Share

Chapter 15

last update publish date: 2026-06-03 07:41:48

Dahan-dahang dumausdos sa sahig si Kayla. Hindi siya makahinga, napahawak siya sa kanyang dibdib at napahagulgol. Walang ibang maririnig sa buong silid kundi tanging ang mahina niyang pag-iyak. Ang kanyang lalamunan ay parang may nakabara, nahihirapan siya. Maging ang kanyang dibdib ay nag-umpisa ng sumikip.

Bakit? Bakit kailangang mangyari ang lahat ng ito? Ano bang ginawa niyang masama para maranasan niya ang lahat ng ito? Parusa ba ito?

Ang sinabi nito ay tumatak sa isipan niya. Ano ang pipi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Back With The CEO'S Baby   Chapter 17

    Natigil sa pag-iyak si Kayla ng bigla na lang mag-ring ang kanyang cellphone. Dali-dali niyang kinuha ito gamit ang nanginginig niyang mga kamay. Nang makita niya ang pangalan ni Bea na naka-flash sa screen ng kanyang cellphone ay kaagad niyang pinunasan ang mga luha sa kanyang pisngi. Sinagot niya ang tawag.“Hello…” maging ang kanyang boses ay nanginginig rin.“Mommy…” ang umiiyak na boses ng kanyang anak ang kaagad na bumungad sa kaniya.“Anak… anong nangyari? Bakit ka umiiyak? May ginawa ba sayo ang lalaking iyon?” sunod-sunod na tanong niya rito.Napasinghot ang anak niya. “No Mommy. I miss you na po, pwede po bang pumunta kayo dito?” ang boses ng anak niya ay nagmamakaawa ng sabihin nito iyon ngunit siya ay natigilan siya ng marinig ang sinabi nito.Napahigpit ang hawak niya sa kanyang cellphone. Pumunta siya doon? Paano siya pupunta doon? Makakaya niya bang bumalik sa lugar kung saan nadurog siya at nadurog ang puso niya?“Mommy…” nanginginig ang tinig ng kanyang anak. Bukod pa

  • Back With The CEO'S Baby   Chapter 16

    Walang emosyon ang mukha ni Logan pagpasok niya sa mansyon. Naabutan niya sa sala ang kanyang lolo, kasama nito ang tagapag alaga ni Brix na si Bea. umiiyak ito ng mga oras na iyon at mukhang pinapatahan ito ng dalawa ngunit mukhang hindi naman nila ito mapatahan.Nang makita siya ng bata ay kaagad itong nag-angat ng ulo at tumakbo patungo sa kaniya. Niyakap siya nito ng mahigpit. Yumuko siya tyaka niya ito binuhat. Pinunasan ang mga luha sa mukha nito. “May problema ba anak? Bakit ka umiiyak?” kaagad niyang tanong dito.Napasinghot-singhot ito. Ang mga balikat nito ay nanginginig na para bang kanina pa ito umiiyak. “Nasaan po si Mommy? Gusto ko po siyang makasama.” sabi nito sa kaniya dahilan para maging malamig ang kanyang mga mata.Nagdilim din ang kanyang mukha ng mga oras na iyon. Huminga siya ng malalim. “Masanay ka ng hindi kasama ang Mommy mo simula ngayon anak. Hindi ko alam kung gusto niya ba ditong tumira kasama tayong dalawa.” sabi niya rito ngunit sa halip na tumahan ito

  • Back With The CEO'S Baby   Chapter 15

    Dahan-dahang dumausdos sa sahig si Kayla. Hindi siya makahinga, napahawak siya sa kanyang dibdib at napahagulgol. Walang ibang maririnig sa buong silid kundi tanging ang mahina niyang pag-iyak. Ang kanyang lalamunan ay parang may nakabara, nahihirapan siya. Maging ang kanyang dibdib ay nag-umpisa ng sumikip.Bakit? Bakit kailangang mangyari ang lahat ng ito? Ano bang ginawa niyang masama para maranasan niya ang lahat ng ito? Parusa ba ito?Ang sinabi nito ay tumatak sa isipan niya. Ano ang pipiliin niya? Manatili sa isang bahay kasama ito para makasama ang anak niya o kalimutan na niya ang anak niya? Alam niya kung ano ang kaya nitong gawin. Marami itong pera at kung sakali man na magharap sila sa korte ay sigurado siyang matatalo siya. Wala siyang laban dito. As in wala.Ipinatong niya ang kanyang mukha sa kanyang tuhod at hinayaan niya ang sarili niyang umiyak hanggang sa tuluyang mapagod siya.****** Noong gabing sinabi ng lolo ni Logan sa kaniya ang tungkol sa batang nakilala nit

