IMPIT NA SUMIGAW si Coreen sa hawak na unan na kasalukuyang pinanggigigilan. Iniisip niyang ito ang Amo niyang walanghiya.
Sa tuwing naaalala niya kung gaanong paghihirap ang pinagdaanan niya mapakawalan lamang niya ang sarili niya sa pagkakatali nito sa kaniya sa headboard ay lalong nagpupuyos ang damdamin niya.
Royce Cordillero is the real definition of asshole with a capital A!
Tumulo na lahat ng pawis niya sa katawan at halos magkandabali-bali lahat ng buto niya sa katawan makawala lamang. Hindi niya inakala na may itinatago rin naman pala siyang flexibility pero hindi iyon ang punto! Ang punto ay pinagmukha siyang tanga ni Royce.
Kung nakikita lamang siya nito malamang ay pinagtatawanan na nito ang paghihirap niya. Pero hindi pa rin siya susuko! Mas malakas ang hangarin niyang mapagaling ang kapatid para sumuko sa pagpapahirap nito sa kaniya. Ipapakita ni Coreen na iba siya sa mga napaalis nito dati. Ipapamukha niya sa binata na nakaharap na ito ng katapat nito!
Ang nagpupuyos na damdamin ay napalitan ng muling pagtataka nang maalala niya ang sinabi nito kagabi. Paano nito nalaman na nanaginip siya? Paano nito nalaman kung tungkol saan at kanino ang panaginip niya?
Umayos ng higa si Coreen at iniikot ang tingin sa paligid ng kwarto. May hidden camera ba doon na palihim na nire-record ang bawat kilos niya? Sinuri niya bawat sulok ng kisame pagkuwa'y tumayo para hanapin ang hidden camera. Ngunit makalipas ang ilang minuto ay wala siyang nakita kaya naman napaupo na lang siya muli sa kama at napailing.
Baka naman niloloko lamang siya nito? Sigurado si Coreen na aware ang amo niya kung gaano ito kagwapo at gaano kalakas ang sex appeal nito kaya naman tinutukso lamang siya nito at huhulihin siya sa pamamagitan ng reaksyon niya sa sinabi nito.
Tama! Sigaw ni Coreen sa isipan niya. Pwes, hindi niya ipapakitang apektado siya ng salita nito.
Tumayo na siya at nilapitan ang bintana niya para buksan ang kurtina para lamang matigilan sa tanawing bumungad sa kaniya. Nanigas siya sa kinatatayuan at nanatiling nakahawak ang kamay sa kurtina habang ang mga mata ay napako sa taong ngayon ay nage-ehersisyo.
Coreen swallowed and heat crawled up her cheeks at the sight of Royce uplifting, muscles bulging, sweats rolling down his face and taunt abs. Her stomach clench with desire and she bit her lip as she stared at the jerk he just cursed awhile ago and now, she's drooling over the said asshole.
Nakasuot lamang ng gray sweatpants si Royce at napaikot na lamang siya ng mga mata ng makitang nakasuot pa rin ito ng leather gloves. Hindi ba ito naiinitan at hindi ba dumudulas ang mga kamay nitong nakahawak sa rehas upang hilahin pataas ang sarili?
Tumigil ito sa ginagawa at nag-stretching at ang sumunod na ginawa nito ay talaga namang ikinagulat niya. Nanlaki ang mga mata niya nang bigla nitong hubarin ang suot na sweatpants kaya naman napasinghap siya. Kasabay ng pagsinghap niya ay ang paglingon nito sa gawi niya kaya naman kaagad niyang binitwan ang kurtina ngunit huli na ang lahat dahil nakita na siya nito.
Napahawak si Coreen sa dibdib niya dahil sa bilis ng pagtibok niyon pagkuwa'y pinalo ang sarili sa ulo kasabay ng pagpadyak ng paa. Ang tanga-tanga mo kasi! Para kang isang manyak na naninilip!
