Compartir

Kabanata 85

Autor: Docky
last update Fecha de publicación: 2026-09-15 16:57:41

ANYA THERESE BENNETT'S POV

Pagkapasok namin sa apartment, agad kong inilapag sa kusina ang mga pinamili namin ni Mama sa palengke. Halos mapuno ng mga gulay, rekado at karne ang maliit kong kitchen counter. May bitbit pa kaming ilang supot ng patatas, carrots, bell pepper at iba pang sangkap na kailangan para sa kalderetang kambing na ilang oras na niyang ipinipilit na lutuin ko.

Hindi ko alam kung bakit kailangang-kailangan niyang makakain noon ngayon pero hindi na ako nakipagtalo. Siguro dahi
Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Capítulo bloqueado
Comentarios (2)
goodnovel comment avatar
Etnatpoda JHac
hahaha pabitin nmn......
goodnovel comment avatar
Mary Simangan Vocal Languian
Hay naku Teresa masyado Kang nagpapahalata. Walang sikreto na hindi mabubunyag! Mata tapos na din ang paghihirap at kalbaryo sa buhay ni Anya!
VER TODOS LOS COMENTARIOS

Último capítulo

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Kabanata 90

    ANYA THERESE BENNETT'S POVHindi ko maialis ang tingin ko sa cellphone ni Mama. Tatlong salita lang ang nakita ko pero parang ang dami nitong iniwang tanong sa isip ko. ‘Nagsimula na sila.’ Sinong sila at ano ang nagsimula?Mas lalong nanlamig ang mga kamay ko nang mabilis na patayin ni Mama ang screen at isiniksik agad ang kaniyang cellphone sa bulsa niya."Ma." Huminga ako nang malalim. "Who sent that message?""Wrong send lang ‘yon. Huwag mo nang intindihin," sagot niga.Napailing ako. "You're lying.""Anya, huwag mo akong simulan. Sinabi nang wala lang ‘yon eh! Bakit ba ang kulit-kulit mo? Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin ha?"Napahinga ako nang malalim. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o maaawa sa kaniya. Sa ilang oras pa lang, pakiramdam ko ay napakaraming bagay na ang nagbago. Kanina, iniisip ko lang kung bakit ayaw niya akong umalis ng apartment. Ngayon, may isang estrangherang babae sa harapan ko na nagsasabing matagal na niya akong hinahanap, may dala silang mga dokument

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Kabanata 89

    ANYA THERESE BENNETT'S POV"Ma... sino ba talaga si Caroline sa buhay ko?"Pagkalabas ng tanong na iyon sa bibig ko, parang biglang nagbago ang hangin sa loob ng apartment. Wala akong natanggap na sagot.Nakatayo ako sa pagitan ng mesa at upuan. Nakatingin ako kay Mama habang hinihintay ko pa rin ang sagot na alam kong dapat ay madali lang niyang ibigay."Anya..." mahina niyang tawag."Hindi ko naman po kayo inaakusahan ng kahit ano, Ma." Pinilit kong ngumiti, pero hindi ko magawang panatilihing maayos ang ekspresyon ko. "Gusto ko lang po maintindihan ang mga nangyayari. Bakit nadawit ang pangalan ni Caroline rito?" Lumapit ako nang kaunti kay Mama."Kanina pa po kasi kayo kumikilos nang kakaiba. Ayaw ninyo akong umalis. Ayaw ninyong pagbuksan ko sila ng pinto. Tapos ngayon, nandito sila at may dala silang mga bagay na tungkol sa pagkatao ko na ayaw niyong makita ko."Napatingin ako sa matandang babae. Hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga ang nais niyang malaman ko. Hindi ko siya

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Kabanata 88

    DONYA CAROLINA'S POVHindi ko inaasahang ganito ang magiging pakiramdam nang sa wakas ay makaharap ko na si Anya.Sa loob ng ilang araw, isang pangalan lamang ang mayroon ako. Isang pangalan na paulit-ulit kong ipinahanap, sinundan sa mga lumang rekord, at ipinagtanong sa mga taong maaaring may alam. Ilang beses kong inisip kung ano kaya ang hitsura niya. Kung kamukha ba niya ang kaniyang ina o kung nakuha ba niya ang mga mata ng kaniyang ama. Iniisip ko rin oung lumaki ba siyang katulad ng mga batang nakikita kong masayang tumatakbo sa paligid ng bahay namin. Ngunit wala sa mga imahinasyong iyon ang naghanda sa akin sa sandaling ito. Nang bumukas ang pint0 at makita ko ang mukha ni Anya, parang may kamay na marahang pumisil sa puso ko. Hindi ko agad namalayan na napahinto na pala ako sa paghinga."Good afternoon po."Magalang siyang yumuko sa akin at sa simpleng kilos na iyon ay lalo kong naramdaman ang kakaibang kirot sa dibdib ko. Wala siyang ideya kung sino ako. Hindi niya alam k

