Home / Romance / Back to Me / 2.1 CLUMSY OAF

Share

2.1 CLUMSY OAF

Author: Tiwness96
last update Last Updated: 2024-04-12 15:24:55

MIA THYRESS

Nakatulala ako habang sinasamaan ng tingin ang dingding. Pinaplansa ko ang damit ni Miss Ivy na susuotin niya mamaya sa lakad namin. "Shoot!" Hay mabuti nalang at hindi nasunog! Huli ko na napansin na umuusok na ang damit. Ilang sigundo ko na palang hindi nagalaw ang plansa mula sa pagkakalapat sa tela.

I let out a sigh after hanging Miss's dress. It's been eight months since we found out that ate Hannah was pregnant. Pero hanggang ngayon, kapag naaalala ko ang itsura ng nobyo niya, parang binuhusan ng lahar ang aking sistema. Nakakainit ng kaluluwa!

I am clenching my teeth imagining Seph na binabalatan. Sana magawa ko rin sa kaniya ng totohanan, hindi yung sa imahinasyon lang.

I walk towards the balcony and leaned against the railing. Mula dito sa aking kinatatayuan, tanaw ko ang mga guest ng resort na kakarating lang. Iba talaga ang mga mayayaman, hindi nagdadalawang isip na gumastos ng ten thousand per head, per night dito sa Blue Ivy. Sulit na sulit naman 'yon, sa ganda ba naman nitong resort ni Miss, It's just me thinking na puwedi na isang buwang kunsumo namin sa bahay ang sampung libo.

Kilala ang pamilyang Fuchs dito sa San Martin dahil sa singkuwenta ektarya nilang niyugan sa kanilang private island. Maliban doon, ang pamilya nila ng solong nagmamay-ari ng Blue Ivy na isang five star hotel and resort.

"Mia?!"

Napalingon ako sa nagbukas na connecting door mula dito sa clothing room ni Miss Ivy to the masters bedroom. Fifty-five years old na ni Miss. Yes, Miss ang tawag ko sa amo kong babae kahit ilang dekada na siya nag retiro bilang miss. Gustong gusto kasi niyang tinatawag siyang ganon, it makes her feel young daw.

"Yes, miss?"

Naka roba at may tuwalya pa sa ulo na pumasok si Miss sa clothing room. "Please inform Pipoy get ready, we'll leave after I shower."

I gave her a silly face. "You're done taking a shower."

When she realized that she had finished taking a shower, Miss smiled. "I mean, after I get dressed."

"Hala si Miss, nagiging makakalimutin na! Ay, sign of aging na'yan!"

"Heh!!" she bugged out.

Napahagikhik ako. Hay salamat, nauna ko siyang inisin ngayong araw. "Hoookay! Sasabihin ko na kay Pipoy, but wait." I curled my lips while staring at Miss from head to toe as she stared at herself in the full-length mirror. "Wow, blooming Miss, ah. Uy, nadiligan ni sir Felix!" I teased raising my eyebrows.

Yep! You got it right, ganito ako minsan kung makipag-usap kay Miss Ivy, yun bang parang magbarkada lang kami. Nawawala ang boss and alalay relationship namin. Even though sometimes we don't deal with each other formally, I still know my limits.

We're both strangers to each other five years ago. Pareho kaming naging biktima ng hostage sa kamay ng mga gunman sa loob ng mall. Perks of being a taekwondo athlete during highschool, marunong akong makipaglaban ng pisikalan kaya nakatulong ako sa pagligpit ng mga hostage-takers.

Matapos mangyari ang pang-ho-hostage, personal akong nilapitan ni Miss Ivy. Akala niya ay katapusan na niya ang krisis na iyon kaya labis ang kaniyang pagpapasalamat nang maligtas sa kamay ng mga gunman. Dahil sa ginawa kong pagtulong ay binigyan niya ako ng cash reward, peho hindi ko tinanggap. Miss forced me to accept the reward but I still refused. Kahit sino naman na may kakayanang makatulong ay gagawin ang ginawa ko.