But the sight of Royce with only his underwear on is still fresh on her mind. Her heart raced faster if that is possible when she remembered how huge his bulge was. Bigger that her ex's that is for sure.
Muling binatukan ni Coreen ang sarili dahil sa pagkukumparang ginawa niya sa ex niya at sa boss. Parang habang tumatagal siya kasama ito ay binunuhay nito ang natatagong laswa ng isipan niya she never knew she had.
"Mababaliw yata ako kapag tumagal pa ako dito." pabuntong-hiningang sabi niya sa sarili at inayos na ang sarili bago bumaba papuntang kusina para ipagluto ito ng tanghalian.
Nabungaran niya itony umiinom ng tubig mula sa sarili nitong kusina at nahigit niya ang paghinga ng ibuhos nito ang tubig sa ulo at pinanuod ni Coreen ang mga butil ng tubig na bumagsak sa leeg nito pababa sa dibdib, sa tiyan hanggang sa lugar na hindi na niya makikita pa.
Agad siyang nag-iwas ng tingin at isinubsob ang nag-iinit na mukha sa loob ng freezer habang naghahanap ng maaaring iluto.
"Bakit hindi ka pa kaya pumasok sa loob?" rinig niyang sarkastikong sabi ni Royce pero hindi niya ito pinansin at ibinaba ang hipon. Magluluto na lamang siya ng nilasing na hipon.
Binabaran niya ito at kumuha naman ng mga kakailanganing gulay at inilapag ang mga ito sa counter.
"Glad you escaped by the way. I'm impressed." tumatawang sabi nito.
Sinamaan niya ito ng tingin dahil sa pang-aasar nito ngunit hindi sumagot hanggang sa umakyat ito ay tumatawa ito. Baliw. Inis na bulong niya sa isipan at itinuloy ang ginagawa. Nagpasalamat siya nang makatapos siya sa pagluluto na hindi ito bumababa. Hinanda niya ang mesa nito at nagpunta sa sala para maglinis roon kahit pa wala namang masiyadong dumi. Pagkatapos ay lumabas siya sa hardin para naman magwalis ng mga dahon. Meron naman itong hardinero kaya hindi niya kailangang pakialaman ang mga halaman at tanging pagwawalis na lamang ng mga nahuhulog dahon mula sa puno ang kailangan niyang gawin.
Kunot noo siyang napalapit sa puno ng makitang may nakaukit roon. "I love you forever, Janice. Love, Michael." basa niya sa nakasulat roon. "Sino si Michael?" takang tanong niya sa sarili.
Sa pagkakaalam niya ay solong anak si Royce. Tatay nito? Pinsan? Kaibigan? At sino naman si Janice?
Wala sa loob na napatingin sa paligid si Coreen bago natuon ang atensyon niya sa Mansion. Bakit pakiramdam niya ay napakaraming misteryo at kababalaghan ang nangyari at mangyayari pa sa lugar na iyon? Maging ang amo niya ay napaka-misteryoso rin.
Ipinilig na lamang ni Coreen ang ulo at inipon ang mga basura para itapon ito sa labas ng bahay. Inilagay niya ang mga basura sa naroong basurahan na kinukuhanan ng mga truck at nang papasok na sana siya muli sa loob ay nahagip ng paningin niya ang isang katulong rin na mas may edad sa kaniya. Ngumiti siya rito at lumapit.
"Hello po. Ako nga po pala si Coreen ang bagong maid dito. Kumusta po?" magalang na tanong niya sa babae.
Hindi ito sumagot at noon lamang napagtanto ni Coreen na hindi sa kaniya nakatingin ang matanda kung hindi sa bakod ng mansion. Taka niyang sinundan ang tinitignan nito at nang muli niyang tignan ang matanda ay nakatingin na ito sa kaniya at nagulat siya nang makita ang takot sa mga mata nito.
"Habang maaga pa ay umalis ka na, hija. Nasaksihan ko lahat ng kababalaghan diyan sa bahay na iyan at kung gusto mo pang mabuhay ay umalis ka na ngayon rin." pagkatapos niyon ay bumubulong-bulong itong umalis hanggang sa may mga lumapit dito na mga kasamahan ring katulong.
