Share

My Beautiful Sextuplets

Naupo si Amy sa isa sa mga pinaka-marangyang club hanggang sa gabi na kung kailan laging abala ang club, naka dalawang bote ng inumin na siya at seryosong nilulunod niya ang sarili sa sobrang  kalungkutan. Sa halos tatlong taong kasal siya, ay naging tapat siya sa bastardong iyon, at ni hindi nagbigay ng kahit anong oportunidad sa ibang lalaki lumandi sa kanya, swala siyang masabi sa panloloko nito sa kanya. Pinagkatiwalaan niya ito pero winasak lang ang kanyang puso na parang wala lang ito. 

Umaasa siya na pag nalunod siya sa sobrang kalasingan ay makakalimutan niya ang kanyang kalungkutan ngunit tila hindi nakakatulong ang inumin dahil patuloy na naglalaro sa kanyang isipan ang hubad na imahe nina Joan at Callan.

Galit na galit siyang tumayo at tumingin sa paligid, sa mga taong sumasayaw sa club. Naisipan niyang pumili ng isang random na gigolo na pwede niyang maka one night stand. Tutal, hiwalay na siya at single ulit.

Nakita niya ang isang matangkad na lalaki na papasok sa isang kwarto at agad siyang tumakbo papunta doon. Bago pa man maisara ang pinto ay pumasok na siya.

Sabay sandal sa lalaki at ginamit ang kaliwang kamay para isara ang pinto sa likod nila. Sunod-sunod na nilamon ng kanyang bibig ang labi ng lalaki, at ilang sandali pa bago tumugon ang mga labi nito.

At sa pagkakataon na iyon ay umusbong sa pakikipagniig na sesyon ang naganap sa pagitan nila, sa kung saan ay mabilis niyang hinubad ang kanyang kasuotan. Tinulungan niya ang lalaki na hubarin ang T-shirt nito at sa isang iglap natagpuan niya ang sarili sa kama habang nasa ilalim ng lalaki, d*******g siya ng malakas habang bumabaon ito sa kaibuturan niya.

Ito ay isang kasiya-siya at nakakapagod na sandali para sa dalawa dahil tumagal ito ng kalahating oras, nang sa wakas ay pareho silang nasiyahan, nahulog sila sa kama at natulog.

Nagising si Amy makalipas ang ilang oras at nakita niya ang lalaking natutulog sa madilim na kwarto. Hindi pa nagbubukas ang ilaw ng silid nang pumasok siya at sinimulang halikan ang lalaki ilang oras na ang nakalipas.

"Ang sarap nitong gigolo na ito," bulong ni Amy at naglabas ng ilang dolyares mula sa kanyang pitaka saka inilagay sa palad ng lalaki. Bagama't natutulog pa ito, hindi niya ito lolokohin at umalis ng hindi nag-iiwan ng bayad. 

Ayaw niyang magising ang lalaki, kung kaya ay maingat siyang naglakad palabas ng silid, 

Umalis si Amy sa NorthHill at sumakay ng tren patungo sa isang maliit na lungsod kung saan nilalayon niyang mamuhay ng simpleng buhay. Ang pamumuhay sa kanilang lungsod, ang NorthHill ay magdudulot lamang sa kanya ng higit na trauma. Maaaring imposibleng iwasan si Callan dahil siya ay isang makapangyarihan na tao at dahil siya ay naglakas-loob na hiwalayan ito,possibleng plano nito na inisin siya. Kaya mas mabuting pumunta siya rito at magsimula ng bagong buhay.

Naging labis ang hinala ni Amy sa kanyang sarili makalipas ang ilang linggo nang magsimula siyang magkaroon ng morning sickness. Sa tuwing gusto niyang isipin na baka ito ay senyales ng pagbubuntis, pinapaalala niya sa kanyang sarili na tatlong taon silang kasama ni Callan at hindi kailanman siya nabuntis. Siya ay baog at tulad ng sinabi ni Callan, iyon ang kanyang kapalaran. Bagama't pangarap niyang magkaroon ng anak at nais na maranasan ang pagiging ina at ang pakiramdam nito ay tila hindi siya pinagpala sa bagay na iyon.

