تسجيل الدخولIsang luxury car ang pumarada sa harapan ng Central Corporation. Bumaba ang driver ng sasakyan at pinagbuksan ang nakasakay sa likod ng kotse. Ilang sandali pa ay isang pigura ang lumabas kung saan ay nakasuot ito ng isang suit na kulay asul. Walang ekspresyon ang mukha na naglakad papasok ng kumpanya.
Sa pasukan pa lang ay naroon ng nakalinya ang mga empleyado, hinihintay ang pagdating niya. Siya si Logan Monteverde, ang bagong may-ari ng kumpanyang iyon. Wala sana siyang balak na bilhin iyon ngunit halos magmakaawa na ang may-ari sa kaniya. Kailangang-kailangan daw nito ng pera para pambayad sa utang nito. Nalubog lang naman ito sa sugal dahil sa babae.
Napailing na lang siya tuloy, sinong tao ang mag-aaksaya ng yaman para lang sa isang babae? Not him.
Sabay sabay na yumuko ang mga tao sa kaniya at binati siya. “Good morning Mr. Monteverde, I am Elliot Castro, one of the executives.” pagpapakilala ng isang lalaki na nasa mid fifties na. Bukod pa doon ay inilahad nito ang kamay nito sa harap niya ngunit sinulyapan lang niya ito at nilampasan, ni hindi sinagot.
“I want all of you into the meeting room, because I have some announcement to make.” malamig na sabi niya sa mga ito bago naunang naglakad patungo sa elevator.
Wala ni isang nagsalita at tahimik lang na sumunod sa kaniya hanggang sa makarating na sila sa meeting room. “Nandito na ba ang lahat?” iginala niya ang kanyang paningin sa loob.
May isang babae siyang napansin na medyo hindi maipinta ang mukha kaya tinaasan niya ito ng kilay. “Yes?” ngunit bago pa man ito makapagsalita ay sabay-sabay silang napalingon sa pinto dahil bumukas ito.
**********
Halos takbuhin ni Kayla ang daan papunta sa meeting room. Tinext siya ni Kelly na pinapapunta daw silang lahat sa meeting room ng bagong CEO at bukod pa doon ay sinabi nito sa kaniya na mukhang may attitude daw ang bagong CEO dahil hindi man lang nito tinanggap ang pakikipagkamay ni Mr. Castro rito.
Hindi niya tuloy maiwasang hindi kabahan ng mga oras na iyon dahil sa nakakatakot na pagkaka-describe ni Kelly rito. Paano na lang kung ipahiya siya nito sa unang araw nito bilang CEO dahil lang sa late siya o mas worst ay baka tanggalin siya nito sa trabaho diba?
Nakailang panalangin na siya sa totoo lang habang tinatakbo ang meeting room na sana naman ay kaawaan siya ng Diyos sa araw na ito.
Hindi na siya kumatok pa sa meeting room pagdating niya sa halip ay tuloy-tuloy niyang binuksan ang pinto kung saan ay nakita niyang ang lahat ng naroon ay napunta sa kaniya ang tingin. Halos gusto niya na lang lamunin ng lupa ng mga oras na iyon dahil sa labis na kahihiyan.
Ibinaling niya ang kanyang tingin sa taong nakaupo sa dulo ng meeting room at nang makita niya ito ay halos matulos siya sa kanyang kinatatayuan. The familiar face whom she thought she’d already forgot, dahil sa ilang taong hindi pagkikita.
Biglang sumikip ang dibdib niya at bumilis ang tibok ng puso niya. Ang tingin ng mga taong naroon ay tila biglang nawala, na para bang silang dalawa na lang ang naiwan sa loob. Ang maiitim nitong mga mata ay nakatingin sa kaniya. May gumuhit na sakit sa dibdib niya ng mga oras na iyon hanggang sa dahan-dahan niya ng iniiwas ang kanyang mga mata mula rito at saka yumuko.
“Sorry I’m late sir.” paghingi niya ng paumanhin habang nanginginig ang tuhod at buo niyang katawan. Bakit, bakit siya nandito?
Halos walang taon niya na itong hindi nakikita. Iniwasan niya ang lahat ng lugar na posibleng mag-krus ang landas nilang dalawa pero mukhang mapaglaro talaga ang tadhana dahil sa dami-rami ng lugar na pwede niyang makita ito ay talagang sa kumpanya pa na pinapasukan niya at hindi lang iyon dahil ito ang bago niyang boss for pete’s sake!
Ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya para lang makalimutan ito at ipokrita siya kung sasabihin niya na nakalimutan niya na ito ng tuluyan dahil ang totoo, hindi pa. Hindi pa rin at, at mahal niya pa rin ito hanggang ngayon.
Parang sasabog ang dibdib niya ng wala sa oras. Iniwasan niya ito ng ilang taon at tiniis na huwag makibalita tungkol sa buhay nito dahil ayaw niyang masaktan kapag nakita niyang masaya na ito kapiling ang babaeng totoong mahal nito pero bakit? Bakit kailangan na ito pa ang maging bago niyang boss? Hindi ba pwedeng iba na lang?
