เข้าสู่ระบบ
Chapter 1
Ace POV "Fuck that man." Inis kong sigaw sa aking isipan nang malaman kong sinaktan niya si Ninang Ruth — ang babaeng matagal ko nang lihim na minamahal. Tangina. Ang kapal ng mukha ng lalaking ‘yon. Live-in na nga sila, pero may gana pang maghanap ng ibang babae. Hindi ba sapat si Ninang Ruth? Hindi ba sapat ang lahat ng sakripisyong binibigay niya rito? Mabilis akong napahigpit ng kamao, halos bumaon ang kuko ko sa palad. Ang init ng dugo ko habang naiisip kong umiiyak si Ninang Ruth… habang ang lalaking ‘yon, nakangisi pa sa tabi ng ibang babae. Hindi ko alam kung selos o galit ang nararamdaman ko — o baka pareho. Pero isang bagay lang ang malinaw sa akin ngayon. Hindi ko hahayaang masaktan pa siya. Kung ayaw siyang pahalagahan ng nobyo niya, ako ang gagawa niyon. Ako ang mag-aalaga sa kanya. At balang araw… ako rin ang mamahalin niya. Hanggang sa isang tawag ang bumungad sa akin. “Si Ruth… nasa night club ngayon,” sabi ng kaibigan kong bartender. Agad akong napahinto. Alam ko na kung bakit siya nando’n. Alam kong gusto niyang uminom— para kalimutan ang sakit na iniwan ng walang kwentang lalaking ‘yon. Tangina. Bakit kailangan niyang masaktan ng ganito? Hindi ko hinayaang magtagal pa ang inis at selos sa dibdib ko. Agad akong tumayo, nagbihis ng itim na polo, at nagsuot ng leather jacket. Kinuha ko rin ang itim na maskara sa drawer —ayokong makilala niya ako. Hindi pa ngayon. Gusto ko lang siyang makita… siguraduhing ligtas siya. Pero sa totoo lang, may mas malalim akong dahilan. Gusto kong makita kung paano niya tinatanggap ang sakit. Gusto kong makita kung gaano siya nasasaktan— para maalala kong mas deserving ako kaysa sa lalaking ‘yon. Paglabas ko ng bahay, malamig ang hangin pero mas mainit ang dugo ko. At habang binabaybay ko ang daan patungong night club, isang bagay lang ang tumatak sa isip ko: Ngayon, hindi na siya nag-iisa. Kahit hindi niya alam… nando’n ako— ang lalaking handang protektahan siya, kahit sa dilim lang muna. Maingay ang paligid nang makarating ako sa club. Kumikislap ang mga ilaw, sabay sa malakas na tugtog ng musika. Amoy alak, sigarilyo, at libog ang paligid — mga halimuyak ng mga taong gustong takasan ang sakit. Pumasok ako, suot ang aking itim na maskara. Hindi ako sanay sa ganitong lugar, pero ngayon, wala akong pakialam. Ang tanging gusto ko lang… ay makita siya. At nang tumama sa kanya ang mga ilaw sa stage — parang huminto ang oras. Si Ninang Ruth. Nakaupo siya sa bar counter, hawak ang isang baso ng tequila, habang mabagal na umaalon ang katawan niya sa tugtog. Namumula ang mga mata, halatang kakaiyak lang. Pero kahit gano’n, napakaganda pa rin niya. Ang bawat galaw niya ay parang tukso. “Another shot, please,” narinig kong sabi niya sa bartender, sabay ngiti ng mapait. Damn. Kung pwede ko lang siyang yakapin ngayon, gagawin ko. Lumapit ako, dahan-dahan, hindi inaalis ang tingin sa kanya. Pero bago pa ako makalapit, may isang lalaking lumapit sa tabi niya. Hinawakan nito ang baywang niya at ngumisi. "Hey, gorgeous. Alone tonight?" sabi ng lalaki. Nag-iba ang ihip ng dugo ko. Gusto kong durugin ‘yung kamay na humawak sa kanya. Pero si Ninang Ruth, ngumiti lang ng pilit. “I’m fine… just drinking.” Pero halata sa boses niya ang pagod at lungkot. Hindi ko na natiis. Lumapit ako at marahan kong hinawakan ang balikat ng lalaki. “Back off,” malamig kong sabi. Tumingin siya sa akin, medyo nagulat sa tono ko. “Who the hell are you?” tanong niya, iritado. Ngumiti ako sa ilalim ng maskara. “Someone you don’t want to mess with.” Tumalikod siya pagkatapos kong titigan nang matalim. At nang makaalis na ito, saka ko lang tiningnan si Ninang Ruth. Napakurap siya, tila