“Why do you look so uneasy? Is my presence making you uncomfortable?” tanong ni Primo.
Nasa isang sikat na steakhouse na kami at kasalukuyang kumakain ng tanghalian. Nagulat naman ako dahil sa tanong niya. I mean, yes, I’m kind of uncomfortable to have him here with us. Pero wala naman akong balak na sabihin iyon kasi hindi ko gusto na ma-offend siya. Was I too easy to read for him to ask that? Was I too obvious? I don’t know. “Uhm, no. I just feel tired,” pagsisinungaling ko. “You should rest more. Success won’t be fulfilling if your health is on the line,” aniya. Saglit akong natahimik dahil sa sinabi niya. May punto naman siya. But in my case? I cannot say that I am already successful. Si Dad ang successful. Sa kanya ang kompanya at nagtatrabaho lang ako sa kanya. I have always lived my whole life under his shadows, afraid to go out of my comfort zone, afraid to try something new. Natatakot kasi ako na baka sa isang maling desisyon ay magalit siya sa akin at ma-disappoint. Yeah, this is my life. Ang akala ng iba ay perpekto. Pero hindi. Wala naman kasing perpekto sa mundo. Kaya na rin siguro bilib ako sa kakambal ko na si Alison. Kasi siya ay may lakas na loob na gawin ang gusto niya. Hindi siya natatakot sa sasabihin ni Dad, hindi gaya ko. Simula noon kapag pinagkukumpara kami ng ibang mga tao ay ako lagi ang magaling at malakas, pero hindi ako naniniwala ro’n. Mas malakas si Alison kasi ang dami niyang kayang gawin na hindi ko magawa. The only thing that I can do is to please our parents and not to disappoint them. “I’m not yet successful. Wala pa akong napapatunayan sa buhay ko. Kay Dad ang company, hindi sa akin,” walang ganang sagot ko. “But you worked too hard to help him, and that is something to be proud of. Kung ako ang boyfriend mo, magiging proud ako sa ’yo. Pero kung ako rin ang boyfriend mo, hindi ko hahayaan na mapagod ka ng sobra sa trabaho. You should have enough time for yourself,” aniya at nagkibit pa ng balikat. Bahagya kong naramdaman ang pamumula ng magkabilang pisngi ko dahil sa narinig. Si Lyn naman ay napahagikgik na akala mo ay kinikilig. “Well, it’s a good thing that you’re not my boyfriend. Because I don’t let men decide for me. I do what I want to do,” wika ko. What I said was half-truth and half lie. Kasi totoo naman na hindi ko hinahayaan na magdesisyon ang ibang lalaki para sa akin, maliban kay Dad… “It might not be a good thing now but, we can never tell. I mean, we never know what’s going to happen in the future,” may halong kalandian na sagot niya at ngumisi pa. Mahina ulit na napahagikgik si Lyn dahil sa narinig. Ako naman ay naubo. “Malandi ka ba talaga?” maanghang na tanong ko at nagtaas pa ng isang kilay, mahina naman siyang natawa dahil doon. “Just to people I like,” aniya at nagkibit pa ng balikat. “Well, hindi ko alam kung ilan ang ‘people’ na iyon, at wala akong pake. But if by any chance I’m included to your long list of girls to flirt with, then please, take my name off because I am not a bit interested to be honest. Real talk lang.” “Well, let’s see how long my list is,” aniya at inilabas pa ang cellphone. Bahagyang umawang ang labi ko kasi mukhang may listahan nga siya. Ngumisi naman siya sa akin at bahagya pang kinagat ang ibabang labi kaya mas lalo iyong pumula. Tapos ay pinakita niya sa akin ang screen niya. Nanlaki ang mga mata ko nang mapansin na may numberings iyon from one to fifty, tapos ay puro pangalan ko ang nakasulat. “Which number would you like me to remove?” tanong niya at muling ngumisi. “Lahat,” maiksing sagot ko na lang at nagpatuloy na sa pagkain. Akmang magsasalita na siya pero tumunog ang cellphone niya kaya agad niyang tinignan iyon. “Excuse me,” mahinang saad niya sa amin bago tumayo at sinagot ang tawag. I even heard him said ‘Hello’. Pero iyon lang. Nagkibit na lang ako ng balikat at hinayaan ko na siya. Malandi ang lalaking iyon, at alam ko na hindi makakabuti