Share

Chapter 4

last update publish date: 2026-05-24 17:37:42

Napasandal si Logan sa kanyang kinauupuan at napatitig sa nakasarang pinto bago nagpakawala ng isang mahabang buntong hininga. Kanina pa siya hindi makapag focus sa mga trabaho niya dahil sa muli nilang pagkikita ni Kayla.

Ilang taon na ba ang lumipas? Hindi na niya sigurado pa, pero ang tanging alam niya lang ay simula noong iwanan siya nito ay hindi na siya naging masaya pa. Sa dalawang taon nilang pagsasama ay unti-unti niya itong minahal ngunit hindi niya nagawang sabihin dito ang totoo. He kept it to himself at noong gabi na pinapipirmahan niya ang divorce agreement ay umasa siya na hindi nito pipirmahan iyon kahit na may kasunduan silang dalawa ngunit ni wala man  lang siyang nakitang pagdadalawang isip na pinirmahan ito.

Sa puntong iyon ay napatunayan niya na hindi nga talaga siya nito mahal at hindi nagtagal ay bigla na lang itong nawala. Ni hindi niya na ito nakita pang muli hanggang sa isang picture ang ipinakita sa kaniya ng kanyang kaibigan, picture nito kasama ang isang batang lalaki habang nakatalikod ang bata.

Sobrang sakit para sa kaniya na makita iyon, kaya alam niyang may anak na ito at tiyak na meron na ding bagong asawa. Wala siyang alam na muling magkukrus ang landas nila sa kumpanya.

Isang katok sa pinto ang nagpabalik sa kaniya sa katotohan. Hindi nagkatagal ay pumasok ang isang babae. Nagpakilala na ito sa kaniya kanina ngunit hindi niya lang matandaan kung anong eksaktong pangalan nito. “Yes?” walang emosyon niyang tanong dito.

“Uhm, sir, I just want to ask if you want to replace Miss Sandeja. It was your first day here yet she was late. How can she be a—” 

“You're not in place to tell me what to do. I’m the CEO, remember? Why don’t you just go back to your desk and do your job?” walang ekspresyon na tanong niya rito.

Samantala, halos mamula naman ang mukha ni Anne nang marinig niya ang sinabi nito. Napakuyom ng mahigpit ang kanyang mga kamay. Para siyang sinampal ng wala sa oras dahil sa sinabi nito ngunit sa huli ay wala na lang siyang nagawa kundi ang ngumiti para pagtakpan ang kanyang pagkapahiya. Akala niya pa naman ay tuluyan ng mawawala sa landas niya ang babaeng iyon pero hindi pa rin pala.

Isang alanganing ngiti lang ang ipinaskil niya sa kanyang mga labi at yumuko na lang saka nagpaalam para lumabas.

Pagkasara niya ng pinto ay ilang mura ang pinakawalan niya sa kanyang isip dahil sa sobrang inis niya kay Kayla. Noon pa man ay galit na siya rito dahil nagkagusto lang naman dito ang kanyang ex-boyfriend kaya galit na galit siya dito noon pa man ngunit dahil nga hindi niya saklaw ang pinagtatrabahuhan nito ay nahirapan siyang tanggalin ito sa trabaho.

Ginawa niya ang lahat, inakit niya na rin ang kapwa niya executive para lang maalis ito ngunit hindi iyon umubra at ngayon ay parang kinakampihan pa ito ng bago nilang boss. Naningkit na lang ang kanyang mga mata at nagmatrsa pabalik sa opisina niya pero hindi ibig sabihin na sumusuko na siya para matanggal ang babaeng iyon ngunit dahil sa nangyari ay mas lalo lang tumindi ang galit na nararamdaman niya para rito.

*******

Pagbalik ni Kayla sa kanilang opisina ay kaagad siyang sinalubong ng nag-aalalang si Kelly. “Anong nangyari? Pinagalitan ka ba niya? Minura ka ba?” sunod-sunod na tanong nito sa kaniya.

Umupo siya sa kanyang mesa at nagpakawala ng isang buntong hininga. “Huy ano, magsalita ka nga diyan! Sabihin mo sa akin kung ipinahiya ka niya at reresbakan natin siya!” sabi nito sa kaniya na ikinangiti niya na lang.

“Oa ka talaga kahit na kailan.” naiiling na sabi niya. “Hindi ako pinagalitan at hindi rin ako sinigawan. Ang totoo…” muli siyang napa buntong hininga. “Inofferan ako ni sir na maging personal secretary niya kung saan ay dodoblehin niya daw ang sahod ko.” medyo nag-aalangan pa siya na sabihin iyon kay Kelly.

Kaagad na nagliwanag ang mukha nito at pagkatapos ay napahawak sa kanyang dibdib. “Akala ko naman talaga ay pinagalitan ka na niya.” nagiginhawaang sabi nito sa kaniya at pagkatapos ay hinawakan nito ang kanyang kamay. “Pero tinanggap mo naman ang offer ni sir hindi ba? Sabihin mong tinanggap mo!” 

