Share

Chapter 5

Auteur: Kuya Alj
last update Dernière mise à jour: 2023-03-09 19:26:28

“Thanks, Attorney. I’ll just see you again tomorrow,” wika ko bago binuksan ang pinto ng kotse niya.

           Hinatid kasi niya ako rito sa tapat ng bahay namin pagkatapos naming mag-dinner. It’s already eight in the evening. Maaga pa ang ganitong oras para sa akin, hindi rin ako agad aantukin at balak ko pang magbasa ng mga business proposal sa study table ko sa kuwarto.

           Isa lang ito sa maraming mga bagay na nakasayan ko nang gawin.

           “I won’t be in the office tomorrow. I have a trial to attend,” sagot niya. “I’ll see you the next day, instead. Dito na ba kita susunduin o sa opisina na?” tanong pa niya.

           “I’m not sure. Baka kasi may mga kailangan pa akong tapusin sa opisina bago tayo bumiyahe. So, doon na lang siguro,” tumango naman siya sa sinabi ko.

           I was about to step out of the car when someone knocked on his car’s window. Muntik na akong mapatalon sa gulat dahil doon. Siya naman ay mahina lang na natawa sa reaction ko.

           Bahagya akong kinabahan nang mula sa loob ng sasakyan ay nakita ko ang nakangiting si Dad na mukhang tuwang-tuwa. Ibinaba naman ni Primo ang bintana para kay Dad.

           “Good evening, Mr. Williams,” ani Primo.

           “Tito, hijo. Just call me hijo and stop being so formal,” sagot ni Dad. “Tumuloy ka muna kung hindi ka naman nagmamadali,”

           Bahagyang napalingon sa akin si Primo dahil doon. Marahan naman akong umiling para senyasan siya na huwag papayag, pero ang loko ay ngumisi lang bago muling tinignan si Dad.

           “Alright, Tito. Thank you,” sagot ni Primo.

           Isinara na niya ulit ang bintana ng sasakyan niya tapos ay pinatay niya ang makina nito. Lumabas na rin siya kaya nagmamadali akong sumunod. Ang galing talaga mang-asar ng loko.

           Alam naman niya na binibigyan ni Dad ng kulay kapag magkasama kami pero pumayag pa talaga siya. What is he trying to do, huh?”

           Hindi na lang ako kumibo. Sumunod ako sa kanila na ngayon ay sabay nang naglalakad papasok sa bahay. Nang nasa loob na ay nakita ko si Mom na nakaupo sa sala habang nanunuod ng TV. Kumunot pa ang noo ko nang makitang may isang kulay itim na maleta na nasa gilid ng hagdan.

           “Sinong aalis?” tanong ko.

           “Those are your things, anak. Hindi ba’t magkasama kayo ni Primo sa Pangasinan sa makalawa?” nakangiting sabi ni Dad.

           Literal naman na nalaglag ang panga ko dahil doon. This is ridiculously unbelievable! At pati gamit ko sila na rin ang nag-ayos?

           “May bisita pala tayo,” sabi ni Mom at agad na tumayo. “Maupo muna kayo’t gagawa ako ng tsaa,” dagdag pa niya.

           “I’m good with water, Tita,” saad naman ni Primo at nakangiting umupo sa mahabang sofa.

           “Oh, alright, then,” sabi ni Mom at nakangiti pa ring naglakad papunta sa kusina.

           Pasikreto ko na lang na sinamaan ng tingin si Primo, ngumisi lang siya ng nakakaloko sa akin bilang tugon.

           “I still have things to do, Dad. Kayo na po ang bahala sa kanya,” paalam ko.

           “You should stay here with him,” sabi naman ni Dad. Mas lalong lumawak ang ngisi ng mokong dahil doon.

           “Alright, I’ll just change,” tugon ko na lang.

           Hindi talaga ako makahindi kay Dad. Nasanay na ako na laging pagpayag ang isinasagot ko sa tuwing may sasabihin siya. At hindi ko alam kung magbabago pa ba iyon.