I was a tambay that time. Nahinto kami noon ni ate dahil kapos sa pinansyal.Sa halip na tanggapin ang pera ay nanghingi ako ng matinong trabaho kay Miss. Ipinaliwanag ko sa kaniya na mas makakatulong siya sa akin kapag trabaho ang ibinigay niya. Doon na nag-umpisa ang lahat, naging personal alalay na niya ako.

Nakapagpatuloy ako ng pag-aaral dahil maganda magpasahod si Miss. Ngayon nasa second year palang ako sa edad na twenty-five. Naalala ko pa noon kung gaano ako naiiyak kapag naiisip kong baka mag trenta na ako ay hindi pa ako nakakapag-umpisa ng kolehiyo.Oo, malungkot naman talaga isipin ang ganoon, pero later on I realize totoo ang kasabihang hindi naman kumpitisyon ang buhay. We can do things at our own pace.

"Oh, you're really good at guessing, Ya! How did you know?" Iniikot ikot pa ni miss ang galaw ng kaniyang balikat na parang nang-aakit na virgin.

Napahagikhik naman ako. Ito talagang amo ko! Lahat mapapasana all sa lagkit ng pag-ibig niya sa kaniyang asawa, ganoon din naman si Sir Felix sa kaniya. Iyong tipong kahit malapit na malapit na silang tumuntong sa pagka senior citizen ay kung maka landi sa isat-isa ay parang mga teenager!

"Hindi naman halata. Parang kakadeflower mo lang kagabi." I said smiling at her impishly.

Tawag tawa si Miss habang naglalakad paasok sa masters bedroom gamit ang connecting door. Sinundan ko siya bitbit ang damit na pinalansa ko kanina.

"Ikaw, kailan ka ba huling nadiligan?"

Ayan, nauna kasi akong nang inis kanina kaya reresbak na sya. Heller! Alam na alam niyang wala akong boyfriend sex life pa kaya?

"Miss naman, alam mo na ang isasagot ko dyan."

Kinuha niya saaking kamay ang damit na naka hanger habang naka ngisi. "Ay sorry, ulan lang pala ang dumidilig sa'yo."

Ayon rumesbak nga! Nginusuan ko lang si Miss bago tumalikod at bumalik sa clothing room para mag-ayos ng kaunti sa salamin. "At least virgin!" hirit ko. Naririnig ko pa ang halakhak ni Miss sa kabilang silid.

I had a brunette wavy hair by birth. Sabi nila bumagay daw ang triangular shaped-face ko sa aking cutie pointed nose, gleaming almond shaped-eye, soft angled brow, thin lips and respetong dimple dito sa kaliwang gilid ng cheeks ko. Oo, sa cheeks nagpa cute ang dimples ko imbis na dito sa bandang gilid ng labi. Nagpapakita ang dimple ko kahit sa very light kong ngiti, papansin rin eh, no?

Kapag ngumiti ako hindi lang dimples ko ang nakikita, pati narin itong bunny teeth ko. Oo, para akong bunny. Noon, ito talaga ang dahilan kung bakit nahihiya akong ngumiti, pero kalaunan ang dami na ang nagsasabing cute naman. Mabuti nalang talaga at maayos ang pagkakadikit dikit nitong ngipin ko. Kung nagkataon na may maliliit na spaces pato sa pagitan tiyak hindi lang akong bunny, kundi bunny na pating pa!

Paulit-ulit ako sa salitang cute dahil iyon naman palagi ang natatanggap kong compliment. Cute ng dimple mo, cute mong ngumiti, hala cute ng shape ng mata mo, ang cute mo mag pout dahil dyan sa thin lips mo. Walang kamatayang cute! Habang tumatagal na re- realize ko na rin na ako yung tipong cute na palaging binu- bully sa school o di naman kaya ay bunso-bunsuan sa grupo. Huwag na huwag lang talaga nila sabihing cute ng hieght ko dahil iyan ang hindi totoo. 5'5 ako, little bit taller than an avarage height for girls.

