LOGINChapter 5
“What happened, Ninang? Bakit ka lasing na ganun kagabi?” tanong ko, pilit na kalmado habang inaabot ko sa kanya ang isang plato ng itlog at bacon. Napatingin siya sa akin, saglit na tahimik, bago mapabuntong-hininga. “Hindi ko nga alam, Ace,” mahina niyang sagot. “Siguro napuno lang ako. Akala ko… akala ko siya na talaga.” Lumunok ako, pinipigilan ang sarili kong mag-react. Ayokong ipakita kung gaano kasakit marinig ‘yon— na umiiyak siya para sa lalaking hindi marunong magpahalaga, habang ako… nandito lang. “Tapos…” nagpatuloy siya, pinaglalaruan ang tinidor. “Nahuli ko silang magkasama ng best friend ko. Alam mo ‘yung feeling na parang giniba ‘yung buong mundo mo sa isang iglap?” Tumango ako, marahan. “Masakit ‘yan, Ninang. Pero siguro… hindi siya para sa’yo.” Ngumiti siya nang mapait. “Lahat naman ng iniisip kong para sa’kin, umaalis, Ace.” Sandali siyang natahimik, saka lumingon sa akin. “Pero alam mo, may isang gabi na parang kahit papano… nakaramdam ako ng ginhawa.” Kinabahan ako. “Ginhawa?” ulit ko, pilit na casual. “Oo,” sagot niya habang nakangiti nang marahan. “Kagabi. Hindi ko alam kung panaginip lang o totoo. Pero may lalaking tinawag kong Fire. Wala akong maalala sa mukha niya… pero ramdam kong ligtas ako sa kanya.” Parang may malamig na dumaloy sa dibdib ko. Ngumiti ako, kahit pilit. “Siguro, Ninang… angel mo ‘yun.” Tumawa siya nang mahina. “Angel, huh? Sana nga. Kasi kung totoo man siya… gusto ko siyang makita ulit.” Napayuko ako, tinago ang ngiti at sakit sa iisang titig. Kung alam lang niya— na ang hinahanap niyang Fire… ay ako lang din. “Hmm… thank you sa breakfast, Ace.” Ngumiti siya nang bahagya habang inaayos ang buhok niya sa likod ng tainga. “I think I have to go now. Gusto kong maging pormal ang paghihiwalay naming dalawa ng taksil kong live-in.” Napatingin ako sa kanya. Sa ngiti niya, may tapang — pero ramdam ko pa rin ang pighating pilit niyang tinatago. “Samahan na kita, Ninang,” mabilis kong sabi. “Para may back-up ka, just in case.” Napatingin siya sa akin, bahagyang nagulat. “Ha? Huwag na, Ace. Ayokong madamay ka sa gulo ko.” Umiling ako. “Hindi ako mapapanatag kung pupunta kang mag-isa. Kung ayaw mong may makakita sa atin, ako na lang magda-drive, tapos maghihintay ako sa labas. Ayos lang ‘yon.” Saglit siyang natahimik, tinitigan ako ng matagal, bago siya napangiti ng bahagya. “Hindi ka talaga nagbabago, Ace. Palaging protective.” “Baka naman kasi kailangan mo lang ng taong hindi aalis kapag kailangan mo,” tugon ko, halos pabulong. Sandali kaming nagkatitigan. Sa loob ng ilang segundo, parang tumigil ang oras. Nandoon ‘yung koneksyon na matagal ko nang nararamdaman—pero ngayon lang niya marahil napansin. Tumikhim siya, pilit na binasag ang katahimikan. “Sige na nga. Pero huwag ka nang bababa, ha?” Ngumiti ako. “Promise, Ninang.” At habang tinitingnan ko siyang nagbibihis para sa paghaharap sa lalaking nanloko sa kanya, alam kong hindi lang basta “back-up” ang papel ko. Ako na ang lalaking handang protektahan siya… kahit ang kalaban ko ay sarili kong damdamin. Mabilis akong nagbihis upang makaalis na kami. Ramdam ko ang bigat ng bawat segundo habang pinagmamasdan