Share

CHAPTER 7: SPECIAL FRIEND

I am disappointed.

Madalas akong pangaralan na huwag isama ang personal kong mga bagay sa trabaho pero ano itong sinasabi sa akin ni Papa, ngayon?

Bumababa ang paggalang at ang mataas na tingin ko sa kaniya. Hindi siya ang Tatay kong may paninindigan at fair sa trabaho. Gano'n niya ba kagusto si Roxie para sa kumpanya niya?

Maayos din namang magtrabaho si Joycelyn ah?

"Are you serious with this, Pa?" I asked, trying to convince myself that this man in front of me is not my father.

Kumuyom na ang kamao ko nang ngumiti siya. I never expected that he will be this serious firing someone because of some personal issues.

"Kailan ba ako hindi nagseryoso sa mga sinasabi ko sa iyo, Denicery Marie?" Tumikhim siya. "Ikaw lang naman itong hindi sumiseryoso sa sinasabi ko."

Naiiyak na talaga ako.

"Kaya uulitin ko sa iyo, you need to convince Miss Valeria to stay here and your bestfriend will also stay."

Seryoso nga talaga siya.

"Paano naman po kung hindi siya pumayag? Paano kung hindi ko siya ma-convince?"

Umupo siya sa sofa saka ako maamang tinignan. "Aalis ka rin."

I've never been mad like this. I've never been clenched my fist because of anger.

Pakiramdam ko ngayon, ginigipit ako. Pakiramdam ko masyado nilang dinaramdam ang nangyari sa pagitan namin ni Roxie.

Ni hindi nga nila ako tinanong kung ano ba talaga ang nangyari, ang totoong nangyari. And now, they are willing to fire me as the head journalist of the company for their 'favorite' employee.

Message from: Alalay na cute

Wow, ang galing din naman talaga ng timing ng isang ito ah? Tuwing may problema ako, bigla siyang magt-text, tatawag o darating mismo sa harapan ko.

Kahit wala sa mood ay binasa ko na rin ang mensahe niyang iyon.

I know, I can feel that you need me. Meet me on the playground where we enjoyed last night.

Angas naman ng isang ito. Akala niya ba basta-basta niya ako mapapasunod?

To: Alalay na cute

K. I'm on my way.

Napangiwi ako sa naisip. Was it really required to include the word 'cute' in his contact name on my contact list?

Agad kong pinalitan ang pangalan niya.

Romualdez, my great alalay

I laughed very hard like I don't have any luggages of problems running in my head right now. Parang wala akong dapat na i-manage.

Mr. Romualdez is making me smile and laugh. He is so funny. But, hindi pa rin ako interesado sa kaniya.

Nagmaneho ako papunta sa playground na pinuntahan namin kagabi. Muntik pa akong maligaw dahil hindi ko namalayan ang mga dinaanan namin kagabi dahil sa kadaldalan niya.

Ang dami niyang kwento eh.

"Denice!"

I smiled when he waved his hands on my direction.

"Thank you, Mr. Romualdez," sabi ko agad nang magtagpo ang mata namin at makalapit ako sa kaniya.

"Para naman saan?" tanong niya. Parang hindi niya alam ang mga ginagawa at nagagawa niyang pagtulong sa akin.

"Wala lang," sabi ko na lang.

"So, sinong hahanapin natin?"

Puno ng pagtataka ko siyang tinignan. Nababasa niya ba ang iniisip ko? Ano pa ba ang mga bagay na hindi niya kayang gawin when I'm with him?

"Tulungan mo akong hanapin ang kaibigan ko," pag-amin ko sa kailangan ko. "I need to find her."

Tumango siya.

Kinuha niya ang cellphone ko.

"Anong gagawin mo riyan?" I asked.

"Romualdez, my great alalay."

I looked straightly to his face, full of conciousness then my gaze turns to my cellphone that he's holding right now.

"Hoy ano ba!"

"Grabe ka ah. Ayaw mo na akong tawaging cute. Pinalitan mo na ang contact name mo para sa akin," nagtatampo niyang saad.

"Stop that Ynigo," pagsaway ko sa kaniya, seryoso na. "Can you just help me with my problem now?"

I don't want to use him pero sa nangyayari ngayon, mukha ngang ginagamit ko siya.

