Share

Back into His Arms
Back into His Arms
Author: 1ionhart

Prologue

[Yang, you already have your ticket for tonight's concert, do you?]

From giving an outlook to my cafe's menu list, I shifted my gaze at my phone at the side of the menu. It was Rachel, one of my bestfriend, who called a minute ago.

I pick up the phone and set it near my ear. "Wala," simpleng sagot ko.

[What?!]

Bahagya akong napapikit sa biglaang pagsigaw niya.

[Bakit wala?]

Ngumisi ako. "Kasi wala," pambabara ko.

[Yang...] She sounded like she's threatening me for being sarcastic.

Mukhang galit na yata ang bestfriend ko.

I took out a soft chuckle. "Just kidding. Para kang tanga riyan. Naninigaw ka para lang sa ticket ng concert?"

I can see her rolling her eyes off me. [Bakit nga wala?]

It's my turn to roll my eyes, kahit hindi niya naman nakikita 'yon. "Kasi hindi ako bumili."

[What?!]

Nagsalubong ang kilay ko. "Rachel, don't shout over phone!" panininghal ko sa kaibigan.

[Bakit hindi ka bumili?] pambabaliwala niya sa sigaw ko.

Napairap ako. "I already told you, wala akong panahon sa mga ganyan."

She groaned from the other line. [Come on, let's have some fun! Ilang taon na tayong hindi nakakapagbonding! I already called Allyson and she just told me she already had a ticket! Come on! Don't be a kill joy! Hindi masayang maging loner habangbuhay!]

Bahagya akong napairap sa sinabi niya. "Hindi naman ako loner."

[Oh, really?] She sounded sarcastic.

Ah, this girl.

[Come on! I have an extra ticket, just for you. Magtatampo talaga ako kapag hindi ka pupunta.]

Napabuntong-hininga ako sa sinabi niya. "But---"

[If you're worried about Kristen, I already talked to aunt Kristie and she said she'll take care of her. Okay na?]

"Not... really," mahinang sabi ko.

I love music. I really do, especially because I met him, my special someone, through that. But right now, after all the pain that I have been through for the past seven years, I don't think I can still love music. Well, mahal ko parin naman ang musika, but I don't think I can endure the pain that I'll reminisce by just listening a music. Hindi ko pa kaya.

[Don't tell me...]

Sadness and pain came into me after hearing what she said. Hindi pa siya tapos magsalita, ngunit alam ko na kung ano ang ipinapahiwatig niya.

[Rhea Kirstie Campbell, don't tell me hindi ka pa nakakapagmove-on sa kanya? For pete's sake, it was seven long years already!]

Bahagya akong nataranta sa sinabi niya. "I already moved on!"

I can see her in my mind smirking at me. [Oh, really?]

"Y-Yeah! What the hell's with you, Rachel? Of course, ang tagal-tagal na no'n, siyempre nakamove on na ako!"

[If you're really moved on...]

Uh-oh!

[Then attend the concert. That's the only way for me to believe you already moved on from him.]

Napabuntong-hininga ako sa sinabi niya. "Rachel..."

[I am fucking serious, Rhea.] I heard her heave a long, deep sigh at the other line.

"Fine," napipilitan kong sagot. Nakangising napailing-iling ako nang marinig ko siyang tumili sa kabilang linya.

[Then settled! Parating na kami riyan para sunduin ka kaya maghanda ka na!]

Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "What?!"

[Gaga! It's already 4 in the afternoon! Alas siyete ang simula ng concert kaya dapat 6 palang, nandoon na tayo!]

Aba, at kung makagaga ang isang 'to. Baka nakakalimutan niyang siya ang pumilit sa akin na pumunta sa concert?

"Wait, nandito pa ako sa cafe."

[Then we'll fetch you there. Magsara ka na. Doon narin kami mag-aayos sa condo mo para sabay na tayong pumunta sa concert.]

Napairap ako. "Kapag nalugi ako, ikaw ang sisingilin ko."

[Para rin naman 'to sa 'yo, gaga!]

"Fine." Binabaan ko siya para hindi na dumada pa. Masyado siyang maingay.

"Hey, beautiful."

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses, only to see Edward, my suitor for almost three years. He is also a precious friend of mine.

Ngumiti ako. "Hey..." Lumapit ako sa kanya. Nakangiti naman siyang sumalubong sa akin at hinalikan ako sa pisnge.

Inilibot niya ang paningin sa buong cafe. "Magsasara ka na?"

"Yep," sagot ko habang binabaliktad ang placard na may nakasulat na open at close.

Pinagtas-an niya ako nang kilay. "This early?"

Ngumuso ako. "Rachel and Ally's fault."

Napatawa siya. "And why is that?"

"Ayon, pinipilit akong pumunta sa concert." Napatingin ako sa kanya. "Pupunta ka rin?"

"I wanted to, but I can't."

Bahagyang sumama ang timpla nang mukha ko sa sinabi niya. "Bakit?"

Bumuntong-hininga siya. "I have an important matters to do with the company."

Mahina akong napatawa nang mapangiwi siya. "Problem?"

