Share

Chapter 1

"Are you okay?"

Napalingon ako sa dalawang kaibigan ko. They are all worried like hell.

Nagpeke ako ng masiglang tawa. "Okay nga lang ako," pangungumbinsi ko sa kanila.

They made a face.

"Yeah, right. You cried earlier while staring at your thick-faced, jerk ex-boyfriend. I can say you're totally okay," Rachel says sarcastically.

Binatukan siya ni Allyson dahilan para samaan niya ng tingin ang huli.

"Ano? Nagsasabi lang ako ng totoo! Palagi niyang sinasabing nakamove on na siya pero ngayong nakita na niya ang putanginang ex niya, umiiyak siya!"

Hello, nandito ako sa harap niyo!

"At ikaw!" Tinuro ako ni Rachel. Nilapitan niya ako at mahinang hinampas. "Gaga ka! 'Wag mong ipakita sa kanya na umiiyak ka na naman dahil sa kanya, lalaki lang ulo no'n!"

"Tsh!"

Pinanlakhan niya ako nang mata. "'Wag mo 'kong maungot-ungot diyan! Sinasabi ko sa 'yo, Rhea Kirstie, kapag umiyak ka pa sa harap ng putanginang lalaking 'yon, sasampalin kita ng paulit-ulit hanggang sa matauhan ka!"

Binatukan siya ni Allyson dahil sa sinabi niya. "Pinagsasabi mo? Dapat si Taylor ang kontrahin mo, siya yung gago, bruha ka."

Nanlaki ang mata ni Rachel. "Anong bruha?" Binatukan niya si Allyson. "'Wag mo 'kong mabruha-bruha riyan! Isa ka pa, iniiyakan mo yung pangit mong boyfriend, gago naman! Pangit na nga, gago pa!"

"Palibhasa wala kang boyfriend, hindi siguro nakatiis sa pag-uugali mo."

Mahina akong napatawa sa sinabi ni Ally.

Nanliit ang mata ni Rachel. "May sinasabi ka, Allyson Claire?"

"Wala..."

Taas-noo siyang umayos sa pagkakatayo niya. "Mabuti..." Hinarap niya ako.

Uh-oh! Hindi ba siya matapos-tapos sa kakasermon sa akin?

Bumuntong-hininga siya. "Yang, he doesn't deserve your tears. He doesn't deserve your precious life. Kaya sana, kung maaari, 'wag kang magpapakita ng kahinaan sa harapan niya. Alam kong mahirap siyang kalimutan dahil hindi maganda ang huling pagkikita niyo kaya nasasaktan ka parin hanggang ngayon. He chose his dreams over you. He chose a brighter future without you, kaya ang gago-gago niya, at masakit iyon sa parte mo. But please, help yourself heal from the wound he caused to you. In that way, you'll fully moved on from him."

Ngumiti ako sa kanila. Tumalikod ako nang maramdaman kong namasa ang mga mata ko. "Pupunta lang akong restroom, guys." 'Yon lang at umalis na ako. Ayokong makita na naman ni Rachel ang mga luha ko.

Pagkasarang-pagkasara ko sa pinto ng restroom, kaagad akong napasandal. Nanghina ang mga tuhod ko dahilan para dahan-dahan akong dumausdos pababa.

I cried again. Dahil na naman sa kanya kaya nasasaktan ako. Ilang ulit pa ba akong masasaktan dahil sa kanya? Ilang ulit pa ba akong iiyak dahil sa kanya?

I sniff before I firmly stood up. Naglakad ako palapit sa salamin at tiningnan ang sarili ko.

I laugh with no fun. I pity myself from being such a fool, crying over my jerk ex-boyfriend who doesn't really care about my existence. How fool you are, Rhea Kirstie.

Binuksan ko ang gripo at naghugas na lamang ng kamay. Nang matapos ay kaagad akong naglakad palabas. Kasalukuyan akong naglalakad nang biglaang tumunog ang cellphone ko. Hinanap ko iyon sa sling bag ko nang aksidenteng may nakabangga ako.

"Sorry..."

