Share

Chapter 2

Author: SKYGOODNOVEL
last update Last Updated: 2025-10-27 14:05:35

Chapter 2

Tahimik akong napabuntong-hininga habang pinagmamasdan ko si Ninang Ruth. Halos hindi na siya makaupo nang maayos sa bar stool. Namumungay ang mga mata, at ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya ay lasing na lasing, puno ng sakit at kalungkutan.

“Fire… please,” bulong niya habang pinipilit tumayo.

“Can you take me somewhere? Ayokong mag-isa ngayong gabi.”

Parang may tumusok sa dibdib ko.

Hindi ko alam kung dahil sa awa o sa tindi ng damdamin ko para sa kanya. Ang alam ko lang, hindi ko kayang iwan siyang ganito.

Hinawakan ko siya sa braso, marahan lang.

“Let’s go,” mahinahon kong sabi.

Ayokong makita siyang mas lalong madungisan ng mundong ito.

Dahan-dahan ko siyang inalalayan palabas ng club.

Ramdam ko ang bigat ng katawan niya sa bawat hakbang.

Ang mga ilaw sa paligid ay nagiging malabo, pero ang init ng kamay niya sa palad ko— iyon lang ang malinaw.

Pagdating sa labas, malamig ang hangin, pero mainit ang pakiramdam ko.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng sasakyan ko at inalalayan ko siyang pumasok.

“Thank you, Fire…” mahina niyang sabi habang nakasandal sa upuan.

“Ang bait mo.”

Ngumiti ako nang bahagya sa ilalim ng maskara.

Kung alam mo lang, Ninang…

Hindi ito kabaitan.

Ito ay pag-ibig na pilit kong itinatago.

Habang binabaybay ko ang daan,

tahimik lang siya— minsan humihikbi, minsan biglang tatahimik.

At bawat hikbi niya ay parang patalim na tumatama sa puso ko.

Nang makarating kami sa tapat ng aking condo, tumingin siya sa akin, tulala at lasing pa rin.

“Fire…”

“Hmm?”

“Salamat… pero pwede bang… huwag mo muna akong iwan?”

Natigilan ako.

Ramdam kong bumilis ang tibok ng puso ko.

Ang bawat segundo, parang tinutukso akong tumugon sa bawal na damdamin.

At sa katahimikan ng gabing iyon, habang nakatingin ako sa babaeng matagal ko nang minahal, isang bagay ang malinaw, ito na ang simula ng kasalanan na hindi ko na magagawang takasan.

Tahimik kaming pumasok sa unit.

Ang mga ilaw sa loob ay malamlam, sapat lang para makita ang mga anino sa dingding.

Binuksan ko ang lampshade at agad siyang inalalayan papunta sa sofa.

“Dito ka muna,” sabi ko habang maingat siyang pinaupo.

Umupo siya, hawak pa rin ang ulo.

“Sorry,” mahinang bulong niya. “Ang gulo ko, ano?”

Umiling ako. “Hindi. You’re just… hurting.”

Napatingin siya sa akin—sa maskara kong hanggang ngayo’y hindi ko pa rin tinatanggal.

“Bakit mo tinatakpan ‘yan?” tanong niya, pinipilit ngumiti.

“Maybe… I’m not ready to be seen,” sagot ko.

Ngumiti siya nang mapait. “Pareho pala tayo.”

Tumahimik kami ng ilang sandali.

Tanging tunog ng ulan sa labas ang naririnig.

Tinitigan ko siya—ang mga matang puno ng luha, ang ngiting pilit.

Gusto kong haplusin ang mukha niya, pero pinigilan ko ang sarili ko.

“Nin—Ruth,” halos bulong ko, “you should rest.”

Tumango siya, pero bago pumikit, may sinabi siyang halos di ko marinig.

“Salamat, Fire… for saving me tonight.”

At sa oras ito, alam kong mas malalim pa ang pagkakahulog ko.

Habang pinagmamasdan ko siyang dahan-dahang nahihimbing sa sofa, isang tanong lang ang tumatak sa isip ko.

