LOGINInosente. Birhen. Santo. Ilan lamang iyan sa mga katangiang mayroon si Coreen kaya naman madalas siyang pagkaisahan ng mga tao sa paligid niya. Nang pagbintangang kabit ng kaniyang amo ay walang-awang pinatalsik sa trabaho at laglag ang balikat at nakayukong lulugo-lugong naglakad sa kalsada. Dahil sa tadhana ay natanggap siya sa isang bagong trabahong hindi niya inakalang papasukan; ang maging maid ng isang arogante, barumbado, bastos at masungit na si Royce Sullivan dahil na rin sa pangakong malaking sahod. Isang misteryosong lalaki na ayaw ng human contact at literal na nagtayo ng isang malaking salamin sa pagitan nilang dalawa. Ngunit bakit nga naman hindi lalaki ang sahod kung sa unang araw pa lamang ay halos humiwalay na ang kaluluwa niya sa inis sa binata? Idagdag pa na sinamantala ni Royce ang kaniyang kahinaan at inalok siya ng isang deal para mabayaran ang operasyon ng kaniyang kapatid. Pero paano kung madarang siya? Paano kung magustuhan niya ang ginagawa? Paano kung... maging pangahas siyang hawakan ang binata at tawirin ang espasyo na naghihiwalay sa kanila? Ang kaniyang ka-inosentehan kapalit ng malaking halagang hindi niya matatanggihan. Puri, dangal at yamang itinataglay ay iaalay ba sa lalaking ni hindi siya man lamang magawang hawakan nang hindi nakasuot ng gwantes?
View MoreHabang umiinom si Coreen sa isang kilalang bar sa lungsod ay dama niya ang ilang tinging ipinupukol sa gawi niya. Ilang inumin na rin ang dumating kung saan siya nakaupo sa bar island, ngunit ipinabalik niya ang lahat ng ito. Naroon siya para magsaya at hindi para makipaglandian. Inakala niyang walang maglalakas ng loob na lapitan siya, ngunit mali siya dahil ilang sandali pa ay may tumabi sa kaniya. "You looked lonely so I thought why not join you?" "May nabasa ka bang nakadikit sa noo ko na nagsasabing naghahanap ako ng makakasama?" Sarkastika at pabalang niyang sagot na hindi ito tinitignan. "Feisty, I like it." Panlalandi nito sa kaniya at muli niya itong inignora bago muling um-order ng inumin. "Woah, slow down tiger. Baka malasing ka niyan. A woman like you shouldn't be vulnerable in a place like this."Sa inis ay nilingon na niya ito. Tinignan ni Coreen ang lalaki mula ulo hanggang paa. Gwapo ito kung tutuusin. May bad boy aura ito at malakas ang dating, iyan ang hindi it
Hindi pa nakakabawi sa gulat sa nangyari si Coreen, ilang sandali pa ay namayani pa ang ilang pagpapalitan ng putok ng baril, ngunit may isang katawan ang yumakap sa kaniya upang protektahan siya. Nakatakip ang mga kamay niya sa ulo niya na tila ba mapo-protektahan nito ang sarili sa ligaw na bala. "Brother, have you rested enough?" Dinig niyang malakas na tanong ni Royce sa kabila ng malalakas na tunog ng baril. Mula sa pagkakatago sa katawan nito ay nagawa pa niyang makita nang hagisan ito ng baril ni Royce, at mas nagulat siya nang makitang hindi na pala nakagapos si Uriah kaya madaling nasapo ang baril habang yakap din ang nobya. Anong nangyayari? Naguguluhan niyang tanong dahil nakita niyang ang ilan sa mga tauhan ni Janice ay nagbabarilan na. Hindi niya sigurado kung gaano katagal na umaalingawngaw ang baril, ngunit nang humupa ito ay may nahagip ang mga mata niya."Hindi!" Biglang sigaw niya nang makita ang balak na gawin ni Janice, ngunit bago pa nito tuluyang malunok ang
Nang hapong iyon din ay natuloy ang ikalawang round ng competition. Nagpasalamat na lang si Coreen na nakasali pa rin siya kahit na wala siya sa first round. Sa second round, may tatlong stages pero pulos photography session. Sa round na ito made-determine kung sino sa kanila ang photogenic o marunong mag-manipula ng emosyon sa mukha. Sa unang step ay sa loob ng isang kwartong napakalamig sila inilagay. Para makadagdag sa pressure ay nasa audience ang mga hurado at ibang kandidata. Kahit nangangatog sa lamig ay kailangang huwag mo itong ipakita sa camera at iyon ang ginawa ni Coreen.Labis siyang nangangatog, ngunit tila ang loob naman niya ay namanhid kaya nagawa niya ang task ng walang problema. Sa ikalawang round kung saan may ilang insektong nilagay sa mukha niya, sinabihan siyang ang emosyong ipakita ay lungkot, at para kay Coreen, naging effortless iyon. Halos hindi niya naramdaman ang mga insektong naglalalakad sa mukha niya, ang isip niya ay bumalik sa ginawa ni Royce at sin
"When I woke up, I was in a farm house owned by an old man. Malayo sa bangin kung saan ako nahulog," pag-uumpisa ni Royce ilang sandali matapos ang katahimikan sa kanilang dalawa. "Natagpuan niya raw ako sa may batuhan na maraming sugat at halos konti na lang ay mababawian na ng buhay. He told me I was lucky to even be alive. Tinulungan niya akong magpagaling ng mga sugat ko. Tinulungan niya akong makabalik sa syudad."Matapos nitong dumating at yakapin siya ay namayani ang katamikan sa pagitan nila. Ngayon ay magkatabi silang nakaupo sa papag, ang mga hinliliit ay magkadikit, ngunit hindi magkahawak. Ang kanilang mga braso ay tila humihiram ng init ng katawan mula sa isa't-isa. "Crossing the Sinners is the stupidiest thing you can do, Coreen. Bakit niyo ito ginagawa nila Uriah? Did he forget what Janice is capable of?" Bakas sa boses nito ang dismaya, inis, at sama ng loob. "Ikaw? Bakit ka nagpapanggap na walang naaalala? Bakit... Bakit bumalik ka sa piling niya?" Kinagat niya ang












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews