แชร์

Chapter 3

ผู้เขียน: 1ionhart
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2024-03-04 17:10:25

Tumingin ba talaga siya sa 'kin? O assuming lang talaga ako?

Napatingin ako kina Rachel at Allyson nang biglaan nila akong niyugyog, nakangisi na tila kinikilig.

"O, my god!" tili ni Rachel. "Mukhang may gusto sa 'yo yung pinsan ko!"

Agaran akong napapaiwas ng tingin sa kanila. "Wala 'yan," namumulang sabi ko, umaaktong hindi naniniwala kahit ang totoo ay nag-a-assume din akong sa akin nga siya nakatingin.

"Anong wala?" Hinampas ako ni Rachel. "'Wag ako ang kontrahin mo dahil expert ako riyan," pagmamalaki niya.

"Papa'nong expert ka riyan, e, wala ka ngang jowa?" panunukso ko sa kanya.

Pinanlakhan niya ako ng mata. "Wala nga akong jowa pero alam na alam ko ang mga bagay na 'yan." Pinanlisikan niya ako ng mata. "Aba, pinapangalandakan mo talagang wala akong jowa, ah?"

Napatawa kami ni Allyson.

"Oh, edi umamin ka rin na wala ka ngang jowa," nakatawang sabi ni Ally.

Hinagisan siya ng bulaklak ni Rachel na nadampot niya sa mesa. "Gaga ka!"

"Oh well," nakangising sabi ni Allyson. "Thanks for the flowers, girl. I appreciated it," panunukso naman ni Allyson, kinikindatan si Rachel.

"Tumahimik ka!" Bahagya na lamang na napairap si Rachel.

Napailing-iling nalang ako sa kanila. Nagpaalam ako sa kanila na magrestroom na muna. Nang tumango sila, kaagad akong tumayo para pumunta sa restroom.

Ilang minuto rin ang tinagal ko sa loob. Naghugas lang ako ng kamay at tumingin sa salamin.

Bahagyang namula ang mukha ko nang maalala ang nangyari kanina. Ah, assuming na nga talaga ako.

Umiling-iling ako bago tumalikod. Binuksan ko ang pinto at deri-deritsong lumabas.

Halos mapangiwi ako nang aksidenteng may nakabangga ako pagkalabas ko sa pinto. Hindi ko alam na may tao palang nag-aantay doon.

"Sorry---" Halos mapanganga ako nang makitang yung lalaking kumanta kanina ang nakabangga ko.

Oh, shit!

Kaagad akong umiwas ng tingin dahil pakiramdam ko namumula ako ngayon. Tangina, bakit siya pa ang nakabangga ko?

Kaagad akong humakbang paalis.

"Miss..."

Tumigil ako sa paglalakad at nanatiling nakatalikod sa kanya. Shit, ang lalim ng boses. Baka mahulog ako. Char.

"Are you okay?"

"Y-Yeah," nauutal kong sabi bago ako deri-deritsong nagpatuloy sa paglalakad.

Inirapan ko sina Rachel at Allyson nang makita ko silang nakatayo 'di kalayuan sa akin. And I guess, nakita nila ang eksena kanina.

Napatawa sila. "Halatang type ka n'on."

"Sorry, the feeling is not mutual. Hindi ko siya type." 'Wag kayo. Mataas ang pride ko.

Bahagya silang napatawa sa sinabi ko. "Oh? Hindi mo type?" nakangising tanong sa akin ni Rachel bago siya umupo sa upuan na nasa salas nila.

Nainis kaagad ako nang maramdaman ko ang pagkasarkastika sa boses niya.

"Kaya pala namumula ka, kasi hindi mo type," pagdudugtong niya sa sinabi kanina.

Pinanliitan ko ng mata si Rachel. Kaagad siyang nagkibit-balikat sa akin. Napapatawa naman si Allyson sa nakita.

"Nahihiya lang ako sa tao," pagpapaliwanag ko.

"Ah..." Tumatango-tango siya, nanatiling nakangisi.