Para siyang nakalutang habang nasa meeting, hanggang sa matapos ang meeting ay hindi pa rin siya nagsasalita dahil okupado pa rin ang isip niya. Napakaraming tanong ang tumatakbo sa isip niya ng mga oras na iyon kasama na rin ang takot na baka malaman nito ang tungkol kay Brix, pero kung sakaling malaman nga nito ang tungkol sa anak nila, tiyak na hindi nito ito tatanggapin diba?
“Kanina ka pa tulala, may problema ba?” tanong sa kaniya ni Kelly. Nasa coffee room sila ng mga oras na iyon. Sinundan siya nito doon. Gusto niya sanang magkape para gumaan ang pakiramdam niya dahil hanggang sa mga oras na iyon ay malakas pa rin ang kabog ng dibdib niya at nanghihina pa rin ang mga tuhod niya.
Mabilis na umiling si Kayla. “Wa-wala naman.” sagot niya sa kanyang kaibigan at nag-simula ng magtimpla ng kape.
“Anong masasabi mo sa bago nating boss?” tanong nito sa kaniya dahilan para halos matigil sa ere ang kamay niya.
“E-ewan ko.” nauutal na sagot niya. Ilang beses siyang humugot ng malalim na buntong hininga para pakalmahin ang sarili niya pero nanatiling malakas pa rin talaga ang kabog ng dibdib niya na para bang gusto ng lumabas sa dibdib niya ang kanyang puso.
Bigla tuloy siyang napahawak sa kanyang dibdib ng wala sa oras.
“Alam mo, gwapo naman siya pero—” bago pa nito matapos ang sinasabi ay bigla na lang bumukas ang pinto kaya napalingon sila rito. Ang nakangiting mukha ni Miss Anne ang nakita nila at may mayabang itong ekspresyon.
Sa kaniya ito tumingin. “Pinapatawag ka ni Mr. Monteverde.” nakataas ang sulok na sabi nito sa kaniya at puno ng panunuya ang mga mata.
Nang marinig niya ang sinabi nito ay mas lalo lang siyang kinabahan pero alam niya na hindi siya dapat matakot. Magkikita at magkikita naman talaga sila pero hindi niya akalain na magiging ganito kabilis.
Hindi siya nagsalita sa halip at naglakad palabas para magtungo sa opisina ng kanyang dating asawa na ngayon ay boss niya na.
“Miss Sandeja…” tawag ni Logan sa kaniya na nagpabalik sa kaniya sa katotohanan. Hindi niya akalain na kung saan saan na pala lumipad ang isip niya. Umayos siya ng kanyang tayo.“Yes sir?” tanong niya rito at nakita niyang nakatitig ito sa kaniya ng salubong ang kilay bago napahilot sa sentido.“Ano bang iniisip mo? Ang aga-aga pero you’re spacing out.” medyo naiinis ng sabi nito at para bang unti unti ng nasisira ang umaga nito.“I- I’m sorry sir.” muli niyang paghingi ng paumanhin.“What is my schedule for today?” tanong nito sa kaniya. Trabaho niya iyon bilang sekretarya niya kaya dapat alam niya. Binuksan niya ang tablet na hawak-hawak niya at sinabi rito ang mga sunod-sunod na kailangan nitong gawin para sa araw na iyon.Hanggang alas sais ng gabi ay may meeting ito kaya hindi siya pwedeng umuwi kaagad hanggang hindi ito nakakauwi. Kailangan niya itong samahan. Noong mag-asawa pa lang silang dalawa ay ni hindi niya ito nakasama ng matagal sa iisang silid at bukod pa doon ay hindi
Pag-uwi ni Kayla at ng anak niya ay hindi na sila nakapag-usap pa dahil kaagad na itong nagpunta sa kwarto nito at sinabiing matutulog na. Napa buntong hinina na lang talaga si Kayla dahil pakiramdam niya ay lumalaki at tumatanda na talaga ang anak niya. Parang unti-unti na rin itong nagbabago. Hindi na lang siya nagsalita sa halip ay kaagad siyang nag-post sa f@cebook kung sino ang pwede niyang makuhang kasama sa bahay.Kailangang kailangan na niya ngayon ng kasama dahil nga sa magiging busy na siya kung sakali. Bukas ay mag-uumpisa na siya bilang isang opisyal na sekretarya ni Logan. Napahilamos siya sa kanyang mukha at ngayon pa lang ay parang gusto na niyang pagsisihan ang ginawa niyang pagpayag sa gusto ng lalaki.Pero iniisip niya kasi si Brix lalo na ang future nito. Pagod siyang napasandal sa sofa. Wala naman siya gaanong ginawa sa opisina ngunit pagod na pagod siya. Napa buntong hininga na lang na naman tuloy siya. Ni hindi niya nagawang makipag-usap kay Xander dahil medyo na