"Ako na lang ang maghahanap," usal ko saka kinuha na ang cellphone ko sa kaniya.

"B-Bakit?"

Bakas ang panghihinayang sa boses niya. Gusto ko siyang makasama, oo. I want to befriend him pero sa tuwing magkakasama kami, lagi na lang niya akong tinutulungan.

I hate that.

Parang wala akong silbi. Parang hindi ko kayang hawakan at ayusin ang sarili kong problema. Parang lagi siyang nandiyan para ayusin ang problema ko.

Ilang araw pa lang kaming magkakilala tapos napakarami niya nang nagagawa para sa akin.

Hindi sa iniisip kong nagbibilang siya ng utang na loob, pero nakakahiya na rin kasi.

"Isama mo na ako," pagpupumilit niya. "Pangako, hindi ako gagawa ng mga hakbang nang hindi ka sinasabihan. Huwag mo nang isipin na tumutulong ako sa iyo, isipin mo na lang na interesado ako sa iyo."

Hayan,

Hayan na naman ang salitang interesado.

Mas lalo akong nakokonsensya. Hindi ko kayang suklian ang pagiging interesado niya sa akin. Unang-una, hindi pa ako nakaka-move-on. Pangalawa naman, basta na lang.

Wala akong maisip na rason para ayawan at tanggihan ko siya.

"Fine, I'll drive."

Hindi na siya nagprotesta nang sabihin kong ako na ang magmamaneho. Kotse ko rin ang ginamit namin.

Ayaw kong imaneho ang kotse niya dahil baka magasgasan ko pa 'pag nagkataon.

"Akin na ulit ang cellphone mo," ani Ynigo.

Gustuhin ko mang magtanong ay hindi ko na ginawa. Binigay ko na lang sa kaniya ang gusto niya.

"Ano namang gagawin mo riyan?"

Saglit ko siyang binalingan at ibinalik ko rin sa manibela ang atensyon ko. Hindi ko na napigilang magtanong.

"Hello, Miss Joycelyn?"

Naihinto ko ng basta-basta ang kotse ko dahil sa narinig ko. Bakit noong ako ang tumatawag sa kaniya, hindi niya sinagot? Ramdam niya ba na ibang tao ang tumatawag sa kaniya kaya sumagot siya?

"Where's my bestfriend?" dinig kong tanong ni Joycelyn sa kabilang linya dahil biglang ni-loud speaker ni Ynigo ang cellphone ko. Finally, hinanap na rin ako ng bruha.

Hinablot ko ang cellphone ko.

"Ano bang iniisip mo, Joyce?! Bakit hindi mo sinasagot ang mga tawag ko sa iyo? Bakit mo ako pinag-aalala ng ganito?"

Wala na, naiyak na naman ako.

"I-I'll resign," sabi niya.

"What?!"

Halos hampasin ko na ang manibelang nasa harap ko dahil sa sobrang inis sa babaeng kausap ko ngayon.

"Ayaw kong mawalan ka ng dignidad para lang mapanatili ang trabaho ko. Ikaw kaya ang woman of dignity!"

Tignan niyo ang gaga, nagagawa pang magbiro sa mga ganitong sitwasyon. Akala mo hindi siya nahihirapan sa mga nangyayari ngayon.

"Don't worry, I'll find another job. We're still bestfr---"

"No," pagprotesta ko sa gusto niya pang sabihin. "I kneel down on Roxie's face. I beg for her forgiveness. Pinaghirapan mo ang lahat ng mayroon ka ngayon. Hindi ako papayag na mawala iyon sa iyo."

We cried. Pinapatahan ako ni Ynigo. Gusto ko namang patahanin si Joyce kaya dumiretso kami kung nasaan siya.

Nag-volunteer si Mister Alalay na mag-drive papunta sa condo ng bruha dahil nanlalabo na rin ang mga mata ko dahil sa mga luha na umagos mula sa mata ko.

"Sino ba iyang Roxie Valeria na iyan?" tanong niya habang nagmamaneho. "Parang pinapahirapan kayo ah. Ang sama niya naman."

Hindi lang ako umiimik pero lihim na akong sumasang-ayon sa pinagsasabi ni Ynigo. Totoo naman kasi talaga na pinapahirapan ako ng bruhang iyon.