Natigilan ako at halos takasan ako ng lakas nang makita kung sino ang nakabangga ko. It was Taylor. Like me, he was also shock, but I can see joy and at the same time sadness in his eyes.

Don't be beared with his emotions, Rhea. You should know he's best in faking his emotions.

Umiwas ako ng tingin at nilampasan siya. Ilang hakbang palang ang nagagawa ko nang hawakan niya ang braso ko para pigilan ako sa pag-alis.

"Kirstie..."

Sunod-sunod na nagsilabasan ang mga luha ko. Sa ilang taon kong pilit na paglimot sa kanya, akala ko kapag nakita ko na siya nang malapitan, hindi na ako masasaktan. Pero mali ako. Masakit parin pala.

Marahas kong pinahiran ang mga masasaganang luhang dumadaloy ngayon sa pisnge ko. Just when I gained an enough confidence to face him, that's the time that I face him. "Don't touch me, jerk!" Just like that, I hit his balls, making him cried in pain.

"Fuck!"

Inirapan ko siya bago ako taas-noong naglakad paalis doon. Napatigil ako sa paglalakad nang tumunog na naman ang cellphone ko.

It was Kristen.

Kaagad na sumilay ang ngiti sa labi ko nang mabasa ang pangalan na nakarehistro sa caller Id. Alam kong hindi nakakatulog ang isang 'yon nang hindi ako nakakausap kaya expected ko nang tatawag talaga ang bubuwit na iyon.

[Mom!]

Mas lalong lumapad ang ngiti ko. "Hey, sweetie."

Mahina akong napatawa nang biglaan na lamang tumahimik ang kabilang linya.

"Sweetie, are you still there?"

Kaagad akong nataranta nang marinig ko ang mahina niyang paghikbi sa kabilang linya.

"H-Hey, don't cry, sweetie. Pauwi na ako. Susunduin kita riyan, okay?"

Rinig ko ang mahinang pagpapatahan ni mama kay Kristen sa kabilang linya.

"Ma? What happened?"

Alam kong hindi mapapakali si Kristen nang hindi ako nakakausap bago siya matulog. Pero alam ko ring hindi siya umiiyak nang ganyan dahil lang sa hindi niya ako kasama. There must be something happened para umiyak siya nang ganyan.

Bumuntong-hininga si mama sa kabilang linya. [Kanina pa siya tanong nang tanong kung nasa'n ka. Nang sinabi kong nagpunta ka sa concert, ayun, biglang tumahimik. Ngayon naman, kinukulit akong tawagan ka, hindi ko alam na iiyak siya kapag nakausap ka na niya.]

Nagpakawala ako ng isang buntong-hininga. Kristen is a jolly, kind girl. Minsan m*****a, pero madalas mabait. Softhearted ang batang iyon dahilan para kaunting away lang, umiiyak siya. Kaunting bagay na ibinibigay sa kanya, masaya na kaagad siya. Nalulungkot lang ako, umiiyak na siya. Kapag umiiyak ako, mas grabe ang iyak niya, tila dinadamayan ako.

Sobrang swerte ko na dumating siya sa buhay ko. Hindi ko kailanman pinagsisihan na siya ang naging bunga nang pagmamahalan namin ni Taylor noon. Yeah, you heard it right. That thick-faced, jerk ex-boyfriend of mine is the father of my very own child, Kristen Vanesse Campbell. Pero wala akong balak na ipakilala siya bilang ama ng anak ko. He doesn't deserve such kind and wonderful daughter like Kristen. Masyado siyang gago para sa anak ko.

"Pauwi na ako 'Ma, pakibantayan muna si Kristen."

Kaagad kong hinanap sina Rachel at Allyson. Nakahinga ako ng maluwag nang makita ko silang dalawang walang ganang nakaupo sa upuan na nasa labas.

"Hey..."

Kaagad silang napalingon sa gawi ko. Sabay nila akong inirapan dahilan para mapatawa ako.

"Kapag sinabing restroom, restroom lang. Baka nanlandi ka pa, ha?"

It's my turn to roll my eyes. May anak na ako, maglalandi pa ba ako?