           Hindi ko na siya hinintay na sumagot. Naglakad na ako papunta sa ikalawang palapag tapos ay nagpalit ng damit. Isang short shorts ang isinuot ko at isang mahabang tee shirt na kulay white. Hinugasan ko rin ang mukha ko para matanggal ang face powder na inilagay ko kanina.

           Hinubad ko na rin ang contact lense ko pagkatapos at isinuot na lang ang salamin ko na medyo makapal na. Malabo na kasi ang mga mata ko. I just don’t want to wear glasses in the office so I’m using contact lense. Dito sa bahay lang ako nagsasalamin lagi.

           It’s fine. It’s not like I’m trying to impress Primo. Mas maigi nga na makita niya ako na ganito ang ayos para tigilan na niya ang kakaharot sa akin habang maaga pa.

           Bago ako lumabas sa kuwarto ko ay tinignan ko muna ang sarili ko sa salamin. I really have a pale white skin. Tapos ang suot ko ngayon? Para akong manang. I’m really plain. Walang-wala kumpara sa kakambal ko na si Alison na sobrang magayak.

           Kaya naman sobrang dami pa rin ng nagkakagusto sa kanya kahit pa may asawa’t anak na siya. Ako itong single pero kapag nasa bahay ay ako pa itong hindi marunong mag-ayos.

           Pagkababa ko ay napalingon sa akin si Dad. Kumunot ang noo niya na para bang hindi natuwa sa nakita niyang suot ko.

           “Didn’t I tell you to stop wearing glasses, Aliyah?” mababa ang boses na tanong niya kaya bahagya akong kinabahan. Kapag ganito kasi ako kausapin ni Dad ay alam kong meron siyang hindi gusto. At ngayon, alam ko na ang ayos ko ang hindi niya gusto. “And what are you wearing?” tanong pa niya.

           “It’s okay, Tito,” agad naman na saad ni Primo at ngumiti pa. “I don’t like girls who wear too much makeup. Actually, she looks so cute and adorable right now.”

           Nakita ko kung paano napangiti si Dad dahil sa sinabi ni Primo. Ako naman ay napangiwi na lang. Alam ko naman na nagsisinungaling lang siya. Alam ko na binobola lang niya si Dad. At ito namang tatay ko ay sakay na sakay sa mabubulaklak na salita.

           Sino ba namang lalaki ang aayaw sa babaeng sexy, at mahilig mag-ayos, hindi ba? Kung meron man ay wala pa akong nakikilala. Base on my experience, they are all the same.

           “Bakit hindi tayo mag-whiskey sa poolside, hijo? Kahit na isang baso lang para mapasarap ang kuwentuhan,” nakangiting saad naman ni Dad.

           “I like that idea, Tito,” sagot ni Primo.

           Nilingon naman ako ni Dad bago siya tumayo mula sa sofa.

           “Samahan mo si Primo sa poolside. Susunod ako ro’n at kukuha lang ako ng alak sa cellar,” utos niya.

           Marahan na lang akong tumango at hindi na nagsalita pa. Nauna na akong maglakad palabas ng bahay, ramdam ko namang nakasunod sa akin si Primo pero hindi ko na lang siya pinansin.

           Nang nasa poolside na ay agad akong umupo sa silyang gawa sa bato, meron pa itong mesang pabilog na gawa rin sa bato. Hindi naman nagdalawang isip si Primo na umupo sa isa pang bakanteng silya sa tabi ko.

           “Are you trying to seduce me?” mababa ang boses na tanong niya na siyang kinagulat ko.

           Mabilis akong napalingon sa kanya na nanlalaki ang mga mata. Siya naman ay mataman lang na nakatitig sa akin tapos ay nagtaas pa ng isang kilay.

           “What the hell are you talking about?”

           “Alam mong nandito ako, Aliyah. Pero nagsuot ka pa rin ng maiksing shorts at loose tee shirt. You’re even wearing that thick glass that makes you look even hotter. Yes, you’re smoking hot and sexy in my eyes right now. And if you’re trying to seduce the hell out of me, it’s fvcking working!” mahabang saad niya.

           What the actual fvck?