Sinamaan ko siya ng tingin. Napatawa naman siya dahil sa ginawa ko.

"What?" She laughed at me. "Naniniwala na nga ako sa 'yo!"

Inirapan ko siya. "Naniniwala ka nga, pero ang boses nang pagkakasabi mo, parang sarkastika! Naiinis ako!"

Napahagalpak ng tawa si Allyson dahilan para siya naman ang samaan ko ng tingin.

"Ano?" pagmamaldita ko.

"Ang ganda mo pala 'pag naiinis," ani Allyson, nakangisi parin.

Inirapan ko siya. "Likas na talagang maganda ako," sakay ko sa trip niya. Nang makita ko ang bahagya nilang pagngiwi ay kaagad akong napatawa.

"Eh, kung ayaw mo kay Van, do'n ka nalang kay Kent, guwapo 'yon."

Napangiwi ako. "Ayoko sa guwapo," pagsasabi ko ng totoo.

"Bakit?" Kita ko ang pagtataka sa mukha nilang dalawa.

"They are more like cheaters," I say as I shrug. "Wala, e. Ayokong masaktan."

"'Wag mong lahatin."

Napatingin kami ni Allyson kay Rachel.

Ngumisi siya sa amin. "Yung jowa nga ni Ally pangit, manloloko rin."

Kaagad siyang hinampas ni Allyson. "Aba, anong koneksyon n'on sa pinag-uusapan natin? Gaga ka!"

Nakapamaywang siyang tumingin kay Allyson. "Excuse me. You're seeking for some connection? Well, I want you to know, first, we are talking about cheaters," she emphasizes the last word. Gaga talaga. "'Yon nga lang, hindi siya guwapo." Umirap siya kay Allyson bago umupo sa sofa.

Napatawa si Allyson. "Hindi guwapo, ha? Kaya pala crush mo 'yon noon, dahil hindi guwapo. I've always known you're fond of ugly faces, just like you," panunukso naman ni Allyson kay Rachel.

Akmang tatawa na ako nang may biglaang bumatok sa akin. Nabalik ako sa reyalidad at tiningnan kung sino ang nambatok sa 'kin. Kaagad kong sinamaan ng tingin si Rachel na nakangisi na sa akin ngayon.

"What?" pagtataray ko.

"Nakangisi ka kasi kaya binatukan kita. Baka maulol ka riyan. Ayokong magkaroon ng kaibigan na---"

"We're here," singit ni Allyson dahilan para samaan siya ng tingin ni Rachel.

"Did you know that it's rude to talk when you knew someone's talking?" inis na saad ni Rachel.

Allyson smirks. "Yeah. But you're talking nonsense shits so I don't think it's rude to interrupt," mapanuksong pangangatwiran naman ni Allyson.

Halos mapahagalpak ako ng tawa nang makita ko ang mukha ni Rachel. It was epic!

Lumabas nalang ako ng sasakyan at pumasok sa loob ng bahay. Sumunod naman kaagad sila sa akin.

"Ma..."

"Good evening tita," bati nila kay mama.

Bumati pabalik si mama sa kanila bago ako tiningnan. "Kakatulog lang ni Kristen. Mukhang napuyat ang bata kaya pagkatapos n'yong mag-usap kanina, nakatulog kaagad. Dito ka na muna magpalipas ng gabi. Maaabala lang ang tulog n'on kung pipilitin mong iuwi."

Tumango ako sa sinabi niya. Hinarap ko sina Allyson at Rachel. "Seems like I need to stay here for the night. Thanks for this night girls." Niyakap ko sila.

Rachel rolls her eyes. "'Wag magdrama, kinikilabutan ako."

Napailing-iling ako sa sinabi niya. Nang makalabas sila ng bahay, umakyat na ako sa taas. Nang makatapat ang kuwarto ko noon, huminga ako nang malalim.

Am I ready to see my old room again? Am I ready to reminisce the old times... when we were still together and happy? Am I ready to reminisce how good our relationship back then?