Hanggang kailan ko kayang itago ang pagkakakilanlan ko—

at ang pag-ibig na bawal kong maramdaman?

Aalis na sana ako.

Tahimik kong kinuha ang coat ko at lumingon sa kanya—mahimbing na sana ang tulog ni Ninang Ruth sa sofa.

Pero bago pa ako makalakad papunta sa pinto, biglang may mainit na kamay na humawak sa kaliwang kamay ko.

“Fire…” mahina niyang tawag, lasing pa rin ang tinig.

Napatigil ako.

Bago pa ako makasagot, marahan niya akong hinila—mahina lang, pero sapat para mawalan ako ng balanse.

At sa isang iglap, nadaganan ko siya.

Pareho kaming napatigil.

Ang mga mata niya, dahan-dahang bumukas… diretso sa akin.

Mainit ang hininga namin, magkalapit ang mukha,

at sa pagitan ng ilang pulgada, ramdam ko ang pintig ng puso niya — mabilis, kabog na kabog, kasabay ng sa akin.

“Ruth…” mahina kong sambit, halos pabulong.

Ngunit imbes na itulak ako, tumitig lang siya.

Ang mga mata niya, malungkot pero may halong init na tila nagsusumamo ng pag-unawa.

“Don’t go yet,” mahina niyang sabi.

“Ang lamig… and I don’t want to be alone.”

Naramdaman kong unti-unti kong hinigpitan ang hawak sa kamay niya.

Gusto kong manatili, pero alam kong mali.

Gusto kong ilayo ang sarili ko, pero mas gusto kong maramdaman ang init ng kanyang katawan na halos magkadikit sa akin.

At sa pagitan ng katahimikan, isang bagay ang sumabog sa dibdib ko —ang damdamin kong matagal ko nang pinipigilan.

Pero pinilit kong lumayo, dahan-dahan kong itinulak ang sarili ko mula sa kanya.

“I’ll stay,” sabi ko mahina, “pero matulog ka na, okay?”

Ngumiti siya, pagod na pagod, bago pumikit muli.

At habang pinagmamasdan ko siyang muling nahimbing,

isa lang ang sigurado ako —hindi ko na kayang itago pa ang nararamdaman ko.

Tahimik ang buong silid.

Ang tanging maririnig mo lang ay ang marahang tibok ng puso naming dalawa.

Nasa ibabaw pa rin ako, halos ilang pulgada lang ang pagitan ng aming mga labi.

Tumingin siya sa akin—mahina ang tingin, lasing, pero totoo.

“Fire…” bulong niya.

Napalunok ako, hindi makagalaw.

“Hmm?” sagot ko, halos wala nang boses.

Dahan-dahan niyang iniangat ang kamay niya at hinaplos ang gilid ng maskara ko.

“Can you… kiss me?”

Parang biglang huminto ang oras.

Sa sandaling iyon, narinig ko ang sarili kong hinga — mabigat, magulo, at puno ng pag-aalinlangan.

Gusto kong sundin siya, gusto kong ipadama kung gaano ko siya kamahal.

Pero mali.

Mali ang lahat.

“Ruth…” mahinang tawag ko, halos pakiusap.

“Please,” bulong niya, “just one… before I forget everything.”

Ramdam ko ang panginginig ng kamay niya sa pisngi ko.

At sa pagitan ng sakit at pagnanasa, pumipiglas ang konsensya ko.

Hanggang sa sa huli, dahan-dahan kong inilapit ang noo ko sa kanya — hindi para halikan, kundi para ipahinga lang.

“I can’t,” mahina kong sabi.

“Not like this.”

Pumikit siya, at isang patak ng luha ang dumausdos sa kanyang pisngi.