nagtataka kung sino ako. “Who are you?” mahina niyang tanong, lasing na lasing. Lumapit ako nang bahagya. “Just someone who cares,” sagot ko, halos pabulong kong sambit. At sa unang pagkakataon, magkalapit na kami. Ramdam ko ang init ng hininga niya, ang bango ng alak na humahalo sa amoy ng kanyang pabango. At sa loob ng club na puno ng ingay, para bang kami lang dalawa ang natitira sa mundo. “Oh… hi, someone,” sabi niya sabay ngiti, halatang lasing na lasing. “Name’s Ruth. You are?” Bahagya akong natawa sa loob ng maskara. “Just call me… Fire.” “Fire?” napahagikhik siya, medyo pasuray-suray habang nakaupo. “Like… apoy?” Tumango ako. “Yeah. The kind that burns… quietly.” Tumingin siya sa akin, diretso sa mga mata kong natatakpan ng maskara. May luha sa gilid ng kanyang mata, pero ngumiti siya ng mapait. “Fire… can you burn me too?” mahina niyang tanong. “Make me forget… kahit ngayong gabi lang. Ayokong maramdaman ‘tong sakit. Gusto kong mapalitan ‘to ng kahit anong saya… kahit sandali lang.” Natigilan ako. Ramdam ko ang bigat ng mga salita niya — ang sakit, ang lungkot, at ang desperasyon. Gusto kong yakapin siya. Gusto kong sabihin na kaya kong palitan lahat ng sakit na ‘yon ng pagmamahal. Pero alam kong mali. Alam kong bawal. At habang nakatitig ako sa kanya, isang parte ng sarili ko ang gustong tumanggi… pero mas malakas ang bulong ng puso ko na gustong sumuko.Chapter 12“Bitoy, nakuha mo ba ang pina-utos ko?” malamig kong tanong habang nakatingin ako sa hotel kung saan pansamantalang tumutuloy si Ninang Ruth.“‘Yung duplicate key sa silid niya—dala mo na ba?”“Boss, oo. Pero siguraduhin mo lang, walang makakaalam nito, ha? Baka kung may makakita—”“Don’t worry,” putol ko agad. “Hindi ako gagawa ng kahit anong ikakasira niya. Gusto ko lang masigurong ligtas siya.”Tumango si Bitoy, sabay abot ng maliit na keycard.“Room 506. Pero boss, bakit hindi mo na lang siya kausapin nang direkta? Mas madali pa sana.”Napabuntong-hininga ako, pinisil ang keycard sa aking kamay.“Hindi pa panahon, Bitoy. Hindi ko siya pwedeng pilitin. Kailangan kong respetuhin ‘yung espasyo niya.”Tumingin ako sa itaas, sa bintanang may bukas na kurtina — silid niya.“Pero gusto kong malaman kung maayos siya… kung kumakain, kung natutulog. Gusto kong makita ‘yung ngiti niyang ‘di dahil sa sakit.”Tahimik si Bitoy, halatang nagdadalawang-isip.“Okay, boss. Pero mag-iinga
Chapter 11Ace POVPaglapag ng eroplano sa Milan, halos hindi ako mapakali.Hindi ko man alam ang eksaktong lugar kung nasaan si Ninang Ruth, pero isa lang ang sigurado — hindi ako titigil hangga’t hindi ko siya nakikita.Paglabas ko ng airport, sinalubong ako ng malamig na hangin at amoy ng kape mula sa mga kalapit na café.Kinuha ko agad ang phone ko at tinawagan si Bitoy, na may mga koneksyon din dito.“Boss, may nakuha akong lead,” ani ni Bitoy sa kabilang linya.“Si Miss Ruth daw, nakita sa isang sikat na salon — ‘yung Bella Vita Salon sa Via del Corso. Parang nagpa-makeover siya doon.”Napangiti ako.“Makeover, huh? Typical ni Ninang… kapag nasasaktan, gusto laging bumangon nang mas maganda.”Agad akong sumakay ng taxi at nagpa-diretso sa address.Habang nasa biyahe, paulit-ulit kong iniisip kung anong sasabihin ko kapag nakita ko siya.Magagalit kaya siya? O baka… ngumiti lang, tulad ng dati?Pagdating ko sa Bella Vita Salon, napatingin ako sa loob mula sa salamin.At doon ko s