Am I... ready?

อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป

บทล่าสุด

  • Back into His Arms   Chapter 144: Accident

    Third Person's Point of ViewNag-aalala man sa mga posibleng mangyayari sa susunod na mga araw ay hindi na nagpatinag sina Kirstie at Taylor. Nagpatuloy sila sa relasyon nila at hindi nila hinahayaan ang relasyon nila na siyang maapektuhan sa kung anumang nasa paligid nila. Masakit para kay Taylor na hindi boto ang ina niya sa babaeng pinakamamahal niya, pero hindi naman niya ito mapipilit kaya hinayaan na niya ang ina. Umaasa nalang siya na sana ay darating ang araw na boto na ito kay Kirstie at hindi na sila kokontrahin pa, lalo na ang relasyon nila.Doon nga, sa hinaba-haba ng prosisyon ay dumating na nga ang inaantay ng lahat. Ang maikasal sina Kirstie at Taylor.Pamahiin ng kasal na hindi pupuwedeng magkita ang groom at ang bride, pero iba ang ginawa ni Taylor. Siya mismo ang nagdrive sa bridal car na sana ay nasa simbahan na siya at naghihintay nalang sa pagdating ni Kirstie sa harapan ng simbahan."Hoy, okay lang ba talagang ikaw ang nagda-drive sa akin? Alam mo naman na bawal

  • Back into His Arms   Chapter 143: Banta

    Third Person's Point of View"Anong meron? Ba't nagkakasiyahan yata kayong lahat dito?"Kung kanina ay halos mapuno ng kantyawan at tawanan ang cottage na inukupa nila, ngayon ay halos napipi naman silang lahat dahil ni isang tunog ay wala silang ginawa.Nagpalipat-lipat ang tingin ni Mrs. Miller sa lahat at doon ay peke nang napapatawa, bagay na siyang ikinangiwi na ng iba."Taylor, anak. Nagbakasyon ka pala kasama ang mga barkada mo at mukhang may nagaganap na handaan, bakit hindi mo manlang inimbita ang sarili mong ina?" pangongompronta na ni Mrs. Miller na siyang ikinatayo na ni Taylor."Ma, tama na. Tara na sa labas. Do'n tayo mag-usap---"Hindi paman tapos sa sasabihin si Taylor ay sumingit na si Mrs. Miller, tila pilit na sinisingit ang sarili sa ginagawa ng mga ito sa naturang cottage."Hindi, e. Bakit hindi mo manlang ako nagawang naimbitahan na magbakasyon, Taylor? Kahit si Melanie na siyang fiancee mo nalang ang isinama mo pero kahit siya ay hindi mo naimbitahan," pangongom

  • Back into His Arms   Chapter 142: Mrs. Miller

    Third Person's Point of ViewMatapos mapaglinaw ang lahat ay tila nawala ang mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib nina Kirstie at Taylor. Naging mas magaan ang pakiramdam nila at tila ay mas naging malinaw ang nararamdaman nila para sa isa't isa, hindi kagaya noon na kahit na ano pang pilit nilang pagkumbinsi sa sarili nilang mahal nila ang isa't isa ay alam nilang may parte sa mga puso nila ang may pagdududa. Tila may kulang. Tila may pangamba na kahit pilitin man nilang baliwalain ay pilit namang sumasagi sa isipan nila. At ngayong wala na ang nakadagang bagay na iyon ay hindi nalang maiwasan ng dalawa ang maging masaya para sa isa't isa."Good morning, love," nakangiting wika ni Taylor nang magsimulang gumalaw si Kirstie sa tabi niya. Kanina pa siya nakatitig sa fiancee niya at ngayon ngang nagigising na ito ay sinalubong na niya ito ng magandang pagbati sa umaga."Mmm, morning," pag-ungol ni Kirstie habang nakapikit parin ang dalawang mga mata.Napangisi si Taylor at pinatakan