Kanina pa hindi mapakali si Kayla mula sa kanyang kinauupuan. Hindi niya alam pero pakiramdam niya ay may nakatingin sa kaniya kaya hindi siya komportable. Kahit na kwento ng kwento si Xander sa kaniya ay hindi niya magawang mag-enjoy. Napakaraming tumatakbo sa isip niya ng mga oras na iyon sa totoo lang.Hindi niya alam kung paano niya kakausapin ang anak niya tungkol sa pagsagot niya kay Xander. Kung kailan naman buo na ang loob niya ay saka naman mukhang nagdadalawang isip ang anak niya. Pag-uwi nila mamaya ay kakausapin niya ng mabuti ang anak niya. Hindi niya pa pwedeng sagutin si Xander ngayon katulad ng napagplanuhan niya kanina.“Is the food not to your liking?” tanong ni Xander sa kaniya ng mapansin nitong hindi man lang niya ginalaw ang pagkain niya. Nagulat siya kaya sa halip ay ngumiti na lang siya ng bahagya. “Ah, hindi naman sa ganun. Medyo madami lang akong iniisip.” sagot niya.Napuno ng pag-aalala ang mga mata nito habang nakatingin sa kaniya. “Nahihirapan ka ba sa t
Napatigil sa paghakbang si Kayla ng marinig niya ang tanong ni Logan. Sunod-sunod ang naging paglunok niya. Hindi niya alam kung paano niya sasagutin ang tanong nito ng mga oras na iyon. Kung pwede niya lang sanang ibalik ang oras e di sana ay hindi na niya hinayaan ang anak niya pagala-gala kanina. Huminga siya ng malalim at pilit na pinapakalma ang sarili. Kung aalis siya at hindi ito sasagutin ay baka mas lalo pa itong mag suspetsa kaya haharapin niya na lang ito. Umikot siya at hinarap ang lalaki saka ngumiti. “Bakit mo naman nasabi na anak natin siya? Ikaw lang ba ang lalaking pwedeng maging ama ng anak ko?” tanong niya rito na puno ng panunuya. Pinilit niyang maging matapang sa harapan nito kahit na ang totoo ay halos matumba na siya dahil dahan-dahan ng nangangatog ang mga tuhod niya. “Sa tingin mo ba ay ikaw lang ang lalaking dumaan sa buhay ko para magtanong ka ng ganyan?” ngumiti siya at napuno ng lamig ang mga mata. Ang kamay nitong nakahawak sa kanyang kamay ay bahagya
“Nandito ako sa baba.” sabi ni Xander kay Kayla. Pagkasabi lang nito iyon ay ibinaba na nito ang tawag kaya wala siyang nagawa kundi ang tumayo mula sa kanyang kinauupuan at bumaba. Napakarami niyang trabaho sa totoo lang at halos hindi na nga siya makatayo mula sa kanyang upuan pero bigla na lang tumawag ang lalaki at sinabi nitong nasa baba ito. Si Xander ay isang taon na niyang manliligaw. Mabait naman ito at gwapo, higit sa lahat ay tanggap nito si Brix at ilang beses na rin itong nakita ni Brix. wala namang problema sa kaniya at ilang beses na siyang sinusulsulan ni Kelly na sagutin na ito pero hindi niya pa rin magawang sagutin ito. “Hi!” kaagad na bati nito sa kaniya at pagkatapos ay inabot ang bulaklak na hawak nito. Isang alanganing ngiti ang ipinaskil niya sa kanyang labi at at tinanggap ang bulaklak. “Salamat, hindi ka na dapat nag-abala pa Xander.” sabi niya rito. Ngumiti lang naman ito sa kaniya. “Ano ka ba, you deserve more than that.” sabi nito sa kaniya. “Here.” ma
Napasandal si Logan sa kanyang kinauupuan at napatitig sa nakasarang pinto bago nagpakawala ng isang mahabang buntong hininga. Kanina pa siya hindi makapag focus sa mga trabaho niya dahil sa muli nilang pagkikita ni Kayla. Ilang taon na ba ang lumipas? Hindi na niya sigurado pa, pero ang tanging alam niya lang ay simula noong iwanan siya nito ay hindi na siya naging masaya pa. Sa dalawang taon nilang pagsasama ay unti-unti niya itong minahal ngunit hindi niya nagawang sabihin dito ang totoo. He kept it to himself at noong gabi na pinapipirmahan niya ang divorce agreement ay umasa siya na hindi nito pipirmahan iyon kahit na may kasunduan silang dalawa ngunit ni wala man lang siyang nakitang pagdadalawang isip na pinirmahan ito. Sa puntong iyon ay napatunayan niya na hindi nga talaga siya nito mahal at hindi nagtagal ay bigla na lang itong nawala. Ni hindi niya na ito nakita pang muli hanggang sa isang picture ang ipinakita sa kaniya ng kanyang kaibigan, picture nito kasama ang isang


![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