kung mapapalapit siya sa akin. Kilalang-kilala ko na ang mga kagaya niya, at hinding-hindi na ako magpapaloko pa. “Parang ang lakas ng tama sa ’yo ni Attorney, Miss,” mahina at halos pabulong na saad ni Lyn. “I mean, ito ang unang beses na nagkita at nagkakilala kami, Lyn. At hindi ako naniniwala sa love at first sight. He’s nothing but a playboy,” I said matter-of-factly. “May ‘K’ naman siya maging playboy. Mayaman na yummy pa. Gosh!” kinikilig na sagot niya kaya napangiwi ako. “I don’t get your humor,” saad ko na lang at nagpatuloy na sa pagkain. Tinawanan lang ako ni Lyn at hinayaan na. Siguro ay tumagal ng halos limang minuto si Primo sa kausap bago siya bumalik sa mesa namin at mukhang nagmamadali pa. “I’m sorry but I have to go. May isang pro bono case kasi na interesado ako at—” “You don’t have to explain. Just go if you have to,” pagputol ko sa sasabihin niya kaya napangisi siya. “You sounded like a sulking girlfriend,” may halong pang-aasar na saad niya, mahina namang natawa si Lyn pero ako ay napangiwi. “Don’t worry, love. I’ll make it up to you!” dagdag na pang-aasar pa niya. “My name is Aliyah, so stop calling me with those gross endearments. Umalis ka na nga lang. I’ll pay for your food, don’t worry,” sabi ko at pinaikot pa ang mga mata. Now, he’s getting into my nerves. Nakakainis. Ang lakas ng trip niya. Hindi ko maintindihan pero naiirita talaga ako sa mga lalaking kagaya niya. Iyong mayayabang. Iyong akala mo ay por que guwapo at mayaman ay sasambahin na sila ng lahat. “Oh, sorry to break it to you but I don’t let beautiful girls pay for me,” aniya bago hinila ang dala niyang bag. “It’s on me, and I’ll just see you, guys, around.” Tapos ay tinalikuran na niya kami. “Men and their ego,” wika ko bago siya tuluyang makalayo sa amin, napalingon pa nga siya at nginisihan lang ako. Halos magpasalamat naman ako nang sa wakas ay wala na siya. Dahil kasi ro’n ay nakakain na ako ng maayos. Pagkatapos naming mananghalian ni Lyn ay sinubukan kong kunin ang bill pero sinabi ng waiter na nabayaran na raw. Well, it’s better safe than sorry. Baka kasi hindi talaga niya binayaran at bigla na lang kaming umalis ni Lyn. Nakakahiya iyon sa part ko. Pagkabalik sa opisina ay ibinaon ko na ulit ang sarili ko sa trabaho. Maraming mga negosyo ang nasa ilalim ng Williams Group of Companies or WGC. May mga Construction Companies, Hotels, Beach Resorts, Resto and a lot more. And being the acting president of our company, my job is to make sure that every business and companies under WGC are just doing fine. Strategizing and whatnots. Kung ako ang tatanungin ay masakit sa ulo. Pero siguro dahil sa ilang taon ko na ring ginagawa ito ay nasanay na ako. When I was twenty, I graduated college. Ang balak ko sana noon ay magpahinga na muna ng kahit isang taon lang, mag-travel gamit ang ipon at makahanap ng trabaho sa kompanya na gusto ko talaga habang nagma-masteral. But Dad immediately pressured me to handle one business that’s under WGC. Sa murang edad ay puro trabaho na ang kaharap ko. When I was around twenty-three, I agreed to date Youan Del Valle. Isa lang siya sa maraming lalaking gusto ni Dad na i-date ko. I liked him because we have a lot in common. We understand each other. Just when I thought that everything’s going well, I found out that he got my twin sister, Alison, pregnant. Nakakatawa kasi nasaktan ako pero hindi ako nagalit. Mas nangibabaw ang pagmamahal ko sa kapatid ko. I even supported them. Pero hindi naman nagtagal ang sakit. Parang hindi man nga talaga sakit ang naramdaman ko. It’s more of a disappointment. That’s when I realized that I didn’t really like him. I was just blinded by the idea of perfection. Guwapo siya, matalino at galing sa magandang pamilya. We were a perfect match, and I was under the impression that if we ended up together, Dad would be very proud. Iyon ang mahirap kapag walang pundasyon ang isang relasyon. Madali