Share

Chapter 8

Isang oras na rin na nakatambay si Rey Jhon sa swimming pool ng university nila. Isang oras siyang walang ginawa kun'di ang makipagtitigan sa tubig. Kung kaya lang siyang kausapin ng tubig, kinausap na niya. Hindi na siya nag-abalang tawagan o i-text pa si Carlo kahit kating-kati na ang mga daliri niyang pumindot sa cellphone para makapag-sorry siya. Dati gusto lang niyang malaman ni Carlo ang nararamdaman niya pero ngayon hindi na niya alam kung iyon pa rin ba ang gusto niya.

Ayos lang naman sila noon kahit hirap na hirap siyang itago ang nararamdaman niya. Maayos ang takbo ng buhay niya kahit kaibigan lang ang turing nito sa kaniya, gano'n talaga eh, wala na siyang magagawa sa bagay na ‘yon. Hindi na niya kayang baguhin pa iyon. Batid naman niyang napakaimposible ang gusto niyang mangyari. It seems like he’s hoping to be a billionaire in just one snap of his fingers.

Ganito talaga siguro ang buhay ng isang bakla at mukhang wala na siyang magagawa kun'di tanggapin na lang ang tadhana
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status