“Aaah!” Hiyaw ko kaya naman napatakip si Sir ng dalawa niyang teinga. Nabingi yata siya sa pagsigaw ko. “Ano ba huwag ka ngang tumili dyan! Nakakarindi ka alam mo ba ‘yun, ha?” “Anong ginawa mo sa akin, Sir? Saklolo, tulungan nyo ko nirape ako!” Nagsisisigaw na ako mula sa may bintana kahti sarado pa naman ‘yon. “What do you think you‘re doing, huh? Nirape? Ikaw? Tss, asa ka naman uy!” “Aba, bakit, Sir, hindi ba nakakaattract itong katawan ko?” “Hindi!” Singhal niya sa akin. “Anong ginagawa mo dyan, ha? Oras ng trabaho nandito ka natutulog? Tamad ka talaga.” “Tamad agad, Sir? Hindi ba pwedeng nagpahinga lang ako? Hfmpt!” “Nagpahinga, dito sa kotse ko? Ang kapal din ng mukha mo ‘no.” “Bakit ba, ikakasira ba ng kotse mo ang pagtulog ko dito, ha?” “Hindi pero ikakabaho nya lang lalo na sa mga katulad mong taong bundok.” _ “Oh, dyan ka lang? May bibilhin lang ako sa bookstore. Pag ikaw bumaba dyan, umuwi ka mag-isa, maliwanag?” Mataas na tonong utos nya sa akin kaya naman napan
“Goodevening Sir,” masayang bati ko pagkapasok ko sa kwarto ni Sir Rhaiven. Naabutan ko siya sa kanyang kama, nakahiga at abalang nagtitipa sa kanyang laptop kahit nakabukas ang telebisyon. “What are you doing here?” “Chillax lang, Sir, sungit nyo masyado. Nandito lang ako para ihatid ‘tong gatas nyo and syempre para macheck if tulog na kayo.” “Nakikita mo naman na hindi pa ako tulog ‘di ba? Tanga lang? Tss! Ilapag mo na lang dyan sa study table ko ‘yang gatas, mamaya ko na inumin,” utos nya at ginawang unan ang dalawa nitong braso. “Sir, ‘di na ‘to masarap pagmalamig, parang tao lang din wala ng lasa pagmalamig dapat painitin para masarap ‘di po ba?” Saka ako nagpakawala ng malakas na tawa pero hindi manlang ako nakarinig ng tawa mula sa alaga ko, nagpapahiwatid lang noon na hindi sya natawa sa biro ko. “Get out of my room, please? Sisipain kita pag hindi ka pa umalis dito,” dinuro nya pa ng bahagya ang pintuan. “Kung kanina nyo pa ininom ‘tong gatas, Sir, kanina pa dapat ak
“Hahayaan mo talagang malunod ang yaya mo para lamang dyan sa mga plano mo, ha? Rhaiven, paano kapag walang nakakita kay Haila kanina. Kakayanin ba ng konsensya mo kung sakaling mas malala pa don ang nangyari sa kanya?”Panenermon ni Daddy sa akin matapos niyang mailigtas si Haila. Inutusan niya ang ilang kasambahay namin na asikasuhin si Haila upang kausapin ako ukol sa nangyari. “It’s not my intention, Dad.” “Hwag mo kong gawin tanga, Rhaiven.” Tinuro ako ni Daddy sa mukha dahilan para mapayuko ako. “Kaya ka lang naman ganyan dahil hanggang ngayon hindi mo matanggap na wala na si Manang Tessa,” natigilan siya at huminga ng malalim. “Ranz, walang kinalaman ang mga taong kinukuha namin sa iyo sa pagkawala nya. Wala silang hangad kundi magkaroon ng trabaho para sa ganoon may maibigay sila sa pamilya nila. Ano bang nangyayari sa iyo? Hindi ka naman ganyan dati e, nagsimula lahat ng pagbabago mo ng mawala sya,” habol ni Daddy ang hininga matapos sabihin ‘yun sa harap ko. “Anong mahir
“Siya ‘tong may kasalanan, bakit ako ang magsosorry? Matapos niya akong itulak don, mag-aaksaya ako ng laway para humingi ng sorry sa kanya. Sino siya para sinuswerte? Porket anak siya ng amo natin dapat itolerate ‘yong maling ginawa niya? Aba! Hindi pwede ‘yan. Kung gusto niya, isampal ko muna sa pagmumukha niya ‘yong kopya ko ng kasambahay law bago ako magsorry sa kanya.” Umuusok ang ilong ko sa galit na depensa matapos isuhesityon ni Manang Erica na ako na lang daw ang makipagbati kay Sir Rhaiven. Hindi naman sila mga alien para hindi nila mapansin ang walang imikan namin ni Sir Rhaiven. Hindi naman kami hangin para hindi nila mahalata. Sa loob ng tatlong araw, hindi ako nag-aksaya ng laway o panahon manlang para kausapin o pansinin manlang ang alaga ko. Matapos niya akong hayaan na malunod sa swimming pool, makikipag-usap ako sa kanya na parang walang nangyari? Ano ako, tanga? “E kaysa naman yong hindi kayo nagpapansinan. Tahimik tuloy ‘tong mansyon.” Depensa ni Manang Erica,
