Share

Chapter 49

Nang makabalik kami sa condo niya ay dumiretso na rin kami sa kuwarto. Agad ko namang ibinagsak ang katawan ko sa malambot na kama at napabuntong hininga.

Pakiramdam ko ay nakakapagod ang gabing ito kahit na wala naman akong ibang ginawa kung hindi ang makinig lang kay Luna sa pagkukuwento niya sa akin ng mga nangyari sa pagitan nila ni Attorney Marcus kung kaya’t medyo matagal siyang hindi nagparamdam sa akin.

“Sinabi sa ’yo ni Marcus ang lahat?” tanong ko na may halong pagtataka, ngumiti naman si Primo na kasalukuyang hinuhubad isa-isa ang suot na damit bago tumango.

“He’s stupid,” aniya at mahina pang natawa.

Napanguso naman ako dahil sa narinig. Para sa akin ay mali naman talaga si Marcus, pero mukhang natauhan naman na siya lalo na’t sobrang sincere niya sa paghingi ng sorry kay Luna kanina. Malamang ay pinagsabihan na siya nitong si Primo.

“Oo nga pala, tatawagan ko muna si mom para makapagpaalam na dito ako matutu
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status