Kasalukuyan akong nakaharap sa isang customer nang marinig kong tumunog ang chain, nagpapahiwatig na may bagong dumating na customer.
Biglaan akong napatingin doon at halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang makita kung sino iyon. It was Taylor.What is he doing here?Tulad ko ay gulat din siyang nakatingin sa akin. What a small world."Taylor, ano, tutunganga ka nalang diyan?" komento ng isa niyang kasamahan. They were consists of five. I wonder who are they in his life. Friends? Workmates?Like you care, Rhea Kirstie, huh?"One cappuccino and a slice of walnut cake, please."Napatingin ako sa taong nagsalita. Shoot! May customer pa pala akong inasikaso. Taylor, you're such a distraction!Habang hinahanda ang order ng lalaki, nakasunod ang paningin ko sa mga ginagawa ni Taylor. Hindi ko alam kung dahil ba sa inis na nandito siya o ano kaya tinitingnan ko ang mga ginagawa niya. Ah, ewan!Kaagad kong ibinigay ang order ng lalaki. Matapos n'yon ay nakita ko kaagad na nagtaas ng kamay si Taylor.Ang kingina. Ayokong ako mismo ang kumuha ng order nila, baka palayasin ko lang sila dahil sa gagong lalaking 'yan. Taranta akong tumingin sa mga staff ko at ganoon nalang ang pagkataranta ko nang makitang busy silang lahat.Kaagad akong lumabas ng counter at nilapitan si Jessa. "Jes, ako na muna riyan. Ikaw na ang mag-asikaso sa mga bagong customers."Tumingin siya sa kinaroroonan nina Taylor. Nanliit ang mata ko nang makitang napanganga siya habang nakatingin doon. Bahagya niya pang inayos ang buhok niya.Napapikit ako. Gusto kong bawiin ang sinabi ko at ako nalang ang kukuha ng order nila pero pinipigilan ko ang sarili ko.Bakit kasi dito pa sila sa cafe ko napadpad? Kapag minamalas ka nga naman, oh!Habang isini-serve ko ang order ng customer na inaasikaso kanina ni Jes, nakatingin ako sa table nila Taylor.Kaagad akong napayuko at ipinagpatuloy ang pagserve nang makitang lumingon silang lahat sa gawi ko. Tangina, anong meron at tumingin silang lahat sa akin? Nakangisi pa ang mga gagong kasama ng putanginang lalaking 'yon. Sana hindi nila nakitang nakatingin ako sa kanila kanina. Rhea naman kasi, tingin ng tingin!Bumalik na ako sa counter matapos kong mai-serve ang order. Nagtaka ako nang pagkaupo ko, nakasimangot na mukha ni Jes ang sumalubong sa akin."B-Bakit?" Kita sa peripheral vision ko na nakatingin sa akin ang mga lalaki."Ikaw raw ang gusto nilang kumuha ng order nila ma'am."Kaagad na nagsalubong ang kilay ko. Anong pakulo 'to?"Bakit ako kung pwede namang sabihin nila sa 'yo ang order nila?" Halos tumaas na ang boses ko sa mga pinanggagawa nila.Mas lalo siyang sumimangot sa akin. "May itatanong din daw sila," nakangusong aniya, naroon ang lungkot sa mukha.Bahagya akong napairap. Kaartehan nila.Napilitan akong lumapit sa kanila. After all, they are my customers. Pinilit kong umaktong normal, baka masira ang reputasyon ng cafe ko."Orders, please," agarang sambit ko nang makarating sa harapan nila.Bahagyang umikot ang mata ko nang biglaang ngumisi ang mga lalaking kasama niya."What's your best coffee here?"Halos panlisikan ko ng mata ang putanginang ex ko nang siya ang magsalita. Hindi siya ang tinatanong ko! Ang kapal-kapal ng mukha!Ngumiti ako ng peke. "I'm still searching for a coffee that'll suit for all of my beloved customers, sir. As of now, Cappuccino and coffee latte's our best serving here," pekeng sambit ko sa kanila, naroon ang hinahon sa boses pero ang totoo ay gusto ko nang balibagin ang mesa nila at ihampas iyon sa mga pagmumukha nila.Tumaas ang sulok ng labi niya. "The usual, please."Kaagad na nagsalubong ang kilay ko. "Excuse me?" Medyo tumaas ang boses ko.Nakangisi namang tinapik ng isang kasamahan niya ang balikat ng putanginang ex ko. "Pinapangalandakan mo talaga, eh, no?"Mas lalong nagsalubong ang kilay ko. Pinapangalandakan na ano? Na kilala ko siya? Na ex niya ako? Putangina! Baka gusto niyang buhusan ko siya ng mainit na kape sa mukha niya!"Putangina," mahinang mura ko habang