Share

XXXIII. A Friend's Request

Pinilit ng batang si Marsden na huwag isipin ang sitwasyon nila ng kanyang mama.  Huli niya itong nakita kahapon bago siya nagkulong sa Music Room.  Natulog siyang nagtatampo dito.  Mahal niya ang kanyang mama ngunit nasasaktan siya sa trato nito sa kanya nitong nagdaang mga buwan.  Mainit ang ulo nito. Mas nagiging madalas ang business trips kaya naman hindi na niya ito masyadong nakikita.

Minsan nahihiling niya na sana mahirap na lang sila.  Nakatira sa isang maliit na bahay at simple lang ang pamumuhay.

Nanaginip siya na dinalaw siya ng kanyang mama sa kanyang kwarto, hinimas ang kanyang noo at hinalikan ang kanyang kamay habang ito ay umiiyak.

Kinaumagahan ay maaga itong umalis at hindi na sila nagkita pa.  Gusto niyang magsorry dito sa inakto.  Gusto niya itong makausap bago ito umalis ngunit hindi na siya kailanman nabigyan pa ng pagkakataon dahil pagkatapos ng tatlong araw, dumating ang

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status