si Ninang Ruth na tahimik lang, nakatingin sa labas ng bintana. Handa na siyang wakasan ang lahat. Ang relasyong minsan niyang ipinaglaban laban sa mundo—ngayon ay siya na mismo ang tatapos. Pagkalabas namin ng condo, wala kaming imikan. Tahimik ang biyahe, tanging tunog ng makina at mahinang ihip ng hangin mula sa aircon ang maririnig. Paminsan-minsan ay tinitingnan ko siya sa salamin. Namumugto pa rin ang mga mata niya, ngunit bakas ang determinasyon sa mukha niya. “Ninang…” mahina kong sambit habang naka-focus sa daan. “Sigurado ka ba dito? Alam mong mahirap ang mga ganitong paghaharap.” Tumikhim siya, saka ngumiti ng mapait. “Mas mahirap naman ang mabuhay sa kasinungalingan, Ace. Ilang gabi na akong umiiyak, paulit-ulit na tinatanong ang sarili ko kung saan ako nagkulang. Pero siguro, ito na talaga ang wakas.” Hindi ko na alam ang dapat kong isagot. Gusto kong yakapin siya, gusto kong tanggalin ang sakit na iyon sa puso niya — pero hindi ko magawa. Dahil sa tuwing nakikita ko siya, paulit-ulit kong pinaaalalahanan ang sarili ko… na bawal ko siyang mahalin. Pagdating namin sa tapat ng bahay nila, huminga siya nang malalim. “Dito na lang ako, Ace,” aniya. “Hintayin mo lang ako dito, mabilis lang ito.” Ngunit bago pa siya bumaba, hinawakan ko ang kamay niya. Mainit pa rin. Nanginginig. “Kung may mangyari, tawagan mo agad ako, Ninang. Please.” Ngumiti siya ng bahagya, ngunit bakas sa mga mata ang takot. “Salamat, Ace. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung wala ka.” At sa sandaling iyon, habang pinagmamasdan ko siyang papalapit sa pintuan ng tahanang minsan niyang tinawag na “bahay,” alam kong may magbabago sa pagitan naming dalawa. Hindi ko alam kung paano o kailan, pero sa araw na ito…bmagsisimula ang isang bawal na tadhana. Pero agad din akong lumabas ng sasakyan nang marinig ko ang sigawan mula sa loob ng bahay. Malakas. Punô ng galit. Punô ng sakit. Mabilis akong pumasok sa gate, halos hindi na inalintana ang mga tanong ng guard na pumipigil sa akin. At pagdating ko sa pinto—doon ko siya nakita. Si Ninang Ruth. Nakatayo sa gitna ng sala, luhaan, habang nakatutok sa kanya ang lalaki—ang dating kinagigiliwan niya—at ang babae na n*******d pa ng bahagya, pilit nagtatakip ng kumot. “Walang-hiya ka, Marco!” sigaw ni Ninang, halos pumutok ang ugat sa leeg niya. “Ibinigay ko sa’yo lahat! Pati dangal ko, ipinaglaban kita sa lahat ng tao—at ito ang isusukli mo sa akin?” Tumawa lang ang lalaki, malamig at walang bahid ng pagsisisi. “Ruth, tigilan mo na ‘yan. Tayo na mismo ang mali. Ayoko na sa dramang ‘yan, umalis ka na lang.” “Umalis? Sa bahay na pinagpaguran ko? Sa tahanang pinundar ko?” nanginginig ang boses ni Ruth habang unti-unting humahakbang palapit. “Hindi ako ang nawalan, Marco… ikaw!” At sa sobrang galit ni Ruth, bigla siyang nadulas at muntik nang bumagsak—kaya agad akong tumakbo papasok, hinawakan siya bago pa siya matumba. “Ace?” gulat niyang tawag, nang makita niya ako. Ngayon ko lang napagtanto—hindi ko na kayang manahimik. Tumingin ako kay Marco, diretso sa mga mata. “Hindi mo dapat sinasaktan si Ninang,” malamig kong sabi. “Walang karapatan ang tulad mong traydor na