เข้าสู่ระบบChapter 4
Hindi ko na kaya. Ang bawat hikbi ni Ruth ay parang mga suntok sa dibdib ko. Wala nang halaga ang mga bawal, wala nang pakialam ang puso ko kung mali. Ang alam ko lang, kailangan niya ng yakap—hindi ng panghuhusga. Dahan-dahan akong lumapit. “Ruth…” mahinahon kong tawag, ngunit hindi siya sumagot. Patuloy lang siya sa pag-iyak, hawak ang sarili niyang dibdib na parang sinusubukang pigilan ang sakit. Kaya’t walang pag-aalinlangan, inilapit ko ang sarili ko at marahan siyang niyakap mula sa likod. Sa una, nanigas siya. Pero nang maramdaman niyang wala akong balak gawin kundi yakapin siya, unti-unti siyang bumigay. Dama ko ang panginginig ng katawan niya habang unti-unti siyang humihinga sa dibdib ko. “Shh… tama na,” bulong ko. “Hindi mo kailangang ipilit ang sarili mo sa mga taong hindi marunong lumingon.” Naramdaman ko ang paglapit ng ulo niya sa balikat ko. Mainit ang hininga niya, halatang pagod at lasing. Ngunit sa gitna ng lahat ng iyon, ramdam ko rin ang tibok ng puso niya—magkasabay sa tibok ng puso ko. Sandali lang sana iyon. Isang yakap para sa ginhawa. Pero bakit parang ayaw ko nang bitiwan? “Fire…” mahina niyang bulong, halos pabulong sa hangin. “Salamat.” At sa sandaling iyon, alam kong kahit anong pilit kong pigilan, may pader nang nabasag sa pagitan naming dalawa. At doon nagsimula ang kasalanan na tatawagin kong pag-ibig. “Halikana… matulog ka na,” mahina kong sabi habang marahan kong hinihila siya palapit sa kama. Wala na akong ibang nais kundi ang patahanin siya. Ayokong makita si Ruth na ganito — wasak, lasing, at umiiyak sa sakit na hindi niya deserve maramdaman. Dahan-dahan siyang sumunod, parang batang pagod na pagod sa mundo. Hinayaan niyang ihiga ko siya, at nang mailatag ko na ang kumot sa ibabaw niya, marahan siyang pumikit. “Fire…” tawag niya muli, halos pabulong. “Salamat ha… kahit sandali lang, hindi ako nag-iisa.” Ngumiti ako, kahit alam kong sa likod ng ngiting iyon, may bigat na hindi ko kayang itago. Hinaplos ko ang kanyang buhok, at sa bawat paghinga niya, parang unti-unti ring lumulubog ang sarili kong mga paninindigan. Kung alam lang niya kung sino talaga ako… baka hindi niya ako kailanman papatuluyin sa tabi niya. Pero sa gabing ito, hindi si Ace Pattern ang nariyan— kundi si Fire, ang lalaking handang yakapin siya kahit sa dilim lang ng lihim na ito. Habang inaalalayan ko ito ay Bigla itong nagsalita. “Alam mo ba…” Medyo garalgal na sabi ni Ruth habang nakapikit pa rin, lasing na lasing. “Alam mo ba na kaamoy mo ang inanak ko?” Natigilan ako. Parang huminto ang hangin sa loob ng silid. “Kaamoy ko?” pilit kong ngiti, pero sa loob ko, ramdam ko ang kabog ng dibdib ko. Tumawa siya, mahina, parang batang walang malay. “Hmm… oo,” aniya habang pinipikit ang mga mata. “Ang bango-bango mo. Alam mo ba… super handsome ng inanak ko? Lahat ng babae, gustong-gusto siya.” Hindi ko alam kung matatawa o maiiyak ako. Narinig kong may halong lambing sa tono niya, pero hindi niya alam —ang lalaking tinutukoy niya, ang sinasabing “super handsome” na inanak niya… ay ako rin. Napayuko ako at marahang ngumiti, pilit itinatago ang pighati. “Talaga?” mahinahon kong tugon. “Mukhang swerte ‘yung inanak mo.” “Yeah…” halos pabulong niyang sagot. “Kung hindi lang bawal… siguro… siya na lang ang mamahalin ko.” At doon, parang biglang may humawak sa puso ko at pinisil ito ng mahigpit. Hindi ko alam kung swerte o sumpa ang nararamdaman ko. Pero isa lang ang sigurado— sa gabing ito, lalo kong napatunayan kung gaano na ako kalalim sa bawal na pag-ibig na ito. “Magmahal man ako muli…” bulong ni Ruth habang nakatingala sa kisame, “…sana tulad ni Ace. ‘Yung mapagmahal, ‘yung marunong pahalagahan.” Napangiti ako nang mapait. Kung alam lang niya… ako rin si Ace na ‘yon. Sandali siyang natahimik, tapos mahina siyang humagikhik. “Pero siguro…” sabi niya habang pinipikit ang mga mata, “…isang bawal na tadhana ang magaganap.” At doon, parang biglang tumigil ang mundo. Bawal. Oo, alam kong bawal. Pero bakit sa bawat salitang binibitawan niya, lalo akong nahuhulog sa kasalanang ito? Tinitigan ko siya habang unti-unti siyang natutulog, ang mga luha niya ay pinapalitan ng mahinang ngiti. At sa katahimikan ng silid, isa lang ang malinaw sa isip ko. Ang bawal naming tadhana ay nagsimula na. Kinaumagahan. Mula sa kusina, naririnig ko ang mahina niyang paghinga mula sa kwarto. Tahimik ang buong condo — tanging amoy ng niluluto kong bacon at kape ang gumigising sa paligid. Habang hinahalo ko ang itlog sa kawali, paulit-ulit akong napapabuntong-hininga. Hindi ko alam kung tama bang nandito pa ako. Hindi ko rin alam kung paano ko ipapaliwanag kung bakit ako ang makikita niya sa halip na si Fire. “Sabihin ko na lang…” bulong ko sa sarili, “…na may tumawag at kinuha ko siya habang tulog pa sa condo ni Fire. Dahil lasing siya kagabi, dinala ko siya rito — sa sarili kong condo. Para ligtas.” Pinilit kong ngumiti, pero ang katotohanan, hindi ko rin alam kung nililigtas ko siya… o ang sarili ko. Habang nakatingin ako sa kumukulong kape, bumalik sa isip ko ang mga sinabi niya kagabi. “Magmahal man ako muli, sana tulad ni Ace…” “Isang bawal na tadhana ang magaganap…” Napapikit ako. Kung alam lang niya kung gaano siya tama. “Hmm…” Narinig kong umungol siya, marahang nag-inat sa kama. Agad akong natigilan, hawak pa rin ang tasa ng kape, habang pinagmamasdan ang pintuan ng kwarto. Ilang segundo pa, unti-unti siyang lumabas — naka-t-shirt lang at halatang kagigising. Magulo pa ang buhok, pero sa mga mata niya, nandoon pa rin ang bakas ng pagod at kalasingan kagabi. “Good morning,” mahina kong bati, pilit na kalmado kahit ang puso ko’y kumakabog. Napakurap siya nang makita ako. Parang hindi siya makapaniwala. “A–Ace?” gulat niyang sabi, sabay hawak sa ulo. “Anong ginagawa mo dito? Nasaan si Fire?” Ngumiti ako, pilit na hindi nagpahalata ng kaba. “Ah… kagabi, may tumawag sa condo niya. Emergency daw, kailangan niyang umalis saglit. Tulog ka pa noon, kaya ako na ang naghatid sa’yo rito. Mas okay na rito, safe ka.” Tahimik lang siyang nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung naniniwala siya o sinusuri ako. Hanggang sa napayuko siya at mahina ang tinig na nagsabing, “Salamat, Ace…” Umupo siya sa mesa, kinuha ang kape at humigop. Habang nakatingin ako sa kanya, hindi ko maiwasang maalala ang mga salitang binitawan niya kagabi— ang mga