Share

Chapter 3

Author: Kuya Alj
last update Last Updated: 2023-03-06 21:44:06

“Anything else?” tanong ko.

           Kasalukuyan akong naka-upo sa swivel chair sa loob ng conference room ng WGC main office. Nandito ang halos lahat ng department heads, managers, shareholders of WGC and even Dad. Katabi pa nga niya si Primo.

           Every month kasi ay nagkakaroon kami ng meeting. We’re trying to get the employees side, opinions and suggestions on how to make everything better.

           Sa panahon kasi ngayon ay ang daming nagsisi-alisang mga empleyado sa iba’t ibang mga kompanya dahil hindi nila gusto kung paano makitungo sa kanila ang mga nasa higher ups, Being leader and being a boss are two completely different thing.

           Hindi naman namin gusto na laging may empleyadong aalis dahil sa gano’ng dahilan. So as much as possible, we’re trying to meet their expectations.

           “Uhm, ma’am?” nagtaas ng kamay ang isang empleyado, nilingon ko naman siya tapos ay marahan pang tumango.

           “Go ahead,”

           “Uhm, Rhea po, Head ng Customer Service Team, o-out of the topic po, pero nag-send po kasi kami ng request sa HR at Finance Team para sa Team Building po sana namin, nung nag-follow up po kami, ang sabi ay nai-forward na po sa inyo ang proposal,” nahihiyang wika niya.

           “Baka hindi ko pa nababasa. Puntahan mo ako sa opisina ko mamaya at ipaalala mo sa akin, para na rin ma-approve ko na kung wala namang problema,” sagot ko, napangiti naman siya dahil doon.

           “Thank you po, Ma’am,” aniya, tipid na lang akong ngumiti at tumango.

           “Ma’am,” wika ulit nung isa at nagtaas pa ng kamay.

           “Yes?”

           “Macy po, isa sa mga Managers ng W. Hotels. Iyong mga vacation leave po namin na hindi nagamit, ang sabi kasi sa contract ay convertible iyon into cash yearly. Pero hindi pa po nagre-reflect sa payslip namin,” aniya.

           “Hindi ba kayo makapaghintay? Sinusubukan naman naming ayusin lahat agad, ah? Hindi madali ang trabaho ng mga nasa Finance!” may halong inis na saad nung isang babae, na sa tingin ko ay sa Finance.

           “Karapatan naman iyon. Approve na nga, eh. Pero ang tagal niyo ibigay. Do your job properly!” apila naman ni Macy.

           “Stop!” medyo malakas na saway ko kaya natahimik sila. “You should respect each other. Ako na mismo ang mago-override sa system mamaya para bukas mismo ay makuha niyo na. Okay?”

           Napangiti iyong nagtanong tungkol doon at agad na tumango. Iyong sa Finance naman ay napa-iling na lang. Alam ko na marami rin silang trabaho at hindi madali ang ginagawa nila. Pareho naman silang may punto at hindi ko gusto na mas lalo pang magka-initan ang magka-ibang department.

           “Thank you po, Ma’am,” wika pa ni Macy, marahan na lang akong tumango.

           “Anything else?” tanong ko ulit. Nang wala na akong marinig mula sa kanila ay inayos ko na ang gamit ko tapos ay tumayo. “Alright, that would be all for today. I’ll see you next meeting.”

           Nagsitayuan na rin ang iba pang mga nasa conference room at nagpaalam na, tapos ay isa-isa na silang nagsi-alisan. Hindi ako agad lumabas, bukod kasi sa hindi ko gustong makipagsiksikan ay napansin kong nakaupo pa rin sina Dad at Primo, may kasama pa sila na iilan sa mga shareholders.

           Nang kami-kami na lang ang nasa conference room ay malawak na ngumiti sa akin si Dad tapos ay pumalakpak pa.

           “Alejandro, you are very lucky to have a competent daughter!” malawak ang ngiting saad nung isang matanda.

           “Tell me about it, kumpadre,” may halong pagmamalaki na sagot ni Dad.

           Bahagya pa akong napalingon kay Primo at napansin ko na mataman lang siyang nakatitig sa akin. Nagpasya ako na huwag na lang siyang pansinin.