Tapos itong lalaki na nirerespeto ang lahat, mukhang ginagatungan pa ang galit ko. Ngayon ko lang siya nakitang magalit.

"Humanda iyang Roxie na iyan sa akin," banta niya. "Inaaway niya ang babaeng gusto ko."

Agad ko siyang hinampas sa balikat at tinitigan ng napakasama.

"Tigilan mo nga ang mga pambobola mo, Mr. Romualdez," sabi ko. "Baka kapag nakita mo kung gaano ka-sexy at kaganda si Roxie, tumiklop ka sa kinatatayuan mo."

Umiling siya. Mas kumapit ang kamay niya sa manibela.

"Sa iyo lang ako interesado. Sa iyo lang ako titiklop."

Defeaning silence, again.

Tuwing bumabanat siya, nagkakaroon ng nakakabinging katahimikan. Nawawala rin ako sa sarili ko.

Hindi ko alam kung ginu-goodtime ako ng isang ito o seryoso ba siya sa mga pinagsasabi niya.

"Dito na tayo," aniya saka inihinto ang kotse ko sa tapat ng condominium. Galing niya ah, hindi ko tinuro ang address dahil sa kadaldalan ko pero nakarating pa rin kami.

Mukhang pinakialaman niya ng husto ang cellphone ko at nag-backread pa sa usapan namin ni Joyce.

Tsh.

Iniangat ko ang aking ulo saka nakita si Joycelyn na nasa balkonahe, umiiyak.

Nauna na akong umakyat dahil magpa-park pa raw si Ynigo. I shook my head when I realized that Joycelyn's door was not locked.

Lukaret talaga siya. Paano na lang kung may masamang tao na pumasok tapos saktan siya? Hindi na ba talaga nag-iisip ang isang ito?

Napaka-hospitable niya masyado at baka pati mga masasamang loob, magiliw niya pang papapasukin sa condo niya at sasabihing, "Welcome. Kain kayo. Pagkatapos niyong kumain, nakawin niyo na lahat ng gusto niyong nakawin."

Shunga talaga.

"Kasalanan mo ito," bulong niya saka humikbi.

Fine, kasalanan ko na nga eh. Kailangan niya pa bang ipamukha? Nandito na nga ako para i-comfort siya eh.

"Bakit ka umiiyak diyan?!" galit kong tanong pero umiiyak na rin sa nakikita kong paghihirap niya.

Pinaiyak ko pa siya.

"I miss you," sabi ko. "Balik ka na sa company ah?"

Dati, tuwing papasok ako, lagi niyang sinasabi ang mga salitang iyon. Hindi ako nagre-reply ng 'I miss you too' sa halip ay sinusungitan ko pa siya.

Kahit na isang oras lang kaming hindi nagkita, sasabihin niyang miss niya na raw ako kaagad. That's annoying, really. But, I, somewhat found her sweet. That's the sweetest thing na magagawa sa akin ng isang kaibigan, ang hanapin ako.

"Puwede mo bang ulitin ang sinabi mo?"

Sa pagkakataong ito ay tinignan niya na ako sa mata. Mas lalo akong naawa sa kaniya nang makita kong namumugto ito.

I pity her so much.

"Ang alin?" tanong ko. "Iyong bumalik ka na sa company namin?"

She shooked her head.

"Iyong nauna pa."

"Ha? Ano ba roon?"

Pinakawalan niya ang isang napakalalim na buntonghininga at padabog na lumapit sa akin at niyakap ako ng sobrang higpit.

"I miss you," sambit niya, halos pabulong. "Namiss kita agad."

I smiled while we're hugging. Narinig ko na naman ang salitang lagi kong hinihintay na marinig sa kaniya.

"I miss you a lot," tugon ko.

Napabitaw kami ni Joycelyn sa isa't isa nang may magbagsak ng pinto.

"Magnanakaw!" sigaw ni Joyce. Nataranta siya kaya pinaghahampas niya ang lalaking pumasok. "Bakit ka nandito? Sino ka? Ang pogi mo pero kawatan ka!"

The heck? Kawatan daw?

Walang habas na iniwasiwas niya ang hawak niyang tambo sa lalaki. Dahil takot akong matamaan, hinayaan ko na lang siyang maghampas.