itong masira. Pero gano’n pa man ay sinubukan ko pa rin na makahanap ng lalaking para sa akin. But nothing worked. Some of them just wanted to get into my pants. Kapag hindi ko naibigay ang gusto nila ay mangangaliwa na at makikipaghiwalay sa akin. Ang iba naman ay sinasabi na hindi nila maabot ang expectations ko. Well, if they cannot handle me then, they totally don’t deserve me, that’s what I thought. Kaya naman napagpasyahan ko na tumanda na lang na dalaga at ibaon ang sarili ko sa trabaho. Magiging mabuting Tita na lang ako sa mga magiging anak nina Alison at Youan. Also, I never got to enjoy my youth. Kahit na noong nag-aaral pa ako, sa tuwing walang pasok o bakasyon ay lagi akong isinasama ni Dad sa kompanya para mapag-aralan ko raw ang trabahong ginagawa niya. Minsan naman ay isasama niya ako sa mga business conference here and abroad. I had no choice but to follow, like a loyal dog. Kung ako ang tatanungin ay gusto kong tumigil na muna sa pagtatrabaho at mag-travel. Mag-enjoy. Pero alam ko na wala akong oras para gawin iyon. Tama rin si Primo sa sinabi niya kanina na kailangan ay may oras din ako para sa sarili ko. Iyon na rin siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit nainis ako sa kanya. Because truth hurts… When can I ever have the courage to make decisions on my own? Iyong walang ibang iniisip at hindi natatakot sa sasabihin ni Dad. Natigilan ako sa naisip ko tapos ay agad na kinuha ang cellphone ko. I have always wanted to visit Thailand. Hindi ko alam kung bakit, kahit pa laging sinasabi ng mga kakilala ko, maging si Alison na parang nasa Pilipinas ka lang. I browse some tourist destinations, good hotels and a lot more. At nang magpapa-book na sana ako ng flight ay napabuntong hininga na lang ako. Sa huli ay hindi ko pa rin kaya. Kaya naman pinatay ko na lang ang phone ko at muling ibinaba sa office table, tapos ay ibinalik ko ang tingin sa nakabukas na laptop at muling nagtrabaho na. Abala ako sa ginagawa nang biglang nagbukas ang pinto. Nang mapalingon ako ay nakita ko si Dad na malawak ang ngiti sa akin. “So, you finally met him, huh? Tinanong ko siya at sabay pa raw kayong nag-lunch. What do you think of him?” agad na bungad niya. Pasikreto akong napangiwi dahil doon. Hindi ko na kailangang magtanong. It’s pretty obvious that he’s talking about his new favorite guy, Primo. “Personally, I don’t like him. He’s so full of himself. But he’s already part of the company so—” “Oh, come on! He’s a nice, good-looking guy, successful at his age on top of that. You should try to know him more. Nakakatuwa nga kasi mukhang interesado siya sa ’yo.” Hindi ako agad na nakasagot. Pilit na lang akong ngumiti kay Dad tapos ay marahang tumango. See? Hindi ako makahindi. Kasi natatakot ako na ma-disappoint siya. “Alright, Dad. I’ll try,” mahinang sagot ko. “I know you will, anak. I hope everything will turn out perfect this time,” aniya at muling ngumiti. Hindi na ako nakasagot kasi muli na siyang tumalikod at naglakad na palabas ng opisina ko. Sa huli ay napabuntong hininga na lang ulit ako at napa-iling.They say that time has always been the state of mind, which means when we want it to go fast, it slows down and vice versa. Pakiramdam ko ay totoo iyon. Sobrang bilis kasing lumipas ng oras sa bawat araw na kasama ko si Primo. It’s been more than five years since we got married and built our own family… Siguro ay iisipin ng iba ng sobrang tagal na naming magkasama at mag-asawa, pero para sa amin ni Primo ay maiksi pa ang mahigit limang taon. We still have a lot of time together. At hindi ako magsasawa na siya ang kasama ko, at ang mga anak namin. “Priyah, Pierre, stop running too fast, please!” pakiusap ko tapos ay medyo napangiwi pa at agad na napahawak sa tiyan ko. “Are you okay?” mahina pero may halong pag-aalala na tanong ni Primo sa akin. Kasalukuyan kaming nasa isang park at nagpi-picnic. It’s actually Sunday, and it’s our family day. Ganito na ang nakasanayan naming gawin tuwing linggo, lalo pa’t busy hanggang saba