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Kabanata 87

    TERESA BENNET'S POVNanigas ako nang marinig ko ang boses mula sa labas. Hindi p'wede. Kilala ko ang boses na iyon kahit ilang taon pa ang lumipas. Boses iyon ni Donya Carolina. Ibig sabihin ba nito ay siya ang taong dapat na kikitain ni Anya kanina? Paano niya nalaman ang address na ito?Napatingin ako agad kay Anya. Nakahawak na ang kamay niya sa doorknob habang tila nag-iisip pa siya kung sino ang maaaring naghahanap sa kaniya."Huwag mo munang buksan," mabilis kong sabi.Napalingon siya sa akin."Bakit naman po, Mama?"Napakurap ako. Wala akong maibigay na sagot na hindi magmumukhang kahina-hinala. Hindi ko naman p'wedeng sabihing baka scammer o baka kidnapper ang nasa likod ng pintong iyon? Masyado nang matanda si Donya Carolina sa ganoong bagay at saka baka mahalata na ako ni Anya."Basta. Masama ang kutob ko. Halika na at kumain na lang tayo. Hayaan mo na lang sila. Baka mga wala lang silang magawa sa buhay." "Ma, may tao po sa labas at ako mismo ang pakay nila. Hindi mo po ba

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Kabanata 86

    DONYA CAROLINA'S POVPagkababa namin ni Tres sa sasakyan, agad na nilibot ng mga mata ko ang buong paligid ng parke.Maaliwalas ang hapon. May mga batang naglalaro sa damuhan, may ilang mag-asawang naglalakad habang magkahawak ang kamay at may mga taong abala sa kani-kanilang mundo. Ngunit sa dami ng taong naroon, isa lamang ang pakay ng pagpunta ko roon, si Anya.Ilang beses kong tiningnan ang paligid habang hawak ko nang mahigpit ang strap ng handbag ko. Hindi ko pa man siya nakikita nang personal, kabisado ko na ang mukha niya dahil sa litratong ilang araw kong paulit-ulit na tinitigan. Sa litrato pa lamang, may kung ano ng pamilyar sa kaniyang mukha. May mga pagkakataong pakiramdam ko ay nakikita ko roon si Carol noong dalaga pa ito. Minsan naman, ang mga mata ni Liam ang tila nakatingin sa akin mula sa larawan. At habang mas matagal ko siyang pinagmamasdan, mas lalo akong naniniwala sa posibilidad na siya na ang matagal ko nang hinahanap. Siya na ang aking tunay na apo!"Madam, b

  • Bakit Ikaw Pa Rin?    Kabanata 85

    ANYA THERESE BENNETT'S POVPagkapasok namin sa apartment, agad kong inilapag sa kusina ang mga pinamili namin ni Mama sa palengke. Halos mapuno ng mga gulay, rekado at karne ang maliit kong kitchen counter. May bitbit pa kaming ilang supot ng patatas, carrots, bell pepper at iba pang sangkap na kailangan para sa kalderetang kambing na ilang oras na niyang ipinipilit na lutuin ko.Hindi ko alam kung bakit kailangang-kailangan niyang makakain noon ngayon pero hindi na ako nakipagtalo. Siguro dahil ayaw ko ring dagdagan pa ang bigat ng pakiramdam niya.Tahimik akong naghanda ng mga sangkap habang siya naman ang naghiwa ng ilan sa mga gulay. Paminsan-minsan ay may sinasabi siya tungkol sa pagluluto, tungkol sa tamang dami ng rekado, kung gaano karaming patatas ang ilalagay. Karaniwan lang dapat ang lahat pero sa akin, parang may kung anong mali.Habang hinihiwa ko ang bell pepper, muling bumalik sa isip ko ang matandang babaeng dapat kong kitain ngayon. Hindi ko man siya kilala nang lubus

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status