At sa gabing iyon, sa pagitan ng gustong mangyari at dapat pigilan, ako ang lalaking pinili niyang kalimutan… at siya ang babaeng hindi ko kailanman malilimutan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Bawal Na Tadhana: I'm Obsessed With My Ninang Ruth (SPG)   Chapter 25

    Chapter 25 Ruth POV Hindi ko alam kung kailan nagsimulang bumigat ang dibdib ko—kung noong narinig ko ang boses ng mga magulang niya sa telepono, o kung noong binanggit ang salitang pagkakanulo kahit hindi iyon direktang sinabi. Basta ang alam ko, may kirot na hindi nawawala. Tahimik akong nakaupo sa gilid ng kama habang hawak niya ang cellphone, habang sinasalubong niya ang galit na ako ang ugat. Hindi ko kailangang marinig ang buong usapan para maintindihan ang bigat ng sitwasyon. Kilala ko ang mga magulang niya. Alam ko kung gaano nila ako pinagkakatiwalaan. Itinuring nila akong pamilya. At sinira ko iyon. Ako ang mas matanda. Ako ang dapat umiwas. Ako ang dapat unang tumigil. Nang ibaba niya ang tawag, nakita ko ang pilit niyang tatag—pero kilala ko na siya. Sa likod ng matapang na anyo niya, may batang nasasaktan dahil sa pagitan ng pagmamahal at pamilya. Lumalapit siya sa akin, pero umatras ang loob ko. “Ace…” mahina kong sabi, puno ng bigat. “Kasalanan ko ’to.” Napa

  • Bawal Na Tadhana: I'm Obsessed With My Ninang Ruth (SPG)   Chapter 24

    Chapter 24 Lumipas ang dalawang buwan—dalawang buwang halos hindi ko namalayan ang pagdaan ng oras. Araw-araw kaming magkasama, at sa bawat paggising ko sa Milan, may isang dahilan akong ngumiti. Kasama ko si Ruth. Hindi man palaging engrande ang mga sandali, sapat na ang mga simpleng bagay—ang sabay na pag-inom ng kape tuwing umaga, ang paglalakad nang walang direksyon sa mga kalsadang kabisado na namin, ang tahimik na pag-upo sa gilid ng kanal habang pinapanood ang paglubog ng araw. Sa bawat sandali, mas nakikilala ko siya—hindi bilang Ninang, hindi bilang babaeng may sugat mula sa nakaraan—kundi bilang Ruth, ang babaeng marunong magmahal at mas lalong marunong lumaban para sa sarili. Masaya ako. Tunay. Sa Milan, natutunan naming maging normal—walang mata ng mundong nakamasid, walang bulong ng nakaraan. Dalawa lang kaming humaharap sa kasalukuyan. At sa bawat araw na lumilipas, mas tumitibay ang loob ko na piliin siya, kahit alam kong darating ang panahong kailangan naming buma

  • Bawal Na Tadhana: I'm Obsessed With My Ninang Ruth (SPG)   Chapter 23

    Chapter 23 “Bawal na tadhana, sabi nga nila,” mahina pero matatag kong sabi. “Pero ang bawal na ’yon… kaya kong suungin, maangkin ko lang ang babaeng mahal ko.” Tumingin ako sa kanya, walang pag-aalinlangan. “At ikaw ’yon, Ruth.” Bago pa siya makapagsalita, hinila ko siya palapit sa akin—hindi marahas, kundi puno ng damdaming matagal kong kinimkim—at hinalikan ko siya sa labi. Isang halik na walang paghingi ng paumanhin, tapat at buo. Akala ko itutulak niya ako. Pero sa halip, tinugon niya ang halik ko. Sa sandaling iyon, parang naglaho ang lahat ng alinlangan. Walang edad. Walang takot. Walang bawal. Tanging dalawang pusong sabay na pumipintig sa parehong ritmo. Ilang minuto ang lumipas—o marahil ilang segundo lang—nang maghiwalay ang mga labi namin. Nanatili kaming magkalapit, magkadikit ang noo, parehong humihingal, parehong nanginginig. “Ace…” pabulong niyang sambit, halos idinikit ang noo niya sa akin na parang takot na maputol ang sandali. “Hindi kita bibitawan,”