           “Uhm, babalik na po ako sa opisina ko, Dad,” paalam ko.

           “Anong oras ka matatapos?” natigilan ako dahil sa tanong ni Primo.

           Gusto ko sanang magsungit pero kasama namin dito si Dad. Baka mapagalitan lang ako.

           “I’m not sure, pero baka late na. I still have a lot of work to do,” sagot ko. I tried to sound casual as much as I could.

           “Why, hijo? Do you have any plans with her?” nakangising tanong ni Dad, para bang may gustong iparating.

           “Well, I want to take her out for dinner,” sagot ni Primo.

           Dad laughed heartily because of what he heard. Muntik ko namang pina-ikot ang mga mata ko dahil doon.

           “Her work can wait. Mabuti pa nga’t mag-dinner kayo. Tapos sa ibang araw ay pumasyal ka sa bahay at mag-dinner kasama namin,” nakangiting saad naman ni Tito. “And, why don’t you walk her to her office now?” suhestiyon pa ni Dad.

           “It’s my pleasure, Tito,” ani Primo tapos ay tumayo na rin.

           Mahina na lang akong napabuntong hininga at nagsimula nang maglakad. Hindi ko talaga alam kung ano ang pinakain ng lalaking ito kay Dad, at kung bakit gustong-gusto siya nito.

           “They look good together, aren’t they?” narinig kong tanong pa ni Dad sa isa sa mga kasama niya.

           Nang makalabas na sa conference room ay sinubukan kong maglakad ng mabilis. Sinubukan ko rin na hindi pansinin si Primo kahit pa alam kong nakasunod siya sa akin.

           The last time that I saw him was, well, days ago. When we had lunch together with Lyn. Ang akala ko nga ay sa wakas, tumigil na siya sa panlalandi sa akin. Pero nandito na naman siya ngayon.

           “Kaya pala wala kang oras sa sarili mo,” aniya mula sa likod ko.

           Kumunot naman ang noo ko tapos ay mabilis na napalingon sa kanya.

           “What do you mean?” tanong ko habang patuloy pa rin sa paglalakad.

           “Inaako mo lahat ng trabaho. You are the acting President, yes. But you are not the CEO. Wala na halos natitirang trabaho para sa Dad mo kasi ikaw na lahat gumagawa. And from what I’ve heard just awhile back, pati trabaho ng Finance gagawin mo rin kapag may problema?” hindi makapaniwalang tanong niya.

           “As far as I’m concerned, it’s none of your business,” pagsusungit ko.

           “I know, but you should stop baby-sitting your employees. Sa ginagawa mo, mas lalo silang aalis lalo na kapag hindi sila napaburan ng kahit isang beses lang. The people under Finance Team should do their job well. From what I see, they are nothing but bunch of incompetent people. Oo mahirap ang trabaho nila, pero napakadali lang ng reklamo kanina at hindi pa nila nagawa,”

           Doon na ako nakaramdam ng inis. Bakit ba mas maalam pa siya sa akin? Bakit ba pinakikialaman niya ako? Kaya naman natigilan ako sa paglalakad at agad siyang hinarap.

           “Thank you for your concern, but I know what I’m doing. I know my capabilities and my limits. And frankly, I don’t need your opinion!”

           “No one’s questioning your capabilities here, Aliyah. Everyone knows how selflessly good you are. Ang sa akin lang—”

           “Ang sa ’yo ay sa ’yo. Kaya sarilihin mo na lang, puwede ba?” naiiritang pagputol ko sa sasabihin niya.

           “Eh, paano kung maging akin ka?” aniya kaya natigilan ako. Tinaasan naman niya ako ng isang kilay tapos ay marahang naglakad para mas mapalapit sa akin.

           Bahagya akong napa-atras sa gulat. Hindi ko maintindihan kung bakit may init akong nararamdaman ngayong sobrang lapit ng katawan niya sa akin.

           “W-What are you doing?”