lalaki sa isang babaeng kagaya niya.” Umiling si Marco at ngumisi. “At sino ka para makialam?” “Ang taong hindi makakayang panoorin siyang masaktan muli,” mariin kong sagot. Tahimik si Ruth, pero naramdaman kong lumapit siya sa likod ko—parang nahanap niya ulit ang sandalan sa gitna ng gulo. At doon ko lang na realize… na sa sandaling ito, handa akong maging kasalanan ng aking Ninang Ruth.Chapter 25 Ruth POV Hindi ko alam kung kailan nagsimulang bumigat ang dibdib ko—kung noong narinig ko ang boses ng mga magulang niya sa telepono, o kung noong binanggit ang salitang pagkakanulo kahit hindi iyon direktang sinabi. Basta ang alam ko, may kirot na hindi nawawala. Tahimik akong nakaupo sa gilid ng kama habang hawak niya ang cellphone, habang sinasalubong niya ang galit na ako ang ugat. Hindi ko kailangang marinig ang buong usapan para maintindihan ang bigat ng sitwasyon. Kilala ko ang mga magulang niya. Alam ko kung gaano nila ako pinagkakatiwalaan. Itinuring nila akong pamilya. At sinira ko iyon. Ako ang mas matanda. Ako ang dapat umiwas. Ako ang dapat unang tumigil. Nang ibaba niya ang tawag, nakita ko ang pilit niyang tatag—pero kilala ko na siya. Sa likod ng matapang na anyo niya, may batang nasasaktan dahil sa pagitan ng pagmamahal at pamilya. Lumalapit siya sa akin, pero umatras ang loob ko. “Ace…” mahina kong sabi, puno ng bigat. “Kasalanan ko ’to.” Napa
Chapter 24 Lumipas ang dalawang buwan—dalawang buwang halos hindi ko namalayan ang pagdaan ng oras. Araw-araw kaming magkasama, at sa bawat paggising ko sa Milan, may isang dahilan akong ngumiti. Kasama ko si Ruth. Hindi man palaging engrande ang mga sandali, sapat na ang mga simpleng bagay—ang sabay na pag-inom ng kape tuwing umaga, ang paglalakad nang walang direksyon sa mga kalsadang kabisado na namin, ang tahimik na pag-upo sa gilid ng kanal habang pinapanood ang paglubog ng araw. Sa bawat sandali, mas nakikilala ko siya—hindi bilang Ninang, hindi bilang babaeng may sugat mula sa nakaraan—kundi bilang Ruth, ang babaeng marunong magmahal at mas lalong marunong lumaban para sa sarili. Masaya ako. Tunay. Sa Milan, natutunan naming maging normal—walang mata ng mundong nakamasid, walang bulong ng nakaraan. Dalawa lang kaming humaharap sa kasalukuyan. At sa bawat araw na lumilipas, mas tumitibay ang loob ko na piliin siya, kahit alam kong darating ang panahong kailangan naming buma
Chapter 23 “Bawal na tadhana, sabi nga nila,” mahina pero matatag kong sabi. “Pero ang bawal na ’yon… kaya kong suungin, maangkin ko lang ang babaeng mahal ko.” Tumingin ako sa kanya, walang pag-aalinlangan. “At ikaw ’yon, Ruth.” Bago pa siya makapagsalita, hinila ko siya palapit sa akin—hindi marahas, kundi puno ng damdaming matagal kong kinimkim—at hinalikan ko siya sa labi. Isang halik na walang paghingi ng paumanhin, tapat at buo. Akala ko itutulak niya ako. Pero sa halip, tinugon niya ang halik ko. Sa sandaling iyon, parang naglaho ang lahat ng alinlangan. Walang edad. Walang takot. Walang bawal. Tanging dalawang pusong sabay na pumipintig sa parehong ritmo. Ilang minuto ang lumipas—o marahil ilang segundo lang—nang maghiwalay ang mga labi namin. Nanatili kaming magkalapit, magkadikit ang noo, parehong humihingal, parehong nanginginig. “Ace…” pabulong niyang sambit, halos idinikit ang noo niya sa akin na parang takot na maputol ang sandali. “Hindi kita bibitawan,”