Tumango siya. "Yeah, there was a misunderstanding with an important investor. I need to clarify things as soon as possible before he pulled out. I can't pass a little problem like this."

Tumango-tango ako sa sinabi niya. Saksi ako sa pagsusumikap niya para makarating siya ngayon sa kinaroroonan niya. He was now one of the richest man in the world.

"Paalis ka na?"

"Yep." Tumango ako. Kinuha ko ang shoulder bag ko at humarap sa kanya. "See you when I see you."

Napatawa siya sa sinabi ko. "I can give you a ride."

"Nope. Not this time. Papunta na sina Rachel at Ally para sunduin ako. Pagtuonan mo nalang nang pansin yung maliit mong problema." I playfully give an emphasis to the word small that makes him laugh.

Napailing-iling siya. "Kahit kailan talaga..."

Ngumisi ako. Pabiro kong tinapik ang balikat niya. "Lakad na, baka yung maliit mong problema lumaki pa 'pag hindi ka pa umalis."

Sigurado akong pipilitin siya nina Rachel at Allyson na pumunta rin sa concert. Kaya bago pa siya maabutan ng dalawang bruha, pinaalis ko na si Edward.

"Yeah right. Just promise me you'll take care of yourself."

Napairap ako sa sinabi niya. "Malaki na ako."

"But it doesn't mean you can take care of yourself fully."

I made a face. He laughed.

"Bye. See you when I see you."

Bahagya akong sumimangot nang guluhin niya ang buhok ko. Sinundan ko lang siya ng tingin. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang hindi naabutan nina Rachel si Ed.

"Sino 'yon?" Nakatingin siya sa sasakyang papawala na sa paningin namin.

Binuksan ko ang sasakyan at umupo sa backseat. "Si Ed."

"Oh?" Bahagyang napalingon sa akin si Rachel nang marinig ang pangalang binanggit ko. "Inaya mo?"

"Aalis ba 'yon kung inaya ko?" pambabara ko.

She made a face. "Really? What's with you today, Yang? Bakit lagi mo akong binabara ngayon?"

Ngumisi ako. "Ngayon lang ba?"

"Aba't!"

Bago pa makipag-away si Rachel sa akin, sumabat na si Allyson. Siya palagi ang referee sa aming tatlo.

"Oh, tama na. Baka mas lalo tayong ma-late sa ginagawa niyo."

Napairap si Rachel. "Pasalamat ka, mahal kita."

Bahagya akong napangisi sa sinabi niya. "Ang ganda ko talaga," saad ko, iniinis siya.

Bahagya silang napaismid sa sinabi ko dahilan para mapatawa ako.

"Hindi mo nga inaya si Ed?"

"Tinanong ko, pero ang sabi niya hindi siya makakapunta dahil may gagawin pa siya sa kompanya niya. Nagkaproblema lang ng kaunti."

"Oh, edi sana inaya mo."

Kinunutan ko ng noo si Rachel. "May problema nga yung tao."

"Kaya nga sana inaya mo para naman mawala yung problema niya."

"Gaga!" Kung nasa tabi ko lang siya, kanina ko pa siya binatukan. Ang lakas ng trip ng babaeng 'to.

Nakarating kami ng condominium nang 'yon lang ang pinag-uusapan namin. Bumaba ako ng sasakyan at nauna nang naglakad papasok ng condominium.

Tahimik lang kaming sumakay ng elevator. Pagkabukas, kaagad akong lumabas at nagpunta sa unit ko.

"Pumili ka na ng damit mo, Yang. Aayusan ka namin pagkatapos."

Bahagya akong napangiwi sa sinabi ni Rachel. "Ayokong magmake-up."

"What? Pupunta tayo ng concert tapos hindi ka magme-make up?"

Pinagtas-an ko siya ng kilay. "Required bang magmake-up?" Inirapan ko siya bago ko siya tinalikuran.

Pumasok ako sa kuwarto ko at lumapit sa closet ko. Tumingin ako sa mga dress ko.

Napangiwi ako nang makitang luma ang lahat ng iyon. Lately, hindi na ako nakakapagshopping para bumili ng bagong damit. Masyado akong busy sa cafe.

Napabuntong-hininga ako bago ko kinuha ang pinakamagandang damit sa closet ko.

"Sana okay na 'to," saad ko habang nakatingin sa dress.

Lumabas ako ng kuwarto at nadatnan sina Rachel at Allyson na nakabihis na. Kasalukuyan silang nagme-make-up nang mapatingin sila sa gawi ko.

Bahagya silang napanganga habang nakatingin sa suot ko.

"Yang, pupunta ka ng concert nang ganyan ang suot mo?"

Napatingin ako sa suot ko. "Oo?" Napangiwi ako. "Bakit? Ano bang mali sa suot ko?"

"Nagmumukha kang lusyang," marahas na komento ni Rachel sa akin.

Kumuha ako nang kung anong madadampot ko at inihagis iyon sa direksyon ni Rachel.

She's honest and straighforward. Minsan nakakatulong iyon, madalas nakakasakit. And her critique about my style for today's kinda hurtful.