Chapter 10Pagkalabas ko ng hotel, napagpasyahan kong magpahinga muna mula sa lahat ng bigat ng nakaraan. Hindi ko hahayaang makita ako ni Ace na ganito — wasak, luhaan, at walang direksyon. Kailangan kong ayusin ang sarili ko… sa labas at sa loob.Kaya dumiretso ako sa isang sikat na parlor dito sa Milan — “Bella Vita Salon & Spa.”Isang lugar na kilala hindi lang sa galing ng mga stylist, kundi sa kung paano nila pinaparamdam sa mga babae na muli silang maganda, muli silang buo.Pagpasok ko sa loob, sinalubong ako ng bango ng mga imported na pabango at ang malamig na simoy ng aircon na may halong jazz music. Mga babaeng nakangiti, mga hairstylist na parang mga modelo sa galing mag-ayos.“Buongiorno, Signora! Welcome to Bella Vita Salon. How may we help you today?” bati ng receptionist na may makislap na ngiti.Ngumiti ako ng bahagya. “I… I want a change. Something new. I want to look like I'm new... even though it still hurts inside."Nang marinig niya iyon, saglit siyang natahimik,
Chapter 9Ruth POVPaglapag ng eroplano sa Milan, ramdam ko agad ang malamig na simoy ng hangin na tila ba bumubulong ng bagong simula.Huminga ako nang malalim habang nakatanaw sa malawak na ulap sa labas ng bintana. Ito na ‘yon, Ruth… bagong yugto, bagong ako.Pagkababa ko, tumunog agad ang cellphone ko—mga mensahe mula sa mga kaibigan, sa mga kliyente, pero wala ni isang mula kay Ace.Napangiti ako ng mapait. Siguro ito na talaga ang dapat. Kailangan kong lumayo bago pa ako tuluyang lamunin ng bawal na damdamin.Habang naglalakad ako palabas ng airport, ramdam ko pa rin ang bigat ng lahat—ang sakit ng pagtataksil, at ang init ng mga titig ni Ace na pilit kong kinakalimutan.Pero sa bawat hakbang ko sa malamig na lupa ng Milan, mas pinipili kong maging matatag.Pagdating ko sa hotel, agad kong binuksan ang kurtina at sinalubong ako ng liwanag ng lungsod—makukulay, buhay, at puno ng posibilidad.Doon ko naisip… baka ito na talaga ang pagkakataon para buuin muli ang sarili ko.No more
Chapter 8Ace POVHabang abala ako sa pagpirma ng mga kontrata sa opisina, biglang tumunog ang cellphone ko.Nakita ko sa screen ang pangalan ni Bitoy — ang taong inutusan kong bantayan si Ninang Ruth, para siguraduhing ayos lang siya matapos ang nangyari.“Hello?” mabilis kong sagot.“Boss Ace,” sabi ni Bitoy, medyo hinihingal. “Nagpa-book ng flight si Miss Ruth papuntang Milan. One hour from now ang alis niya.”Napahinto ako. Parang biglang humigpit ang dibdib ko.“M-Milan?” ulit ko, halos hindi makapaniwala.“Oo, boss. Paalis na siya. Nasa airport na raw ngayon.”“Okay, thank you!”Agad kong pinutol ang tawag, saka mabilis na hinablot ang telepono ng intercom.“Jack!” halos pasigaw kong tawag sa assistant ko.“Book me a ticket to Milan — the soonest flight possible! I don’t care kung business o private. Kailangan ko makaalis ngayon din!”“Pero, Sir, may board meeting kayo mamaya alas dos—”“Cancel everything!” madiin kong putol.“I don’t care about the meeting, Jack. Just… book the
Chapter 7“I need to move on… kailangan kong baguhin ang sarili ko.”Mahina kong bulong habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. “Siguro… kailangan kong magpahinga. Lumayo muna. Makahinga.”Hinaplos ko ang ilalim ng mga mata kong namumugto pa sa pag-iyak.Halos isang linggo na mula nang mahuli ko si Marco — at hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang sugat.Pero mas masakit pa rin ‘yung katotohanang kahit anong pilit kong itago, si Ace pa rin ang naiisip ko.Isang batang lalaki noon na inaanak ko lang. Ngayon, isang lalaking may tindig, may tapang, at may mga matang kay hirap iwasan.Napahawak ako sa dibdib ko, pilit pinipigilan ang kirot.“Hindi tama ‘to, Ruth. Hindi mo siya dapat maramdaman nang ganito.”Ilang sandali pa, marahan kong binuksan ang luggage na nasa kama. Isa-isang tinupi ang mga damit, inilagay sa loob ng maleta,habang kasabay nito ang tahimik kong pagluha.“Magbabakasyon ako. Sa malayo.”Bulong ko sa sarili habang isinasara ang zipper ng bag.“Siguro kapag malayo







