I choose to love you in silence, because in silence I feel no rejection "Kung ako lang ang masusunod, ngayon na okay na ako? Ayaw na kitang makita. Kung pwede nga lang na hindi mo makilala ang anak ko ay gagawin ko, pero hindi ako gano'n ka selfish at kasamang tao na pagkaitan ang anak ko ng ama. I already suffered a lot when I was a child, not having my Mom and Dad by my side and I know how painful it is, kaya hindi ko ipaparanas 'yon sa kanya. Mas gugustuhin ko pa na ako na lang ang mahirapan at masaktan huwag lang ang anak ko." Si Kiara ay nag iisang kapatid ni Storm, bata pa lang ng maulila sila dahil namatay ang kanilang mga magulang, pero kahit gano'n pa man ay hindi nakaramdam ng kakulangan sa pagkatao ang dalaga dahil nandyan ang kanyang kapatid na laging nakasuporta at nakaalalay sa kanya. Darating ang araw na susubukin siya ng isang problema na magiging dahilan ng muntik niya ng pagsuko. Ang dating masiyahin ay mapapalitan ng lungkot at hinagpis. Makakayanan niya pa kayang makalabas sa isang madilim na buhay? Paano kung isang araw ay malaman nila na mali ang kanilang pinaniniwalaan? Paano kung bumalik sa buhay nila ang taong ni minsan ay hindi nila maisip na makakasama pa nila ulit? May pag asa pa kayang makuha niya ang kasiyahan na matagal ng hinahangad?
Lihat lebih banyakKiara POV
Papunta ako ngayon sa opisina ng kapatid ko pero hindi pa ako nakakapasok ay narinig ko na ang galit niyang boses. Bago ko pa pihitin ang pinto ay nagbukas na ito at lumabas ang kanyang sekretarya na umiiyak.
Pagpasok ko sa loob ay naabutan ko ang kapatid ko na nakatayo habang may hawak na baso na may laman na alak.
“What happen kuya?” tanong ko sa kanya.
“She is stupid, that’s all.” sagot niya sa akin.
“At sigurado akong tinanggal mo na siya sa trabaho, ano ka ba naman kuya pang ilang sekretarya mo na ‘yan!” singhal ko sa kanya.
“Hindi siya matatanggal kung inaayos niya ang trabaho, ilang beses ko na sinabi sa kanya na mag focus siya sa work pero inuuna ang kalandian.”
Napabuntong hininga naman ako, I know my brother kapag trabaho ang usapan ay seryoso ito.
“Kahit kailan talaga napakainitin ng ulo mo, mana ka kay Dad. And why are you drinking? It’s too early.” I ask him.
“Konti lang ito pampatanggal ng stress. Anyway, why are you here?”
“I’m just bored so I decided to visit you here.”
“Dapat magtrabaho ka na lang dito sa kompanya kung wala ka naman pala ginagawa.”
“Ayaw ko nga! I have my boutiques already kuya and I told you ayaw ko magtrabaho sa kompanya.” pagmamaktol ko na ikinatawa niya naman.
“Then focus on it, hindi ‘yong kung saan saan ka nagpupunta.”
Inirapan ko naman siya. “I am kuya, so paano ka na ngayon? Wala ka naman sekretarya.” saad ko.
“I can handle it. I don’t need one kung hindi naman kayang gampanan ang trabaho niya. Hindi ako magsasayang ng oras at pera.”
Napailing na lang ako dahil sa sinabi ng kapatid ko, sanay na ako sa ganitong ugali niya at kahit na arogante siya I can say that he is the best brother I have, simula ng mawala ang mga magulang namin ay siya na ang tumayong nanay at tatay sa akin at hindi niya ako pinabayaan.
Nagtagal pa ako sa opisina niya ng ilang oras bago nagpaalam na aalis na dahil bumalik na naman sa trabaho ang kapatid ko.
Pasakay na sana ako ng kotse ko ng makita ko ang isang pamilyar na babae, kaya nilapitan ko siya dahil mukhang nakikipag away siya sa guards.
“What’s going on here?” tanong ko.
Agad naman silang napatingin sa akin. “Eh kasi ma’am pinagbabawalan namin siya na huwag tumambay dito dahil bawal.” sagot sa akin ng isang guard.
