Share

Chapter 29

“Stop the car! Stop the car!”

Patuloy pa rin sa pag-drive si Rey Jhon kahit pa feeling bida sa isang story ang kasama niya sa kotse at paulit-ulit na isinisigaw ang linyang ‘yon. Gusto niyang matawa pero tudo pagpipigil ang ginawa niya, ayaw niyang masaksihan ang pagpapalit ng anyo ni Gabriella at baka maging si Maleficent pa at magkaroon ng pakpak.

“Ano ba, Rey Jhon! I said, stop the car!” sigaw na naman ni Gabriella at panay dabog pa.

Pero hindi pa rin siya nagpatigil. Hindi siya papayag na matapos na naman ang araw na ito na hindi niya makakausap nang matino ang dalaga. Ilang araw na ba ang nasayang niya? Ngayon, sa mismong araw na ‘to, sa ayaw man ni Gabriella o sa hindi ay kailangan nilang mag-usap. Gusto niyang bumalik sila sa dati at ayaw niyang madagdagan pa ang paghihirap niya.

“Where are we going? What the hell, Rey Jhon! Hindi na ‘ko natutuwa! Nauntog ka ba at nakalimutan mo kung saan ako nakatira?”

Bumalot na naman sa buong kotse ang sigaw ng dalaga nang mapansin nitong
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status