MADALING ARAW pa lang nang umalis si Coreen sa Mansiyon ng mga Cordillero. Binagtas niya ang madilim-dilim pang daan palabas ng subdivision ngunit meron naman siyang mangilan-ngilang taong nakakasabay kaya hindi siya kabado. Sabik na kasi siyang makauwi upang makita ang kapatid na si Rica.
Paglabas ng subdivision ay agad naman siyang nakakita ng masasakyang jeep pauwi sa kanila. Habang lulan ng jeep ay lumipad ang isip niya sa naiwang lalaki sa mansiyon. Paano kaya ito nakaka-survive nang mag-isa? Does he eat out? Order? Come to think of it, the most she's seen the man doing is to exercise, eat, leave for work at tulog na siya bago pa man ito dumating. Not much has changed between them. Royce is still an asshat and Coreen is still a maid.
Ipinilig ni Coreen ang ulo para iwaglit ang mga naiisip ukol sa binata. Tinitiis na nga niya ang ugali nito kapag kasama niya ito ay sasaktan pa niya ang sarili niya sa pag-iisip tungkol pa rin dito gayung sigurado siyang ni hindi man lang siya pag-aaksayahan nito ng oras na isipin.
Forget about that man and focus on your sister. Sabi ni Coreen sa sarili.
Nang sa wakas ay dumating siya sa kanto nila ay maaraw na. Bago sumakay ng tricycle ay hindi naman niya nakalimutang bilhan ng isang kahong donut na ni-request ng mahal na kapatid. Nakangiti niyang iniabot ang bayad at sumakay na pauwi sa kanila.
Nang makababa ay saglit niyang pinagmasdan ang maliit na bahay na tinirahan nilang magkapatid mula nang masunog ang kanilang bahay. Mayroon itong kinakalawang na gate na kupas na rin ang kulay puting pintura. Ang bahay nila ay gawa naman sa bato ngunit maging ang pintura nito ay unti-unti na ring natatanggal. Ang tiyuhin niya ay isang jeepney driver at ang tiyahin naman niya ay isang maybahay na paminsan-minsa'y tumatanggap ng tahiin.
Isang linggo pa lamang siyang hindi nakakauwi pero pakiramdam niya ay isang taon na mula nang huli niyang makita ang kapatid niya.
Binuksan niya ang pinto at narinig ang pamilyar na ingit nito. Ngunit nawala ang ngiti niya nang makita ang tiyuhin na may inaayos sa jeep nito. Lumapit pa rin siya dito upang magmano kahit na kailanman ay hindi ito naging mabait sa kanilang magkapatid. Ang tingin nito sa kanila ay pabigat lamang.
"Mano po, Tiyong." magalang niyang bati sabay mano dito. Ayaw naman niyang masabihang bastos dahil may pinag-aralang tao si Coreen.
"Buti naman at umuwi ka pa. Aba wala nang ginawa ang tiyahin mo kung hindi alagaan iyang kapatid mo. Mula noon hanggang ngayon ay pabigat pa rin kayo talaga." maaanghang ang mga salitang sabi nito bago bumalik sa ginagawa.
"Pasok na po ako sa loob." pagsasawalang bahala niya sa mga sinabi nito at naglakad na papasok sa bahay.
"Bwisit! Kailan kaya uunlad ang buhay ko?!" rinig pa niyang inis na sabi nito.
Napailing na lang si Coreen sa sinabi ni tiyuhin at agad na tinungo ang kwarto nila ng kapatid. Tatlo ang kwarto sa maliit nilang bahay, ang kwarto ng tiyuhin at tiyahin niya, ang kwarto ng dalawa nitong anak at ang kwarto nilang magkapatid.
Hindi nagpaapekto si Coreen sa mga narinig mula sa tiyuhin at agad na ngumiti pagkabukas ng pinto. Tumambad sa kaniya ang kapatid niyang nakaupo habang gumuguhit at ang tiyahin naman niya ay nagtatahi.
"Hi, bunso!" magiliw niyang bati sa kapatid sabay pakita ng kahon ng donut dito.
Nakita niya kung paanong nagliwanag ang mukha nito at tila ba nawala lahat ng pagod ni Coreen sa bago niyang trabaho. Tinabihan niya ang kapatid at niyakap ito.
"Kumusta? Na-miss mo ba ang Ate?" nakangiting tanong niya dito sabay halik sa noo ng kapatid at himas sa nakatakip nitong ulo.
