vandish, wala kasing magbabantay sa kanya sa apartment ko kaya sinama ko na lamang. Pasensya na po talaga Ma'am, bukas hindi ko na siya isasama,"
I'm sorry, Manang.
Umiling siya. "It's okay, you can bring your son here anytime you want. Avoid making mess." ngiting sagot ni Ma'am Ladeo. Nagpasalamat naman ako 'saka ko nilingon si Vandish na ngayon ay mukhang inaantok na. Naku naman.
"Your son is so handsome," ngumiti ako sa kanya.
"Thank you, Ma'am." pagkatapos kong sabihin iyon kumunot pa ang noo niya bago tuluyang nawala sa paningin ko.
"Baby, are you sleepy na?" I asked my son. Tumango-tango naman siya. Ginulo ko ang buhok niya 'saka ko siya kinalong palabas ng opisina kaya lang? Bigla akong napahinto nang may namukhaan akong isang lalaki.
"Shut it Roswell, I don't need anything from you, basta tumupad ka sa usapan!"
"Gago! Kayaman-yaman mong tao mamburaot kapa."
"Kay Kiefer ka magnakaw ng pera ulol."
"Gago mo, Vandeon!"
Fvck i-is that him?
***
FL01 (Story from the past)
"I was drunk that night, Almika!" sigaw ni Entice.
"Lasing din ako nu'n, Entice! Pero maling-mali 'yung ginawa mo!" galit na sigaw ko naman pabalik.
Kakalabas lang namin ng room namin at ito agad kami nagsisigawan sa labas. Marami namang mga estudyanteng napapatingin sa gawi namin, ang iba ay wala namang pakialam pero halos meron. Daming mga chismosa eh. Hindi talaga nila ito palalampasin, sikat na sikat pa naman itong si Entice kaya't hindi talaga maiwasan ng iba ang lumingon sa gawi namin.
"Vandeon was drunk last night, Almika. Hindi ka niya makikilala," giit niya na naman.
Gigil kong sinabunutan ang buhok ko. Damn it! Vandeon was drunk because of her. Wala akong alam kung anong inumin ang binigay nilang dalawa kagabi kay Vandeon, wala akong ideya. Inimbita kaming dalawa ni Sonia dahil birthday niya at may inuman daw, ayoko namang maging kj kaya't sinunggaban ko at hindi ko alam na andun rin pala si Vandeon, kasama mga kaibigan niya. Hindi naman tinamaan ang mga kaibigan niya, but Vandeon... fvck it.
"Kapag nalaman ko lang talaga 'yung binigay mo or nilagay mo sa inumin ni Vandeon? I will sue you, Entice. Wala akong pakialam kung magkaibigan tayo!"
Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Tinungo ko ang sasakyan ko at galit na sinuntok ang upuan.
"Argh! Damn it!"
I was mad because of what happened last night. I was drunk too I won't deny that, but hindi ako makapaniwala na ginawa namin iyon ni Vandeon. Hindi naman sa ayaw ko, nagtaka ako dahil sobrang agresibo ni Vandeon, tila nababaliw siya, ni hindi man lang ako nakilala.
Hindi niya rin matandaan ang nangyari sa amin kagabi. Ano na ang gagawin ko ngayon? Anong sasabihin ko sa kanya. Sasabihin ko bang may nangyari sa amin o huwag nalang? Boyfriend ko naman siya pero natatakot ako.
"Almika?"
Mabilis akong napalingon sa likod nang marinig ang boses ni Vandeon. May hawak siya burger at cokefloat.
"Are you okay?" kunot noong tanong niya. Kaagad naman akong umayos at ngumiti ng pilit. "Oo naman. Tapos na ba ang klase niyo?"
"Almost. Are you hungry? I brought this for you, have a bite." Nilahad niya sa akin ang dala niya. Tinanggap ko naman.
"Thank you!"
"You're always welcome, baby. I gotta go, may last sub pa, see you later."
"Agad agad?"
Ngumiti siya. Shit! Ang gwapo naman!
"Why? you miss me already?"
"Hindi ah!"
"Ohh, you can have me later, baby. Tatapusin ko lang muna ang klase ko, I love you," he kissed my forehead.
"I won't get tired of chasing, loving you, Almika. I hope you won't leave me when that day comes."
"I love you too, Vandeon."
Huling sagot ko bago na
ngyari ang hindi dapat mangyari.
After weeks of being his girlfriend, I found out that I was pregnant. And the father was him.