"Huwag mong seryosohin mga sinabi ni Manang. Medyo matanda na rin kasi talaga siya kaya naman matatakutin na. Welcome dito! Ako nga pala si Otap, kapag may kailangan ka ay sa mga Mansion ng Casto mo lang kami makikita." nakangiting sabi ng isa sa kaniya bago nito tinangay ang matanda.
Nakangiti lamang siyang ngumiti habang sinusundan ng tingin ang mga ito. Ngunit hindi maalis sa isipan niya ang tinuran ng matanda. Kitang-kita niya ang takot sa mga mata nito habang nakatingin sa mansyon. May basehan ba ang mga sinabi nito o wala?
Hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba ngunit sa palagay naman niya ay hindi nananakit si Royce. Oo nga't magaspang ang ugali nito ngunit sa tingin naman niya ay harmless ito.
Bumalik siya sa loob ng mansyon na naguguluhan ang isipan. Nadatnan niya ang basa pang buho na si Royce na kasalukuyang kumakain.
"Your food's always delicious. Maybe I should keep you." rinig niyang sabi nito habang nagsasalin siya sa baso sabay inom ng tubig. Nakaramdam kasi siya ng panunuyot ng lalamunan sa mga narinig niya.
Her mind is running wild. She thought about the possible things and happenings she could experience in that mansion.
"--man! Woman!"
She was snapped out of her thoughts dahil sa ginawang pagkalampag ni Royce sa salamin at pagtawag nito sa kaniya. Hindi niya napansing napatulala na pala siya at nanginginig ang kamay na nakahawak sa baso. Dahan-dahan niyang ibinaba ang baso at tinignan sa mga mata ang binata.
"Y-yes?"
She could've sworn she saw concern swimming in his eyes before it was replaced by a bored expression. "Natulala ka kasi at baka mabasag mo 'yang baso. Mas mahal pa man din iyan sa sweldo mo."
Ang pangamba at takot na naramdaman niya kanina ay napalitan ng inis. "Whatever." inis na sabi niya dito bago inilagay ang baso sa lababo at ibinalik ang pitsel sa ref. "At ang pangalan ko ay Coreen. C-o-r-e-e-n. Hindi woman. Okay?"
"Whatever you say," he trailed off before drinking. "Woman." pagtuloy nito kasabay ng pagngisi.
Napaikot na lamang siya ng mga mata bago muling natuon ang mga mata sa suot nitong gloves. Bago pa niya napigilan ang sarili ay naibuka na niya ang bibig niya.
"Bakit lagi kang nakasuot ng gloves kahit na wala namang tao sa paligid mo?" pangahas niyang tanong.
She saw how he stopped eating before dropping them with a loud clang that made her flinch. Tumayo ito at binigyan siya ng nakakatunaw na titig.
"Let's get one thing straight, we are not friends. We are nothing. You are nothing." he said with so much venom im his voice. "Know your place, woman." pagkasabi nito noon ay kinuha nito ang jacket na nakapatong sa mesa at lumabas ng mansion.
Bakit ba lagi na lang nauuwi sa pag-alis nito ang bawat pag-uusap nila. Maybe she just wanted to know the truth and Royce didn't need to be an asshole about it.
Coreen sighed, his words stung her somehow. Oo nga naman, amo niya ito at katulong siya. Ito ang dahilan kung bakit siya babayaran. Ito ang magiging dahilan para mapaopera niya ang kapatid niya pero hindi pa rin niya maiwasang masaktan sa mga sinabi nito.
Royce Cordillero is an asshole, insenstive jerk and cold hearted man.
Pabuntong-hininga niyang niligpit ang mesa gamit ang mahabang stick para hilahin ang mga ginamit nito. Inilagay niya ang mga ito sa lababo at inurong. Pagkatapos ay aakyat na sana sa kwarto niya para sana maligo nang mahagip ng mata niya ang isang bagay na nahulog sa tabi ng mesa ni Royce.