  • Back With The CEO'S Baby   Chapter 14

    Tatlong araw na simula noong nawala si Logan at hanggang sa mga oras na iyon ay wala pa rin siyang balita kung kailan ito uuwi. Ni wala ni isa sa kanila ang nakakaalam kung anong ginawa nito sa ibang bansa. Napa buntong hininga na lang siya at ginawa nila ang kanilang mga normal na trabaho habang wala ang kanilang CEO.Noong hapon na iyon ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Xander at niyaya siya nitong mag-dinner sa labas kung saan ay dali-dali naman siyang pumayag. Ayaw niyang maramdaman ng lalaki na ginagamit niya lang ito kaya kailangan niyang umakto na para bang inlove talaga siya rito at para na din iyon kay Brix.Katulad noong mga nakaraan ay dinala siya nito sa isang high end restaurant. May malamyos na musika at talagang masasabi niyang pang mayaman talaga. Ipinaghila siya nito upuan. “Kamusta ang maghapon mo?” kaagad nitong tanong sa kaniya.Ngumiti siya. “Okay naman, ikaw ba?”Nagpakawala ito ng isang malalim na buntong hininga. “Well, magpapaalam sana ako sayo. I need to

  • Back With The CEO'S Baby   Chapter 13

    Napakunot ang noo ni Kayla pagdatong niya sa opisina. Doon niya pa lang nalaman na wala ang kanilang boss. Pumunta daw ito sa ibang bansa kagabi at ni wala ni isa sa kanilang ang nakakaalam ng dahilan. Maging siya na personal nitong sekretarya ay hinid niya alam kung bakit ito pumunta sa ibang bansa.“Baka naman may emergency kaya siya biglang umalis?” tanong ni Kelly sa kaniya ngunit nagkibit balikat lang siya. Wala talaga siyang ideya. Ilang beses niya ring chineck ang kanyang cellphone kung may message ba ito sa kaniya o ano pero wala, wla kahit isa.“Wala talaga akong ideya.” sagot niya kay Kelly.Napasandal ito sa mesa niya at napakrus na lang ng mga braso sa dibdib. “Hindi ba at sinamahan mo pa siya kagabi sa meeting niya?” tanong pa rin nito na ikinatango niya lang.“As in wala man lang siyang sinabi?”Tumango siya. “Wala talaga. Kanina ko pa tinitingnan itong cellphone ko pero hanggang ngayon ay wala siyang message o kahit na ano.” napa buntong hininga na lang siya. Saan ka na

  • Back With The CEO'S Baby   Chapter 12

    Nagpasundo si Kayla kay Xander. Nakapag desisyon na siya at kailangan niya ng kausapin ito. Alam niyang busy ang lalaki dahil sa negosyo nito. Sa totoo lang ay wala talaga siyang alam kung ano ang negosyo ni Xander pero ang sabi nito sa kaniya ay may kumpanya siya na hindi niya naman tinatanong ang tungkol dito dahil unang-una ay ayaw niyang isipin nitong iyon lang ang habol niya rito.Hindi nagtagal ay dumating ang lalaki sakay ng kotse nito, as usual ay may driver na naman itong kasama. Ngumiti siya ng lumabas ito mula sa kotse. “Pasensya ka na kung nagpasundo pa ako.” medyo nahihiyang sabi niya ngunit ngumiti lang ito at pinagbuksan siya ng pinto.“Ano ka ba Kayla, basta ikaw. Kahit na anong oras pa yan ay handa kitang sunduin kahit saan pa yan.” sagot nito sa kaniya.Sabay silang pumasok sa loob ng kotse. “Gabi na ah, nag-overtime ka ba?” tanong nito sa kaniya pagkalipas ng ilang sandali.Ngumiti siya rito saka tumango. “Well, na-promote na kasi ako bilang personal secretary ng ba

  • Back With The CEO'S Baby   Chapter 11

    Alas otso mahigit na natapos ang meeing ni Logan. “Ihahatid na kita.” sabi niya kay Kayla ngunit mariin itong umiling.“Hindi na kailangan sir, may sundo ako.” sagot naman ng babae sa kaniya kung saan ay kaagad na nagsalubong ang mga kilay niya. Sino naman ang susundo dito? Ang lalaki bang kasama n

  • Back With The CEO'S Baby   Chapter 10

    Pumunta si Alberto Monteverde sa school kung saan ay isa siya sa mga nagtatag. May meeting sila. Kahit na nasa late sixties na siya ay malakas lakas pa siya, pero hindi siya nagtungo doon ng mag-isa kundi kasama niya ang ilan niyang tauhan. Idagdag pa na ibinilin ng kanyang apo na kailangan kapag l

  • Back With The CEO'S Baby   Chapter 9

    “Miss Sandeja…” tawag ni Logan sa kaniya na nagpabalik sa kaniya sa katotohanan. Hindi niya akalain na kung saan saan na pala lumipad ang isip niya. Umayos siya ng kanyang tayo.“Yes sir?” tanong niya rito at nakita niyang nakatitig ito sa kaniya ng salubong ang kilay bago napahilot sa sentido.“An

  • Back With The CEO'S Baby   Chapter 8

    Pag-uwi ni Kayla at ng anak niya ay hindi na sila nakapag-usap pa dahil kaagad na itong nagpunta sa kwarto nito at sinabiing matutulog na. Napa buntong hinina na lang talaga si Kayla dahil pakiramdam niya ay lumalaki at tumatanda na talaga ang anak niya. Parang unti-unti na rin itong nagbabago. Hin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status