Share

CHAPTER 8: HE WANTS TO COURT ME

"Who are you?" tanong ng babaeng kasama ng Papa ni Ynigo.

Ang sungit niya naman ata. Hindi bagay sa kaniya. Mukha kasi siyang inosente lalo na sa suot niyang light make-up.

Hindi mo mahahalatang masungit o suplada siya sa unang tingin pero kapag nag-umpisa na siyang kausapin ka o kapag nagsalita siya ay ibang-iba.

Strikta. Masungit.

That is my powerful impression about her.

Hindi ako kaagad nakasagot sa tanong ng babae dahil busy ako sa pagtitig sa kaniya. Ang ganda niya naman kasi! Feeling ko magiging lalaki ako dahil sa kaniya.

She's intimidating.

"Hey, miss?" Pag-agaw niya sa atensyon ko. "Bingi ka ba?"

Ugh! Nakakainis naman siya! Can't she be friendly with me?

"Uh..."

"She's a good friend of mine," sabat ni Ynigo. Ngumiti nang malawak ang babaeng kaharap namin.

Good friend.

Kailan pa ako naging mabuti?

"Friends lang?" panigurado ng babae na nakangiti ngayon. Kapag nakatingin siya kay Ynigo, lumalawak ang ngiti niya. Pero, kapag sa akin, nanlilisik ang mata niya at parang gusto akong ipalapa sa limang tiger.

"Why do you care?" masungit na sagot ni Ynigo. Pati siya, suplado na rin.

Hindi ko alam kung saan akin siya nahawa o sa babaeng kaharap namin. Grabe ang tensyon sa pagitan namin.

"Ynigo!" saway sa kaniya ng Papa niya. "Will you stop being immature? Pumunta ka ng Manila without informing me. Tapos ngayong gusto kang makita ng fiancée mo, nagkakaganiyan ka!"

What? Fiancée? May pakakasalan na pala itong kasama ko? Bakit niya ako binibigyan ng motibo? Sabi niya pa, interesado siya sa akin.

"Dad!" sigaw naman ng lalaking katabi ko. "Kailan ako nag-propose sa kaniya ng kasal?" Dinuro niya ang babaeng kaharap namin. "She's not my fiancée!"

Hinawakan ni Ynigo ang palapulsuhan ko na para bang ina-assure na wala talagang namamagitan sa kanila ng babaeng kung hindi ako nagkakamali ay nagngangalang Monique.

Parang sinasabi niya na huwag akong maniwala.

Nasaktan naman ako nang makita na may tumulong luha sa mata ng babae. Parang nakita ko ang sarili ko sa kaniya.

Kita ko na mahal niya si Ynigo.

Inalis ko ang kamay ni Ynigo na nakahawak sa palapulsuhan ko.

Tinignan ko ang Papa ni Ynigo at si Monique, saka yumuko. "Mauna na po ako. I guess, hindi ako kailangan dito."

Tumingin sa akin si Monique na parang nagsasabing, "Hindi ka naman talaga kailangan dito, bitch."

Kahit sa simpleng tingin ng babaeng iyon, ang sungit pa rin. Nakakatakot siya at parang amazona. Mas okay sana kung nakangiti siya. Nai-imagine ko kung gaano ka-angelic ang mukha niya, if she only smiles.

"No," awat ni Ynigo sa akin nang akmang tatalikuran ko na sila. "You'll stay."

Napapikit ako nang mariin dahil sa kagaguhan ng isang ito. Hindi niya ba nahahalata na hindi ako gusto ng mga taong kaharap namin ngayon?

Tinitigan ko siya and swear to God, para ko siyang pinapatay sa tinging iyon. Hindi siya makaramdam!

"What's your plan about your damn life, Ynigo Louie!?" Tumaas na ang boses ng tatay niya. "Uuwi ka ngayon at magpapakasal kayo ni Monique, next week."

There's finality in Mr. Romualdez's voice. Halatang galit na talaga siya dahil sa pinapakita ng anak niya.

"I'll marry someone na mahal ako," sabi ni Ynigo.

What the hell? Mahal kaya siya ni Monique! Nababasa ko iyon sa mga mata ng babae!

"Hindi ko papakasalan ang babaeng nanakit sa kaibigan ko at ang babaeng magpapakasal dahil sa pera."

Nag-usok ang ilong ni Monique dahil sa narinig. Tumayo siya mula sa kinauupuan at lumapit sa pwesto ni Ynigo.