"Denice!" sigaw ni Ynigo na umiiwas pa rin sa galit ng kaibigan ko. "Pigilan mo nga siya!"

Hindi ako nagsaway pero automatikong napatigil ang gaga sa pagiging over acting woman niya.

"I-Ikaw iyong tumawag sa akin kanina gamit ang cellphone ni Marie?"

Oh gosh, I really hate my second name! Sobrang sakit sa tainga. Hindi ko matanggap.

Paulit-ulit na tumango si Ynigo na nakahawak sa braso niya na nilamog ni Joycelyn.

"Yeah, ako nga," sagot ni Ynigo. "I'm Ynigo Louie Romualdez."

Naku ha, dati noong nagpakilala siya sa akin, Ynigo Romualdez lang. Ngayon, nagkaroon ng Louie ang pangalan niya? Angas ah.

E'di magsama sila ng kaibigan kong siraulo rin. Tutal, pareho naman ata sila ng utak eh.

Inaya agad ng loka si Ynigo na umupo at uminom ng juice. Wow, may naka-readyng peace offering. Buti at naisipan niyang bigyan din ako ng tinimpla niyang paborito kong four season juice dahil kung hindi, friendship over na talaga ito.

"Pasensya ka na, hindi kasi kita kilala," paghingi ng paumanhin ni Joyce habang sinasalinan si Ynigo sa baso nito. "Hindi nasabi sa akin ni Denicery Marie na may kapalit na pala si Oliver."

Nabilaukan ako sa iniinom ko, buti hindi ko nabuga. Susme, kaharap ko pa naman si Ynigo.

Teka lang, anong sinabi ni Joycelyn? Hindi nag-sink-in agad sa utak ko eh. Puwedeng paki-rewind?

"Hindi nasabi sa akin ni Denicery Marie na may kapalit na pala si Oliver."

Kailan ko sinabi na may kapalit na si Oli?

"Siraulo ka, hindi ko iyan boyfriend," pagtanggi ko.

"Oo, tama. Hindi niya ako boyfriend," pagsegunda ni Ynigo na talaga namang nakatulong.

Parang nakumbinsi si Joyce sa sinabi ni Ynigo. Bakit kapag ako ang nagsasabi, parang hindi siya naniniwala? Walang naniniwala!

"Soon to be boyfriend pa lang," dugtong ni Romualdez sa pagsang-ayon niya sa akin kanina. "Pagtatrabahuhan kong maging boyfriend niya."

Hayan, nagtititili na naman tuloy ang lukaret kong kaibigan. Akala mo naipit ng kung ano ang tinggil niya. Susme, ano bang pinagsasabi nitong lalaking ito?

"Bawiin mo iyan," may pagbabantang sabi ko.

Pinapaasa niya lang ang sarili niya sa ginagawa niya. Alam kong seryoso siya sa sinabi niya sa kaibigan ko. He's really serious about me.

"Paano kung ayaw ko?" pagmamatigas niya.

"Hindi na kita kakausapin," banta niya.

"E'di huwag."

Aba, ang tapang talaga ng isang ito ah! Hindi man lang ba siya nasindak sa sinabi ko? Kahit katiting na takot, wala man lang?

"Ang sinabi ko ay nasabi ko na. Hindi ako bumabawi ng mga nabitawan ko na. You can deny it. Puwede kang magpanggap na parang wala kang narinig. But, I'll tell you this, hindi mo puwedeng diktahan ang mga dapat kong gawin o sabihin."

Gosh, buti walang narinig si Joyce sa mga pinag-uusapan namin dahil busy siya katitili.

Hayan, guilty na naman ako. Para akong sinaksak sa mga narinig ko. Dinidiktahan ko na ba masyado ang dapat at hindi niya dapat gawin?

Luckily, may tumawag kay mister alalay kaya nakatakas ako,

Pansamantala.

"Pa, itigil mo na ang pagsasabi sa akin ng mga gagawin ko. Malaki na ako. You don't have to worry about me."

Nakakatakot.

Nakakatakot kapag seryoso na si Ynigo sa mga sinasabi niya. You can heard an authority on his voice once he's serious.

Kapag nagsalita siya ng seryoso, tataas lahat ng balahibo mo sa katawan. Kahit gusto mo magsalita ay hindi mo magagawa.

