Share

Chapter 9

last update publish date: 2026-05-26 17:29:07

“Miss Sandeja…” tawag ni Logan sa kaniya na nagpabalik sa kaniya sa katotohanan. Hindi niya akalain na kung saan saan na pala lumipad ang isip niya. Umayos siya ng kanyang tayo.

“Yes sir?” tanong niya rito at nakita niyang nakatitig ito sa kaniya ng salubong ang kilay bago napahilot sa sentido.

“Ano bang iniisip mo? Ang aga-aga pero you’re spacing out.” medyo naiinis ng sabi nito at para bang unti unti ng nasisira ang umaga nito.

“I- I’m sorry sir.” muli niyang paghingi ng paumanhin.

“What is m
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Back With The CEO'S Baby   Chapter 10

    Pumunta si Alberto Monteverde sa school kung saan ay isa siya sa mga nagtatag. May meeting sila. Kahit na nasa late sixties na siya ay malakas lakas pa siya, pero hindi siya nagtungo doon ng mag-isa kundi kasama niya ang ilan niyang tauhan. Idagdag pa na ibinilin ng kanyang apo na kailangan kapag lalabas siya ay palagi siyang may kasama dahil baka kung ano ang mangyari sa kaniya.Napa buntong hininga siya. Isang malungkot na pakiramdam ang bumalot sa kaniya ng makita niya ang mga batang maliliit habang naglalaro sa campus. Kung sana lang ay hindi naghiwalay sina Logan at Kayla ay baka may apo na rin siya sa tuhod ngayon e di sana ay hindi malungkot ang buhay niya.Wala siyang ibang anak, tanging ang ama lang ni Logan ang nag-iisang anak niya dahil noong mabuntis ang asawa niya ay nanganib ang buhay nito kaya kahit na gusto niya pang magkaanak sana ay mas inuna niya ang kalusugan ng asawa niya kaya naging mag-isa lang ang ama ni Logan ngunit ang problema ay napakaaga din namang kinuha

  • Back With The CEO'S Baby   Chapter 9

    “Miss Sandeja…” tawag ni Logan sa kaniya na nagpabalik sa kaniya sa katotohanan. Hindi niya akalain na kung saan saan na pala lumipad ang isip niya. Umayos siya ng kanyang tayo.“Yes sir?” tanong niya rito at nakita niyang nakatitig ito sa kaniya ng salubong ang kilay bago napahilot sa sentido.“Ano bang iniisip mo? Ang aga-aga pero you’re spacing out.” medyo naiinis ng sabi nito at para bang unti unti ng nasisira ang umaga nito.“I- I’m sorry sir.” muli niyang paghingi ng paumanhin.“What is my schedule for today?” tanong nito sa kaniya. Trabaho niya iyon bilang sekretarya niya kaya dapat alam niya. Binuksan niya ang tablet na hawak-hawak niya at sinabi rito ang mga sunod-sunod na kailangan nitong gawin para sa araw na iyon.Hanggang alas sais ng gabi ay may meeting ito kaya hindi siya pwedeng umuwi kaagad hanggang hindi ito nakakauwi. Kailangan niya itong samahan. Noong mag-asawa pa lang silang dalawa ay ni hindi niya ito nakasama ng matagal sa iisang silid at bukod pa doon ay hindi

  • Back With The CEO'S Baby   Chapter 8

    Pag-uwi ni Kayla at ng anak niya ay hindi na sila nakapag-usap pa dahil kaagad na itong nagpunta sa kwarto nito at sinabiing matutulog na. Napa buntong hinina na lang talaga si Kayla dahil pakiramdam niya ay lumalaki at tumatanda na talaga ang anak niya. Parang unti-unti na rin itong nagbabago. Hindi na lang siya nagsalita sa halip ay kaagad siyang nag-post sa f@cebook kung sino ang pwede niyang makuhang kasama sa bahay.Kailangang kailangan na niya ngayon ng kasama dahil nga sa magiging busy na siya kung sakali. Bukas ay mag-uumpisa na siya bilang isang opisyal na sekretarya ni Logan. Napahilamos siya sa kanyang mukha at ngayon pa lang ay parang gusto na niyang pagsisihan ang ginawa niyang pagpayag sa gusto ng lalaki.Pero iniisip niya kasi si Brix lalo na ang future nito. Pagod siyang napasandal sa sofa. Wala naman siya gaanong ginawa sa opisina ngunit pagod na pagod siya. Napa buntong hininga na lang na naman tuloy siya. Ni hindi niya nagawang makipag-usap kay Xander dahil medyo na

