LOGIN“Nandito ako sa baba.” sabi ni Xander kay Kayla. Pagkasabi lang nito iyon ay ibinaba na nito ang tawag kaya wala siyang nagawa kundi ang tumayo mula sa kanyang kinauupuan at bumaba. Napakarami niyang trabaho sa totoo lang at halos hindi na nga siya makatayo mula sa kanyang upuan pero bigla na lang tumawag ang lalaki at sinabi nitong nasa baba ito.
Si Xander ay isang taon na niyang manliligaw. Mabait naman ito at gwapo, higit sa lahat ay tanggap nito si Brix at ilang beses na rin itong nakita ni Brix. wala namang problema sa kaniya at ilang beses na siyang sinusulsulan ni Kelly na sagutin na ito pero hindi niya pa rin magawang sagutin ito.
“Hi!” kaagad na bati nito sa kaniya at pagkatapos ay inabot ang bulaklak na hawak nito.
Isang alanganing ngiti ang ipinaskil niya sa kanyang labi at at tinanggap ang bulaklak. “Salamat, hindi ka na dapat nag-abala pa Xander.” sabi niya rito.
Ngumiti lang naman ito sa kaniya. “Ano ka ba, you deserve more than that.” sabi nito sa kaniya. “Here.” may dinukot ito sa kanyang bulsa at binuksan. Isa itong kwintas at bago pa siya makapagsalita ay bigla na lang nitong isinuot sa kaniya.
“Perfect! Bagay na bagay sayo.” nakangiti nitong sabi sa kaniya.
Napuno ng pag-aalala ang kanyang mukha at napahawak sa pendant ng kwintas. “Xander… hindi ka na dapat—”
“Shh… Kung pwede ko lang ibigay sayo ang buong mundo, handa ko itong ialay sayo.” puno ng emosyon ang mga mata nitong nakatingin sa kaniya at pagkatapos ay hinawakan ang kamay niya at hinalikan.
“Can we eat later? Matagal-tagal din akong hindi nakauwi kaya medyo na-miss kita.” nagsusumamo ang mga mata nito.
Bumuntong hininga lang naman si Kayla at pagkatapos ay napatango. “Sure. sabihin mo na lang sa akin kung saan tayo magkikita.” sagot niya na ikinangiti naman nito bago tuluyang nagpaalam sa kaniya.
Hinintay niya muna itong makaalis bago nagpakawala ng isang buntong hininga. Medyo nakaramdam siya ng guilt para kay Xander sa totoo lang. Wala na itong ginawa kundi ang iparamdam sa kaniya kung gaano siya ka-espesyal pero ni wala naman siyang ibang maramdaman na saya kapag kausap at kasama niya ito. Kung sasagutin niya ito, hindi ba at mas magi-guilty lang siya lalo?
Samantala, sa pinakamataas na palapag ng kumpanya ay nakatanaw si Logan. May hindi ito maipaliwanag na ekspresyon. Hindi sinasadyang mapasilip siya sa bintana ng mga oras na iyon at iyon ang eksenang nakita niya na halos ikadurog ng buto niya sa kamay.
Hindi niya alam ngunit matinding galit ang umusbong sa kanyang dibdib ng mga oras na iyon. Bukod doon ay nagtagis din ang kanyang mga bagang. Ang lalaking iyon at si Kayla ay malinaw na may relasyon dahil sa nasaksihan niya.
Parang gusto niya tuloy bumaba at habulin ang lalaking iyon saka durugin ang mukha nito. Iniikot niya ang kanyang upuan at napahilamos sa kanyang mukha. Damn it!
Who is that guy? Kahit na hiwalay na sila ni Kayla ay hindi niya matanggap na may ibang lalaki na lumalapit dito. Nag-iiba ang paningin niya.
********
Napalingon si Kayla at Kelly sa salaming bintana ng marinig nila ang tunog ng takong. Nakita nila ang isang babaeng naglalakad, sopistikada at napaka-elegante. Kaagad na naging malamig ang mukha ni Kayla at napuno ng kirot ang kanyang dibdib dahil ang babaeng naglalakad para magpunta sa opisina ni Logan ay walang iba kundi si Vera, ang first love nito na naging dahilan ng paghihiwalay nila.
Kaagad siyang yumuko at nag-iwas ng tingin. Ilang taon na ang lumipas ngunit parang kahapon lang nangyari ang lahat. Sumisikip na naman tuloy ang dibdib niya na para bang may nakadagang malaking bato rito.
Sa tagal ng panahon ay tiyak na kasal na ang dalawa at masaya na ang mga ito. Napapikit siya ng mariin at ang unang pumasok sa isip niya ng mga oras na iyon ay ang eksena na magkasama ito at may anak na sa gitna. Sa pagkakataong iyon ay napuno ng sakit ang dibdib niya dahil dito.
Pinilit niyang pakalmahin ang sarili niya. Hindi siya dapat masaktan at higit sa lahat ay hindi niya na dapat pang problemahin ang mga ito.
*********
Dahil walang pag-iwanan si Kayla kay Brix ay napagdesisyunan niya na lang na isama ito sa date nila ni Xander. Ipinagpaalam niya na rin naman dito na isasama niya ito kaagad naman itong pumayag.