           “I don’t know why I’m attracted to such a feisty woman,” mahinang saad niya. “You look damn hot and attractive whenever you’re mad and annoyed. So yeah, I’ll do everything to make you mine. And when that happens, I’ll make sure that you’ll have enough time for yourself, for us…”

           Pagkatapos niyang sabihin iyon ay muli niyang dinilaan ang ibabang labi niya. Ngumisi pa siya at bahagyang lumayo na sa akin. Ako naman ay parang tuod, nanatiling nakatayo at hindi alam ang sasabihin o gagawin man lang.

           “I’ll be back here at 6:00 PM. Let’s have a dinner together. Make sure you’re done by that time. Ako na rin ang maghahatid sa ’yo pauwi.”

           Hindi na niya ako hinintay na sumagot. Tumalikod na siya at nagsimula nang maglakad palayo. Huh! Akala mo naman ang cool niya dahil doon!

           Napangiwi ako nang maramdaman ang bahagyang pag-iinit ng pisngi ko. Letse naman, bakit ba ang cool niya sa part na iyon? Heto ako, parang baliw. Ako rin ang bumabawi sa mga sarili kong salita. Nakaka-inis!

           Napabuntong hininga na lang ako at nagsimula na ulit maglakad, pero parang lumilipad ang isip ko dahil sa nangyari.

           “Miss, saan ka pupunta?” hindi pa nagtatagal ay natigilan ako at parang bumalik sa reyalidad nang marinig ang boses ni Lyn.

           “B-Babalik sa opisina ko,” maiksing sagot ko.

           “H-Huh?” nalilitong tanong niya tapos ay bahagya pang itinuro ang kaliwang bahagi niya.

           Napalingon naman ako ro’n ay napansin na medyo lumampas na pala ako sa pinto ng opisina ko. Napangiwi ako dala ng kahihiyan tapos ay nagmamadaling pumasok doon. Padabog pa akong umupo sa swivel chair pagkatapos.

           Nakakairita talaga!

           This is not me! Bakit ba sobrang bothered ako sa presensiya ng Primo na iyon? At bakit sobrang apektado ako sa bawat salitang nanggagaling sa kanya?

           Pinilit ko naman ang sarili ko na mag-focus sa trabaho. Kahit pa minu-minuto ata akong natitigilan at nilulubayan ng sariling utak. Hindi ko na nga alam kung totoo bang naiinis ako kay Primo, o ano.

           “Uhm, Ma’am?” muli na naman akong bumalik sa reyalidad dahil doon.

           “Ugh—yes?” gulat at nalilitong tanong ko. Tapos ay napansin ko na hawak ko ang isang papel. “Oh, I’ll approve this,” wika ko.

           Kausap ko ngayon si Rhea, iyong nag-follow sa akin ng para sa Team Building nila.

           “Thank you po!” masayang sagot niya, ngumiti na lang ako at tumango.

           “Pero sigurado ba kayo na kasya na ang twenty thousand na budget para sa Team Building niyo? I mean, ilan ba kayong lahat?” tanong ko pa.

           “Nasa thirty po, Ma’am. Pero willing naman po kami na magbayad pa ng additional one thousand per head para sigurado na magkasya po ang pera,” nakangiti at magalang na tanong niya, napabuntong hininga naman ako at tumango.

           “Paki-edit ng proposal mo, ilagay mo na fifty thousand ang budget na kailangan. I-submit mo sa akin bukas at pipirmahan ko,” wika ko at ibinalik sa kanya ang papel.

           Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ko. Tapos ay mabilis pa siyang umiling.

           “M-Ma’am, hindi na po. I mean, na-appreciate po namin ang offer. Pero masyado pong malaki iyon. Okay na po talaga ito!” aniya.

           Napabuntong hininga na lang ulit ako at tumango, tapos ay agad na pinirmahan ang papel. Bago ko inabot iyon sa kanya ay kinuha ko ang wallet ko at naglabas ng ten thousand bill. Isinama ko iyon sa papel.

           “This is the only way I know to give back. Sana huwag mo nang tanggihan. Sana rin pagkatapos ng Team Building niyo ay mas inspired kayong pumasok at magtrabaho,” nakita ko kung paano siya napangiti bago tumango.

