Share

Chapter 79

Author: TheVeeWriter
last update Last Updated: 2025-08-31 15:12:09

Labis na nanibago si Coreen sa bago niyang buhay bilang si Rain. Ika nga ni Anabeth, siya ay isang instant 'celebrity'. Mula sa liblib nilang tinitirahan ay lumipat sila sa isang kilalang condo dahil mas magiging safe sila roon. Ngayong alam na ni Janice na magkakakampi sila at sila ang nasa likod ng pagbagsak ng mga kasama nito ay siguradong babalikan sila nito.

Karamihan sa mga sinusuot niyang damit ay sponsored. Kabi-kabila ang magazine photoshoot at kahit na commercial shooting niya. Isa na siyang mukha ng ilang brand na ang mga ito mismo ang nag-reach out. Kapag naglalakad sila sa mall ay may ilan na ring nakakakilala sa kaniya.

Nakakapanibago at hindi siya sanay. Ngayong nagbalik na rin siya bilang Coreen, isa sa mga ginawa niya ay ang balikan ang tiyahin at pinsan niya. Kasama ang mga kaibigan ay dumalaw siya sa luma nilang bahay. Hindi muna kaagad na pumasok si Coreen at pinagmasdan ang luma nilang bahay mula sa labas. Napuno ng lungkot ang puso niya nang maalala ang kaniyan
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Babysitter's Hot Deal with the Jerk   Epilogue

    Habang umiinom si Coreen sa isang kilalang bar sa lungsod ay dama niya ang ilang tinging ipinupukol sa gawi niya. Ilang inumin na rin ang dumating kung saan siya nakaupo sa bar island, ngunit ipinabalik niya ang lahat ng ito. Naroon siya para magsaya at hindi para makipaglandian. Inakala niyang walang maglalakas ng loob na lapitan siya, ngunit mali siya dahil ilang sandali pa ay may tumabi sa kaniya. "You looked lonely so I thought why not join you?" "May nabasa ka bang nakadikit sa noo ko na nagsasabing naghahanap ako ng makakasama?" Sarkastika at pabalang niyang sagot na hindi ito tinitignan. "Feisty, I like it." Panlalandi nito sa kaniya at muli niya itong inignora bago muling um-order ng inumin. "Woah, slow down tiger. Baka malasing ka niyan. A woman like you shouldn't be vulnerable in a place like this."Sa inis ay nilingon na niya ito. Tinignan ni Coreen ang lalaki mula ulo hanggang paa. Gwapo ito kung tutuusin. May bad boy aura ito at malakas ang dating, iyan ang hindi it

  • Babysitter's Hot Deal with the Jerk   Chapter 82

    Hindi pa nakakabawi sa gulat sa nangyari si Coreen, ilang sandali pa ay namayani pa ang ilang pagpapalitan ng putok ng baril, ngunit may isang katawan ang yumakap sa kaniya upang protektahan siya. Nakatakip ang mga kamay niya sa ulo niya na tila ba mapo-protektahan nito ang sarili sa ligaw na bala. "Brother, have you rested enough?" Dinig niyang malakas na tanong ni Royce sa kabila ng malalakas na tunog ng baril. Mula sa pagkakatago sa katawan nito ay nagawa pa niyang makita nang hagisan ito ng baril ni Royce, at mas nagulat siya nang makitang hindi na pala nakagapos si Uriah kaya madaling nasapo ang baril habang yakap din ang nobya. Anong nangyayari? Naguguluhan niyang tanong dahil nakita niyang ang ilan sa mga tauhan ni Janice ay nagbabarilan na. Hindi niya sigurado kung gaano katagal na umaalingawngaw ang baril, ngunit nang humupa ito ay may nahagip ang mga mata niya."Hindi!" Biglang sigaw niya nang makita ang balak na gawin ni Janice, ngunit bago pa nito tuluyang malunok ang

