Bigla akong natulala sa aking narinig. Nabingi lang ba ako o totoong sinabi niya na nakita niya na si Oliver?
"S-Sigurado ka ba sa sinasabi mo?" pag-uulit ko sa aking tanong.
Hindi na ako makapagsalita nang maayos. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.
Bahagyang lumayo si Ynigo sa akin saka ako hinarap ng maayos.
"Oo," pagkumpirma niya. "At sana, makapag-usap na kayong dalawa."
Taray, supportive ang Ynigo niyo!
"Paano mo siya nakita? Parang ang bilis mo namang malaman. Nangako ka pa lang noong isang araw na hahanapin siya para sa akin ah?" Litong-lito ako pero mas nangingibabaw ang kasiyahan sa ideyang makakausap ko ang taong matagal ko nang hinahanap.
"Ayaw mo ba?" tanong niya at muling bumalik sa kinauupuan niya kanina. "Baka gusto mong hindi ko na lang ituloy ang appointment mo sa kaniya sa susunod na Linggo?"
What? Sa susunod n
Parang siguradong-sigurado si Monique sa sinabi niya. I'm threatened, really. Kani-kanina lang sa conference kung saan siya na-interview ay sinabi niyang ikakasal siya kay Paulo Constancia. Ang saya-saya pa niya nang sabihin iyon. "Ga, ano bang ginagawa mo rito?" Napatingin ako sa likuran ni Monique kung saan nakatayo ang talaga nga namang napaka-badboy na datingan ng isang receptionist. Ibang-iba siya sa receptionist guy na nakilala ko sa Cebu kaysa ngayon. "Bro?" ani Paulo saka lumapit kay Ynigo na siya namang tumayo para makipagkamay at makipagyakap sa half brother niya. Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Monique na sinasamaan na ako ng tingin ngayon. Binelatan ko siya ng aking mata at dumila pa saka ako nag-iwas ng tingin. "This is my girlfriend, Denicery Marie Juaneza," pagpapakilala sa akin ni Ynigo. Alam ko naman ang gusto niyang gawin ko kaya yumuko ako at ngumiti kay Paulo. "Denice, this is my brother a
"Condo natin?" I am really confused right now. Hindi na sumasagot si Ynigo sa tinatanong ko, sa halip, pinagpatuloy niya lang ang pagmamaneho. Binuksan niya pa ang music player na pagkalakas-lakas kung tumugtog. Pinatay ko naman iyon. "You're kidnapping me, Ynigo!" bulyaw ko sa kaniya. "Then file a case against me. Hayaan mo munang kidnap-in kita ngayon para naman totoo ang pag-aakusa mo sa akin. I'm more than willing to go to jail." Seryoso ba siya? Kinapa ko ang bulsa ko para tawagan si Ate pero naaalala ko naman na naiwala ko nga pala iyon sa kung saan. "Ito ba ang hinahanap mo?" Itinaas niya ang isang niyang kamay at doon ay nakita ko ang cellphone ko. All this time, nasa kaniya lang pala. Pinaghanap pa ako. "Akin na iyan, Ynigo Louie," pagbabanta ko. "Kiss muna," aniya. Siraulo ba siya? Kung kiskisin ko kaya ang mukha niya sa manibela? Papayag ba siya? "Akin na nga kasi!" Inihinto niya
Bahagyang may sumilay na sikat ng araw sa pagmumukha ko. Natagpuan ko ang aking sarili na nakahiga na sa isang malambot na kama, king size pa! I literally cursed in my mind when I realized na hindi ko na suot ang damit ko kagabi. Iba na ang damit ko! I am now wearing a white dress. Sobrang hapit sa katawan ko at namimintana na ang hita ko sa sobrang iksi. I'm not also wearing my bra this time. Hiniram ko lang iyon kay Joycelyn! And my goodness, iba na rin ang panty ko. Napairit ako na ewan. Nasabunutan ko pa nga ang sarili ko dahil sa mga nakikita at sitwasyon ko ngayon. Hindi naman ako lasing pero wala akong maalala at sobrang sakit pa ng ulo ko. Para akong may hang-over. "Good morning po," nakangiting bati ng isang bata. She's 4-6 years of age, I guess. She's cute. "S-Sino ka?" kinakabahang tanong ko. Baka naman kasi tiyanak ang batang ito. Ang ganda niyang tiyanak