Unti-unti na kasing naglalagas ang buhok ng kapatid niya dahil sa sakit nito at alam niyang oras na sumailalim ito sa chemotherapy ay mawawala lalo ang mga buhok nito. Ngunit gayunpaman ay isang napakagandang bata ang tingin niya sa kapatid niya. Para kay Coreen ay mukhang anghel ang kapatid niyang si Rica.
"Oo naman, Ate!" masigla rin namang tugon ni Rica sabay kuha sa hawak niyang kahon at binuksan ito.
"Paborito mo 'yan lahat."
"Wow! The best ka talaga, Ate! Kaya love na love kita, eh!" pang-uuto nito sabay kuha sa isang donut at nilantakan na ito.
"Sus! Love mo lang ang Ate kapag may uwi siyang donut." natatawang biro niya dito sabay lapit sa tiyahin para magmano. "Magandang umaga po, Tiyang." nakangiting bati niya sa butihing tiyahin.
"Kaawaan ka ng Diyos." nakangiting bati nito sa kaniya.
"Hindi naman po ba kayo nahirapan dito sa makulit na ito?" tanong niya dito sabay marahang pisil sa pisngi ng kapatid at ibinaba ang hawak na malaking bag na naglalaman ng mga ginamit niyang damit.
"Hindi kaya ako makulit, Ate. Behave kaya ako."
"Oo na, oo na. Naniniwala na ako."
"Kumusta naman sa bago mong trabaho, Coreen?" dinig niyang tanong ng tiyahin habang inilalabas ang mga maruruming damit mula sa bag niya.
"Okay lang naman po. Medyo masungit nga lang 'yung amo ko pero okay naman po. Kayang-kaya po." nakalingong sagot niya dito bago ibinalik ang atensyon sa ginagawa.
"Masungit? Bakit matandang binata ba?"
Bahagya siyang natawa sa tinuran ng tiyahin. "Nako,' tiyang. Mas matanda lang ho sa akin ng dalawa pero opo, parang matandang lalaki kung magsungit."
'"Ayieh. Gwapo, Ate?" panunukso naman ng kapatid niyan
"Tse."
Ginugol ni Coreen ang buong araw ng Sabado niya sa paglalaba ng mga damit niya at ng kapatid niya. Pagkatapos ay sinamahan naman niya ito sa pagguhit at pagkukulay sa kama nila. Kung tutuusin ay nakakapaglakad pa naman si Rica ngunit mabilis siyang mapagod at pinayuhan na rin sila ng doktor nito noon na huwag na ito masiyadong paglakarin dahil napu-pwersa raw ang mga buto nito kaya naman gustuhin man niyang ipasyal ang kapatid ay hindi maaari. Kapag nakapagipon-ipon pa siya ay bibili siya ng wheelchair na magagamit nito.
Kinagabihan ay tahimik nilang pinagsaluhan ang isang masarap na hapunan na pinagtulungan nilang lutuin ng tiya niya. Matapos magdasal ay inasikaso iya ang kapatid.
"Kumain ka ng marami, ha?" malambing na sabi niya sa kapatid sabay himas sa ulo nito.
"'Wag lang mas marami sa amin." ismid ng isa sa dalawang pinsan niyang babae. Si Iya ang masasabi niyang nagmana ng ugali ng tiyuhin niya samantalang ang kapatid naman nitong si Anna ay mabait namang kagaya ng tiyahin niya.
"Kumain ka nang kumain, Iya." saway ng tiyahin niya sa anak.
"Bakit mo sinasaway ang Anak mo? Hayaan mo siyang magsalita sa sarili niyang pamamahay." pagtatanggol naman ng tiyuhin niya sa panganay na anak.
Hindi siya umimik at nginitian na lamang ang kapatid at sinenyasan itong kumain nang kumain. Ano ba ang sasabihin niya? Masakit man ang kaniyang mga naririnig ay pawang katotohanan lang naman ang mga ito.
Pangarap ni Coreen na magkaroon rin sila ng sarili nilang bahay balang-araw ngunit sa ngayon ay ang paggaling muna ng kapatid niya ang pagtutuunan niya ng pansin. Sa ngayon ay titiisin muna niyang makisama sa mga ito.
Napabuntong-hininga na lamang si Tiya ngunit hindi na nagsalita pa. Pinagpatuloy nila ang pagkain at nang matapos ay dumiretso na si Iya sa kwarto nito habang si Anna ay tinulungan siya sa pagliligpit at pag-uurong.