“Pwede niyo naman sabihin sa akin ‘yon at maiintindihan ko naman. Hindi naman ako magtatagal dahil may hinihintay lang ako.” sagot naman ng babae.
“Let her, ako na ang bahala dito at bumalik na kayo sa pwesto niyo.” utos ko sa mga gwardiya.
Tumingin naman ang babae sa akin. “Maraming salamat po ma’am.” saad niya.
“I think hindi mo na ako natatandaan, am I right? Ako ang tinulungan mo sa park.” wika ko.
Nanlaki naman ang kanyang mga mata ng mapagtanto ang sinabi ko. “Ma’am K-kiara?” bulalas niya.
“Ano ka ba sinabi ko na sayo na Kiara na lang eh.” saad ko.
“Pasensya na at hindi agad kita nakilala.”
Ngumiti naman ako. “Ayos lang ‘yon. Bakit ka nga pala nandito?” tanong ko sa kanya.
“Napadaan lang ako at masyado kasing mainit kaya napahinto muna ako saglit. Pupuntahan ko kasi ang nanay ko sa hospital.”
“Kung gusto mo ay ihahatid na kita do’n.” suhestyon ko.
Mabilis naman siyang umiling. “Huwag na po, nakakahiya.”
“I insist, wala naman akong gagawin eh.” anas ko at hinila na siya papunta sa kotse.
Tahimik lang si Beatrice habang na sa sasakyan kami, itinuro niya na din sa akin kung saang hospital ang nanay niya.
“What happened to your mom?” tanong ko sa kanya.
“May sakit kasi siya, kaya halos maging bahay niya na ang hospital.” natatawang sagot niya.
“That’s why ang dami mong trabaho na pinapasukan, mabuti at hindi ka napapagod.” saad ko.
Tumango naman siya. “Wala naman kasi akong ibang choice dahil ako lang ang inaasahan sa amin, kaya walang lugar ang kapaguran dahil kailangan ng pera para panggastos araw araw. Kayo po bakit kayo nasa Alcantara Company kanina?”
“I just visit my brother.” maikling sagot ko.
“Do’n ba nagtatrabaho ang kapatid mo?”
“Yes, he is the boss.” sagot ko na ikinalaki naman ng kanyang mga mata.
“Y-you mean?”
Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na hindi matawa dahil sa reaksyon niya. “I’m sorry, kilala mo lang pala ako sa pangalan. And yes, my brother is the CEO of that company. I’m Princess Kiara Alcantara.” saad ko.
“Hala! Ngayon ko lang nalaman, kaya pala may pagkakahawig kayo ng may ari ng kompanya na ‘yon dahil kapatid mo pala siya.”
Natawa naman ako dahil sa sinabi niya. “Did you know him?” tanong ko sa kanya.
“Hindi ko pa siya nakikita ng personal, sa interview lang at mga magazine. Sabi nga ng iba ang seryoso daw no’n eh.”
“Gano’n talaga ‘yon, masyado kasi siyang nakafocus sa kompanya. No’ng nag aaral pa lang kasi siya ng college ay sinasabay niya ang training sa trabaho kaya halos lahat ng oras niya ay nakalaan na sa kompanya.” paliwanag ko naman sa kanya.
“Sabagay, hindi mo naman masisisi ang kapatid mo at isa pa ang successful ng kompanya niyo.”
Mayamaya pa ay nakarating na din kami sa hospital. “Dito na lang ako Kia, salamat talaga sa paghatid.” saad niya.
“Can I come?” tanong ko sa kanya.
“S-sigurado ka ba?”
“Yes, as I told you wala naman akong pupuntahan o gagawin.” anas ko.
Tumango naman siya sa akin at sabay na kaming pumasok sa loob.
Nang makarating na kami sa kwarto kung saan ang nanay ni Beatrice ay nagtaka ako dahil may doctor at mga nurse na mukhang aligaga. Mabilis na lumapit kami sa kanila.
“Doc. ano ho ang nangyayari?” tanong ni Beatrice.
“Minonitor namin ang nanay mo kasi humina na naman ang tibok ng puso niya kanina. Kailangan niya na talagang maoperahan sa lalong madaling panahon bago pa mas lumala ang kalagayan niya.” rinig kung saad ng doctor.