Nagulat na lang ako nang sampalin niya ito. Pero, imbes na masaktan si Ynigo ay mas lumawak pa ang ngiti niya sa labi.

"Go!" gatong niya sa babae. "Slap me, Monique! I know your weakness. Stop acting like you love me, katulad ng dati."

Dati? So, may past sila?

"Minahal kita, Ynigo!" sigaw ng babae. She's shouting at the top of her lungs! Nakikita ko na ang mga ugat sa may lalamunan niya dahil sa pagsigaw na iyon.

Kahit ako, badtrip din sa alalay kong ito. Hindi niya maramdaman na mahal siya ng babae.

"Minahal?" Ynigo hysterically laughed. "Past tense." Buwisit! Natatawa pa talaga siya at parang nang-aasar.

"Mahal pa rin kita hanggang ngayon, Ynigo!" giit naman ng babae. "Nagsakripisyo na ako para makasama ka, this time. Give me another chance! I'll fix us!"

Halos lumuhod na si Monique sa pagmamakaawa sa lalaking parang walang balak na bumalik talaga sa kaniya.

Napaisip ako kay Oliver. Magsisisi kaya siya once na makita akong okay na kahit wala siya? Magiging katulad ba ako ni Ynigo na masyado nang matigas ang puso at hindi na kaya pang magbigay ng second chance?

"Gustuhin ko mang makasama ka Monique, hindi na puwede," saad ni Ynigo saka hinawakan ang balikat ng babae na para bang may gusto ipa-realize rito. "Masasaktan ang kaibigan ko. Pinili mo siya noon, 'di ba? Pwes, piliin mo pa rin siya hanggang ngayon."

Napagtanto ko, Ynigo was not that selfish. Alam niyang may masasaktan once na magkabalikan sila ni Monique.

Wala akong alam sa past nila pero parang naiintindihan ko ang sitwasyon ngayon.

"You're my only choice, Igo," naluluhang sabi ni Monique. She's too desperate. "Wala akong pakialam kung may masasaktan ako, please, come back to me."

Inaawat na ng Tatay ni Ynigo ang babaeng kanina pa nagmamaktol na bumalik si Ynigo sa kaniya.

To be honest, I dislike her. Hindi lang sa pagiging desperada pero dahil na rin sa pagiging martir niya. Based on what I heard, 2 years na niyang gustong bumalik si Ynigo sa kaniya.

But, she's just like me. Martir din ako.

"Hindi pa kayo naghihiwalay ni Paulo, 'di ba?" tanong ni Ynigo.

Tumango ang babae.

"Kaya mo ba siyang hiwalayan?"

Ewan ko na ah! Ang gulo rin ng lalaking ito. Kanina parang final na ang pagkakasabi niya ng mga desisyon niya sa buhay dahil concern siya sa mararamdaman ng kaibigan niya tapos may paganito pa siyang tanong?

"Hindi pa nga," sagot ng babae. "You know, I can't. He has a heart disease. He'll collaps once I tell him."

"Stay with him, then. I want him happy."

Tumalikod na si Ynigo at naglakad paalis. Hindi nga ako hinintay. Wala akong nagawa kung hindi ang bigyan ng nakikisimpatyang tingin ang babae saka hinabol si Ynigo.

Naabutan ko siyang nakayuko sa manibela at hinahampas ito.

Gago 'to! Kapag nasira ang manibela ng kotse ko, kikitilin ko talaga ang buhay niya!

"You okay?" tanong ko nang makapasok sa kotse ko.

"Do I look okay?" pamimilosopo niya.

Oo nga naman, Denicery! Nakita mo namang naghihirap na iyong tao tapos tatanungin mo pa kung okay lang? Isa ka ring malaking shunga, self!

"Why'd you walk out?" usisa ko. Nag-angat na siya ng tingin, this time.

"I love her," kaswal niyang sagot.

"Bakit hindi mo balikan?" pagkwestyon ko.

"Hindi mo ba narinig ang mga usapan namin kanina o wala ka lang talagang pakialam?"

He sounded like, ako ang pinagbubuntunan niya ng sama ng loob!

"Nagtatanong lang ako!" asik ko. "Hindi kita inuutusan!"

Suminghap siya.

"That's right, hindi pa rin magaling ang heart disease ng kumag kong kaibigan." He then laughed after saying that. "I wish, ako na lang ang may sakit sa puso."