Dahan-dahan siya tumango rito. “Sayang naman ang dobleng sahod kung hindi ko tatanggapin hindi ba?” tanong niya rito habang nangingiti.

“Naku, kung sakaling tinanggihan mo iyon ay baka kinurot na rin kita.” sabi nito sa kaniya na napapaikot ang mga mata. Ilang sandali pa ay ngumiti ito sa kaniya. “Masaya ako para sayo Kayla.” sabi nito saka siya niyakap. Ramdam na ramdam niya ang sinseridad sa boses ng kaibigan niya at masasabi niya na sobrang thankful niya talaga na maging kaibigan ito.

Naghiwalay lang sila ng tumunog ang intercom at inuutusan siya ni Logan na bumalik sa opisina nito at may ipapagawa. Isang buntong hininga lang muli ang pinakawalan niya bago tumayo at muling bumalik sa opisina nito.

Wala ni isa sa kanilang opisina ang nakakaalam ng naging relasyon nila ni Logan, maging si Kelly ay hindi ito alam. Pauulit ulit siyang kinukulit nito noon pa na ipakilala niya man lang daw sana ang ama ni Brix na palagi niyang tinatanggihan hindi dahil sa gusto niyang itago sa anak niya ang katotohanan kundi gusto niya lang itong protektahan.

Ayaw niyang masaktan ito. Minsan na rin siya nitong tinanong kung nasaan ang ama nito. Pitong taon na ito kaya medyo nagsisimula na itong magkaisip. Marahil ay nagtataka ito kung bakit wala itong ama samantalang ang ibang bata na katulad nito ay may ama naman.

Noong una ay nahihirapan siyang sagutin ang tanong nitong iyon ngunit noong lumaon ay sinabi niya na wala na ang ama nito, na nasa langit na para matapos na ang usapan. Oo, ipinamulat niya sa kanyang anak na wala na talaga ang ama nito at nagi-guilty din naman siya kahit papano dahil sa pagsisinungaling niya pero anong magagawa niya? Pinilit siya ng sitwasyon na gawin iyon.

Ipinilig niya ang kanyang ulo at nag-focus na lang sa napakarami niyang trabaho.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Back With The CEO'S Baby   Chapter 9

    “Miss Sandeja…” tawag ni Logan sa kaniya na nagpabalik sa kaniya sa katotohanan. Hindi niya akalain na kung saan saan na pala lumipad ang isip niya. Umayos siya ng kanyang tayo.“Yes sir?” tanong niya rito at nakita niyang nakatitig ito sa kaniya ng salubong ang kilay bago napahilot sa sentido.“Ano bang iniisip mo? Ang aga-aga pero you’re spacing out.” medyo naiinis ng sabi nito at para bang unti unti ng nasisira ang umaga nito.“I- I’m sorry sir.” muli niyang paghingi ng paumanhin.“What is my schedule for today?” tanong nito sa kaniya. Trabaho niya iyon bilang sekretarya niya kaya dapat alam niya. Binuksan niya ang tablet na hawak-hawak niya at sinabi rito ang mga sunod-sunod na kailangan nitong gawin para sa araw na iyon.Hanggang alas sais ng gabi ay may meeting ito kaya hindi siya pwedeng umuwi kaagad hanggang hindi ito nakakauwi. Kailangan niya itong samahan. Noong mag-asawa pa lang silang dalawa ay ni hindi niya ito nakasama ng matagal sa iisang silid at bukod pa doon ay hindi

  • Back With The CEO'S Baby   Chapter 8

    Pag-uwi ni Kayla at ng anak niya ay hindi na sila nakapag-usap pa dahil kaagad na itong nagpunta sa kwarto nito at sinabiing matutulog na. Napa buntong hinina na lang talaga si Kayla dahil pakiramdam niya ay lumalaki at tumatanda na talaga ang anak niya. Parang unti-unti na rin itong nagbabago. Hindi na lang siya nagsalita sa halip ay kaagad siyang nag-post sa f@cebook kung sino ang pwede niyang makuhang kasama sa bahay.Kailangang kailangan na niya ngayon ng kasama dahil nga sa magiging busy na siya kung sakali. Bukas ay mag-uumpisa na siya bilang isang opisyal na sekretarya ni Logan. Napahilamos siya sa kanyang mukha at ngayon pa lang ay parang gusto na niyang pagsisihan ang ginawa niyang pagpayag sa gusto ng lalaki.Pero iniisip niya kasi si Brix lalo na ang future nito. Pagod siyang napasandal sa sofa. Wala naman siya gaanong ginawa sa opisina ngunit pagod na pagod siya. Napa buntong hininga na lang na naman tuloy siya. Ni hindi niya nagawang makipag-usap kay Xander dahil medyo na