Ngumisi siya. "Buti nalang at may extra outfits ako rito. Sinadya ko talagang magdala nito dahil inaasahan kong ganyan ang magiging hitsura mo."

Aba! Namumuro na yata ang isang 'to.

Inirapan ko siya. Napilitan akong magpalit ng damit na dala niya.

Matapos masuot ang isang damit, tumingin ako sa malaking salamin. I looked at myself amused. I didn't know I can still slay, even if I am now in my mid-20's.

Nahihiya akong lumabas ng kuwarto ko. Umiwas ako ng tingin sa kanila nang makitang napanganga sila sa akin.

"W-Wow!" manghang sabi ni Rachel. "I didn't know you can still slay. Akala ko tuluyan ka nang napag-iwanan nang panahon, e."

I am wearing a short black shorts surrounded with a skirt that is not totally connected to each other. May kaunting siwang ito, na nagsisilbing naging disenyo. It has also a thick, black belt. May kaparis iyong itim na croptop na siyang nagbibigay highlight sa kaputian ko.

Wow. Nawa'y lahat maputi.

Napangiwi ako. "Pero ayokong nakasuot nang ganito kaya magbibihis parin ako," pinal kong sabi bago ako bumalik sa kuwarto ko.

My ever changing clothes session ended as I wore a simple pink, above the knee dress. Pinarisan ko iyon ng dollshoes at pink sling bag.

"I guess we are now late," tila nawawalan na nang pag-asang banggit ni Allyson.

Napalayo ako ng kaunti sa kanila nang samaan nila ako ng tingin.

"Aba, kasalanan ko bang pinilit niyo pa akong ayusan?" depensa ko.

They groaned while walking our way to the concert hall.

"But all I can say, it was worth the time. You're still pretty, bes, huh? Walang pinagbago."

Na-appreciate ko kaagad ang sinabi ni Allyson. Did I already mentioned that I am lucky I met and have the chance to be with them? If not, then I'll tell all of you now that I am very much lucky to meet them.

"Thanks guys."

Napalingon ako kay Rachel nang marinig ko siyang magmaktol.

"As much as I wanted to hear your gratitudes about our kindness, but we now need to go inside. Mukhang nagsisimula na ang concert."

Napairap ako sa sinabi niya. Their kindness, huh?

Pumasok na kami sa loob at pumunta sa puwesto namin. Halos makipagtulakan kami sa ibang mga nanonood para lang makapunta sa unahan. Worth it naman ang pakikipagtulakan namin dahil kitang-kita ang bandang nagko-concert ngayon.

"Whoaah!" sigawan ng mga tao matapos tumugtog ang banda.

Ilang kanta din ang kinanta ng grupo at lahat nang iyon puro magaganda.

Napangiti ako at nakahinga ng maluwag. Akala ko, kapag naka-attend ulit ako nang mga ganito, maiiyak ako. Buti nalang at hindi. Ayokong gumawa ng eksena rito.

"Good evening everyone!" Napatingala ako sa stage at nakita roon ang emcee. Nakangiti ito sa lahat. "I already talked to Taylor at the backstage. As what y'all requested earlier, he will sing a song for all of you!"

Just like that, the concert people went loud and wild. As for the moment, even when people went loud, all I could hear is my fast, loud heartbeat.

Oh, geez, don't tell me he's the Taylor I know? Please tell me he's not.

Nanliit ang mga mata ko nang makita ang isang nakatalikod na lalaking umakyat sa stage. Mas lalong umingay ang paligid, pero hindi ko iyon pinagtuonan nang pansin. Nakatuon lang ang atensyon ko sa lalaking naglalakad ngayon sa stage.

Pigil ang hininga ko habang inaantay na humarap sa amin ang lalaki. Iba ang pakiramdam ko, pero ayokong kilalanin siya nang hindi ko pa masyadong nakikita ang mukha niya. Hindi ko matanggap.

Just as he faces us, I felt numb and cold.

"O, my god!"

I heard Rachel and Allyson gasp. Ramdam na ramdam ko ang mabilisan nilang pagtingin sa gawi ko, naroon ang pag-aalala sa mukha.

"Y-Yang..." Naramdaman ko ang paghawak nila sa akin.

"Good evening, people!" He was all smile while greeting all of us, without knowing that his fucking ex-girlfriend is here. "I don't have any intention to sing tonight, all I want is to watch a concert. But since you are all special to me, I will sing this song for all of you. Here's Finally Home..."

He started strumming the guitar he was holding.

"Seen it all... Endless nights and storm clouds brewing..."

Only by just listening him singing the first verse, made my eyes watered. How I missed this.

"Y-Yang..." Naramdaman kong mas humigpit ang pagkakakapit nila sa akin.

"Kirstie, we can now leave if you want." I can sense seriousness in Ally's voice.

I can hear the two of them, telling me we can now leave the place, but my body couldn't. Ni hindi ko na nagawang ibaling sa iba ang paningin ko nang makita ko na siyang muli.

My Giovanni Taylor. How sad, knowing I am not his Rhea Kirstie anymore.

"I always seem to find my way back... home."

How ironic. I felt like he was saying to me he found his way back home, knowing I am not his home.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ciejill
Support bebs...️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status