Nahampas ko ang braso niya ng sobrang lakas. As in, inipon ko pa ang buong lakas ko para magawa iyon at maipa-realize sa kaniya na ang tanga niya para isiping magkasakit ng gano'n!

"Why did you hit me?" anas niya. "Hindi ba ikaw rin, ganoon ang gusto?"

Pinagsasabi nito?

"Siguro, hindi sa ganoong paraan mo gustong mawala ako sa tabi mo pero ikaw rin, ayaw mong nasa paligid mo ako. All people hate me! And that made me hate myself more!"

Nasaktan ako sa sinabi niya. I love his company. I love how he manages something for me. I love how he treats me.

And now, parang nasaktan ko pa yata siya. Parang natapakan ko ang ego niya. Really, kaya mong gawin iyon, Denice?

"I'm sorry," I uttered, sincerely. Nahihiya na ako. Hiyang-hiya. Sana pala hindi na lang ako sumama rito.

"Siguro, iniisip mo ngayon na sana hindi mo na lang ako sinamahan," aniya.

Nabilaukan ako sa sarili kong laway dahil doon. Inabutan niya naman ako ng tubig.

"Easy, don't be too guilty. Napaghahalataan ko tuloy na naawa ka lang sa akin."

Ininom ko ang lahat ng laman ng bote. Ibang klase ang lalaking ito. Mind-reader ba siya? Parang wala akong maitatago sa isang ito.

"I don't need pity, Denice."

Hindi ako makatingin ng diretso sa mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit hindi pa gumagalaw itong sasakyan ko. Ang alam ko lang, binabalot kami ng awkwardness, that's all!

"Ayos lang ba kung aayain kitang uminom?"

Napatingin na ako sa kaniya, this time. Binigyan niya ako ng pilit na ngiti.

I genuinely smiled back at him. "Gusto ko."

Sa totoo lang, kanina ko pang balak uminom bago kami pumunta at makipagkita sa Tatay niya pati na kay Monique.

Nakalimutan ko lang iyon noong makasaksi ako ng sitwasyong sana, hindi ko na lang nasaksihan.

Nag-aya si Ynigo sa FGY, isang lowkey bar na mga high class people lang ang nakaka-afford. Sa araw na iyon, umamin din si Ynigo na anak siya ng isang tycoon.

Tss, I know that! Sabi ko na eh! Hindi naman kasi siya mukhang alalay! Kung pagtatabihin kami, mukha lang akong yaya niya.

"Hard drinks nga bro!" order niya sa bartender.

"Hoy! Huwag ka masyadong maglasing! Ikaw ang pagmamanehuhin ko mamaya. Umayos ka," saway ko sa kaniya.

"Huwag kang KJ, Marie," aniya.

What the heck? Marie? Alam na alam niya na kung paano ako asarin. Napansin niya ata akong maasar nang banggitin ni Joyce ang second name ko.

Inilapag ng bartender ang mga drinks na amoy pa lang, halatang hard na talaga. Nginiwian ng mokong ang bartender na para bang magkakilala sila.

Feeling close, boi?

Iinom din sana ako ng isa sa mga in-order niya pero agad niya akong pinigilan.

"You can't drink."

Tss, anong gagawin ko rito sa bar? Tititigan siya? Timang ba siya?

Hinablot ko ang drink na red. Ang bango pero matapang din. Lakas makaguhit-lalamunan. Para akong uminom ng ethyl alcohol, kingina!

"Ano? Natigilan ka?" pang-aasar niya. "Hindi pambabae iyang mga in-order ko. Huwag ka nang uminom."

Nagulat ako nang inumin niya ng sunod-sunod ang mga natitira pang alcoholic beverages sa harap niya. Susme, mataas ang tolerance level ko sa alak pero sa isa pa lang, tipsy na kaagad ako.

Problemado kasi masyado ang gunggong na katabi ko kaya naman, kaya niya atang inumin lahat ng ilalapag sa harapan niya.

"Mahal ko siya eh," aniya, parang hindi pa rin tinatamaan. Um-order pa nga ulit eh.

"Ang sama ko ba?" tanong niya. "Interesado ako sa iyo pero nagmamahal pa rin ako ng taong parte na ng past ko."

I tapped his shoulders and whispered seducively in his ears, "Oo, ang sama mo nga."

He just laughed.