Pagbaba nila ng kanyang kotse ay kaagad niyang inakay ang kanyang anak. Sa isang high end na restaurant sila nagpunta dahil doon naman ang napili ni Xander na kakainan nila at nakakailang hakbang pa lang sila ng bigla na lang tumunog ang kanyang cellphone. Nakita niyang si Kelly ang tumatawag kaya hindi niya naman ito maatim na hindi pansinin kaya mabilis niyang sinagot ang tawag niya habang hawak-hawak ang kamay ni Brix.
“Hello, Kelly, may problema ba?” biglang hinila ni Brix ang kamay nito dahil nabitawan nito ang bola na nilalaro nito. Pinapaiwan niya ito kanina ngunit hindi pala nito binitawan iyon. Wala namang tao sa parking lot kaya medyo kampante si Kayla.
NAGSALUBONG ang mga kilay ni Logan ng makita niya ang isang batang lalaki na nakaluhod sa ilalim ng isang sasakyan at tila may inaabot. Wala siyang hilig sa bata sa totoo lang ngunit hindi niya naman maatim na pabayaan na lang ito kaya nilapitan niya ito.
“Anong problema bata?” tanong niya at pagkatapos ay dahan-dahan itong tumingin sa kaniya na kung saan ay halos matulos siya mula sa kanyang kinatatayuan ng makita niya ang mukha ng batang lalaki.
Kasabay nito ay ang pagbilis ng tibok ng puso niya dahil, dahil parang kamukha niya ang bata! O mali lang siya. Napakurap-kurap siya ng ilang beses. Ang bata ay nakatingin lang sa kaniya na para bang gulat din kapareho niya.
“Da-daddy?” tanong nito na nagliliwanag ang mga mata.
“Daddy?” ulit niya sa sinabi nito na kung saan ay sunod-sunod lang itong napatango. “Si-sino? Ako?” turo niya sa sarili niya at muli lang itong tumango.
Umiling siya. “Hindi. Imposible.” sagot niya na litong-lito.
Hanggang sa isang pamilyar na tinig ang narinig niya sa likod nito. “Brix! Saan ka ba nagpupunta?! Diba sinabi ko sayo na—”
Halos mamutla ang mukha ni Kayla nang makita ang eksena sa kanyang harapan. “Anong nangyari? Nasaan si Brix?” tanong ni Kelly mula sa kabilang linya. Nawala lang saglit ang tingin niya sa anak ngunit kung saan na ito nakarating at, at nasa harapan ito ni Logan!
Bakit? Bakit nandito ito?
Mabilis siyang tumakbo patungo kay Brix at hinawakan ang kamay nito. “Let’s go, Brix.” hinila niya ang kamay nito para umalis na ngunit isang kamay ang pumigil sa kaniya.
Nang lingunin niya ito ay sinalubong siya ng malalamig nitong mga mata. “Tell me, is he our son?”
“Miss Sandeja…” tawag ni Logan sa kaniya na nagpabalik sa kaniya sa katotohanan. Hindi niya akalain na kung saan saan na pala lumipad ang isip niya. Umayos siya ng kanyang tayo.“Yes sir?” tanong niya rito at nakita niyang nakatitig ito sa kaniya ng salubong ang kilay bago napahilot sa sentido.“Ano bang iniisip mo? Ang aga-aga pero you’re spacing out.” medyo naiinis ng sabi nito at para bang unti unti ng nasisira ang umaga nito.“I- I’m sorry sir.” muli niyang paghingi ng paumanhin.“What is my schedule for today?” tanong nito sa kaniya. Trabaho niya iyon bilang sekretarya niya kaya dapat alam niya. Binuksan niya ang tablet na hawak-hawak niya at sinabi rito ang mga sunod-sunod na kailangan nitong gawin para sa araw na iyon.Hanggang alas sais ng gabi ay may meeting ito kaya hindi siya pwedeng umuwi kaagad hanggang hindi ito nakakauwi. Kailangan niya itong samahan. Noong mag-asawa pa lang silang dalawa ay ni hindi niya ito nakasama ng matagal sa iisang silid at bukod pa doon ay hindi
Pag-uwi ni Kayla at ng anak niya ay hindi na sila nakapag-usap pa dahil kaagad na itong nagpunta sa kwarto nito at sinabiing matutulog na. Napa buntong hinina na lang talaga si Kayla dahil pakiramdam niya ay lumalaki at tumatanda na talaga ang anak niya. Parang unti-unti na rin itong nagbabago. Hindi na lang siya nagsalita sa halip ay kaagad siyang nag-post sa f@cebook kung sino ang pwede niyang makuhang kasama sa bahay.Kailangang kailangan na niya ngayon ng kasama dahil nga sa magiging busy na siya kung sakali. Bukas ay mag-uumpisa na siya bilang isang opisyal na sekretarya ni Logan. Napahilamos siya sa kanyang mukha at ngayon pa lang ay parang gusto na niyang pagsisihan ang ginawa niyang pagpayag sa gusto ng lalaki.Pero iniisip niya kasi si Brix lalo na ang future nito. Pagod siyang napasandal sa sofa. Wala naman siya gaanong ginawa sa opisina ngunit pagod na pagod siya. Napa buntong hininga na lang na naman tuloy siya. Ni hindi niya nagawang makipag-usap kay Xander dahil medyo na