***
"Mom, why are we hiding?" Kunot noong tanong ni Vandish habang nakatingala rin sa pintong sinisilipan ko. Hinila ko siya at niyakap ng mahigpit. "Yes, baby, we're hiding. 'Wag kang maingay, okay?" paalala ko sa kanya at muling sumilip sa pintuan, ngunit nanlaki ang mata ko nang makitang nasa harapan ko na silang tatlo. Nakatalikod sila pero ramdam ko ang panlalamig. Tila napapaso ako kaya't agad kong kinalong ang anak ko, nag tago kami sa likuran ng pintuan. Shit! What I'm going to do now. "Mom, I'm scared," "I'm sorry baby. Please cooperate with me, okay?" Hinalikan ko ang kanyang noo kasabay nito ang pag bukas ng pintuan. Unang niluwa nito ay ang isang lalaking matangkad, naka suit ito, kasunod naman si Vandeon na ang angas parin ng porma. Seryoso ang kanyang mukha habang kausap ang lalaki sa likuran niya. Walang kaemosyon-emosyon ang mukha, may dala siyang malaking case. Argh, pinagpawisan ako. Paano na 'to, paano kung bigla na lang dumating si Riley at hanapin ako? Pero imposi
Third Person's POV"I forgot to bring them." malamig at walang emosyong sabi ni Vandeon sa harapan nina Riley at Almika. Nanlaki ang mata ni Almika. Nagsimula na ring manginig ang kanyang mga binti, tila kakapusin din siya ng hininga. Pilit niyang sinasabi sa sarili niya na lalaban siya, magkamatayan man silang dalawa ni Vandeon ipaglalaban niya ang anak niya. Bata pa lang siya'y tinuruan na siya ng magulang niya kung papaano makipaglaban, sa tingin niya ito na ang pagkakataon para gamitin niya ang natutunan niya. Nagda-dalawang isip siya, nag-aalala siya sa anak niya na baka matakot ito sa kanya. Maaring makapatay siya ng tao at ayaw niyang saksihan iyon ni Vandish. Ika nga bata pa ito at wala pa sa tamang edad. Pinunasan ni Almika ang kanyang luha, mahigpit niyang hinawakan sa kamay ang anak. Magwawala talaga siya kapag mawalay sa kanya ang bata. Mahal niya si Vandish lalo na't ang anak niya na lamang ang karamay niya sa buhay, bahala na kung maghirap siya basta't kasama niya ang
Almika's POV"You'll regret this day Santford, I swear!" nag tagis ang mga ngipin ko habang mariin kong tinitigan si Vandeon na ngayong walang emosyon ang mukha pero may ngisi naman sa labi. Hawak niya ang anak ko sa braso at nakatutok ang nguso ng baril sa ulo ng anak ko. Sobrang sama niyang tao! Hindi ko mapapatawad ang demonyong Vandeon na 'to. Pinikit ko nang mariin ang mata ko. Tapos na akong lumuha, pagod na pagod na ako, hindi na ako magtataka kung sa isang iglap babagsak na ako sa sahig."I'm asking you, any last words for your son?" tanong niyang muli. Tiningnan ko lamang siya bago ko tinapunan nang tingin ang anak ko na ngayong namumula na ang mga mata, he's about to cry now, but he didn't let himself. I'm sorry, baby, I'm really sorry. Inangat ko muli ang tingin. This time I'm desperate, gagawin ko ang lahat kahit na kapalit nito ang buhay ko. The most important thing in this world is my son, I don't care what will happen to me, I need to fight back for my son's life. I a
Almika's POVMahigpit kong hinawakan ang folder at bag ko. Hindi ako humarap kay Vandeon ngunit alam kong nagtitimpi na siya ngayon ng galit niya. Pakialam ko naman sa kanya. Bahala siya sa buhay niyang manigas diyan. Hindi ko siya sinagot sa halip ay mabilis ang mga kilos kong lumabas ng opisina ni Ma'am, nakalimutan ko pang mag-advance ng sweldo sa kanya. Saan na kami titira ngayon? Baka may taong maniningil na naman at 'di na kami pwedeng bumalik doon baka may mga tauhan ni Vandeon ang pumunta duon. "The fvck! Almika. Come back here! Damn it! Let me go, Roswell, papatayin ko kayo!" Pilit kong iniiwasan na marinig ang malakas na sigaw ni Vandeon. Ngayong may ideya na siya kung ano niya si Vandish, ay hindi ko siya hahayaang makalapit sa anak ko. Nang makalayo-layo na ako sa opisina ni Ma'am Ladeo. Ramdam ko parin ang kaba sa dibdib ko, mataas ang lalaking 'yun, ilang hakbang lang ay paniguradong mahuhuli niya na kami. "Ma'am Almika! Buti nakita niyo si Vandish. Anong nangyayari,