Hindi masyadong maingay rito, hindi gaya sa ibang bar. Pang-highclass nga at madalas ay mga anak ng sikat na entrepreneur, artista o hindi kaya'y mga CEO ang nandito.

Of course, they can't do the usual walwal. Baka magkaroon sila ng issue.

I laughed in the back of my head. Issue.

Diyan naman magaling ang mga tao.

Binalingan kong muli si Ynigo na patuloy pa rin sa pag-inom. Bakit parang walang tama sa kaniya ang alak? Hindi na ata tolerance ang mayroon siya, it looks like he's literally broke inside.

"Paano ko kinayang magpaubaya sa kaibigan?"

Hindi ko alam kung tinatanong niya ako o tinatanong niya ang sarili niya.

"Ikaw, Denice..." he trailed off. "Naranasan mo na bang magpaubaya?"

I thought of a situation where I experienced that I gave what I have even though I don't want to.

"Yeah," I simply answered. Ayaw kong ikwento iyon sa kaniya. Ayaw kong ikwento sa kahit na sino. That was the most stupid thing I've ever done, ang magparaya.

Ang magpaubaya.

"What happened?" usisa niya. Tch, tsismoso.

"Nothing," sagot ko. "Umuwi na tayo."

He laughed.

"Kung ayaw mo magkwento, okay lang naman," sabi niya, natatawa. "Please, don't leave this place na hindi ko man lang naikikwento ang nararamdaman ko."

I felt a knife to be stabbed at my back. Kailangan ako ng mokong na ito pero parang wala pa akong nagagawa para pakalmahin siya sa mga nararamdaman niya ngayon.

"Puwede ka nang magkwento, I'm sorry."

Ngumiwi siya. "Sorry para saan?"

Hindi na lang ako umimik at nginitian na lang siya. I don't want things between us to be awkward, seriously.

Hindi naman dapat talaga maging awkward para sa amin ang mga bagay-bagay. We're just friends.

Just good friends.

"Bakit kayo naghiwalay?" tanong ko kaagad. Ayaw kong magkaroon ng nakabibinging katahimikan sa pagitan namin dahil ayaw ko nga kasing maging awkward!

Sayang ang ipinunta namin dito kung wala lang pala kaming gagawin. Syempre, kahit pinagbawalan niya akong uminom kanina ay nagpumilit pa rin ako.

Pagdating sa alak, no one can stop me!

"We broke up kasi, gusto niya."

Ah, gusto ni Monique?

"Bakit raw?" Sinundan ko kaagad ng ibang tanong ang sagot niya sa nauna kong tanong.

"Hindi na kami nakapag-usap since she informed me na hiwalay na pala kami. Ang galing 'no? Siya lang ang nakakaalam na hiwalay na kami," aniya. "Nalaman ko lang na may relasyon sila ng bestfriend ko, I think that's her reason."

He sighed. Nakikinig pa rin ako.

"Hindi ko masisi iyong kaibigan ko kasi hindi niya naman alam ang tungkol sa amin ni Monique," paliwanag niya.

"Bakit hindi mo sinabi sa bestfriend mo?" Napainom ako ng juice na nasa harapan ko.

"I chose not to," sagot niya. "Siya naman talaga ang naunang nagkagusto. And, I consider his health condition. Ano na lang ang gagawin ko kapag may nangyaring masama sa kaniya?"

I heard him chuckle. Akala mo nakikipagbiruan lang siya. But honestly, mas naramdaman ko ang pagkaawa sa kaniya. I pity him more than I pity myself.

Mas malalim ang kutsilyong nakatarak sa likod niya at hindi niya kayang alisin iyon. Hindi niya kaya kasi mas lalo lang naman siyang masasaktan. Mas lalo lang magiging mahapdi at masakit.

"I begged for Monique's love," pagkikwento niya. He's kind of tipsy like me. "Ilang buwan akong nagmakaawa. All she answered was 'no.' I asked myself, ano bang mali sa akin at hindi ako pinili?"

I gently rub his back when I heard him sobbed.

"Pero, noong makita kong masaya ang kaibigan ko kay Monique at ganoon din naman ang nararamdaman ng babaeng mahal ko, that's the time, realization hit me so hard."

Tumigil siya sa paghikbi at uminom ulit. "Walang mali sa akin. Maling tao lang ang dumating sa akin. I need to be better." He convinced himself.