  • Bawal Na Tadhana: I'm Obsessed With My Ninang Ruth (SPG)   Chapter 22

    Chapter 22 Huminto ako sa paglalakad. Tumigil din siya, nagtataka, saka humarap sa akin. “Ruth, may sasabihin ako sa’yo,” seryoso kong sabi. Hindi ko na kayang itago ang bigat sa dibdib ko. Nakita ko ang pagbabago sa mga mata niya—nag-ingat, pero hindi umatras. “Ano ’yon?” mahinahon niyang tanong. Huminga ako nang malalim. Isang beses. Dalawa. Para ayusin ang sarili ko. “Hindi ako nagsasalita bilang inaanak mo,” diretsahan kong sabi. “Hindi bilang batang inalagaan mo, o taong may obligasyong magbantay.” Tumingin ako sa kanya, buong tapang. “Nagsasalita ako bilang isang lalaki… na umibig.” Tahimik ang paligid, parang sinadyang pigilin ng mundo ang ingay. Naririnig ko ang sariling tibok ng puso ko. “Hindi ko pinlano,” dugtong ko. “Hindi ko ginusto na mangyari. Pero dumating siya—ang damdaming ito—habang pinagmamasdan kitang bumabangon, habang nakikita kitang pinipiling maging matatag kahit sugatan.” Nilunok ko ang kaba. “Minahal kita, Ruth. Hindi dahil sa kung sino ka sa buhay

  • Bawal Na Tadhana: I'm Obsessed With My Ninang Ruth (SPG)   Chapter 21

    Chapter 21 Pumikit din ako. Sumabay ang hininga ko sa kanya, tahimik, halos nagtatago sa ingay ng paligid. Sa gitna ng mga yabag at bulungan ng mga tao, malinaw ang isang hiling sa isip ko—walang paligoy, walang pagtatanggol. Na sana… maging kami. Hindi bilang Ninang at pamangkin. Hindi bilang bantay at binabantayan. Kundi bilang dalawang taong piniling magmahal—malaya, totoo, at handang harapin ang mundo. Saglit akong nanatiling nakapikit, parang umaasang mararamdaman ko ang sagot ng tadhana sa pagitan ng tibok ng puso ko. Pagmulat ko ng mata, nakita ko siyang nakangiti—banayad, payapa, parang may nabawas na bigat sa dibdib niya. “Tapos na,” sabi niya, halos pabulong. “Anong hiniling mo?” tanong ko, kahit alam kong hindi dapat itanong. Ngumiti siya at umiling. “Secret.” Tumango ako. “Mas mabuti nga siguro.” Nagpatuloy kami sa paglalakad, magkatabi, walang humahawak—pero ramdam ko ang distansyang unti-unting lumiit. Hindi ko alam kung tutuparin ng lugar na iyon ang hiling

  • Bawal Na Tadhana: I'm Obsessed With My Ninang Ruth (SPG)   Chapter 20

    Chapter 20 Napatingin siya sa kanyang relo saka marahang huminga. “I have to go, Ice. May pupuntahan pa ako,” ani niya, may bahid ng pagmamadali sa boses. Hindi ako nag-atubili. “If it’s okay, I’ll go with you, Ninang.” Napatingin siya sa akin, bahagyang nagulat. “Huh, are you sure?” Tumango ako. “Yeah. Saan ba gusto mong pumunta, Ninang?” Sandali ko siyang tinitigan—hindi bilang pamangkin, hindi bilang tagapagbantay—kundi bilang isang lalaking gustong manatiling malapit. “Ahm… if it’s okay lang sa’yo,” dugtong ko, mas mahinahon, “habang andito tayo sa Milan, pwede ba kitang tawagin sa pangalan mo na Ruth?” Parang huminto ang oras. Kitang-kita ko ang pag-aalinlangan sa mukha niya—ang mabilis na pagkurap, ang bahagyang pagkagat sa labi. Para bang may pader na unti-unting gumuguho sa pagitan naming dalawa. “Ace…” mahinang sambit niya, bago tuluyang huminga nang malalim. “Sige. Ruth.” Isang simpleng salita lang iyon. Isang pahintulot. Pero para sa akin, para bang may bi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status