Nakatanggap siya ng pinakamalaking pagkabigla sa kanyang buhay ng bumisita siya sa ospital at sinabi sa kanya na siya ay tatlong linggo ng buntis. Paano ito naging posible? Tuwang-tuwa siya at sa paglipas ng mga buwan, lumalaki ang kanyang tiyan kaysa sa karaniwan at nag-aalala ito na iniisip pa nga niya kung buntis nga ba siya ng isang bata dahilan kung bakit mas malaki ang paglaki ng kanyang tiyan kaysa sa normal.

Pagkaraan ng siyam na buwan, inihatid si Amy sa ospital. Nakaka-stress, alam niyang sunud-sunod ang paglalabas niya ng mga bagay pero kahit siya ay nagdududa kung mga sanggol ba iyon.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata at nagdasal na sana ang lumabas sa kanya ay isang bata, iminulat niya ang kanyang mga mata makalipas ang ilang segundo at nakita niya ang dalawang doktor at apat na babaeng nurse na nagsisiksikan sa buong silid. Bawat isa sa kanila ay may bagong silang na sanggol, at lahat sila ay may mga ngiti sa kanilang mga mukha.

Napakurap siya at nagtanong, hindi niya alam at nakakaloka ang tanong niya pero nagawa niyang pa ring magtanong, "pasensya na, mga sanggol ko ba lahat ito?"

"Oo," masayang sagot ng lahat sa loob ng kwarto. Hindi makapaniwala si Amy sa kanyang narinig at naisip na baka nananaginip lang siya. Paanong posible para sa isang baog na tulad niya na magkaroon ng lahat ng mga sanggol na ito?

Pagkatapos ay binilang niya ang mga ito, "isa, dalawa, tatlo, apat lima..." tumigil siya sa pagbibilang at pinunasan ang mukha, "anim."

"Anim na sanggol?" Tanong niya.

"Oo, congratulations!" lahat ng tao sa kwarto ay nagsimulang bumati sa kanya. Tumulo ang luha sa kanyang pisngi, at dahan-dahang dumapo ang kanyang dalawang palad sa malambot niyang pisngi.

Masayang-masaya siya at nagpasalamat siya sa Diyos sa pagpapala sa kanya ng ganito. Nakakuha siya ng lakas mula sa mabuting balita at umupo ng tuwid, "pwede ko ba silang makarga?" Masayang sabi niya at sunod sunod na binigay ang mga sanggol sa kanya. Tuwang-tuwa siyang makita ang mga cute na sanggol, binasbasan niya ang mga ito at hinalikan silang lahat sa noo.

Noong mga nakaraang buwan, ay naranasan niya ang pinaka masalimuot na pangyayari sa buhay niya, pero ngayon ay naranasan niya ang pinakamagandang nangyari sa buhay niya. 

*********

Pagkalipas ng anim na taon, umupo si Amy sa isang mahabang upuang kahoy at tinawag, "Elijah," "Moises," "Elisha!"

Tatlong cute na lalaki ang tumakbo patungo sa kanya ng napakabilis, lahat sila ay may mga matingkad na ngiti sa kanilang mga mukha at kahit na ang kanilang mga damit ay hindi mamahalin, ay nangingibabaw pa rin ang kagwapuhan sa mga ito,at ang tatlong lalaking anak ay magka kamukha.

"Halinga nga kayo rito," sumenyas si Amy sa kanila na lumapit at tumabi naman ito sa kanya. Masaya niyang ginulo ang buhok nila at sinabing, "paki tawag niyo rin dito ang mga kapatid niyo."

"Anghel!" Tumawag si Elijah.

"Reyna," sigaw ni Elisha.

"Debby," tawag ni Moses.

Tatlong kaibig-ibig na mga batang babae ang lumitaw, sila ay may mahabang buhok at ang kanilang hairstyle ay pare-pareho, balingkinitan at napakaganda ng mga ito at magkak amukha rin. 

Sa paglipas ng mga taon, sinanay ni Amy ang kanyang mga anak sa abot ng kanyang makakaya at gumugol siya ng kalidad ng oras sa kanila. Sila ay nagbibiruan sa karamihan ng mga oras at may mga panahon rin na pinagsasabihan niya ang mga ito pag may nagawang pagkakamali. At ang pagmamahal sa pagitan niya at ng anim na bata ay napakalakas.

