Inayos ni Anibal ang ulo niya bago may nagtanggal ng tela sa loob ng bibig niya. Ibinuka niya ang bibig dahil gusto niyang murahin ang mga ito. Maraming tanong ang gustong lumabas, ngunit sa huli ay hindi niya ginawa. "Bakit?" Sa halip ay unang bagay niyang tinanong dahil iyon lang ang nakaya ng emosyon niya. Hindi pa man niya ganoon kakilala ang mga ito, ito ang mga taong ngumiti at kumausap sa kanya. Alam niya ang mga pangalan ng mga ito at alam ng nga ito ang kanya. At ang mga ito ang pamilya ng lalaking mahal niya. Kung plano ng mga itong patayin siya, kailangan niyang malaman man lamang kung bakit at bakit siya. "Bakit?" ulit ni Anibal sabay ngisi at kibit-balikat. "Bakit hindi?" "Tumingin ka sa paligid mo, Coreen." Sabi ni Vashti at tinitigan siya ni Coreen na may pagtataksil sa mga mata. Ang babaeng ang lakas pa ng loob na yakapin siya. Ngunit ginawa niya ang utos nito at nanlaki ang kanyang mga mata nang makita ang malaking larawan ng limang tao na nakasabit sa dingding.
Isang buwan pagkatapos nilang opisyal na maging mag-kasintahan at isang buwan pagkatapos ng espesyal na araw na iyon na magkasama sila sa hotel. Nang tratuhin siyang parang siya na ang pinaka-espesyal na babae sa mundo ay may nagbago. With Royce, with them, with how he treats her. Noong una, ipinagkibit-balikat lang ito ni Coreen at inisip na baka nanibago o nabilisan lang ito sa lahat ng pagbabagong nangyayari sa buhay nito. Pilit niya iyong inintindi dahil alam niya namang hindi ganoon kadali ang pinagdaanan nito. Ngunit nang lumipas pa ang isang buwan, hindi na niya kaya pang magbulag-bulagan, at itanggi sa sarili na may pagbabago. Magkasama pa rin sila, kumakain ng magkasama, nagsisiping sa gabi. Pero ramdam ni Coreen na kakaiba ang kinikilos ni Royce. Madalas niya itong makitang nakatulala at malalim ang iniisip, ngunit kapag tatawagin niya ang pangalan nito at tanungin kung may problema ba ay iiwas ito at aaktong parang wala lang. Pagkalipas ng dalawang buwan, nagsimula ulit
"Pero at the end of the day, tayo ang mahal nila at hindi sila." Lumingon sa kanya si Madam na may seryosong tingin sa maganda nitong mukha bago muling ngumiti ng pagkatamis-tamis at nagdulot ito ng kakaibang pakiramdam sa kaibuturan ni Coreen. "Oh, don't mind me, darling. Let us get to know each other better, hm?" Tumango lang si Coreen na may kasamang tipid na ngiti bago tumingin sa labas ng mga dumadaang sasakyan. Ngayon alam na niya, sa likod ng matatamis na ngiti nito, may isang bagay na misteryoso at mapanganib sa awra nito. At alam niyang kailangan niyang mag-ingat. Dinala siya ni Madam sa isang mall at totoo sa sinabi nito, hindi sila sinundan ng security pero nanatili ang mga itong nakamasid sa kanila mula sa malayo. Iniisip ni Coreen kung may mga kaaway ba si Madam o mga taong gustong pumatay rito. Kung tutuusin, ito ang leader ng pamilya ni Royce. Alam niyang hindi naman siya hahayaang mapahamak ng nobyo kaya pumayag itong sumama siya sa kapatid nito. Sa kabila ng kanyan
"Ano ito?" Tanong ni Coreen nang makapulot siya ng papel sa mesa habang naglilinis ng mansyon ng araw na iyon. Nagkasundo na sila ngayon na dahil magkasintahan na sila ay hindi na siya isang maid, pero hindi naman papapigil si Coreen. Dahil doon na rin siya nakikitira, natural lang naman na gumalaw-galaw pa rin siya. Hindi siya basta-basta magpapabaya at kikilos na parang reyna. "A proof that I am clean and I have no diseases or whatever." Sagot naman ni Royce. Napalunok si Coreen at marahang pumikit. Hindi pa nila ito napag-usapan at talagang okay si Coreen na gumamit ng proteksyon para maiwasan ang hindi planadong pagbubuntis. Hindi naman sa ayaw niyang magkaroon ng sariling anak pero hindi ngayon. Hindi pa siya handang maging ina dahil para sa kaniya ay napalaki niyong responsibilidad. Magiging mabuting ina ba siya sa mga ito, paano kung mapabayaan niya at matulad sa nangyari sa kapatid niya? "So, ang gusto mong sabihin ay...?" Natigilan siya at ibinalik ang papel sa mesa. "
Kinabukasan ng summer vacation nila, magkahawak-kamay silang naglalakad papunta sa lawa na nabanggit ni Royce. Pagkatapos nilang kumain ng niluto niyang seafood pasta para sa tanghalian nila halos hatakin na niya ang nobyo habang nakasuot lang ng manipis na short at bra. "Sigurado ka bang walang buwaya diyan?" Tanong niya ulit. Inaalala ang pelikulang napanood niya noon tungkol sa isang mamamatay na buwaya na nakatira sa lawa. "Oo, sigurado ako for the nth time." Itinaas ni Royce ang kanilang mga kamay at pinahakbang muna siya sa isang nahulog na troso bago siya sinundan. "Naniniguro lang ako, ano? Ayokong maging tanghalian ng buwaya. Busog pa man din tayo." Natatawa niyang biro. "Why are so sure that he'll eat you? She could be a woman and will want to eat me instead." Narinig niya ang ngisi sa boses nito dahil kasalukuyang hinahangaan ni Coreen ang sariwang hangin at ganda ng lugar. "Hoy, alam mo sa mga pelikula, ang mga mag-asawa ay karaniwang namamatay sa kakahuyan o papa
Kinakanta ni Coreen ang lyrics habang ang kanyang mga kamay ay nasa likod ng headrest, at ang kanyang mga paa sa ibabaw ng dashboard. "Lakasan mo naman, babe. Susunod na ang chorus." Utos niya kay Royce habang iniindayog ang mga paa sa beat. Hindi siya pamilyar sa artist, pero ilang beses na niyang narinig ang kanya kaya nakabisa na niya ang lyrics. Kahit hindi lumingon sa nobyo, alam niyang tumaas ang kilay nito. "Opo, Ma'am." Nilakasan nito ang volume at kinanta ni Coreen ang kanta sa malakas na boses. "Babe, sinasaktan mo ang tenga ko dito. Hindi ako makapag-concentrate." Sinamaan niya ng tingin si Royce sa sinabi nito. "Are you saying my voice sounds bad? Na hindi ako marunong kumanta? Na wala akong karapatan? Na hindi ko dapat enjoyin ang moment na 'to?" madramang tanong ni Coreen. Bumuntong-hininga si Royce sa tabi niya at napahagikgik lang siya bago ito siniil ng halik sa pisngi. "Sorry, babe. Gusto ko lang talaga 'yung kanta. Bagay na bagay sa ating dalawa. It reminds