"Hindi ako nanlandi. Pero may sinira akong kinabukasan kanina, masyado siyang gago sa paningin ko, e, nakakaabala.

Kaagad silang napalapit sa akin. "You mean, your thick-face, jerk ex-boyfriend?"

"Yeah." Tumango ako bago ako naglakad sa parking lot.

"Nagkita na naman kayo?"

I unconsciously roll my eyes. "Kaya nga pinatid ko yung kanya dahil hindi kami nagkita," sarkastika kong sabi.

Bahagyang napanguso si Rachel dahil sa pambabara ko. Napailing-iling lang ako bago ako umupo sa backseat.

"What did he say?"

Napatingin ako sa unahan nang magsalita na naman si Rachel.

"Wala."

"Wala?!" she yells like hell. "As in, wala? Wala manlang hi-hello?"

Binatukan siya ni Allyson. "Sinabi na ngang wala, 'di ba? Sa'n do'n ang hindi maintindihan nang makitid mong utak?"

"Aba, Allyson, 'wag mo 'kong masabi-sabihan nang makitid ang utak dahil mas malala ka pa sa 'kin! Mas makitid ang utak mo dahil pinatulan mo yung gago mong jowa, pangit naman!"

Allyson pursed her lips. "Ayan na naman po tayo."

Napailing-iling ako sa kanila. Kapag nag-aaway kaming dalawa ni Rachel, si Allyson ang referee namin. Kapag aawat na siya, siya naman ang aawayin ni Rachel.

Iba ang babaeng 'to. Ang lakas makipag-away. Kaibigan ba talaga namin 'to?

"Bilisan mo nalang Rachel. Kanina pa umiiyak si Kristen."

Kaagad akong napatili nang bigla niya na lamang malakas na inihinto ang sasakyan.

"Bakit umiiyak na naman ang inaanak ko?"

Napabuntong-hininga ako. "Hindi ko alam. Baka nami-miss na ako."

"Yang, hindi ka nag-a-out of town ng ilang araw para umiyak siya nang ganyan."

Napairap ako sa sinabi niya. "Ikaw kasi," paninisi ko sa kanya.

Nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi ko. "Aba, at kasalanan ko pa? Gumagawa na nga ako ng paraan para mapasaya ka, ako pa ang sinisisi mo."

"Oo na, kasalanan ko na."

Napangisi siya sa sinabi ko, kalaunan ay napangiwi siya. "Mabalik tayo sa gago mong ex..."

Kaagad akong kinabahan sa sinabi niya. "Ano..."

"Bakit nga nainlove ka sa putanginang 'yon? Eh, 'di hamak naman na mas guwapo ang pinsan ko roon."

Way back when I was 18, Rachel pushed me on his cousin, Kent. He's kind, but he is not my type. Gustong manligaw ni Kent sa akin pero tinanggihan ko, ayoko siyang paasahin. Masyado siyang mabait para saktan ko lang sa huli.

How funny. Ilang araw din akong hindi pinansin ni Rachel noon dahil binasted ko raw kaagad si Kent. Sana manlang daw ay binigyan ko siya nang chance. But I want to be straightforward and honest. Mas lalala lang ang sitwasyon kapag pinatagal ko pa.

"Pinsan mo rin naman si Taylor, ah?" Allyson playfully says.

Pinanlakhan ng mata ni Rachel si Allyson. Umirap siya kalaunan. "Wala akong pinsang gago."

Napatawa si Allyson habang umiiling-iling. Noon, kung makapagmayabang si Rachel na pinsan niya si Taylor, wagas. Ngayon naman, matapos naming maghiwalay, kung makatanggi na naman siya kay Taylor, wagas.

"I guess Rhea falls inlove with him in your debut party," Allyson says.

"Yeah, I remember." Bumaling sa akin si Rachel. "Nainlove ka ba sa kanya no'ng nagkabanggaan kayo sa restroom ng mansion?"

"No," mahinang sabi ko.

Pinagtas-an naman nila ako ng kilay.

"No? Then when did you fall to that jerk?"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status