"Ikaw rin, hindi mo iniintertain 'yang mga nanliligaw sa'yo lulumutan ka nyan."

I was absolutely staggered when I heared what she said. Oh, whats that again? Lulumutan daw ako? Hay ito talagang si Miss, palibhasa gabi-gabi inuukupa! "Heh!" sagot ko na ginaya pa ang tono niya kanina.

Inayos ko ang pagkakatali ng aking white sneaker. Oversized shirt, jeans, ponytail, and sunglasses. Check! Handa na akong lumabas. Ganito lagi ang awrahan ni Mia na julalay ni Ivy, simple para kumportable.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Back to Me   17. THE JELOUS

    MIA THYREESWala akong sense of direction matapos ang dalawang araw. Physically present nga ako sakswelahan ay mentally absent naman sa discussion. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mahagilap ai Britz.Kahapon ay sumadya pa ako sa bahay nila pero ganon pa rin ang nadatnan ko, walang tao. Si Marian naman ay hindi na pumapasok sa skwelahan, baka tuloy talaga ang lipat na gusto ng kaniyang daddy. Parang nawalan ako ng gana na pumasok dahil sa lahat ng nangyayari. Nawala sa isang iglap ang dalawa kong kaibigan, mawawalan pa yata ng trabaho, at may letseng puso pang tumibok para sa lalaking yun na gusto lang naman palang mauna sa pagka birhen ko! Hay!Araw ng miyerkules, tapos na ang klase at natagpuan ko ang aking sarili dito sa isang club. Hindi ko nabasa ang pangalan ng club pagkapasok ko, basta sinabi ko sa taxi driver na ihatid ako sa club at dito niya ako ibinaba. Lutang, drained, walang gana, pinagsakluban ng langit at lupa, ku

  • Back to Me   16.2

    Dinala ako ng lalaki sa prisinto. Mahigit dalawang oras na ako dito sa kulungan, umiiyak at walang makausap. Halo-halo na ang emosyon na pumipiga sa aking dibdib at mga katanungan na nabubuhol-buhol na sa aking isipan. Papanong nasa silid ko ang kwintas ni Miss Claire? Hindi ako may awa ‘non, hindi ko magagawa sa kanya yun!Umiiyak ako habang nakayuko sa isang sulok ng kulungan nang may tumawag sa akin, nang tumingala ako ay binubuksan na ng pulis ang pintuan ng kuwarto kung saan ako nakakulong.“Labas ka muna, gusto kang makausap ni Mrs. Fuchs.”Agad akong tumayo. Pagkalabas ko ay nakita ko si Miss Ivy at si Sir Phin na nakaupo sa visiting area. Mainit na yakap at iyakan ang salubong namin ni Miss sa isat-isa. “Miss… hindi ako, hindi ko magagawa yun.” Sambit o sa pagitan ng aking hikbi. Gusto kong magpaliwang ng maayos pero hindi ko magawa dahil nauunahan ako ng emosyon at hirap na hirap akong magsalita dahil p

  • Back to Me   16.1 MIA'S QUARTER?

    MIA THYREESAlas-dyes na nang magising ako kinabukasan. Patay! Dali-dali akong tumayo, dumampot ng tuwalya at madaling pumasok sa banyo. Kailangan kong mag prepare within ten minutes! Bakit ang tagal ko naman nagising? Nakapikit pa akong nakaupo sa toilet bowl at inalala ang nangyari kagabi. “Ahhhhhrrrrrr.” Naibuka ko ang aking mga mata at napakagat ako sa aking pang-ibabang labi nang madama ang kakaibang hapdi sa perlas na nasa pagilan ng aking dalawang hita. Shoot! Kailan pa ako nagkaproblema sa pag-ihi?Nang yumuko ako para tuluyang buharin ang lahat ng saplot ko sa katawan para maligo, animo’y binuhusan ng malamig na tubig ang aking laman nang makita ang bahid ng pulang likido sa saplot ng aking pagkababae. Napalunok ako at ilang sigundong natulala. Lutang na lutang ako’t hindi kayang i-proseso ng utak ko kung saan ko sisimulang alalahanin ang mga nangyari.Tumingala ak