           Ganito ang sinuot ko kasi gusto kong ipakita sa kanya kung gaano ako ka-plain at ka-boring. Para malaman niyang pangit lang talaga ako at wala siyang mapapala sa kahaharot sa akin. Pero ano itong sinasabi niya ngayon?

           “Nagkakamali ka!” agad na saad ko. “This is how I usually dress here, so…” dagdag ko at nagkibit pa ng balikat.

           “But you are aware that I’m here, right?” tanong niya at kinagat pa ang ibabang labi, ang tinging binigay niya sa akin ay nanunukat. Mariin naman akong napapikit bago napabuntong hininga.

           “Fine. You want to know the truth?” tanong ko. “Ito ang sinuot ko kasi gusto kong makita mo kung gaano ako ka-plain. Hindi ako gaya ng ibang babaeng pinagmamalaki mo na pinipilahan ka. Why? Simply because I want you to stop flirting with me! I simply want you to see how boring I am!” giit ko.

           Napangisi naman siya dahil sa sinabi ko. Tapos ay mayabang siyang tumitig sa akin.

           “Well, your plan sucks,” aniya. “Kasi sa suot mo ngayon, mas binigyan mo lang ako ng rason para landiin ka. Kung alam mo lang kung gaano ako nag-iinit sa ’yo ngayon, Aliyah. But of course, I won’t do things you won’t like. Not just… yet,” dagdag pa niya.

           “Alam mo bang ang weird mo?” nalilitong tanong ko pa.

           “Good weird?”

           “Plain weird,” sagot ko. “Sinong matinong lalaki ang gusto ng plain at boring na babae, aber? Hindi ako naniniwala sa ’yo.”

           “Hindi ako gaya ng mga ex-boyfriend mo,” sagot naman niya. “You might think that I’m a total playboy because of the way I talk, but I’m not. Wala pa akong nilolokong babae.”

           Hindi ko naman alam kung ano ang isasagot ko dahil doon. Hindi ko nga rin alam kung maniniwala ba ako sa kanya, eh. Hindi ko kasi masabi kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi. Napakahirap niyang basahin.

           “Ano ang pinag-uusapan niyo?” sabay kaming napalingon sa likod ko nang marinig ang boses ni Dad.

           May dala siyang isang bote ng whiskey, tapos ay dalawang shot glass. Nakasunod naman sa kanya si Mom na may dalang isang plato. Mga chopped fruits pala iyon na nilagyan ng yelo.

           “Mga lugar na puwede naming pasyalan sa Pangasinan, Tito,” sabi ni Primo at ngumisi pa. “Parang ang boring kasi kung purong trabaho lang ang gagawin namin doon. Kaya naisip namin na habang nandoon pa, bakit hindi kami mamasyal na rin?” dagdag pa niya.

           Hindi naman ako makapaniwala sa mga naririnig. It’s like he’s really trying to give Dad an idea. Kung ano man iyon ay hindi ko alam.

           “That’s great,” malawak ang ngiting sagot ni Dad. “Puro trabaho nga rin kasi ang kaharap ng anak ko. Kung kulang pa ang araw ng bakasyon niyo ro’n, magsabi lang kayo agad. Puwede naman kayong mag-extend,” dagdag pa niya kaya napanganga ako.

           Gusto kong umapila, pero hindi ko gustong magalit si Dad. Lalo na’t mukhang badtrip na siya sa akin kanina dahil sa nakita niyang suot ko.

           “Hindi ka ba nilalamig?” tanong sa akin ni Primo, napalingon naman sa akin si Dad.

           “I’m… okay,” mahinang sagot ko.

           “You should wear pajamas, Aliyah. Kung hindi ka man nilalamig baka naman nilalamok ka,” aniya. “It’s okay to wear short shorts if you’re here, but don’t wear one if there are any other people, especially boys…”

           Pasimple akong napalingon kay Dad at nakita ko na naman ang masayang ngiti na nakapaskel sa labi niya. Ngiti na hindi niya maitago. Halatang masaya siya sa mga naririnig.