Hindi ako mapakali at parang isang baliw na naglalakad ng pabalik-pabalik habang ang asawa kong si Aliyah, ay nasa loob ng delivery room at kasalukuyang nagle-labor. It’s been more than a year since we got married. Malinaw pa rin sa ala-ala ko ang lahat. Pagkatapos ng kasal namin ay nanatili pa kami ng tatlong araw kasama ang ilang kaibigan at pamilya sa Isla Amara. Pagkauwi naman namin ay agad kaming lumipad kinabukasan papunta sa Maldives para doon mag-honeymoon. It was actually a sponsored trip given to us by Youan and his wife, Alison, Aliya’s twin sister. Wedding gift daw nila sa amin. We stayed on Maldives for over a month, without thinking of anything but ourselves. Ipinagkatiwala talaga namin ang mga trabaho at kompanya sa mga malalapit sa amin. Ipinagkatiwala ko ang firm ko kay Attorney Marcus, at pansamantala namang bumalik ang dad ni Aliyah sa WGC at tinulungan din siya ni Lyn. Iyon ang naging pasya namin kasi desidido kami na makabuo
Napangiti ako habang nakaupo at nakatingin sa sarili ko sa salamin, si Luna naman ay hindi rin maalis ang masayang ngiti sa mukha habang nilalagyan ako ng light na makeup. Huminga pa ako ng malalim dala ng konting kaba na nararamdaman. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako, o excited o ano. Ni hindi ko nga rin alam na puwede palang magsabay-sabay at maghalo-halo ang gano’ng mga pakiramdam. I mean, today’s our wedding day! Parang kailan lang mula nang mangyari ang lahat. Parang kailan lang ay… nasasaktan at nadi-disappoint ako dahil sa mga panloloko sa akin. Pero heto ako ngayon… nahanap na rin sa wakas ang tamang tao para sa akin at wala akong ibang maramdaman sa araw-araw kung hindi ang saya. “Ikaw Luna, hindi ka sumabay kay Attorney Marcus sa pagpunta rito! Hindi mo pa rin siya sinasagot at pinapatawad? I mean, ilang buwan na rin ang nakakalipas mula nang mag-away kayo, ilang buwan na rin siyang nagro-sorry at nanliligaw, hindi ba?” mahabang wika ko kaya na
Mataman kong pinagmasdan ang mga larawan na nasa screen ng laptop ko tapos ay biglng humigpit ang hawak ko sa ballpen dala ng galit na nararamdaman. Ito kasi ang larawan ng pamilya na gusto kong sirain at hilain pababa. Sila ang mga tao na gusto kong saktan ar pahirapan, kasi iyon ang ginawa nila sa akin. Gusto kong ibalik ng doble sa kanila ang lahat ng mahihirap na pinagdaanan ko. For the past years, I tried my hardest to be successful so I could get even. They might not know me, but I consider them as my enemy. Mula noon ay lagi ko nang sinasabi sa sarili na sa bawat luha na lumabas sa mga mata ko, at sa bawat sakit at hirap na pinagdaanan ko, ay dobleng parusa ang mararamdaman nila… na sasaktan ko sila ng tagos sa kaluluwa at sagad sa buto. Bakit ganito ang galit ko sa kanila? Well… I was in high school when mom got caught in a car accident. Sinabi ng pulis na kausap ko na hindi raw nahuli ang may sala. But just when I was about to go home, I heard them talking while holding
I couldn’t contain my happiness! I mean, masaya ako kapag sinasabi ni Primo na magiging mag-asawa rin kami, na pakakasalan niya ako at kung ano-ano pa. Pero labis pa sa labis ang saya na nararamdaman ko ngayong engaged na talaga kami. “I’ve been wanting to propose to you for quite some time now, pero hinihintay ko talaga itong singsing na pina-customize ko pa,” may halong lambing na saad niya habang nakaupo pa rin kami sa damuhan, sa tabi ng puntod ng mama niya. Napangiti naman ako dahil sa narinig. Ito pala ang sinabi niya nung isang araw sa harap ng mga magulang ko na hinihintay niya. Sigurado ako na magiging masaya sina mom at dad kapag nalaman nila ito. Hindi ko nga lang alam kung… good timing ba na sabihin na agad sa kaibigan kong si Luna lalo pa’t alam ko na may pinagdadaanan siya ngayon. But Luna’s kind and very considerate. Kita niyo? Ni hindi nga agad nagsabi ng problema sa akin kahit pa mabigat din ang pinagdadaanan niya dahil alam niya na may mga problema rin akong hin