  • Back to Me   15.2

    Napatingin siya sa dalawang basong iniwan niya kanina. "Sinong umubos ng isang baso?" tanong niya nang mapansing wala nang laman ang isa."Ako, ang sarap ng juice na dala mo Val, sino ang gumawa ng timplang 'yan?"Sandaling natigilan si Valery. "I---inubos mo ng ganon kadali?"Tumango ako. "Inubos ko agad, sarap eh."Sapo ni Valery ang kaniyang magkabilang pisngi. "Gosh, really? Buti 'di ka nahilo."Saglit kaming nagkatinginan ni Sir Phin. "Hah? Bakit nakakahilo ba'yan?”"Bakit nilagok mo naman agad lahat, hindi mo ba na feel yung tapang? Hindi kasi 'yan juice, Gorgeous, cocktail 'yan!"Nagkatitigan kaming muli ni Sir Phin saka nagtawanan makalipas ang ilang sandali. "So that's why you're feeling dizzy; you're tipsy."Tinakpan ko ng aking mga palad ang aking mukha habang tumatawa. Shuta,nakakahiya. "Inubos ko agad Val, akala

  • Back to Me   15.1 BED PARASOL

    MIA THYREES“Thank You Miss!” Abot tainga ang ngiti ko kay Miss nang makita ko ang aking pasalubong mula sa kaniya. Ang dami! From foods to things, I have it! Hindi lang ako ang matutuwa dito, pati na rin ang ate kong buntis, para pa naman yung inahing baboy sa ngayon sa sobrang lakas kumain. Syempre hindi lang ako ang may pasalubong pati na rin si Joan, Manang Gigay, Tess, Vanessa at Pipoy.Alam na ni Miss na may personal na lakad si Sir Phines kaya hindi na siya nagtaka pa na wala ito sa kanilang pagdating.“Mia, can you please help me to put the luggage in my room?” malambing na pakisuyo ni Miss Claire. Tukoy niya ang tatlong luggage na naiwan sa likod ng sasakyan.Tumango ako. “Sure.”Inumpisahan ko nang hilahin ang dalawang luggage, nang mapansin ako ni Vanessa ay nagprisenta siyang hilahin ang isa sa mga iyon.“Ya, alam mo ba kung kaylan uuwi si Sir Phin?

  • Back to Me   14. GOLDSTAR ATTACK

    MIA THYREESHindi ko maipaliwanag ang sama ng gising ko kinabukasan. Marami akong natamong sugat-sugat sa talampakan, may iilan akong pasa sa paa at iilang maliliit aking magkabilang braso. Shuta, para akong manika ng mambabarang na ang daming iniindang tusok-tusok sa katawan.Inabot ko ang aking trench coat at kinapa ang aking cellphone sa bulsa niyon. Mabuti nalang talaga at hindi ko iniwan ang coat ko sa coat check kagabi, kundi goodbye!Binuksan ko ang aking social media account, siguradong sigurado akong may balita tungkol sa nangyari sa Goldstar kagabi. Napaawang ang aking labi nang mabasa ang headline ng isang media network “SHOOTING RAMPAGE AT GOLDSTAR BIRTHDAY PARTY LEAVES LIVES SHATTERED BY UNIDENTIFIED ARMED MEN,” basa ko sa tumatak sa screen. Napabalikwas akong naupo sa aking higaan. Dali-dali kong tinawagan si Britz pero unattended ang kaniyang linya. Sunod kong tinawagan si Marian, hindi ako mapa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status