Share

Chapter 4

Note:

This is the chapter 4. Nagkamali ako sa pagpindot kahapon kaya yung chapter 4 sana ay na-upload ko sa chapter 3.

PS: The content of chapter 3 is still on review.

________

Did I already told all of you that after Taylor left me, hindi ko na ginamit ang kuwartong 'to? It suffocates me, and I always remember him in every corner of my room. Everytime I tried to sleep on my bed here in my room, I always ended up crying. Hanggang sa umulit nang umulit. Naaawa na nga sila mama sa 'kin, e. That's why I decided to leave and buy a condo unit for myself. Nakatulong naman dahil medyo nakakalimutan ko siya.

Pumikit ako nang maalala na naman ang nakaraan. Huminga ako nang malalim. Rhea, kaya mo 'to.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto nang kuwarto ko. Inilibot ko ang paningin ko. A single tear has tried to wet up my eyes again. How I missed my room. Ganoon parin ang kuwarto ko. Kung paano ito nakaayos noong umalis ako, ganoon parin ito ngayon. Kahit wala nang gumagamit nito, malinis parin. Mukhang araw-araw 'tong pinapalinis ni mama.

Tumingin ako sa kama at sumalubong sa akin ang mapayapang mukha ng anak ko. Napangiti ako. She's a blessing to me. Just by looking at her face, nawawala ang problema ko. Just by looking at her, nawawala lahat ng mga pangamba ko. Napapasaya niya ako sa mga maliliit na bagay. And that makes her special to me.

Lumapit ako at umupo sa gilid ng kama. Inayos ko ang buhok niya at buong pagmamahal na hinahaplos iyon.

"Thank you for making my world colorful again, anak. Thank you for bringing me joy out of the world. I thought I would never find happiness again, until you came." Hinalikan ko siya sa noo niya.

Natigil ako sa pagtitig sa anak ko nang biglaang tumunog ang cellphone ko. I smiled when I saw the name that has registered on the caller id. It was Edward.

"Hey," mahinang bati ko.

[Hey...] He chuckled at the other line. [What's with the voice?] dugtong niya pa, nagtataka sa naging boses ko. I can sense sleepiness on his voice, but he's trying to make his voice jolly just for me.

Napangiti ako. "Natutulog na si Kristen kaya hininaan ko ang boses ko." Tumayo ako at nagpunta sa bintana.

[Yeah. I heard she cried. What happened?] nag-aalalang ani ni Edward.

What makes us, me and Kristen, lucky? Well, we have Edward, an amazing Tito Dad of Kristen and kind suitor of me.

"Mukhang nami-miss lang ako," nakangisi kong sabi.

[I miss you too...]

Napatawa ako sa sinabi niya. "Ed, para kang tanga. Kakakita lang natin kanina."

[It was half-meant though. The other half was just playing while the other one says he's missing you.]

Nawala ang ngiting nakapaskil sa mukha ko.

This is... awkward.

Tumikhim ako. "Ed," pagtawag ko sa kanya sa kabilang linya.

[Yeah?]

Huminga ako nang malalim. "You can stop loving me and find your own happiness. I know I am not the right girl for you."

[You are my happiness, Rhea.]

"Ed," malungkot kong sabi. Tumingala ako nang maramdaman kong namasa ang mga mata ko. "I don't think I deserve such a kind person like you."

[You deserve a kind person because you are Rhea Kirstie Campbell, a great woman whom I believe deserves everything in this world.]

Tuluyan akong napaiyak sa sinabi niya. He never fails to comfort me. He never fails to build my confidence back.

[And even if I knew I don't have a single chance with you, I still want to love you because I know you deserve my love. You deserved to be loved.]

Napanguso nalang ako. Napailing-iling ako dahil palagi niya nalang akong pinapaiyak. Hindi iyak na nasasaktan, kundi sa saya.

[I bet you're crying right now. I can sense it.] I can see him smirking at me.