  • Back into His Arms   Chapter 141: Kasinungalingan

    Third Person's Point of View"Bakit nandito ka pa sa may balcony? Malamig na dahil masyado nang malalim ang gabi. Baka sipunin ka pa, alam mo namang huling araw na natin bukas dito sa Siargao, dapat sulitin na natin bukas," wika pa ni Taylor na nakayakap na ngayon sa likuran ni Kirstie.Napapasandal naman sa dibdib ang babae at saka ay humilig na doon. Malalim pa siyang napapabuntong-hininga bagay na siyang ikinatingin na ni Taylor sa kanya."Bakit ang lalim ng buntong-hininga mo? May problema ka ba?" kapagkuwan ay pagtatanong ni Taylor sa fiancee na siyang magiging asawa na niya sa susunod na buwan."Wala. Naiisip ko lang. Kung hindi tayo nagkahiwalay, siguro ay matagal na tayong buo. Siguro ay marami na tayong anak," nakatawang wika ni Kirstie na siyang ikinangisi naman ni Taylor sa likuran niya."Kung 'yan ang iniisip mo, pupuwede pa naman tayong humabol. 'Wag kang mag-alala, kahit ipagsunod-sunod ko pa iyan," mapaglarong wika ni Taylor na siyang ikinailing-iling nalang ni Kirstie.

  • Back into His Arms   Chapter 140: She said yes!

    Third Person's Point of View"Taylor, anong ginagawa mo? May kausap pa ako," ani Kirstie na siyang mabilis na ikinatigil na ni Taylor sa paglalakad."What? Mas gusto mong kausap ang lalaking 'yon kaysa ang makasama ako?" tila nagtatampong wika ni Taylor na siyang ikinatawa nalang ni Kirstie."Ano bang nangyayari sa 'yo? Nahihiya lang ako sa tao kasi biglaan mo akong hinila. Nakakahiya. Baka masabihan tayong mga walanghiya," nakatawang wika ni Kirstie.Binitawan ni Taylor ang kamay ng nobya at naglakad na paalis nang hindi ito kasama."Oh, edi bumalik ka ro'n. Kausapin mo ang lalaking 'yon. Mas gusto mo 'yong makasama kaysa sa 'kin, 'di ba?" nagtutunog pagtatampo pa nga na wika ni Taylor na siyang ikinailing-iling nalang ni Kirstie.Sinundan niya ang lalaki at saka ay hinawakan na ang kamay nito. "Sasama na po," nakangiting wika ni Kirstie na siyang ikinairap naman ng lalaki na tila ay nagmamaldita na parang bading."Hindi, do'n ka na. Mas pinipili mo siya, 'di ba?"Hindi na nakinig pa

  • Back into His Arms   Chapter 139: Preparation (for proposal)

    Third Person's Point of View"Where's Taylor? Nakita niyo?" pagtatanong ni Kirstie sa mga kaibigan niyang kanina pa kumakain sa restaurant. Magkatabi silang natulog kagabi pero nagulat nalang siya nang hindi na mahagilap pa ang nobyo pagkagising niya."Bakit mo hinahanap? Baka may ginagawa lang. Para ka namang bata. Hindi mo lang nakita ng ilang minuto, hinahanap mo na kaagad. Bata ka? Bata ka? Hindi ka makaka-kilos kapag wala siya?" prankang wika ni Rachel at nagmamaldita na sa kanya na siyang labis na ikinagulat ni Kirstie."Anong nangyayari sa 'yo? Parang nagtatanong lang, e. Hindi ba ako puwedeng magtanong? Bakit nagmamaldita ka na?" naiinis nang wika ni Kirstie na siyang ikinaismid nalang ng kaibigan. Nilapitan niya ito at pabirong kinurot sa leeg na siyang mabilis na ikinaigik ni Rachel."Tsk! Kung hindi lang 'to para sa---"Hindi na nakapagtapos pa sa sasabihin si Rachel nang biglaan na siyang tinampal ni Allyson sa bibig, bagay na siyang gulat na ikinatingin ng dalawa sa gawi

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status