Chapter 22 Huminto ako sa paglalakad. Tumigil din siya, nagtataka, saka humarap sa akin. “Ruth, may sasabihin ako sa’yo,” seryoso kong sabi. Hindi ko na kayang itago ang bigat sa dibdib ko. Nakita ko ang pagbabago sa mga mata niya—nag-ingat, pero hindi umatras. “Ano ’yon?” mahinahon niyang tanong. Huminga ako nang malalim. Isang beses. Dalawa. Para ayusin ang sarili ko. “Hindi ako nagsasalita bilang inaanak mo,” diretsahan kong sabi. “Hindi bilang batang inalagaan mo, o taong may obligasyong magbantay.” Tumingin ako sa kanya, buong tapang. “Nagsasalita ako bilang isang lalaki… na umibig.” Tahimik ang paligid, parang sinadyang pigilin ng mundo ang ingay. Naririnig ko ang sariling tibok ng puso ko. “Hindi ko pinlano,” dugtong ko. “Hindi ko ginusto na mangyari. Pero dumating siya—ang damdaming ito—habang pinagmamasdan kitang bumabangon, habang nakikita kitang pinipiling maging matatag kahit sugatan.” Nilunok ko ang kaba. “Minahal kita, Ruth. Hindi dahil sa kung sino ka sa buhay
Chapter 21 Pumikit din ako. Sumabay ang hininga ko sa kanya, tahimik, halos nagtatago sa ingay ng paligid. Sa gitna ng mga yabag at bulungan ng mga tao, malinaw ang isang hiling sa isip ko—walang paligoy, walang pagtatanggol. Na sana… maging kami. Hindi bilang Ninang at pamangkin. Hindi bilang bantay at binabantayan. Kundi bilang dalawang taong piniling magmahal—malaya, totoo, at handang harapin ang mundo. Saglit akong nanatiling nakapikit, parang umaasang mararamdaman ko ang sagot ng tadhana sa pagitan ng tibok ng puso ko. Pagmulat ko ng mata, nakita ko siyang nakangiti—banayad, payapa, parang may nabawas na bigat sa dibdib niya. “Tapos na,” sabi niya, halos pabulong. “Anong hiniling mo?” tanong ko, kahit alam kong hindi dapat itanong. Ngumiti siya at umiling. “Secret.” Tumango ako. “Mas mabuti nga siguro.” Nagpatuloy kami sa paglalakad, magkatabi, walang humahawak—pero ramdam ko ang distansyang unti-unting lumiit. Hindi ko alam kung tutuparin ng lugar na iyon ang hiling
Chapter 20 Napatingin siya sa kanyang relo saka marahang huminga. “I have to go, Ice. May pupuntahan pa ako,” ani niya, may bahid ng pagmamadali sa boses. Hindi ako nag-atubili. “If it’s okay, I’ll go with you, Ninang.” Napatingin siya sa akin, bahagyang nagulat. “Huh, are you sure?” Tumango ako. “Yeah. Saan ba gusto mong pumunta, Ninang?” Sandali ko siyang tinitigan—hindi bilang pamangkin, hindi bilang tagapagbantay—kundi bilang isang lalaking gustong manatiling malapit. “Ahm… if it’s okay lang sa’yo,” dugtong ko, mas mahinahon, “habang andito tayo sa Milan, pwede ba kitang tawagin sa pangalan mo na Ruth?” Parang huminto ang oras. Kitang-kita ko ang pag-aalinlangan sa mukha niya—ang mabilis na pagkurap, ang bahagyang pagkagat sa labi. Para bang may pader na unti-unting gumuguho sa pagitan naming dalawa. “Ace…” mahinang sambit niya, bago tuluyang huminga nang malalim. “Sige. Ruth.” Isang simpleng salita lang iyon. Isang pahintulot. Pero para sa akin, para bang may bi







