Share

Chapter 56

Beatrice POV

Ilang araw na ang lumipas simula mangyari ang lahat at nakabalik na din ako sa trabaho bilang sekretarya ni Storm pero hanggang ngayon ay hindi niya pa din ako kinakausap, marahil ay galit ito sa akin dahil sa ginawa ko. Habang si Kiara naman ay unti unti ng nagiging maayos ang kalagayan, madalas si Nigel ang nag aalaga sa kanya.

Hindi ko alam kung paano ko pakikisamahan si Storm ngayon dahil sa nangyari, hindi nga kami naghiwalay pero parang hangin lang naman ako sa paningin niya. Wala akong maisip na paraan kung paano kami magkakaayos na dalawa.

"Haler girl, okay ka lang ba?" napatingin ako sa katabi kung si Nicole, kasalukuyan kasi kaming kumakain ng tanghalian.

Tumango naman ako. "Ayos lang ako, may iniisip lang." sagot ko sa kanya.

"Hindi pa rin ba kayo bati ng boss natin? Halos mag isang linggo na ah, alam mo girl uso galaw galaw ha. Baka nakakalimutan mo na ikaw ang may kasalanan sa kanya."

Napabuntong hininga naman ako. "Hindi ko din alam kung ano ang gagawin." pa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status