Walang sinuman ang makapagsasabi sa kanya kung paano niya nagawa ng maayos ang lahat at nalampasan ang pagod sa pagpapalaki ng anim na anak sa loob ng anim na taon. Napakalaking responsibilidad ito.

Umalis si Amy sa stool at umupo sa damuhan habang ang mga bata ay nakaupo sa paligid niya ng pabilog, "aalis tayo bukas patungong NorthHill."

"Bakit mama?" tanong agad ni Elijah nang matapos magsalita si Amy.

"Ang mga paaralan kasi dito ay hindi mataas ang pamantayan, bagama't ang kapaligiran ay mapayapa ngunit nais kong tamasahin ninyong lahat ang mas magandang edukasyon at mamuhay sa sibilisadong mundo," sabi ni Amy.

"Ma, hindi ba sabi mo hindi tayo pwedeng pumunta sa NorthHill dahil may mga masasamang tao doon?" tanong ni Moses.

Minsang tinanong ng mga bata si Amy kung bakit sila nananatili sa nayon at sinabi niya sa kanila noon na nakatira talaga siya sa NorthHill ngunit lumipat siya dito dahil sa ilang masasamang tao na nagtatangkang saktan siya.

"Hindi ka ba sasaktan ng masasamang tao, ma?" Tanong ni Angel gamit ang maliit at mala-anghel niyang boses.

Ngumiti si Amy, "Anim kayong nakapaligid sa akin at sa tingin mo ay magagawa nilang saktan ako?”

Itinupi ni Elijah ang kanyang manggas at ipinakita ang kanyang braso saka sinabing, "Tama, tingnan niyo ang braso ko, kung sino man ang mag tangkang saktan si mama ay makakatikim sa akin ng suntok sa mukha.”

"Yes, pumunta tayo sa  NorthHill, at hindi natin hahayang may manakit kay Mama," tumayo si Elisha at inihagis ang dalawang kamay niya sa ere," Malakas akol, at kung sino man ang mag tangkang manakit kay mama, dadaan muna sa akin."

"Oo nga, hindi ba sinabi ni mama na pinangalanan niya nga tayong Elijah, Elisha at Moses dahil naniniwala siyang makapangyarihan tayong mga lalaki? Ma, huwag kang mag-alala, palagi kaming nasa tabi mo. Walang mangangahas na saktan ka." dagdag ni Moses.

Nakatingin lang ang tatlong babae at tumango lang ng kanilang mga ulo, bagama't magkasing edad sila ng mga lalaking anak, hindi sila kasing lakas gaya ng mga kapatid nilang lalaki ngunit naramdaman nilang ligtas pag kasama nila ang mga ito. Sa katunayan, sa lungsod, walang nangangahas na saktan ang tatlong babae dahil alam nila kung gaano ka-protective ang kanilang mga kapatid.

"Oo, may tiwala ako kay Elijah, Moses at Elisha, hindi nila hahayaang may masaktan sa atin," sabi ni Queen. Si Debby ang tahimik at kumpiyansa lang na makakabalik sila sa NorthHill at walang pagtatangka na saktan sila.

Natuwa si Amy sa pagpapakita ng gilas ng kanyang maliliit na anak.

"Ma, makikita rin natin si Papa?" tanong ni Elisha.

Lalong itinuon ng mga bata ang atensyon kay Amy. Minsan nang sinabi ni Amy sa kanila na nasa NorthHill ang tatay nila pero kahit siya, hindi niya ito kilala, isa pa anim na taon na ang nakalipas at malaking lungsod ang NorthHill, nagdududa siya kung makikilala pa niya ang kanilang ama, lalo na't alam niyang gigolo lang ito. .

Ngunit ayaw niyang mawalan ng pag-asa ang mga bata sa pag-asang makikita nila ang kanilang ama kaya't sumagot siya ng, "oo."

Nagtatatalon ang mga bata kay galak at nagsimulang magsaya. Mas lalong itong nanabik na s pumunta sa NorthHill kinabukasan, umaasa na makikilala nila ang kanilang ama na matagal na nilang inaasam na makita sa buong buhay nila.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status