nanggigigil na nakatingin kay Taylor.Natigil naman sila sa panunukso kay Taylor at napatingin sa akin. Kaagad silang napanganga.Huminga ako nang malalim. "Orders," nagpipigil na sambit ko at alam kong napapansin nila iyon. Wala na akong pakialam kung ano na ang naging boses ko basta gusto ko nalang makuha ko ang order nila at nang makaalis na ako sa harapan nila. Masyado silang masakit sa mata ko."One cappuccino, two coffee latte and two espresso, and also, five sandwiches and two bagel," pang-isahang order nila.Matapos makuha ang order nila ay kaagad akong umalis. Wala akong pakialam kung nagiging bastos na ako sa harapan nila pero ibinabalik ko lang sa kanila kung anong trato nila sa akin.Si Jes na ang ipinapahatid ko sa order nila. Hindi ko kakayaning ako ang maghatid niyon, baka imbes na ilagay iyon sa table nila, itapon ko pa iyon sa mga mukha nila.Kasalukuyan akong nakaupo sa counter nang may lumapit sa akin. Kahit hindi ko nakikita ang mukha nang taong lumapit sa akin, kilala ko na kung sino iyon. Through the manly scent that I smelled, I knew it was Taylor.Ano na naman?"Kirstie..."Nanatili akong nakatingin sa screen ng monitor. Hindi ko siya tiningnan at wala akong balak na pansinin siya."Kirstie, mag-usap muna tayo---"Bago pa siya makapagtapos sa pagsasalita ay sumingit na ako, hindi siya pinapatapos sa kung anumang sasabihin niya. "If you don't have any order, and if you're done, feel free to leave. The door of my cafe is wide open for you," malamig na sambit ko.Rinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga. "Alright. I'll leave," aniya sa mahinahong boses.Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya. But I'm confused. Why do I felt like I was so... disappointed?Ugh, you're crazy, Rhea!"But I'll be back later. I wanted to talk to you," pinal niyang sabi bago siya umalis.I was left dumbfounded. Napapatingin nalang ako sa mga kasamahan niyang sumunod na sa kanya palabas ng cafe.Damn! That jerk! How dare he?!Third Person's Point of ViewNag-aalala man sa mga posibleng mangyayari sa susunod na mga araw ay hindi na nagpatinag sina Kirstie at Taylor. Nagpatuloy sila sa relasyon nila at hindi nila hinahayaan ang relasyon nila na siyang maapektuhan sa kung anumang nasa paligid nila. Masakit para kay Taylor na hindi boto ang ina niya sa babaeng pinakamamahal niya, pero hindi naman niya ito mapipilit kaya hinayaan na niya ang ina. Umaasa nalang siya na sana ay darating ang araw na boto na ito kay Kirstie at hindi na sila kokontrahin pa, lalo na ang relasyon nila.Doon nga, sa hinaba-haba ng prosisyon ay dumating na nga ang inaantay ng lahat. Ang maikasal sina Kirstie at Taylor.Pamahiin ng kasal na hindi pupuwedeng magkita ang groom at ang bride, pero iba ang ginawa ni Taylor. Siya mismo ang nagdrive sa bridal car na sana ay nasa simbahan na siya at naghihintay nalang sa pagdating ni Kirstie sa harapan ng simbahan."Hoy, okay lang ba talagang ikaw ang nagda-drive sa akin? Alam mo naman na bawal
Third Person's Point of View"Anong meron? Ba't nagkakasiyahan yata kayong lahat dito?"Kung kanina ay halos mapuno ng kantyawan at tawanan ang cottage na inukupa nila, ngayon ay halos napipi naman silang lahat dahil ni isang tunog ay wala silang ginawa.Nagpalipat-lipat ang tingin ni Mrs. Miller sa lahat at doon ay peke nang napapatawa, bagay na siyang ikinangiwi na ng iba."Taylor, anak. Nagbakasyon ka pala kasama ang mga barkada mo at mukhang may nagaganap na handaan, bakit hindi mo manlang inimbita ang sarili mong ina?" pangongompronta na ni Mrs. Miller na siyang ikinatayo na ni Taylor."Ma, tama na. Tara na sa labas. Do'n tayo mag-usap---"Hindi paman tapos sa sasabihin si Taylor ay sumingit na si Mrs. Miller, tila pilit na sinisingit ang sarili sa ginagawa ng mga ito sa naturang cottage."Hindi, e. Bakit hindi mo manlang ako nagawang naimbitahan na magbakasyon, Taylor? Kahit si Melanie na siyang fiancee mo nalang ang isinama mo pero kahit siya ay hindi mo naimbitahan," pangongom