"Pasensya ka na kay Ate Iya, Ate, ha? Medyo may pagka-m*****a talaga 'yon, eh." hinging paumanhin nito para sa kapatid.
"Okay lang,' no? Medyo sanay na ako at tiyaka isa pa, tama naman siya." nakangiting sabi niya sa pinsan habang sinasabon ang mga pinggan.
"Pamilya kaya tayo, dapat nagtutulungan tayo at hindi nagsasakitan." sabi nito habang itinataob ang mga inurong niya. "Isa pa, ang totoo niyan ay hanga ako sa'yo, Ate Coreen. Biruin mo nagpapakahirap ka mag-trabaho para kay Rica."
Parang may humaplos naman sa puso ni Coreen sa narinig na sinabi ni Anna. "Salamat, Anna."
"Wala 'yun."
Naputol ang usapan nila nang lumapit ang tiyuhin niya. "Coreen, bigyan mo nga ako ng limang daan at magpapainom lang ako." utos nito sa kaniya.
Napabuntong-hininga siya. Hindi na talaga ito nagbago, mula nang mga bata pa lamang sila ay manginginom na ito at kalahati ng kita nito ay napupunta sa alak. Madalas rin siyang hingan nito at kahit pa tutol siya ay wala siyang magawa.
"Pasensya ba po, Tiyong. Ngayong darating na linggo pa ho ang sweldo ko."
"Anak ng puta!" mura nito sabay hampas sa mesa na ikinapiksi nilang magpinsan. "Wala na akong napala sa inyong magkapatid! Mga pabigat na wala pang maitulong!" bulyaw nito at padabog na lumabas ng bahay.
Napapikit si Coreen at napakapit sa lababo nila. Pinigilan niya ang sariling mapaiyak dahil sa awa sa sarili niya at sa kapatid niya. Ilang taon na ba nilang tinitiis ang mga salita nito? Ilang taon pa ba silang magtitiis?
Anong nangyari? Bagama't medyo alam niyang may nararamdaman si Anabeth para kay Uriah. Noong huli silang magkita ay galit pa rin ito sa lalaki. "Bumalik kang ligtas. Akala ko ay mawawala ka na ng tuluyan sa pagkakataong ito." Umiiyak na sabi ni Anabeth kay Uriah. "I won't ever leave you, Precious. Hinding-hindi ako aalis sa tabi mo." Nanlaki ang mga mata niya nang maghalikan ang dalawa sa harapan niya. Umiwas siya ng tingin habang umiinit ang pisngi. Mukha na talaga magkasintahan ang dalawa ngayon. Sa pagbaling niya sa kaliwa, natuod siya, nakalimutang huminga at agad na nangilid ang luha sa mga mata nang makitang nakasandal si Royce sa punong naroon habang nakatitig sa kanya. 'Yung puno kung saan sila tumatambay noon. May bahid ng dugo ang damit nito at mukhang pagod na pagod. Natagpuan ni Coreen ang sarili na tumatakbo palapit rito nang makabawi bago pa niya mapigilan ang sarili. Pumulupot ang mga braso niya sa leeg nito at mahigpit itong pinipisil. Gaya ng dati niyang ginaga
Hindi sumagot si Uriah pero siguradong-sigurado si Coreen na ito ang lalaki! "Saan mo ako dadalhin?" Tanong niya habang inililibot ang mga mata sa nadaraanan. Sinubukan niyang kilalanin ang daan at paligid pero sa dismaya niya ay puro puno lang ang nakikita niya. "We're far enough." Halos mapatalon siya nang sa wakas ay sumagot si Uriah na nagpapatunay sa kanyang hinala. Pinagmasdan niya ang pagtanggal nito ng itim na maskara na nakatakip sa mukha nito bago ito itinapon sa tabi nito. "Bakit? Bakit mo ako niligtas?" Naguguluhang tanong niya. Wala siyang maapuhap na dahilan. "Sa parehong dahilan kung bakit gusto mong mamatay." Simpleng sagot nito, ngunit labis ang naging epekto nito kay Coreen. Hindi napigilan ni Coreen ang makaramdam ng pagkaantig dahil doon. Tama pala siya kung tutuusin. Mahal nga nito si Anabeth. He cares for her enough para itigil ang kalokohang ito at bumaligtad sa pamilya nito. Pero hindi rin niya maiwasang malungkot din. Hindi iyon ginawa ni Royce. Hind