  • Babysitter's Hot Deal with the Jerk   Chapter 81

    Nang hapong iyon din ay natuloy ang ikalawang round ng competition. Nagpasalamat na lang si Coreen na nakasali pa rin siya kahit na wala siya sa first round. Sa second round, may tatlong stages pero pulos photography session. Sa round na ito made-determine kung sino sa kanila ang photogenic o marunong mag-manipula ng emosyon sa mukha. Sa unang step ay sa loob ng isang kwartong napakalamig sila inilagay. Para makadagdag sa pressure ay nasa audience ang mga hurado at ibang kandidata. Kahit nangangatog sa lamig ay kailangang huwag mo itong ipakita sa camera at iyon ang ginawa ni Coreen.Labis siyang nangangatog, ngunit tila ang loob naman niya ay namanhid kaya nagawa niya ang task ng walang problema. Sa ikalawang round kung saan may ilang insektong nilagay sa mukha niya, sinabihan siyang ang emosyong ipakita ay lungkot, at para kay Coreen, naging effortless iyon. Halos hindi niya naramdaman ang mga insektong naglalalakad sa mukha niya, ang isip niya ay bumalik sa ginawa ni Royce at sin

  • Babysitter's Hot Deal with the Jerk   Chapter 80

    "When I woke up, I was in a farm house owned by an old man. Malayo sa bangin kung saan ako nahulog," pag-uumpisa ni Royce ilang sandali matapos ang katahimikan sa kanilang dalawa. "Natagpuan niya raw ako sa may batuhan na maraming sugat at halos konti na lang ay mababawian na ng buhay. He told me I was lucky to even be alive. Tinulungan niya akong magpagaling ng mga sugat ko. Tinulungan niya akong makabalik sa syudad."Matapos nitong dumating at yakapin siya ay namayani ang katamikan sa pagitan nila. Ngayon ay magkatabi silang nakaupo sa papag, ang mga hinliliit ay magkadikit, ngunit hindi magkahawak. Ang kanilang mga braso ay tila humihiram ng init ng katawan mula sa isa't-isa. "Crossing the Sinners is the stupidiest thing you can do, Coreen. Bakit niyo ito ginagawa nila Uriah? Did he forget what Janice is capable of?" Bakas sa boses nito ang dismaya, inis, at sama ng loob. "Ikaw? Bakit ka nagpapanggap na walang naaalala? Bakit... Bakit bumalik ka sa piling niya?" Kinagat niya ang

  • Babysitter's Hot Deal with the Jerk   Chapter 79

    Labis na nanibago si Coreen sa bago niyang buhay bilang si Rain. Ika nga ni Anabeth, siya ay isang instant 'celebrity'. Mula sa liblib nilang tinitirahan ay lumipat sila sa isang kilalang condo dahil mas magiging safe sila roon. Ngayong alam na ni Janice na magkakakampi sila at sila ang nasa likod ng pagbagsak ng mga kasama nito ay siguradong babalikan sila nito. Karamihan sa mga sinusuot niyang damit ay sponsored. Kabi-kabila ang magazine photoshoot at kahit na commercial shooting niya. Isa na siyang mukha ng ilang brand na ang mga ito mismo ang nag-reach out. Kapag naglalakad sila sa mall ay may ilan na ring nakakakilala sa kaniya. Nakakapanibago at hindi siya sanay. Ngayong nagbalik na rin siya bilang Coreen, isa sa mga ginawa niya ay ang balikan ang tiyahin at pinsan niya. Kasama ang mga kaibigan ay dumalaw siya sa luma nilang bahay. Hindi muna kaagad na pumasok si Coreen at pinagmasdan ang luma nilang bahay mula sa labas. Napuno ng lungkot ang puso niya nang maalala ang kaniyan

  • Babysitter's Hot Deal with the Jerk   Chapter 78

    "Bakit tayo nandito?" Takang tanong ni Coreen sa magkasintahan habang nakatayo sa harap ng isang malaking boutique. "May kilala ba kayo rito sa La Morgan?""Hindi kami, Coreen, ikaw." Nakangising tugon ni Uriah at hindi niya makita ang mga mata nito dahil sa shades na suot. "Remember the other kid you saved?"Sandaling nag-isip si Coreen bago muling napatingin sa sign. "La Morgan. Si Morgan?"Masayang napatango-tango si Anabeth at inalog-alog siya. "You just hit two birds with one stone, Coreen! I can't believe na makikilala ko rin siya dahil sa'yo. Matagal ko nang gusto ang brand niya! You might have no idea, but La Morgan is currently our leading local brand! Sobrang hanga ako aa kaniya dahil ang anak niya ang naging inspiration niya at nagawa niyang maging kilala sa loob ng maiksing panahon!""Ano ang kinalaman niya kay Janice?" Tanong niya pagkuwan dahil ang sabi ni Uriah ay pupuntahan nila ang lugar kung saan nila sisimulan ang paghihiganti sa babae. "Dito tayo magsisimula, Core

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status