Napairap ako. "Gago ka, pinapaiyak mo ako."

Napatawa siya sa kabilang linya. [How was the concert?]

Natahimik ako saglit sa naging tanong niya. Kalaunan ay tumikhim ako at ngumiti nang pilit.

"It was fun," pagsisinungaling ko.

That was a complete lie. I made my voice jolly for him not to perceive that I was lying.

[Great. Sending gratitudes to your friends already.]

Napailing-iling ako sa sinabi niya. "How was the little problem you told me many hours ago?" I playfully say while emphasizing the word little.

Napatawa siya sa kabilang linya. [The way you spoke that word, seemed like you're being sarcastic. Well, for you to know, madam, it was already solved. I am confident enough though."

Napairap ako sa tinawag niya sa akin. Madam, huh?

"I've always known you're that over confident, mister."

['Cause I have an ability to let things under my control,] dagdag pa niya.

"Wow," sarkastiko kong sabi.

[Maliit na bagay.] Napatawa siya. [Why do I always see all of your actions even if you're away?]

Rinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga. Napailing-iling ako habang nakatawa. "Ewan ko sa 'yo. Patay na patay ka siguro sa akin."

[Yeah...]

Napatigil ako sa pagtawa nang sumang-ayon siya sa sinabi ko. Juskoo, joke lang naman 'yon.

[It was already past midnight. As much as I still want to hear your angelic voice, I think I need to hang up now. Good night.]

Napailing-iling ako sa sinabi niya. "Thanks for the call. Good night, Ed." Napatawa ako nang makitang hindi niya pa tinapos ang tawag. Ilang minuto na kaming nakatunganga. "Hey..."

Rinig ko ang mahinang pagtawa niya sa kabilang linya. [Right. Good night.]

"Night," nakangiti kong sabi. Napailing-iling nalang ako habang nakatingin sa screen ng cellphone ko. Mabuti at tinapos na ang tawag. Akala ko buong magdamag kaming mananatiling tahimik e, mag-aantay kung sino ang maunang tumapos sa tawag.

Naglakad ako pabalik sa kama. Umupo akong muli sa gilid bago mahinang umisod para humiga. Kakahiga ko palang nang tumunog na naman ang cellphone ko. I bet it was Edward. Ang kulit talaga nang isang 'yon.

Nakangising napailing-iling ako habang inaabot ang cellphone ko sa side table. Sinagot ko ang tawag nang hindi tinitingnan ang caller Id, I knew it was Ed.

"Hey. I know I am irresistible that's why you missed me that much even though we just had a talk a minute ago. But mister, we need to take a nap," nakatawang sabi ko.

Nawala ang ngiting nakapaskil sa mukha ko at napalitan iyon ng kunot-noo nang hindi siya sumagot. Nanatiling tahimik ang kabilang linya.

"Ed---"

"Hey..."

Natahimik ako nang magsalita ang taong nasa kabilang linya. Bumilis ang tibok nang puso ko at halos mabulunan ako sa sarili kong laway.

No, he can't be.

The one who spoke up on the other line has a deep, husky voice. Sadness is also evident in it, as if he was longing at someone. At tanga na ako kung sasabihin kong hindi ko kaagad nakilala ang boses niya kahit isang salita lang iyon. Pati ang paraan nang pagbuntong-hininga niya, kilalang-kilala ko.

"Kirstie---"

Hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita at kaagad ko nang pinatay ang tawag. Ini-off ko na rin yung cellphone ko para hindi na siya makatawag pang muli.

That jerk. Sa'n niya nakuha ang cellphone number ko? I knew Rachel won't give my number to him. Magpinsan sila, yes. But once that person hurt any of her bestfriends, magagalit rin siya rito at kahit malapit rin ito sa kanya, magagalit at magagalit siya sa tao. That was how great Rachel is.

Damn. That jerk!

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status