"I improved myself. Pinakita ko na kaya kong bumangon. Pero ang mapaglarong tadhana, ako na naman ang napiling paglaruan," dagdag pa niya.

Hinampas niya ang sarili niyang dibdib. Pinigilan ko siya dahil nakikita kong nasasaktan niya ang sarili niya.

"Monique wanted me back. Noong mga panahong iyon, bankcrupt ang family niya. Of course I expected na dahil lang iyon sa pera. Binato ko ng pera ang pagmumukha niya, literally."

Napaalis ang kamay ko sa paghihimas ng likod ng lalaking kaharap ko ngayon. How can he do that? I know I'm too mean thinking that he's an asshole right now, but he is! I mean, he was!

"Nagalit siya sa akin." He sarcastically laughed. "I want her that way. I want to make her feel guilty. I want to make her feel so wasted just like what I've experienced from loving her. Iniwan niya ako eh. Nagmakaawa ako sa kaniya pero tinanggihan niya ako. How can she reject me?"

Ang kumag na ito, nagagawa pang magyabang. Good decision para kay Monique na hiwalayan ka, timang.

I want to cuss in his face to tell him he's a jerk before but in somewhat ways, I understand his side. I understand his decisions.

"2 years," saad niya saka nag-sign ng two sa daliri niya. "Dalawang taon niya akong hinabol. At dahil pogi ako, nagpahabol ako."

Nahampas ko siya sa angking kahambugan niyang taglay.

"Kidding, but I want that moment. Naranasan niya ang naranasan ko. That's the most fulfilled moment of my life. Naiparanas ko sa kaniya ang mga naranasan ko sa kaniya noon."

I shook my head. Revenge is really something.

"Akala ko hayun na eh. Akala ko nakaganti na ako," aniya. "But, Paulo, he's there."

"Naroon siya noong kailangan ni Monique. Hindi siya ang hinahanap pero nandoon pa rin siya. Namatay agad iyong pinanghahawakan kong yabang. Nasaktan ko si Monique. Masaya naman ako na may nagpapatahan sa kaniya eh. But, that should be me. Hindi mangyayari lahat ng iyon if only I'm too brave to announce our relationship back then."

I heard regrets in his voice. Ramdam ko talaga ang magkasamang lungkot at pagsisisi sa boses niya. I can't deny, nagalit ako sa mga unang kwento niya but, I can't be mad at him. He's selfless.

Inuna niya pa rin ang nararamdaman ng iba kaya nasaktan niya ang babaeng mahal niya.

I can't imagine na naranasan niya iyon. Well, no one can expect someone's behind stories if that someone will not be brave enough to accept that situation of his or her life.

Lahat tayo may behind the scene stories.

Sometimes, we're not just brave enough para ikwento sa ibang tao iyon kasi natatakot tayong mahusgahan. Natatakot tayong sumubok na magkwento.

"But I'm grateful, that happened to me."

Takha ko siyang tinignan. Oh, that's a lesson for him, I guess. He should be grateful about that.

"Kung hindi nangyari ang mga bagay na iyon, hindi kita makikilala."

I rolled my eyes. "Shut up, Romualdez," utos ko sa kaniya.

"That's the truth, Ms. Juaneza."

Ginaya niya ang estilo ng pananalita ko sa kaniya. Lasing na ang isang ito. Sobrang dami na ng nainom niya. Halatang problemadong-problemado sa buhay niya.

Pwes, mas problemado ako sa kaniya ngayon. Hindi ko alam kung paano ko siya ihahatid. Ang pangit tignan kung ako ang maghahatid sa kaniya sa condo niya o sa kung saan man siya nakatira.

Ayaw kong ma-issue. I hate issues!

"Sobrang saya ko na nakilala kita, Ms. Broken."

Hayan na naman. Hindi ko alam kung nang-aasar siya o kung ano eh. Para na siyang timang sa mga ginagawa niya.

Hinawakan at pinaglaruan pa niya ang mga daliri ko. Para siyang bata kung titignan ngayon. He's not only problematic, he's also childish.

But I like him this way.

Kaysa naman sa nagsusungit siya.

"Denicery Marie Juaneza..."

Nakuha niya ang buong atensyon ko nang banggitin niya ang pangalan ko, in full talaga ah?

"Oh bakit?" pagsusungit ko. "Ano na namang problema mo, Romualdez?"

He look directly to my eyes and sincerely uttered,

"Let me court you."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status