  • Back With The CEO'S Baby   Chapter 7

    Kanina pa hindi mapakali si Kayla mula sa kanyang kinauupuan. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay may nakatingin sa kaniya kaya hindi siya komportable. Kahit na kwento ng kwento si Xander sa kaniya ay hindi niya magawang mag-enjoy. Napakaraming tumatakbo sa isip niya ng mga oras na iyon sa totoo lang.Hindi niya alam kung paano niya kakausapin ang anak niya tungkol sa pagsagot niya kay Xander. Kung kailan naman buo na ang loob niya ay saka naman mukhang nagdadalawang isip ang anak niya. Pag-uwi nila mamaya ay kakausapin niya ng mabuti ang anak niya. Hindi niya pa pwedeng sagutin si Xander ngayon katulad ng napagplanuhan niya kanina.“Is the food not to your liking?” tanong ni Xander sa kaniya ng mapansin nitong hindi man lang niya ginalaw ang pagkain niya. Nagulat siya kaya sa halip ay ngumiti na lang siya ng bahagya. “Ah, hindi naman sa ganun. Medyo madami lang akong iniisip.” sagot niya.Napuno ng pag-aalala ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. “Nahihirapan ka ba sa t

  • Back With The CEO'S Baby   Chapter 6

    Napatigil sa paghakbang si Kayla ng marinig niya ang tanong ni Logan. Sunod-sunod ang naging paglunok niya. Hindi niya alam kung paano niya sasagutin ang tanong nito ng mga oras na iyon. Kung pwede niya lang sanang ibalik ang oras e di sana ay hindi na niya hinayaan ang anak niya pagala-gala kanina. Huminga siya ng malalim at pilit na pinapakalma ang sarili. Kung aalis siya at hindi ito sasagutin ay baka mas lalo pa itong mag suspetsa kaya haharapin niya na lang ito. Umikot siya at hinarap ang lalaki saka ngumiti. “Bakit mo naman nasabi na anak natin siya? Ikaw lang ba ang lalaking pwedeng maging ama ng anak ko?” tanong niya rito na puno ng panunuya. Pinilit niyang maging matapang sa harapan nito kahit na ang totoo ay halos matumba na siya dahil dahan-dahan ng nangangatog ang mga tuhod niya. “Sa tingin mo ba ay ikaw lang ang lalaking dumaan sa buhay ko para magtanong ka ng ganyan?” ngumiti siya at napuno ng lamig ang mga mata. Ang kamay nitong nakahawak sa kanyang kamay ay bahagya

  • Back With The CEO'S Baby   Chapter 5

    “Nandito ako sa baba.” sabi ni Xander kay Kayla. Pagkasabi lang nito iyon ay ibinaba na nito ang tawag kaya wala siyang nagawa kundi ang tumayo mula sa kanyang kinauupuan at bumaba. Napakarami niyang trabaho sa totoo lang at halos hindi na nga siya makatayo mula sa kanyang upuan pero bigla na lang tumawag ang lalaki at sinabi nitong nasa baba ito. Si Xander ay isang taon na niyang manliligaw. Mabait naman ito at gwapo, higit sa lahat ay tanggap nito si Brix at ilang beses na rin itong nakita ni Brix. wala namang problema sa kaniya at ilang beses na siyang sinusulsulan ni Kelly na sagutin na ito pero hindi niya pa rin magawang sagutin ito. “Hi!” kaagad na bati nito sa kaniya at pagkatapos ay inabot ang bulaklak na hawak nito. Isang alanganing ngiti ang ipinaskil niya sa kanyang labi at at tinanggap ang bulaklak. “Salamat, hindi ka na dapat nag-abala pa Xander.” sabi niya rito. Ngumiti lang naman ito sa kaniya. “Ano ka ba, you deserve more than that.” sabi nito sa kaniya. “Here.” ma

  • Back With The CEO'S Baby   Chapter 4

    Napasandal si Logan sa kanyang kinauupuan at napatitig sa nakasarang pinto bago nagpakawala ng isang mahabang buntong hininga. Kanina pa siya hindi makapag focus sa mga trabaho niya dahil sa muli nilang pagkikita ni Kayla. Ilang taon na ba ang lumipas? Hindi na niya sigurado pa, pero ang tanging alam niya lang ay simula noong iwanan siya nito ay hindi na siya naging masaya pa. Sa dalawang taon nilang pagsasama ay unti-unti niya itong minahal ngunit hindi niya nagawang sabihin dito ang totoo. He kept it to himself at noong gabi na pinapipirmahan niya ang divorce agreement ay umasa siya na hindi nito pipirmahan iyon kahit na may kasunduan silang dalawa ngunit ni wala man lang siyang nakitang pagdadalawang isip na pinirmahan ito. Sa puntong iyon ay napatunayan niya na hindi nga talaga siya nito mahal at hindi nagtagal ay bigla na lang itong nawala. Ni hindi niya na ito nakita pang muli hanggang sa isang picture ang ipinakita sa kaniya ng kanyang kaibigan, picture nito kasama ang isang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status