Nag-aalala? Hah! Syempre mag-aalala nga pala ito dahil nag-aagaw buhay sa harap ng mga mata nito ang iaalay nitong buhay. Hindi nito magagawang linisin ang mga kasalanan nito at mapupunta sa langit. May dalawang araw pa ang natitira hanggang sa araw na ipapako siya ng mga ito sa krus. Pumikit si Coreen nang mariin habang may ngiti sa mga labi. "---oman! Woman! You are not dying just yet. You are not dying on me. Not today." Narinig niyang bulong si Royce sa sarili. Naririnig ni Coreen ang maraming yabag na tumatakbo sa paligid ngunit nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata. Nahihilo siya dahil sa sobrang dami ng dugong nawala sa kanya pero ayaw niyang makita ang mukha ni Royce. Ang pekeng pag-aalala sa mukha nito ang nagpapasakit sa kalooban niya. Bumalik sa isipan ni Coreen ang mga panahong magkasama sila araw at gabi, bawat oras, minuto at segundo. Masaya silang magkasama, nagtatawanan, nag-uusap, nagkakilala, nagmahalan. Peke lang ba talaga ang lahat? Produkto lang ba talag
Maraming yabag ang sunod na narinig, at makalipas ang ilang segundo, lumitaw ang limang myembro ng grupo nila, maliban kay Madam at Royce at may hula siyang magkasama ang mga ito. Inikutan siya ng mga ito na tila ba pinag-aaralan siya. O baka naman iniisip kung ano ang pinakamasakit na bagay na maaaring gawin sa kaniya. Nagulat siya nang umatras ang mga lalaki at tanging si Vashti na lang ang naiwan na may hawak na latigo. Hindi niya napigilang matawa ng malakas dahil doon. "What? You can't hurt a girl? Aw, ang gentleman niyo naman pala, guys." Panunuya niya at tumawa siya nang tawa bago ito natigil nang sampalin siya ni Vashti sa mukha niya gamit ang kamay nito. "Eh di natahimik ka?" Ngumisi ito bago lumuhod sa harapan niya. Wala na 'yung babaeng ngumiti sa kanya noon. Ngayon ay nakikita na niya kung gaano kasama si Vashti sa kabila ng magandang mukha nito. Tunay ngang malakas makaloko ang panlabas na anyo. "Alam mo, Coreen. You should actually feel honored. Kailangan mong mama
"Let her go, Lust." Utos ni Royce sa nangngangalit na mga bagang at ngipin habang nanlilisik ang mga mata. "Come on, man. You are ruining my bòner. Umalis ka na bago ka hanapin ni Envy." Ibabalik na sana ni Lust ang atensyon sa kanya nang walang ano-ano itong hinila ni Royce palayo sa kanya. "You are not gonna f*cking ruin my turn, asshòle! I don't need you tainting my sacrifice! Leave!" Sigaw ng manlolokong lalaki na umalingawngaw sa apat na sulok ng kwarto. Itinulak ito ni Quincy bago masama ang tinging lumabas ng kwarto. Tila matatawa na lamang siya na pinagmamasdan ang dalawa bago ito nawala nang i-lock ni Royce ang pinto at humarap sa kanya. "You want your last f*ck? Then, I'll f*cking give it to you." Nang aakyat na sana ito sa kama, napaatras si Coreen hanggang sa maramdaman niya ang headboard sa likod niya. "Huwag kang lalapit sa akin." May halong takot, kaba at diring sabi niya. "Oh?" Bulalas ni Royce na nakatagilid ang ulo pero nakita niyang nairita ito sa ginawa ni
"Bakit ako?" Nagawa niyang maitanong sa wakas sa pagitan ng pangangailangan ng hangin para kumalma, at sipain ang lahat ng ito at hintayin ang kanyang wakas na dumating. "Tulad ng sabi ko, easy target ka. A woman desperate to find work for her sick sister. You see, I've been looking for the perfect Charity until I saw you and your sister one day in the park. And I thought, ah, I finally met the one person with endless love and pure heart." "Sa tingin mo ba sa paggawa ng lahat ng ito, maliligtas ka—kayong lahat? Na kahit papaano, patatawarin kayo ng Diyos sa lahat ng mga kasalanan niyo? Kung ganon ay nahihibang kayong lahat dahil sa mata ng Diyos, kayo ay mga walang pusong mamamatay-tao na pumatay ng mga inosente." Sabi niya gamit ang maaanghang na salita. Naikuyom ni Royce ang kamao dahil sa mga sinabi ko at nakaramdam ako ng kakuntentuhan. "We are nothing like them! You have no idea what hell we went through before we found each other and founded this family! We are all victims
Inayos ni Anibal ang ulo niya bago may nagtanggal ng tela sa loob ng bibig niya. Ibinuka niya ang bibig dahil gusto niyang murahin ang mga ito. Maraming tanong ang gustong lumabas, ngunit sa huli ay hindi niya ginawa. "Bakit?" Sa halip ay unang bagay niyang tinanong dahil iyon lang ang nakaya ng emosyon niya. Hindi pa man niya ganoon kakilala ang mga ito, ito ang mga taong ngumiti at kumausap sa kanya. Alam niya ang mga pangalan ng mga ito at alam ng nga ito ang kanya. At ang mga ito ang pamilya ng lalaking mahal niya. Kung plano ng mga itong patayin siya, kailangan niyang malaman man lamang kung bakit at bakit siya. "Bakit?" ulit ni Anibal sabay ngisi at kibit-balikat. "Bakit hindi?" "Tumingin ka sa paligid mo, Coreen." Sabi ni Vashti at tinitigan siya ni Coreen na may pagtataksil sa mga mata. Ang babaeng ang lakas pa ng loob na yakapin siya. Ngunit ginawa niya ang utos nito at nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang malaking larawan ng limang tao na nakasabit sa dingding.
Isang buwan pagkatapos nilang opisyal na maging mag-kasintahan at isang buwan pagkatapos ng espesyal na araw na iyon na magkasama sila sa hotel. Nang tratuhin siyang parang siya na ang pinaka-espesyal na babae sa mundo ay may nagbago. With Royce, with them, with how he treats her. Noong una, ipinagkibit-balikat lang ito ni Coreen at inisip na baka nanibago o nabilisan lang ito sa lahat ng pagbabagong nangyayari sa buhay nito. Pilit niya iyong inintindi dahil alam niya namang hindi ganoon kadali ang pinagdaanan nito. Ngunit nang lumipas pa ang isang buwan, hindi na niya kaya pang magbulag-bulagan, at itanggi sa sarili na may pagbabago. Magkasama pa rin sila, kumakain ng magkasama, nagsisiping sa gabi. Pero ramdam ni Coreen na kakaiba ang kinikilos ni Royce. Madalas niya itong makitang nakatulala at malalim ang iniisip, ngunit kapag tatawagin niya ang pangalan nito at tanungin kung may problema ba ay iiwas ito at aaktong parang wala lang. Pagkalipas ng dalawang buwan, nagsimula ulit