Nalaglag ang cellphone mula sa kamay ko at kusa nang namatay ang tawag. Nakatulala ako sa kawalan, hindi alam ang gagawin, hawak na ni Vandeon ang mga kaibigan ko ngayon, paano ko sila ililigtas kung pati sarili namin ay hindi ko maliligtas? How can I fight back? Paano ako lalaban na ako lang? Tiningnan ko ang anak ko. Hinaplos ko ang kanyang buhok. Kung sakaling magpapakita ako kay Vandeon, hindi ko pwedeng isama ang anak ko, mapapahamak siya nang dahil sa akin. Itataya ko na lamang ang sarili ko kaysa masangkot pa ang anak ko. Bumuntonghininga ako kasabay nito ang pag tunog ng cellphone ko. Agad kong pinulot ang cellphone 'saka walang lingon-lingong tiningnan ang caller. "Don't you dare try to escape again, Almika, marami akong mata kahit saan. Kung ayaw mong mamatay itong mga kaibigan mo sabihin mo sa'kin kung nasaan kayo." "Kapal din ng mukha mo 'noh? Ako lang ang harapin mo 'wag mong idamay ang anak ko!" galit na sagot ko sa kanya. "Show yourself then! Don't make me wait!" g
Third Person's POV"Will you stop doing this, Vandeon. Tinatakot mo ang mag-ina!" galit na sigaw ni Kace sa harap mismo ni Vandeon na ngayong duguan na ang ilang parte ng kanyang katawan. Pinalilibutan siya ng mga kaibigan niya ganu'n din ng mga tauhan ni Riley. Pinipigilan sya ng mga kaibigan niya na sumulong kay Almika, dahil kapag ito makalapit sa mag inang 'yon paniguradong wala na silang bukas pareho. May tiwala pa naman si Kace na hindi iyon magagawa ng kaibigan niya, pero sa nakikita niya ngayon, hindi ito ang kilala niyang si Vandeon Brix Santford. Mabait ang kaibigan niya, mailap nga lang ito sa mga tao at napaka-seryoso pero mabait ito. Wala siyang ideya sa kung ano talaga ang totoong nangyari, tinakas niya lang naman si Almika noon dahil nakita niyang kinuha siya ni Vandeon, ibang-iba ang kanyang mukha noon. At nakikita niya ito ngayon. Alam niyang buntis si Almika dahil malaki na ang tiyan nito noong nakita niya ang dalawa. Isa sa rason niya kung bakit niya tinulungan si
Continue."What the hell?" Nagulat siya nang makitang nakatayo si Vandeon. Nakatayo sa kanyang harapan ang katawan ni Vandeon, ayos at tuwid pa ito, parang hindi man lang tinablan ng suntok sa mukha at katawan. May hawak itong baril sa kaliwang kamay habang ang dugong nanggaling sa kanyang braso ay patuloy na umaagos pababa sa baril na hawak niya. Hindi kumibo si Kace, wala siyang pinakitang emosyon sa kaibigan. Natatakot siya kay Vandeon pero hindi niya lamang pinapakita, kung tutuluyan man siya ni Vandeon ngayon, lalaban parin siya ng patas. Tumikhim si Kace bago sinalubong ang tingin ni Vandeon. Hindi niya rin naman inaasahan na iisipin iyon ni Vandeon, magkaibigan lamang ang turingan nilang dalawa ni Almika sa isa't-isa, at wala siyang balak magtaksil sa dati nitong minamahal kahit na wala na ito sa tabi niya. May asawa na siya ngayon, kahit na hindi buo ay mahal niya iyon. But his first love is still in his heart."Kahit anong pilit mong habol sa kanila Vandeon, You can't stil
Freena's POVThis is my first time having a POV here. This isn't my story, but please don't hate me. By the way, I am Freena Lohr Santford, the younger sister of Vandeon Brix Santford. We're not close to each other because he's a demon and I'm not.So we're here at the St. Hospital together with my brother and also Kace. I don't really know this guy, but my cousin kept mentioning his name, kilala ko na daw siya, matagal na, kaya't nang makauwi ako dito sa Pinas dinalaw ko ang iilang negosyo namin ganu'n din si Kuya Vandeon dinalaw ko at nalaman ko ngang may kabalastugan siyang ginagawa kaya I didn't think twice. Pinuntahan ko siya sa mansyon ni Riley. Hindi ko rin kilala ang babaeng 'yon we're not close din kasi to each other, but I heard na asawa daw ng isa sa mga kakompetensya namin ni Kuya sa negosyo ang babaeng 'yon. He's Kiefer Stan Montefalco one of my famous competitors. He's a cruel person too, when it comes sa nesgosyo wala talaga siyang sinasanto. Akala ko nga gagaya kapatid