           “Opo, Ma’am! Maraming salamat po!” masayang sagot niya bago tumayo. “Matutuwa po ang Team ko rito. Maraming salamat po ulit!” dagdag pa niya bago nagpaalam.

           Ngumiti na lang ako at hinayaan na siyang umalis sa opisina ko. Nagpatuloy naman ako sa pagtatrabaho pagkatapos no’n.

           Sunod kong ginawa ay ang i-override ang system ng Finance. May access din kasi ako ro’n. Ch-in-eck ko ang lahat ng may leave credits last year na hindi nagamit, tapos ay agad kong in-approve at p-in-rocess para makuha na nila agad bukas ang pera.

           Tama nga si Primo, madali lang iyong gawin. Nakaka-inip nga lang kasi isa-isa mong gagawin. Mga bandang alas cinco siguro nang matapos ko iyon lahat. Tapos ay nag-send ako ng mass or bulk email para sa lahat ng empleyado tungkol doon.

           At hindi ko maintindihan kung bakit paulit-ulit akong tumitingin sa orasan. Teka, hindi naman ako naghihintay na sumapit ang alas sais hindi na?

           Hindi nga ba? Hindi ko rin alam…

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Beastly: Primo Hernani   Special Chapter 03

    They say that time has always been the state of mind, which means when we want it to go fast, it slows down and vice versa. Pakiramdam ko ay totoo iyon. Sobrang bilis kasing lumipas ng oras sa bawat araw na kasama ko si Primo. It’s been more than five years since we got married and built our own family… Siguro ay iisipin ng iba ng sobrang tagal na naming magkasama at mag-asawa, pero para sa amin ni Primo ay maiksi pa ang mahigit limang taon. We still have a lot of time together. At hindi ako magsasawa na siya ang kasama ko, at ang mga anak namin. “Priyah, Pierre, stop running too fast, please!” pakiusap ko tapos ay medyo napangiwi pa at agad na napahawak sa tiyan ko. “Are you okay?” mahina pero may halong pag-aalala na tanong ni Primo sa akin. Kasalukuyan kaming nasa isang park at nagpi-picnic. It’s actually Sunday, and it’s our family day. Ganito na ang nakasanayan naming gawin tuwing linggo, lalo pa’t busy hanggang saba

  • Beastly: Primo Hernani   Special Chapter 02

    Hindi ako mapakali at parang isang baliw na naglalakad ng pabalik-pabalik habang ang asawa kong si Aliyah, ay nasa loob ng delivery room at kasalukuyang nagle-labor. It’s been more than a year since we got married. Malinaw pa rin sa ala-ala ko ang lahat. Pagkatapos ng kasal namin ay nanatili pa kami ng tatlong araw kasama ang ilang kaibigan at pamilya sa Isla Amara. Pagkauwi naman namin ay agad kaming lumipad kinabukasan papunta sa Maldives para doon mag-honeymoon. It was actually a sponsored trip given to us by Youan and his wife, Alison, Aliya’s twin sister. Wedding gift daw nila sa amin. We stayed on Maldives for over a month, without thinking of anything but ourselves. Ipinagkatiwala talaga namin ang mga trabaho at kompanya sa mga malalapit sa amin. Ipinagkatiwala ko ang firm ko kay Attorney Marcus, at pansamantala namang bumalik ang dad ni Aliyah sa WGC at tinulungan din siya ni Lyn. Iyon ang naging pasya namin kasi desidido kami na makabuo

  • Beastly: Primo Hernani   Special Chapter 01

    Napangiti ako habang nakaupo at nakatingin sa sarili ko sa salamin, si Luna naman ay hindi rin maalis ang masayang ngiti sa mukha habang nilalagyan ako ng light na makeup. Huminga pa ako ng malalim dala ng konting kaba na nararamdaman. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako, o excited o ano. Ni hindi ko nga rin alam na puwede palang magsabay-sabay at maghalo-halo ang gano’ng mga pakiramdam. I mean, today’s our wedding day! Parang kailan lang mula nang mangyari ang lahat. Parang kailan lang ay… nasasaktan at nadi-disappoint ako dahil sa mga panloloko sa akin. Pero heto ako ngayon… nahanap na rin sa wakas ang tamang tao para sa akin at wala akong ibang maramdaman sa araw-araw kung hindi ang saya. “Ikaw Luna, hindi ka sumabay kay Attorney Marcus sa pagpunta rito! Hindi mo pa rin siya sinasagot at pinapatawad? I mean, ilang buwan na rin ang nakakalipas mula nang mag-away kayo, ilang buwan na rin siyang nagro-sorry at nanliligaw, hindi ba?” mahabang wika ko kaya na