Day three. What the fuck! Ilang araw na ang lumipas matapos namin magkasundo ni Daddy ay wala pa rin akong nagagawa. Hindi ako makakapayag na matalo ako lalong-lalo na ang makilala nina Mommy at Haila ang isa’t isa. Kung naging kasundo ni Haila ng walang kahirap-hirap ang Daddy, for sure kay Mommy ay ganon rin. Ginawa ko na lahat ng paraan para takutin siya at mahirapan pero mukhang sisiw lang sa kanya. Maiinis siya pagkatapos ng mga trip ko tapos wala na, dedma na sa kanya. Aakto siya na parang walang nangyari at walang epekto ‘yon sa kanya. Aaminin kong nahihirapan ako ng sobra sa pagpapalayas sa kanya. Ngayon lang ako nahirapan sa isang katulad niya. Mukhang tama nga si Daddy na kakaiba siyang babae. Mukhang nakahanap na ako ng katapat ko. “Tignan natin kung ‘di ka pa aalis dito sa gagawin ko.” Inayos ko ng mabuti ‘yong patibong na ginawa ko. Sinadya kong bumili ng ubas upang gamitin sa plano ko. Hindi nakakaligtas sa paningin ko kung gaano kaadik si Haila sa ubas. Nahuhuli ko
"What’s up, Babyboy,” Muntik pa akong mawalan ng balase sa paghakbang nang marinig ang sambit ng mga kaibigan ko nang madatnan ko silang tatlo sa may sala namin. Napatigil naman ako sa paghakbang sa may hagdanan ng makita ko ang mga pilyo tingin nila. Sila lang pala ang mga bisitang sinasabi ng yaya kanina. Tsk! “Babyboy?” Naguguluhang tanong ko. Ngayon lang nila ako tinawag ng ganyan. Nakakapanibago talaga. “Mula ngayon ‘yun na ang itatawag namin sa’yo,” si Chris ang sumagot sa tanong ko. Napakunot noo naman ako dahil hindi ko makuha ang kanyang pinupunto. “At anong kabaduyan na naman ‘yan, Chris?” Inis na tanong ko ulit. “E may yaya ka e, pag meron kang yaya, baby ka palang. ‘Di ba nga, ang trabaho ng babysitter alagaan ang isang baby?” Nang-aasar na paliwanag ni Chris. Medyo magulo ang pagkakapaliwanag nya’t naintindihan ko kahit papaano. “Mga siraulo,” singhal ko’t nakipag-apir sa kanila isa-isa. Pagkatapos ay nagsiupo na kami sa mahabang sofa. Inutusan ko naman si Manang
Binilisan ko na ang pagligo dahil natapunan ng suka ‘yong damit ko’t nangangamoy asim pa. Nagsuot ako ng normal na damit dahil wala pala akong nalabhan na uniporme ng yaya. Okay naman magsuot ng normal na damit basta may rason ka. Bumalik na ako sa kusina dahil huhugasan ko pa ang mga ginamit na kubyertos. Habang naglilinis sa may lamesa ay may papel doon kaya kaagad ko itong kinuha. Nakalagay sa sulat na nagpunta na sina Manang upang mamalengke. Siguro hindi na pa niya ako tinawag dahil may nakapagsabi siguro na nasa kwarto ako ni Sir kasama ang mga kaibigan nya. Speaking sa mga kaibigan ni Sir Rhaiven, kung gaano siya kasama, iyon naman ang ikinabait ng mga ito. Kung demonyo si Sir, anghel naman ang mga kaibigan niya. Hindi ko nga inaasahan na ganon sila kabait sa akin kanina habang nakikipagkwentuhan sa kanila. Malayong-malayo ang ugali ni Sir sa kanila. Natigilan ako sa pagpupunas ng mga picture frame ng may marinig akong ugong ng sasakyan. Batid ko na si Sir Russel na iyon. Mg
“Oh, hi there baby. I missed you, kumusta ka na?” Hindi ko alam kung bakit wala akong saya na maramdaman habang niyakap ako ni Mommy. Kaba at inis ang nararamdaman ko lalo na nagkita na sila ni Haila. Hindi pwede ‘to. Nginitan ko lang si Mommy saka ibinaling ang tingin kay Haila na nakayuko na dahil siguro sa hiya. Ano ang ibig-sabihin ng narinig naming sinabi ni Mommy? Anong pinag-usapan nilang dalawa? “Hello there boys, long time no see. Kumusta kayo?” Pangangamusta ni Mommy sa mga kaibigan ko kaya naman nagsikilos sila upang makibeso sa aking ina. “We’re fine, Tita,” magalang na sagot ni Luis. Ngumiti nalang din ang ina ko sa kanila saka ibinalik ang tingin sa akin. “Oh, before I forgot, baby, your girlfriend is very interesting. I really like her,” usal ni Mommy na ikinagulat ko. “Girlfriend ko po, Mom?” Nilakasan ko na ang loob na itanong iyon. Sobrang nakakagulat lang ang sinabi niya. Epekto ba ito ng mga business meeting na dinaluhan niya? “Hindi ba’t siya ang girlfrie