luhang tumulo, ang yakap, at ang tinig niyang nagsabing ‘kung hindi lang bawal…’ “May problema ba?” tanong niya nang mapansin niya akong nakatitig. Agad akong ngumiti, umiling. “Wala, Ninang. Mabuti na lang at okay ka na.” Ngumiti rin siya, pero sa ngiting iyon, may halong lungkot. At sa loob ko, alam kong nagsisimula nang mabago ang lahat. Ang dati kong pagtingin na dapat ay respeto… unti-unti nang nagiging kasalanan.Chapter 12“Bitoy, nakuha mo ba ang pina-utos ko?” malamig kong tanong habang nakatingin ako sa hotel kung saan pansamantalang tumutuloy si Ninang Ruth.“‘Yung duplicate key sa silid niya—dala mo na ba?”“Boss, oo. Pero siguraduhin mo lang, walang makakaalam nito, ha? Baka kung may makakita—”“Don’t worry,” putol ko agad. “Hindi ako gagawa ng kahit anong ikakasira niya. Gusto ko lang masigurong ligtas siya.”Tumango si Bitoy, sabay abot ng maliit na keycard.“Room 506. Pero boss, bakit hindi mo na lang siya kausapin nang direkta? Mas madali pa sana.”Napabuntong-hininga ako, pinisil ang keycard sa aking kamay.“Hindi pa panahon, Bitoy. Hindi ko siya pwedeng pilitin. Kailangan kong respetuhin ‘yung espasyo niya.”Tumingin ako sa itaas, sa bintanang may bukas na kurtina — silid niya.“Pero gusto kong malaman kung maayos siya… kung kumakain, kung natutulog. Gusto kong makita ‘yung ngiti niyang ‘di dahil sa sakit.”Tahimik si Bitoy, halatang nagdadalawang-isip.“Okay, boss. Pero mag-iinga
Chapter 11Ace POVPaglapag ng eroplano sa Milan, halos hindi ako mapakali.Hindi ko man alam ang eksaktong lugar kung nasaan si Ninang Ruth, pero isa lang ang sigurado — hindi ako titigil hangga’t hindi ko siya nakikita.Paglabas ko ng airport, sinalubong ako ng malamig na hangin at amoy ng kape mula sa mga kalapit na café.Kinuha ko agad ang phone ko at tinawagan si Bitoy, na may mga koneksyon din dito.“Boss, may nakuha akong lead,” ani ni Bitoy sa kabilang linya.“Si Miss Ruth daw, nakita sa isang sikat na salon — ‘yung Bella Vita Salon sa Via del Corso. Parang nagpa-makeover siya doon.”Napangiti ako.“Makeover, huh? Typical ni Ninang… kapag nasasaktan, gusto laging bumangon nang mas maganda.”Agad akong sumakay ng taxi at nagpa-diretso sa address.Habang nasa biyahe, paulit-ulit kong iniisip kung anong sasabihin ko kapag nakita ko siya.Magagalit kaya siya? O baka… ngumiti lang, tulad ng dati?Pagdating ko sa Bella Vita Salon, napatingin ako sa loob mula sa salamin.At doon ko s
Chapter 10Pagkalabas ko ng hotel, napagpasyahan kong magpahinga muna mula sa lahat ng bigat ng nakaraan. Hindi ko hahayaang makita ako ni Ace na ganito — wasak, luhaan, at walang direksyon. Kailangan kong ayusin ang sarili ko… sa labas at sa loob.Kaya dumiretso ako sa isang sikat na parlor dito sa Milan — “Bella Vita Salon & Spa.”Isang lugar na kilala hindi lang sa galing ng mga stylist, kundi sa kung paano nila pinaparamdam sa mga babae na muli silang maganda, muli silang buo.Pagpasok ko sa loob, sinalubong ako ng bango ng mga imported na pabango at ang malamig na simoy ng aircon na may halong jazz music. Mga babaeng nakangiti, mga hairstylist na parang mga modelo sa galing mag-ayos.“Buongiorno, Signora! Welcome to Bella Vita Salon. How may we help you today?” bati ng receptionist na may makislap na ngiti.Ngumiti ako ng bahagya. “I… I want a change. Something new. I want to look like I'm new... even though it still hurts inside."Nang marinig niya iyon, saglit siyang natahimik,