I'm not used to his serious side.

Pati mata niya, nagiging seryoso at mas nakakanginig ng laman ang bagay na iyon.

"I'm on my way," sabi niya saka sinilid ang cellphone niya sa bulsa ng kaniyang pantalon.

Binalingan niya naman ako.

"Mauna na ako, Juaneza."

Juaneza?! Galing, seryoso pa rin siya. Mukhang galit pa ata siya sa akin. Bakit naman siya magagalit? May nagawa ba ako?

"Puwede kitang samahan?" usisa ko. "Mukhang ikaw naman itong may problema eh."

Bumuntonghininga siya.

"Seryoso ka ba riyan? Baka awayin mo na naman ako. Huwag ka na lang sumama."

What the heck? Awayin daw? Kailan ko naman siya inaway?

"Sige," simpleng sagot ko na lang. "Hindi na kita aawayin."

Mas lalong lumakas ang tili ni Joyce. Kanina lang, para siyang namatayan habang nasa balkonahe at nakatulala tapos ngayon, parang kinukuryente ang katawan niya kasisigaw at katitili.

"Joyce, bumalik ka na sa opisina ngayon," utos ko sa kaniya. Buti at napakalma ko kaagad. "Sabihin mo sa Tatay ko, babalik din ako kaagad. Gagawin ko na ang gusto niya. Ako na ang bahala kay Roxie."

Tinanguan niya ako saka ngumiti sa akin na parang may malisya. Asus, lagi namang may malisya ang utak ni Joyce. Hindi lang naman ako nasasanay dahil umaasa ako na magbabago pa siya.

Maling-mali na umasa pa ako na mababago niya ang sarili niya. I should accept her for who she is. That's the realization that Mr. Romualdez had taught me a while ago.

"Ingat kayo ng future boyfriend mo ah," bilin niya. Diniinan pa talaga ang salitang future boyfriend.

Nauunang maglakad sa akin si Ynigo. Papunta kami sa Parking lot. Mukhang may malaking problema nga siya. Hindi siya nagsasalita. Hindi ako sanay.

Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse ko. Siya pa rin daw ang magmamaneho, nasa tabi niya naman ako, tinititigan lang siya.

"Baka matunaw ako niyan," puna niya nang mapansing nakatitig ako.

"Sana nga, matunaw ka na lang," sabi ko. Ugh! Ano ba itong lumalabas sa bunganga ko. "I mean, saan tayo pupunta? May problema ba?"

"Papakilala kita sa Papa ko."

Halos mapalundag ako sa sinabi niya. Ano raw? Ipapakilala niya ako sa tatay niya? Seryoso ba siya sa mga pinagsasabi niya.

"I said, ipapakilala kita. Hindi ko sinabing mamamanhikan tayo," paglilinaw niya at parang nabasa ang laman ng isip ko.

"Mabuti nang nagkakaliwanagan tayo rito," komento ko.

"Tss," bulong niya. "Denial."

Hindi ko na lang siya pinansin at hinayaan na siyang magmaneho patungo sa destinasyon namin. Baka mamaya kasi, may masabi na naman akong pagsisisihan ko sa huli.

Lorenzo Beach and Resort

Wait, ito iyong resort na may-ari ang kaibigan ni Papa ah? Bakit nandito kami?

Baka rito kami imi-meet ng Papa nitong si Ynigo.

"Huwag kang kabahan," saad ni Ynigo.

Ako ba ang kausap niya? Mukha ba akong kinakabahan sa lagay na ito? Kalmado nga lang ako eh. Siya itong tense na tense.

"Finally, dumating na rin ang hinihintay natin," sabi noong lalaking nasa late 50's nang dumating kami. Una niyang nakita si Ynigo. Nang mapadako ang tingin niya sa akin ay biglang nagbago ang ekspresyon niya.

"Pa," bati ni Ynigo.

Omg, Papa niya pala. Yumuko ako bilang pagbati. May kasama ang Papa ni Ynigo. Sobrang gandang babae. Morena, medyo chubby ang pisngi pero ang liit ng baywang tapos iyong mga mata niya, sobrang inosente pero napakaraming gustong sabihin.

"This is Denicery Juaneza, my special friend."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status