Nang makabalik kami sa condo niya ay dumiretso na rin kami sa kuwarto. Agad ko namang ibinagsak ang katawan ko sa malambot na kama at napabuntong hininga. Pakiramdam ko ay nakakapagod ang gabing ito kahit na wala naman akong ibang ginawa kung hindi ang makinig lang kay Luna sa pagkukuwento niya sa akin ng mga nangyari sa pagitan nila ni Attorney Marcus kung kaya’t medyo matagal siyang hindi nagparamdam sa akin. “Sinabi sa ’yo ni Marcus ang lahat?” tanong ko na may halong pagtataka, ngumiti naman si Primo na kasalukuyang hinuhubad isa-isa ang suot na damit bago tumango. “He’s stupid,” aniya at mahina pang natawa. Napanguso naman ako dahil sa narinig. Para sa akin ay mali naman talaga si Marcus, pero mukhang natauhan naman na siya lalo na’t sobrang sincere niya sa paghingi ng sorry kay Luna kanina. Malamang ay pinagsabihan na siya nitong si Primo. “Oo nga pala, tatawagan ko muna si mom para makapagpaalam na dito ako matutu
“Wake up, sleepyhead…” marahan kong iminulat ang mga mata ko nang marinig ang malambing na bulong na iyon. May mainit ding hininga na dumadampi sa kaliwang tenga ko na nagdudulot ng ibayong kiliti sa akin. Una ko namang nakita ang nakangiting mukha ni Primo. “What? Natutulog ang tao, eh…” kunware ay reklamo ko kahit na kinikilig ako sa ganitong sitwasyon. “Hindi ba’t magkikita kayo ni Luna ng 7:00 PM? It’s already six…” malambing na bulong pa niya. Agad akong napa-upo sa kama dahil sa narinig. Napalingon pa ako sa wall clock at nakitang alas seis na nga ng gabi. Goodness! Hindi ko namalayan na napasarap pala ang tulog ko. Sobrang gaan lang kasi sa pakiramdam ang matulog sa tabi niya, habang yakap niya ako. “Bakit hindi mo ’ko ginising agad?” may halong paninisi na saad ko at mabilis na tumayo, mahina na naman siyang napahalakhak dahil doon. “Kaninang alas cinco pa kita ginigising,” sagot naman n
Lumipas pa ang mga araw at hindi pa rin talaga nagpaparamdam sa akin si Luna. Sobra na talaga akong nag-aalala sa kanya dahil nga hindi naman siya ganito. Tapos ay hindi ko pa siya ma-contact kasi ay ilang araw na ring unattended ang phone niya. Hindi tuloy ako makapag-focus sa trabaho ko. Hindi ko naman alam kung saan siya nakatira. Sana pala ay tinanong ko siya noon, para kapag may ganitong nangyayari ay madali ko siyang napupuntahan at nakakausap. Sa huli ay napabuntong hininga ako at nagpasyang pilitin na lang na magtrabaho. Ilang sandali pa, habang nakaharap ako sa laptop ko ay tumunog ang cellphone ko na nakapatong lang din sa office table. Nang tignan ko iyon ay napansin kong si Luna ang tumatawag kaya naman halos magkumahog pa akong abutin iyon para masagot ang tawag niya. “Hello, Luna?” bati lo. “Uy, bes! Nakaka-abala ba ako?” agad na tanong niya. “Gaga ka ba? Ilang araw kang hindi nagparamdam tapos iyan ang itatanong mo? Yo
Gaya nang sinabi ko ay sinubukan kong tawagan si Luna pagkatapos kumain, ang kaso ay un-attended ang phone niya. Kaya naman nag-iwan na lang ako ng mensahe sa mga social media accounts niya, at sa number niya mismo na tawagan niya ako agad kung may problema man siya. Iyon nga lang, lumipas ang mga araw na wala pa rin siyang paramdam sa akin na siyang nakakapagtaka. Although naging okay naman na ang lahat, at humupa na ang tungkol sa malaking issue na kinasangkutan ko ay sa kaibigan ko naman ako nag-aalala. Iniisip ko na lang na baka masyado siyang abala sa negosyo niya. Sa kasalukuyan ay nandito ako sa opisina ko at inaabala na lang ang sarili ko sa trabaho. Habang abala na nakaharap sa laptop ko ay may kumatok sa nakasarang pinto ng opisina, napangiti nga ako sa pag-aakalang si Primo iyon pero nang magbukas iyon ay si Lyn ang pumasok. “Miss, may bisita ka!” nakangiting wika niya kaya tipid na lang akong ngumiti at tumango. “Si Luna ba? Papasukin