Chapter 9Ruth POVPaglapag ng eroplano sa Milan, ramdam ko agad ang malamig na simoy ng hangin na tila ba bumubulong ng bagong simula.Huminga ako nang malalim habang nakatanaw sa malawak na ulap sa labas ng bintana. Ito na ‘yon, Ruth… bagong yugto, bagong ako.Pagkababa ko, tumunog agad ang cellphone ko—mga mensahe mula sa mga kaibigan, sa mga kliyente, pero wala ni isang mula kay Ace.Napangiti ako ng mapait. Siguro ito na talaga ang dapat. Kailangan kong lumayo bago pa ako tuluyang lamunin ng bawal na damdamin.Habang naglalakad ako palabas ng airport, ramdam ko pa rin ang bigat ng lahat—ang sakit ng pagtataksil, at ang init ng mga titig ni Ace na pilit kong kinakalimutan.Pero sa bawat hakbang ko sa malamig na lupa ng Milan, mas pinipili kong maging matatag.Pagdating ko sa hotel, agad kong binuksan ang kurtina at sinalubong ako ng liwanag ng lungsod—makukulay, buhay, at puno ng posibilidad.Doon ko naisip… baka ito na talaga ang pagkakataon para buuin muli ang sarili ko.No more
Chapter 8Ace POVHabang abala ako sa pagpirma ng mga kontrata sa opisina, biglang tumunog ang cellphone ko.Nakita ko sa screen ang pangalan ni Bitoy — ang taong inutusan kong bantayan si Ninang Ruth, para siguraduhing ayos lang siya matapos ang nangyari.“Hello?” mabilis kong sagot.“Boss Ace,” sabi ni Bitoy, medyo hinihingal. “Nagpa-book ng flight si Miss Ruth papuntang Milan. One hour from now ang alis niya.”Napahinto ako. Parang biglang humigpit ang dibdib ko.“M-Milan?” ulit ko, halos hindi makapaniwala.“Oo, boss. Paalis na siya. Nasa airport na raw ngayon.”“Okay, thank you!”Agad kong pinutol ang tawag, saka mabilis na hinablot ang telepono ng intercom.“Jack!” halos pasigaw kong tawag sa assistant ko.“Book me a ticket to Milan — the soonest flight possible! I don’t care kung business o private. Kailangan ko makaalis ngayon din!”“Pero, Sir, may board meeting kayo mamaya alas dos—”“Cancel everything!” madiin kong putol.“I don’t care about the meeting, Jack. Just… book the
Chapter 7“I need to move on… kailangan kong baguhin ang sarili ko.”Mahina kong bulong habang nakatingin sa repleksyon ko sa salamin. “Siguro… kailangan kong magpahinga. Lumayo muna. Makahinga.”Hinaplos ko ang ilalim ng mga mata kong namumugto pa sa pag-iyak.Halos isang linggo na mula nang mahuli ko si Marco — at hanggang ngayon, ramdam ko pa rin ang sugat.Pero mas masakit pa rin ‘yung katotohanang kahit anong pilit kong itago, si Ace pa rin ang naiisip ko.Isang batang lalaki noon na inaanak ko lang. Ngayon, isang lalaking may tindig, may tapang, at may mga matang kay hirap iwasan.Napahawak ako sa dibdib ko, pilit pinipigilan ang kirot.“Hindi tama ‘to, Ruth. Hindi mo siya dapat maramdaman nang ganito.”Ilang sandali pa, marahan kong binuksan ang luggage na nasa kama. Isa-isang tinupi ang mga damit, inilagay sa loob ng maleta,habang kasabay nito ang tahimik kong pagluha.“Magbabakasyon ako. Sa malayo.”Bulong ko sa sarili habang isinasara ang zipper ng bag.“Siguro kapag malayo