  • Back With The CEO'S Baby   Chapter 7

    Kanina pa hindi mapakali si Kayla mula sa kanyang kinauupuan. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay may nakatingin sa kaniya kaya hindi siya komportable. Kahit na kwento ng kwento si Xander sa kaniya ay hindi niya magawang mag-enjoy. Napakaraming tumatakbo sa isip niya ng mga oras na iyon sa totoo lang.Hindi niya alam kung paano niya kakausapin ang anak niya tungkol sa pagsagot niya kay Xander. Kung kailan naman buo na ang loob niya ay saka naman mukhang nagdadalawang isip ang anak niya. Pag-uwi nila mamaya ay kakausapin niya ng mabuti ang anak niya. Hindi niya pa pwedeng sagutin si Xander ngayon katulad ng napagplanuhan niya kanina.“Is the food not to your liking?” tanong ni Xander sa kaniya ng mapansin nitong hindi man lang niya ginalaw ang pagkain niya. Nagulat siya kaya sa halip ay ngumiti na lang siya ng bahagya. “Ah, hindi naman sa ganun. Medyo madami lang akong iniisip.” sagot niya.Napuno ng pag-aalala ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. “Nahihirapan ka ba sa t

  • Back With The CEO'S Baby   Chapter 6

    Napatigil sa paghakbang si Kayla ng marinig niya ang tanong ni Logan. Sunod-sunod ang naging paglunok niya. Hindi niya alam kung paano niya sasagutin ang tanong nito ng mga oras na iyon. Kung pwede niya lang sanang ibalik ang oras e di sana ay hindi na niya hinayaan ang anak niya pagala-gala kanina. Huminga siya ng malalim at pilit na pinapakalma ang sarili. Kung aalis siya at hindi ito sasagutin ay baka mas lalo pa itong mag suspetsa kaya haharapin niya na lang ito. Umikot siya at hinarap ang lalaki saka ngumiti. “Bakit mo naman nasabi na anak natin siya? Ikaw lang ba ang lalaking pwedeng maging ama ng anak ko?” tanong niya rito na puno ng panunuya. Pinilit niyang maging matapang sa harapan nito kahit na ang totoo ay halos matumba na siya dahil dahan-dahan ng nangangatog ang mga tuhod niya. “Sa tingin mo ba ay ikaw lang ang lalaking dumaan sa buhay ko para magtanong ka ng ganyan?” ngumiti siya at napuno ng lamig ang mga mata. Ang kamay nitong nakahawak sa kanyang kamay ay bahagya

  • Back With The CEO'S Baby   Chapter 5

    “Nandito ako sa baba.” sabi ni Xander kay Kayla. Pagkasabi lang nito iyon ay ibinaba na nito ang tawag kaya wala siyang nagawa kundi ang tumayo mula sa kanyang kinauupuan at bumaba. Napakarami niyang trabaho sa totoo lang at halos hindi na nga siya makatayo mula sa kanyang upuan pero bigla na lang tumawag ang lalaki at sinabi nitong nasa baba ito. Si Xander ay isang taon na niyang manliligaw. Mabait naman ito at gwapo, higit sa lahat ay tanggap nito si Brix at ilang beses na rin itong nakita ni Brix. wala namang problema sa kaniya at ilang beses na siyang sinusulsulan ni Kelly na sagutin na ito pero hindi niya pa rin magawang sagutin ito. “Hi!” kaagad na bati nito sa kaniya at pagkatapos ay inabot ang bulaklak na hawak nito. Isang alanganing ngiti ang ipinaskil niya sa kanyang labi at at tinanggap ang bulaklak. “Salamat, hindi ka na dapat nag-abala pa Xander.” sabi niya rito. Ngumiti lang naman ito sa kaniya. “Ano ka ba, you deserve more than that.” sabi nito sa kaniya. “Here.” ma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status