Lumapit siya sa pader na salamin at nakita ang isang calling card. Umupo siya at pilit na inaninaw ang nakasulat roon.
"Mi--chael?" pasinghap na basa niya sa calling card. Pilit niyang binabasa ang apelyido nito ngunit hindi na niya iyon mabasa pa dahil may punit ito sa gitna.
Michael? Iyon rin ang pangalang nakita niyang nakaukit sa puno. Sino ba talaga ito at bakit hawak ni Royce ang calling card nito?
"Pero at the end of the day, tayo ang mahal nila at hindi sila." Lumingon sa kanya si Madam na may seryosong tingin sa maganda nitong mukha bago muling ngumiti ng pagkatamis-tamis at nagdulot ito ng kakaibang pakiramdam sa kaibuturan ni Coreen. "Oh, don't mind me, darling. Let us get to know each other better, hm?" Tumango lang si Coreen na may kasamang tipid na ngiti bago tumingin sa labas ng mga dumadaang sasakyan. Ngayon alam na niya, sa likod ng matatamis na ngiti nito, may isang bagay na misteryoso at mapanganib sa awra nito. At alam niyang kailangan niyang mag-ingat. Dinala siya ni Madam sa isang mall at totoo sa sinabi nito, hindi sila sinundan ng security pero nanatili ang mga itong nakamasid sa kanila mula sa malayo. Iniisip ni Coreen kung may mga kaaway ba si Madam o mga taong gustong pumatay rito. Kung tutuusin, ito ang leader ng pamilya ni Royce. Alam niyang hindi naman siya hahayaang mapahamak ng nobyo kaya pumayag itong sumama siya sa kapatid nito. Sa kabila ng kanyan
"Ano ito?" Tanong ni Coreen nang makapulot siya ng papel sa mesa habang naglilinis ng mansyon ng araw na iyon. Nagkasundo na sila ngayon na dahil magkasintahan na sila ay hindi na siya isang maid, pero hindi naman papapigil si Coreen. Dahil doon na rin siya nakikitira, natural lang naman na gumalaw-galaw pa rin siya. Hindi siya basta-basta magpapabaya at kikilos na parang reyna. "A proof that I am clean and I have no diseases or whatever." Sagot naman ni Royce. Napalunok si Coreen at marahang pumikit. Hindi pa nila ito napag-usapan at talagang okay si Coreen na gumamit ng proteksyon para maiwasan ang hindi planadong pagbubuntis. Hindi naman sa ayaw niyang magkaroon ng sariling anak pero hindi ngayon. Hindi pa siya handang maging ina dahil para sa kaniya ay napalaki niyong responsibilidad. Magiging mabuting ina ba siya sa mga ito, paano kung mapabayaan niya at matulad sa nangyari sa kapatid niya? "So, ang gusto mong sabihin ay...?" Natigilan siya at ibinalik ang papel sa mesa. "
Kinabukasan ng summer vacation nila, magkahawak-kamay silang naglalakad papunta sa lawa na nabanggit ni Royce. Pagkatapos nilang kumain ng niluto niyang seafood pasta para sa tanghalian nila halos hatakin na niya ang nobyo habang nakasuot lang ng manipis na short at bra. "Sigurado ka bang walang buwaya diyan?" Tanong niya ulit. Inaalala ang pelikulang napanood niya noon tungkol sa isang mamamatay na buwaya na nakatira sa lawa. "Oo, sigurado ako for the nth time." Itinaas ni Royce ang kanilang mga kamay at pinahakbang muna siya sa isang nahulog na troso bago siya sinundan. "Naniniguro lang ako, ano? Ayokong maging tanghalian ng buwaya. Busog pa man din tayo." Natatawa niyang biro. "Why are so sure that he'll eat you? She could be a woman and will want to eat me instead." Narinig niya ang ngisi sa boses nito dahil kasalukuyang hinahangaan ni Coreen ang sariwang hangin at ganda ng lugar. "Hoy, alam mo sa mga pelikula, ang mga mag-asawa ay karaniwang namamatay sa kakahuyan o papa