If I'm the normal me today, babatukan ko si Ynigo o hindi kaya ay bubulyawan. Walang bakas ng pagtutol sa mukha ko at hindi ko rin iniisip na tumutol. Think of it, Juaneza! Paganahin mo ang utak mo! Dapat akong sumigaw pero bakit ayaw? Am I cursed or what? "Liligo lang ako," palusot ko. Hoping that it will work. "Tignan mo oh, maliligo pa talaga siya mapaghandaan ang gagawin ko sa kaniya mamaya," pang-aasar ni Ynigo. "Shut up, Romualdez!" Naiiling na lumabas ng bahay si Kyla para raw bigyan kami ng space! Ang lawak-lawak nitong lugar kaya paano kami hindi magkaka-space nitong alalay na ito? "Napapansin ko, napapadalas na ang pagsasabi mo sa akin ng Shut up, Romualdez ah," puna niya. "How about shutting my mouth with yours?" Ugh! Cringe! "Don't dare me, Ynigo." "I dare you, Denicery Marie Juan
Warning: Sexual Harassment, Mature LanguageAnim na araw na ang nakakalipas. Bukas na ang nakatakdang pag-uusap namin ni Oliver. Napakarami kong ginawa para maalis muna sa utak ko ang pangamba at kaba.Anim na araw ko na ring hindi nakikita si Ynigo. Tinupad niya ang sinabi niya na hindi niya ako lalapitan hangga't hindi kami nakakapag-usap ni Oliver. Marunong tumupad sa usapan ang lalaking iyon."Good morning po, Mama Den!" bati ni Ion sa akin. Nasanay siyang tawagin akong Mama dahil daw tinuro iyon sa kaniya ni Irene at ni Zimmer."Good morning, baby."Nakaupo na rin si Zimmer at nginitian ako. Pinaalam niya sa akin na pinayagan na raw siya ni Ynigo na pumunta sa Las Piñas at alam niya raw na dahil sa akin iyon."Mama Denice, thank you po sa pagtabi mo sa akin kagabi sa pagtulog. Nakakita talaga ako ng monster eh," ani Irene. Naisipan kong tabihan siya dahil
Napahawak ako sa aking ulo dahil sobrang sakit na hindi ko na matiis pa. Parang mabibiyak na ata ang ulo ko ano mang oras dahil sa sobrang sakit."Mama!"Narinig ko ang sobrang lakas na pag-iyak ng dalawang bata. Hinawakan ng isa sa kanila ang kamay ko."Mama Denice! Gising ka na ba? Nakikita mo ba ako?"Pilit kong iminulat ang mata ko at bumungad sa akin si Ion. Nasa gilid niya naman si Irene na umiiyak rin."Okay lang ako, babies." I assured them with my voice so low. This feels like I don't want to speak up but I need to. Ayaw ko namang makita akong ganito ng mga batang nasa harap ko."Papa! Gising na si Mama Denice!"Narinig ko ang mga yabag sa labas ng kwarto at alam kong humahangos iyon.Kinuha ni Zimmer ang mga kapatid niya at sumunod naman ang mga ito. Pinag-alala ko pa tuloy sila. Ang gaga ko naman kasi eh!Nakata
Going home is a wrong move for me."Noong nakaraang linggo, noong mag-inuman kayo, dito umuwi ang Ate mo, Den-den," pahayag ni Manang Lorna. "Nag-away yata sila ng Kuya Raymond mo."Tama nga talaga ang hinala ko noong gabing natulog ako sa condo ni Joycelyn. Ramdam kong may masamang nangyari.I missed a call from Ate Dorine. Ako ang naisipan niyang tawagan pero hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na sagutin siya.Lagi kong sinasabi sa sarili ko na hindi ko deserve ang kahit ano. But now, I realized I am wrong. Deserving ako sa pagkakaroon ng miserableng buhay. Tama lang siguro sa akin ito.Tama lang siguro na mag-overthink at ma-stress ako kasi kasalanan ko rin naman. Kung inuna ko lang sana ang pagsagot ng tawag niya kaysa sa walang kwentang pakikipag-away ko kay Paulo noong araw na iyon e 'di sana, nalaman ko kung anong nararamdaman niya.Ako sana ang tinawag-tawag niyang
Many things had changed and I can't deny that fact. Nasasaktan ako dahil sa mga pagbabago sa buhay ko. Kahit ako, sawang-sawa na rin. Hindi ko na rin kaya.Nawalan ako ng oras para sa pagtulog. Kung ano-ano ang pumasok sa isip ko. Kinawayan na naman ako ng mga kaibigan kong si Blade at Lubid. Binabati nila ako kagabi.Pinigilan ko na lang na i-comfort ang sarili ko gamit ang mga bagay na papatay mismo sa akin.Parang hirap na hirap na ang utak ko sa pagrehistro ng mga nangyayari sa buhay ko. Parang ang dami kong kasalanan sa nakaraang buhay ko, kaya nabuhay ulit ako para maghirap.I believe in reincarnation. Baka pangatlong buhay ko na ito. Sana, kung mabubuhay ako ulit, hayop na lang.May silbi, mapapakinabangan. Kaysa naman sa buhay ko ngayon, puros pasakit na lang ang natatanggap ko, wala pa akong kwenta para sa iba.Agad akong naligo at nagbihis nang maalalang may meet