Share

Chapter 7

Mabilis niyang iniligpit ang mga gamit at nagmamadaling lumabas ng kwarto, muntik pa siyang madapa dahil sa pagtakbo para lang matigilan nang pagbaba niya ay makita niya ang tumatawang si Royce na pinatay ang tunog ng alarm.

Umakyat lahat ng dugo niya sa ulo at marahas na binitawan ang mga bitbit na gamit na hindi maayos ang pagkakalagay. "Hindi nakakatawa!" galit niyang sigaw dito.

"Sinusubukan ko lang naman kung alisto ka at kung maililigtas mo ba ako," he said with a snicker. "Nice reflexes." tumatango-tangong sabi nito at pumasok sa isang silid.

"Bwisit!" inis niyang sabi sa sarili at bumalik sa kwarto para muling ayusin ang mga gamit niya.

Nang oras na para matulog ay tahimik siyang nahiga sa kama niya at nagkumot. Iisipin na lamang niyang muling bakal ang pader niya at walang lalaki ang posibleng pinagmamasdan siyang matulog. Ipinikit na niya ang mga mata at pinilit ang sariling makatulog. Nang unti-unti na siyang hinihila ng antok ay napadilat siya bigla nang makarinig ng tunog
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status