Kinakanta ni Coreen ang lyrics habang ang kanyang mga kamay ay nasa likod ng headrest, at ang kanyang mga paa sa ibabaw ng dashboard. "Lakasan mo naman, babe. Susunod na ang chorus." Utos niya kay Royce habang iniindayog ang mga paa sa beat. Hindi siya pamilyar sa artist, pero ilang beses na niyang narinig ang kanya kaya nakabisa na niya ang lyrics. Kahit hindi lumingon sa nobyo, alam niyang tumaas ang kilay nito. "Opo, Ma'am." Nilakasan nito ang volume at kinanta ni Coreen ang kanta sa malakas na boses. "Babe, sinasaktan mo ang tenga ko dito. Hindi ako makapag-concentrate." Sinamaan niya ng tingin si Royce sa sinabi nito. "Are you saying my voice sounds bad? Na hindi ako marunong kumanta? Na wala akong karapatan? Na hindi ko dapat enjoyin ang moment na 'to?" madramang tanong ni Coreen. Bumuntong-hininga si Royce sa tabi niya at napahagikgik lang siya bago ito siniil ng halik sa pisngi. "Sorry, babe. Gusto ko lang talaga 'yung kanta. Bagay na bagay sa ating dalawa. It reminds
"Hi, little sis. Sorry kung ngayon lang kita nabisita. Miss na miss ka na ni kuya." Sabi ni Coreen habang hinahaplos ang puntod ng kanyang namayapang kapatid, at inaalis ang mga piraso ng dahon at bulaklak. Naramdaman niya ang pagpisil ni Royce sa balikat niya bilang suporta at nginitian niya ito pabalik. Tinuro nito ang malapit na bench at tumango naman si Coreen. Nakapagtataka kung paano nito nalaman na gusto niyang mapag-isa kasama ang kapatid. Rica Nais, isang mapagmahal na kapatid, isang batang puno ng pangarap.Hinaplos niya ang bawat letra ng may mabigat na puso. "I'm sorry kung natagalan akong bumisita sayo. Kasi hindi ko kayang makita kang ganito." Naluluha na ang mga mata niya pero patuloy pa rin siya sa pagpikit. Nahihirapan na siyang huminga pero nilabanan ito ni Coreen. Gusto niya munang sabihin kung ano ang pumipigil sa kanya. Kapag hinayaan niyang manalo ang kanyang emosyon, hindi niya masasabi kung ano ang kailangan niya. She tried so hard to act like she's okay.
Mabilis na napatayo si Coreen at sinubukang tanggalin mula sa binti ni Royce ang umiiyak na paslit ngunit mas lalo lang kumapit ang bata, at mas lalong nilakasan ang pag-iyak kaya naman nataranta siya. "Daddy!" Malakas na palahaw ng bata na nakakuha ng atensyon ng mga dumaan. Nakagat niya ang pang-ibabang labi at hindi tinanggal ang nga kamay sa pagkakahawak sa bata. "Baby, hindi mo siya Daddy kaya bitawan mo na siya, okay? Mabait na bata 'yan." Sabi niya para subukang utuin ang bata. Hindi pa rin bumitaw ang bata at nagpatuloy lang sa pag-iyak. Nagpa-panic na si Coreen ngayon at hindi malaman ang gagawin. Paano kung ma-trigger niya ang trauma ni Royce? Gayunpaman, sa kanyang sorpresa, yumuko si Royce at binuhat ang bata para ikabit ito sa balakang. "Hello there, little buddy. I'm not your Daddy but I can help you look for him so stop crying, okay? What's your name?" Malumanay ang tinig na tanong nito sa batang bahagyang humina ang pag-iyak. Gulat na tinitigan ni Coreen ang lal