Third Person's Point of ViewMatapos mapaglinaw ang lahat ay tila nawala ang mabigat na bagay na nakadagan sa dibdib nina Kirstie at Taylor. Naging mas magaan ang pakiramdam nila at tila ay mas naging malinaw ang nararamdaman nila para sa isa't isa, hindi kagaya noon na kahit na ano pang pilit nilang pagkumbinsi sa sarili nilang mahal nila ang isa't isa ay alam nilang may parte sa mga puso nila ang may pagdududa. Tila may kulang. Tila may pangamba na kahit pilitin man nilang baliwalain ay pilit namang sumasagi sa isipan nila. At ngayong wala na ang nakadagang bagay na iyon ay hindi nalang maiwasan ng dalawa ang maging masaya para sa isa't isa."Good morning, love," nakangiting wika ni Taylor nang magsimulang gumalaw si Kirstie sa tabi niya. Kanina pa siya nakatitig sa fiancee niya at ngayon ngang nagigising na ito ay sinalubong na niya ito ng magandang pagbati sa umaga."Mmm, morning," pag-ungol ni Kirstie habang nakapikit parin ang dalawang mga mata.Napangisi si Taylor at pinatakan
Third Person's Point of View"Bakit nandito ka pa sa may balcony? Malamig na dahil masyado nang malalim ang gabi. Baka sipunin ka pa, alam mo namang huling araw na natin bukas dito sa Siargao, dapat sulitin na natin bukas," wika pa ni Taylor na nakayakap na ngayon sa likuran ni Kirstie.Napapasandal naman sa dibdib ang babae at saka ay humilig na doon. Malalim pa siyang napapabuntong-hininga bagay na siyang ikinatingin na ni Taylor sa kanya."Bakit ang lalim ng buntong-hininga mo? May problema ka ba?" kapagkuwan ay pagtatanong ni Taylor sa fiancee na siyang magiging asawa na niya sa susunod na buwan."Wala. Naiisip ko lang. Kung hindi tayo nagkahiwalay, siguro ay matagal na tayong buo. Siguro ay marami na tayong anak," nakatawang wika ni Kirstie na siyang ikinangisi naman ni Taylor sa likuran niya."Kung 'yan ang iniisip mo, pupuwede pa naman tayong humabol. 'Wag kang mag-alala, kahit ipagsunod-sunod ko pa iyan," mapaglarong wika ni Taylor na siyang ikinailing-iling nalang ni Kirstie.
Third Person's Point of View"Taylor, anong ginagawa mo? May kausap pa ako," ani Kirstie na siyang mabilis na ikinatigil na ni Taylor sa paglalakad."What? Mas gusto mong kausap ang lalaking 'yon kaysa ang makasama ako?" tila nagtatampong wika ni Taylor na siyang ikinatawa nalang ni Kirstie."Ano bang nangyayari sa 'yo? Nahihiya lang ako sa tao kasi biglaan mo akong hinila. Nakakahiya. Baka masabihan tayong mga walanghiya," nakatawang wika ni Kirstie.Binitawan ni Taylor ang kamay ng nobya at naglakad na paalis nang hindi ito kasama."Oh, edi bumalik ka ro'n. Kausapin mo ang lalaking 'yon. Mas gusto mo 'yong makasama kaysa sa 'kin, 'di ba?" nagtutunog pagtatampo pa nga na wika ni Taylor na siyang ikinailing-iling nalang ni Kirstie.Sinundan niya ang lalaki at saka ay hinawakan na ang kamay nito. "Sasama na po," nakangiting wika ni Kirstie na siyang ikinairap naman ng lalaki na tila ay nagmamaldita na parang bading."Hindi, do'n ka na. Mas pinipili mo siya, 'di ba?"Hindi na nakinig pa
Third Person's Point of View"Where's Taylor? Nakita niyo?" pagtatanong ni Kirstie sa mga kaibigan niyang kanina pa kumakain sa restaurant. Magkatabi silang natulog kagabi pero nagulat nalang siya nang hindi na mahagilap pa ang nobyo pagkagising niya."Bakit mo hinahanap? Baka may ginagawa lang. Para ka namang bata. Hindi mo lang nakita ng ilang minuto, hinahanap mo na kaagad. Bata ka? Bata ka? Hindi ka makaka-kilos kapag wala siya?" prankang wika ni Rachel at nagmamaldita na sa kanya na siyang labis na ikinagulat ni Kirstie."Anong nangyayari sa 'yo? Parang nagtatanong lang, e. Hindi ba ako puwedeng magtanong? Bakit nagmamaldita ka na?" naiinis nang wika ni Kirstie na siyang ikinaismid nalang ng kaibigan. Nilapitan niya ito at pabirong kinurot sa leeg na siyang mabilis na ikinaigik ni Rachel."Tsk! Kung hindi lang 'to para sa---"Hindi na nakapagtapos pa sa sasabihin si Rachel nang biglaan na siyang tinampal ni Allyson sa bibig, bagay na siyang gulat na ikinatingin ng dalawa sa gawi