Kanina pa hindi mapakali si Kayla mula sa kanyang kinauupuan. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay may nakatingin sa kaniya kaya hindi siya komportable. Kahit na kwento ng kwento si Xander sa kaniya ay hindi niya magawang mag-enjoy. Napakaraming tumatakbo sa isip niya ng mga oras na iyon sa totoo lang.Hindi niya alam kung paano niya kakausapin ang anak niya tungkol sa pagsagot niya kay Xander. Kung kailan naman buo na ang loob niya ay saka naman mukhang nagdadalawang isip ang anak niya. Pag-uwi nila mamaya ay kakausapin niya ng mabuti ang anak niya. Hindi niya pa pwedeng sagutin si Xander ngayon katulad ng napagplanuhan niya kanina.“Is the food not to your liking?” tanong ni Xander sa kaniya ng mapansin nitong hindi man lang niya ginalaw ang pagkain niya. Nagulat siya kaya sa halip ay ngumiti na lang siya ng bahagya. “Ah, hindi naman sa ganun. Medyo madami lang akong iniisip.” sagot niya.Napuno ng pag-aalala ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. “Nahihirapan ka ba sa t
Napatigil sa paghakbang si Kayla ng marinig niya ang tanong ni Logan. Sunod-sunod ang naging paglunok niya. Hindi niya alam kung paano niya sasagutin ang tanong nito ng mga oras na iyon. Kung pwede niya lang sanang ibalik ang oras e di sana ay hindi na niya hinayaan ang anak niya pagala-gala kanina. Huminga siya ng malalim at pilit na pinapakalma ang sarili. Kung aalis siya at hindi ito sasagutin ay baka mas lalo pa itong mag suspetsa kaya haharapin niya na lang ito. Umikot siya at hinarap ang lalaki saka ngumiti. “Bakit mo naman nasabi na anak natin siya? Ikaw lang ba ang lalaking pwedeng maging ama ng anak ko?” tanong niya rito na puno ng panunuya. Pinilit niyang maging matapang sa harapan nito kahit na ang totoo ay halos matumba na siya dahil dahan-dahan ng nangangatog ang mga tuhod niya. “Sa tingin mo ba ay ikaw lang ang lalaking dumaan sa buhay ko para magtanong ka ng ganyan?” ngumiti siya at napuno ng lamig ang mga mata. Ang kamay nitong nakahawak sa kanyang kamay ay bahagya
“Nandito ako sa baba.” sabi ni Xander kay Kayla. Pagkasabi lang nito iyon ay ibinaba na nito ang tawag kaya wala siyang nagawa kundi ang tumayo mula sa kanyang kinauupuan at bumaba. Napakarami niyang trabaho sa totoo lang at halos hindi na nga siya makatayo mula sa kanyang upuan pero bigla na lang tumawag ang lalaki at sinabi nitong nasa baba ito. Si Xander ay isang taon na niyang manliligaw. Mabait naman ito at gwapo, higit sa lahat ay tanggap nito si Brix at ilang beses na rin itong nakita ni Brix. wala namang problema sa kaniya at ilang beses na siyang sinusulsulan ni Kelly na sagutin na ito pero hindi niya pa rin magawang sagutin ito. “Hi!” kaagad na bati nito sa kaniya at pagkatapos ay inabot ang bulaklak na hawak nito. Isang alanganing ngiti ang ipinaskil niya sa kanyang labi at at tinanggap ang bulaklak. “Salamat, hindi ka na dapat nag-abala pa Xander.” sabi niya rito. Ngumiti lang naman ito sa kaniya. “Ano ka ba, you deserve more than that.” sabi nito sa kaniya. “Here.” ma
Napasandal si Logan sa kanyang kinauupuan at napatitig sa nakasarang pinto bago nagpakawala ng isang mahabang buntong hininga. Kanina pa siya hindi makapag focus sa mga trabaho niya dahil sa muli nilang pagkikita ni Kayla. Ilang taon na ba ang lumipas? Hindi na niya sigurado pa, pero ang tanging alam niya lang ay simula noong iwanan siya nito ay hindi na siya naging masaya pa. Sa dalawang taon nilang pagsasama ay unti-unti niya itong minahal ngunit hindi niya nagawang sabihin dito ang totoo. He kept it to himself at noong gabi na pinapipirmahan niya ang divorce agreement ay umasa siya na hindi nito pipirmahan iyon kahit na may kasunduan silang dalawa ngunit ni wala man lang siyang nakitang pagdadalawang isip na pinirmahan ito. Sa puntong iyon ay napatunayan niya na hindi nga talaga siya nito mahal at hindi nagtagal ay bigla na lang itong nawala. Ni hindi niya na ito nakita pang muli hanggang sa isang picture ang ipinakita sa kaniya ng kanyang kaibigan, picture nito kasama ang isang