           Kanina ay parang nagbago ang tingin ko kay Primo kasi willing siyang tulungan ako na hindi mapahiya sa ex-boyfriend ko, ngayon naman ay nag-iiba na naman ang tingin ko sa kanya. I’m starting to think that he’s into something…

           Sobra kasi kung kunin niya ang tiwala ni Dad. Ano ba ang balak niya? I mean, hindi naman siguro pera. Kasi bukod sa may share na siya sa WGC ay may sarili pa siyang law firm. Mayaman na rin siya.

           At alam ko rin na may mga shares pa siya sa iba’t ibang mga kumpanya, hindi lang sa amin. Kaya malabo na pera ang kailangan niya. Pero bakit nga niya kinukuha ang tiwala ni Dad? Sumasakit na ang ulo ko kaiisip.

           Hindi na lang ako sumagot. Nanatili na lang akong tahimik habang nakikinig sa usapan nila. Madalas ay tungkol sa mga sasakyan, madalas ay sports, pero mas marami ang tungkol sa business.

           Kaya na rin siguro tuwang-tuwa si Dad sa kanya ay dahil ganitong mga topic talaga ang hilig ni Dad.

Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application

Latest chapter

  • Beastly: Primo Hernani   Special Chapter 03

    They say that time has always been the state of mind, which means when we want it to go fast, it slows down and vice versa. Pakiramdam ko ay totoo iyon. Sobrang bilis kasing lumipas ng oras sa bawat araw na kasama ko si Primo. It’s been more than five years since we got married and built our own family… Siguro ay iisipin ng iba ng sobrang tagal na naming magkasama at mag-asawa, pero para sa amin ni Primo ay maiksi pa ang mahigit limang taon. We still have a lot of time together. At hindi ako magsasawa na siya ang kasama ko, at ang mga anak namin. “Priyah, Pierre, stop running too fast, please!” pakiusap ko tapos ay medyo napangiwi pa at agad na napahawak sa tiyan ko. “Are you okay?” mahina pero may halong pag-aalala na tanong ni Primo sa akin. Kasalukuyan kaming nasa isang park at nagpi-picnic. It’s actually Sunday, and it’s our family day. Ganito na ang nakasanayan naming gawin tuwing linggo, lalo pa’t busy hanggang saba

  • Beastly: Primo Hernani   Special Chapter 02

    Hindi ako mapakali at parang isang baliw na naglalakad ng pabalik-pabalik habang ang asawa kong si Aliyah, ay nasa loob ng delivery room at kasalukuyang nagle-labor. It’s been more than a year since we got married. Malinaw pa rin sa ala-ala ko ang lahat. Pagkatapos ng kasal namin ay nanatili pa kami ng tatlong araw kasama ang ilang kaibigan at pamilya sa Isla Amara. Pagkauwi naman namin ay agad kaming lumipad kinabukasan papunta sa Maldives para doon mag-honeymoon. It was actually a sponsored trip given to us by Youan and his wife, Alison, Aliya’s twin sister. Wedding gift daw nila sa amin. We stayed on Maldives for over a month, without thinking of anything but ourselves. Ipinagkatiwala talaga namin ang mga trabaho at kompanya sa mga malalapit sa amin. Ipinagkatiwala ko ang firm ko kay Attorney Marcus, at pansamantala namang bumalik ang dad ni Aliyah sa WGC at tinulungan din siya ni Lyn. Iyon ang naging pasya namin kasi desidido kami na makabuo

  • Beastly: Primo Hernani   Special Chapter 01

    Napangiti ako habang nakaupo at nakatingin sa sarili ko sa salamin, si Luna naman ay hindi rin maalis ang masayang ngiti sa mukha habang nilalagyan ako ng light na makeup. Huminga pa ako ng malalim dala ng konting kaba na nararamdaman. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako, o excited o ano. Ni hindi ko nga rin alam na puwede palang magsabay-sabay at maghalo-halo ang gano’ng mga pakiramdam. I mean, today’s our wedding day! Parang kailan lang mula nang mangyari ang lahat. Parang kailan lang ay… nasasaktan at nadi-disappoint ako dahil sa mga panloloko sa akin. Pero heto ako ngayon… nahanap na rin sa wakas ang tamang tao para sa akin at wala akong ibang maramdaman sa araw-araw kung hindi ang saya. “Ikaw Luna, hindi ka sumabay kay Attorney Marcus sa pagpunta rito! Hindi mo pa rin siya sinasagot at pinapatawad? I mean, ilang buwan na rin ang nakakalipas mula nang mag-away kayo, ilang buwan na rin siyang nagro-sorry at nanliligaw, hindi ba?” mahabang wika ko kaya na