  • Beastly: Primo Hernani   Wakas

    Mataman kong pinagmasdan ang mga larawan na nasa screen ng laptop ko tapos ay biglng humigpit ang hawak ko sa ballpen dala ng galit na nararamdaman. Ito kasi ang larawan ng pamilya na gusto kong sirain at hilain pababa. Sila ang mga tao na gusto kong saktan ar pahirapan, kasi iyon ang ginawa nila sa akin. Gusto kong ibalik ng doble sa kanila ang lahat ng mahihirap na pinagdaanan ko. For the past years, I tried my hardest to be successful so I could get even. They might not know me, but I consider them as my enemy. Mula noon ay lagi ko nang sinasabi sa sarili na sa bawat luha na lumabas sa mga mata ko, at sa bawat sakit at hirap na pinagdaanan ko, ay dobleng parusa ang mararamdaman nila… na sasaktan ko sila ng tagos sa kaluluwa at sagad sa buto. Bakit ganito ang galit ko sa kanila? Well… I was in high school when mom got caught in a car accident. Sinabi ng pulis na kausap ko na hindi raw nahuli ang may sala. But just when I was about to go home, I heard them talking while holding

  • Beastly: Primo Hernani   Chapter 50

    I couldn’t contain my happiness! I mean, masaya ako kapag sinasabi ni Primo na magiging mag-asawa rin kami, na pakakasalan niya ako at kung ano-ano pa. Pero labis pa sa labis ang saya na nararamdaman ko ngayong engaged na talaga kami. “I’ve been wanting to propose to you for quite some time now, pero hinihintay ko talaga itong singsing na pina-customize ko pa,” may halong lambing na saad niya habang nakaupo pa rin kami sa damuhan, sa tabi ng puntod ng mama niya. Napangiti naman ako dahil sa narinig. Ito pala ang sinabi niya nung isang araw sa harap ng mga magulang ko na hinihintay niya. Sigurado ako na magiging masaya sina mom at dad kapag nalaman nila ito. Hindi ko nga lang alam kung… good timing ba na sabihin na agad sa kaibigan kong si Luna lalo pa’t alam ko na may pinagdadaanan siya ngayon. But Luna’s kind and very considerate. Kita niyo? Ni hindi nga agad nagsabi ng problema sa akin kahit pa mabigat din ang pinagdadaanan niya dahil alam niya na may mga problema rin akong hin

  • Beastly: Primo Hernani   Chapter 49

    Nang makabalik kami sa condo niya ay dumiretso na rin kami sa kuwarto. Agad ko namang ibinagsak ang katawan ko sa malambot na kama at napabuntong hininga. Pakiramdam ko ay nakakapagod ang gabing ito kahit na wala naman akong ibang ginawa kung hindi ang makinig lang kay Luna sa pagkukuwento niya sa akin ng mga nangyari sa pagitan nila ni Attorney Marcus kung kaya’t medyo matagal siyang hindi nagparamdam sa akin. “Sinabi sa ’yo ni Marcus ang lahat?” tanong ko na may halong pagtataka, ngumiti naman si Primo na kasalukuyang hinuhubad isa-isa ang suot na damit bago tumango. “He’s stupid,” aniya at mahina pang natawa. Napanguso naman ako dahil sa narinig. Para sa akin ay mali naman talaga si Marcus, pero mukhang natauhan naman na siya lalo na’t sobrang sincere niya sa paghingi ng sorry kay Luna kanina. Malamang ay pinagsabihan na siya nitong si Primo. “Oo nga pala, tatawagan ko muna si mom para makapagpaalam na dito ako matutu

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status