Nag-aalala? Hah! Syempre mag-aalala nga pala ito dahil nag-aagaw buhay sa harap ng mga mata nito ang iaalay nitong buhay. Hindi nito magagawang linisin ang mga kasalanan nito at mapupunta sa langit. May dalawang araw pa ang natitira hanggang sa araw na ipapako siya ng mga ito sa krus. Pumikit si Coreen nang mariin habang may ngiti sa mga labi. "---oman! Woman! You are not dying just yet. You are not dying on me. Not today." Narinig niyang bulong si Royce sa sarili. Naririnig ni Coreen ang maraming yabag na tumatakbo sa paligid ngunit nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata. Nahihilo siya dahil sa sobrang dami ng dugong nawala sa kanya pero ayaw niyang makita ang mukha ni Royce. Ang pekeng pag-aalala sa mukha nito ang nagpapasakit sa kalooban niya. Bumalik sa isipan ni Coreen ang mga panahong magkasama sila araw at gabi, bawat oras, minuto at segundo. Masaya silang magkasama, nagtatawanan, nag-uusap, nagkakilala, nagmahalan. Peke lang ba talaga ang lahat? Produkto lang ba talag
Maraming yabag ang sunod na narinig, at makalipas ang ilang segundo, lumitaw ang limang myembro ng grupo nila, maliban kay Madam at Royce at may hula siyang magkasama ang mga ito. Inikutan siya ng mga ito na tila ba pinag-aaralan siya. O baka naman iniisip kung ano ang pinakamasakit na bagay na maaaring gawin sa kaniya. Nagulat siya nang umatras ang mga lalaki at tanging si Vashti na lang ang naiwan na may hawak na latigo. Hindi niya napigilang matawa ng malakas dahil doon. "What? You can't hurt a girl? Aw, ang gentleman niyo naman pala, guys." Panunuya niya at tumawa siya nang tawa bago ito natigil nang sampalin siya ni Vashti sa mukha niya gamit ang kamay nito. "Eh di natahimik ka?" Ngumisi ito bago lumuhod sa harapan niya. Wala na 'yung babaeng ngumiti sa kanya noon. Ngayon ay nakikita na niya kung gaano kasama si Vashti sa kabila ng magandang mukha nito. Tunay ngang malakas makaloko ang panlabas na anyo. "Alam mo, Coreen. You should actually feel honored. Kailangan mong mama
"Let her go, Lust." Utos ni Royce sa nangngangalit na mga bagang at ngipin habang nanlilisik ang mga mata. "Come on, man. You are ruining my bòner. Umalis ka na bago ka hanapin ni Envy." Ibabalik na sana ni Lust ang atensyon sa kanya nang walang ano-ano itong hinila ni Royce palayo sa kanya. "You are not gonna f*cking ruin my turn, asshòle! I don't need you tainting my sacrifice! Leave!" Sigaw ng manlolokong lalaki na umalingawngaw sa apat na sulok ng kwarto. Itinulak ito ni Quincy bago masama ang tinging lumabas ng kwarto. Tila matatawa na lamang siya na pinagmamasdan ang dalawa bago ito nawala nang i-lock ni Royce ang pinto at humarap sa kanya. "You want your last f*ck? Then, I'll f*cking give it to you." Nang aakyat na sana ito sa kama, napaatras si Coreen hanggang sa maramdaman niya ang headboard sa likod niya. "Huwag kang lalapit sa akin." May halong takot, kaba at diring sabi niya. "Oh?" Bulalas ni Royce na nakatagilid ang ulo pero nakita niyang nairita ito sa ginawa ni
"Bakit ako?" Nagawa niyang maitanong sa wakas sa pagitan ng pangangailangan ng hangin para kumalma, at sipain ang lahat ng ito at hintayin ang kanyang wakas na dumating. "Tulad ng sabi ko, easy target ka. A woman desperate to find work for her sick sister. You see, I've been looking for the perfect Charity until I saw you and your sister one day in the park. And I thought, ah, I finally met the one person with endless love and pure heart." "Sa tingin mo ba sa paggawa ng lahat ng ito, maliligtas ka—kayong lahat? Na kahit papaano, patatawarin kayo ng Diyos sa lahat ng mga kasalanan niyo? Kung ganon ay nahihibang kayong lahat dahil sa mata ng Diyos, kayo ay mga walang pusong mamamatay-tao na pumatay ng mga inosente." Sabi niya gamit ang maaanghang na salita. Naikuyom ni Royce ang kamao dahil sa mga sinabi ko at nakaramdam ako ng kakuntentuhan. "We are nothing like them! You have no idea what hell we went through before we found each other and founded this family! We are all victims