  • Beastly: Primo Hernani   Wakas

    Mataman kong pinagmasdan ang mga larawan na nasa screen ng laptop ko tapos ay biglng humigpit ang hawak ko sa ballpen dala ng galit na nararamdaman. Ito kasi ang larawan ng pamilya na gusto kong sirain at hilain pababa. Sila ang mga tao na gusto kong saktan ar pahirapan, kasi iyon ang ginawa nila sa akin. Gusto kong ibalik ng doble sa kanila ang lahat ng mahihirap na pinagdaanan ko. For the past years, I tried my hardest to be successful so I could get even. They might not know me, but I consider them as my enemy. Mula noon ay lagi ko nang sinasabi sa sarili na sa bawat luha na lumabas sa mga mata ko, at sa bawat sakit at hirap na pinagdaanan ko, ay dobleng parusa ang mararamdaman nila… na sasaktan ko sila ng tagos sa kaluluwa at sagad sa buto. Bakit ganito ang galit ko sa kanila? Well… I was in high school when mom got caught in a car accident. Sinabi ng pulis na kausap ko na hindi raw nahuli ang may sala. But just when I was about to go home, I heard them talking while holding

  • Beastly: Primo Hernani   Chapter 50

    I couldn’t contain my happiness! I mean, masaya ako kapag sinasabi ni Primo na magiging mag-asawa rin kami, na pakakasalan niya ako at kung ano-ano pa. Pero labis pa sa labis ang saya na nararamdaman ko ngayong engaged na talaga kami. “I’ve been wanting to propose to you for quite some time now, pero hinihintay ko talaga itong singsing na pina-customize ko pa,” may halong lambing na saad niya habang nakaupo pa rin kami sa damuhan, sa tabi ng puntod ng mama niya. Napangiti naman ako dahil sa narinig. Ito pala ang sinabi niya nung isang araw sa harap ng mga magulang ko na hinihintay niya. Sigurado ako na magiging masaya sina mom at dad kapag nalaman nila ito. Hindi ko nga lang alam kung… good timing ba na sabihin na agad sa kaibigan kong si Luna lalo pa’t alam ko na may pinagdadaanan siya ngayon. But Luna’s kind and very considerate. Kita niyo? Ni hindi nga agad nagsabi ng problema sa akin kahit pa mabigat din ang pinagdadaanan niya dahil alam niya na may mga problema rin akong hin

  • Beastly: Primo Hernani   Chapter 49

    Nang makabalik kami sa condo niya ay dumiretso na rin kami sa kuwarto. Agad ko namang ibinagsak ang katawan ko sa malambot na kama at napabuntong hininga. Pakiramdam ko ay nakakapagod ang gabing ito kahit na wala naman akong ibang ginawa kung hindi ang makinig lang kay Luna sa pagkukuwento niya sa akin ng mga nangyari sa pagitan nila ni Attorney Marcus kung kaya’t medyo matagal siyang hindi nagparamdam sa akin. “Sinabi sa ’yo ni Marcus ang lahat?” tanong ko na may halong pagtataka, ngumiti naman si Primo na kasalukuyang hinuhubad isa-isa ang suot na damit bago tumango. “He’s stupid,” aniya at mahina pang natawa. Napanguso naman ako dahil sa narinig. Para sa akin ay mali naman talaga si Marcus, pero mukhang natauhan naman na siya lalo na’t sobrang sincere niya sa paghingi ng sorry kay Luna kanina. Malamang ay pinagsabihan na siya nitong si Primo. “Oo nga pala, tatawagan ko muna si mom para makapagpaalam na dito ako matutu

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status