“M-mga magkano po ba ang magagastos sa operasyon?” tanong ni Beatrice.
“Isa’t kalahating milyon ang kailangan mong ihanda para sa operasyon at mga gamot na kailangan ng nanay mo.”
“G-gawin niyo po ang lahat para mailigtas lang ang nanay ko, hahanap po ako ng pera na ipapambayad.” naiiyak na anas ni Beatrice.
Kiara POV This is the day! Ito na ang araw ng kasal ko. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon, kinakabahan, masaya, natatakot. Tapos na akong ayusan ng make up artist na kinuha ni kuya sa akin at suot ko na din ang wedding gown ko. "You look tense." napatingin ako sa kapatid ko na nakaupo sa gilid ko. "Kinakabahan lang ako kuya." saad ko. "Saan? Na baka hindi ka siputin ni Nigel? Huwag kang mag alala kasi hindi mangyayari ang bagay na 'yon, subukan niya lang gawin at hindi niya na kayo makikita ni Chase." biro niya kaya napairap na lang ako. "Manahimik ka na lang kuya, hindi nakakatulong 'yang sinasabi mo." Natawa naman siya at saka lumapit sa akin. "Calm down Ki, it's your special day. Ako nga hanggang ngayon ay hindi pa din makapaniwala na ikakasal na ang kapatid ko sa kaibigan ko. Parang kailan lang sanggol ka pa na alagain eh, tapos sinasamahan pa kita palaging bumili ng paborito mong mga books at saka sweets tapos mamaya ay ihahatid na kita sa altar, ipapaubaya na k
Kiara POV Limang buwan na ang nakalipas simula mangyari ang lahat sa buhay namin, laking pasasalamat ko dahil hind nagkaroon ng trauma ang anak ko at mabilis niyang nakalimutan ang nangyari sa kanya. Nagbakasypn din kami dahil 'yon ang gusto ni Nigel para magkaroon din kami ng oras bilang isang pamilya. Tungkol naman kay Kaye ay simula ng maging okay siya ay agad siyang sumuko sa mga pulis, ilang beses din siyang humingi ng tawad sa aming lahat at handa siyang pagbayaran ang kasalanan na ginawa, pero maiksi lang ang sentenya sa kanya dahil hindi na kami nagsampa ng kaso, si kuya lang talaga ang nagtuloy. Kahit naman may ginawa siyang mali sa amin ay ramdam naman namin ang kanyang pagsisisi at handa naman siyang magbagong buhay ulit, unti unti niya na din tinatanggap wala ng pag asa na magkabalikan pa sila ng kapatid ko. Nakausap niya na din ang kanyang mga magulang at sa oras na makalabas na siya ng kulunan ay isasama na siya nito sa ibang bansa. Habang si Vina naman ay tuluyan ng nak
Kiara POV Simula ng lumabas kami sa kwarto ni Kaye ay napansin kung tahimik lang si Nigel, hindi ko tuloy alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. Umupo ako sa tabi niya habang si kuya naman ay nagpaalam para puntahan si Chase. "Are you okay babe?" tanong ko. "I'm fine babe, may iniisip lang ako." "Dahil ba sa sinabi ni Kaye?" tanong ko pa. Tumingin naman siya sa akin. I can clearly see the guilt and sadness in his eyes. "Babe, what are you really thinking? Hmmm." dagdag ko pa at hinawakan ko ang kanyang kamay na kanina ko pa napapansin na nakakuyom. "Iniisip ko lang ang nangyayari sa atin. Kasalanan ko ang lahat ng ito, pati anak natin nadamay na." narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya "Hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo Nigel." malambing na turan ko. "Why not? Ako naman talaga ang dahilan kung bakit naranasan mo ang lahat ng 'yon diba? Nagawa 'yon ni Vina dahil sa akin, dahil sa putanginan pagmamahal niya sa akin. Ang gago ko lang dahil nagawa kitang talikuran n
Storm POV Ako na ang nagpresentang sumama sa mga pulis, dinala na muna si Kaye sa hospital para mapagamot dahil may tama ito. Samantalang si Nigel at Kiara naman ay inasikaso ang kanilang anak para patingnan kung nagkaroon ba ito ng trauma. Kasalukuyan akong nasa harap ni Kaye ngayon, katatapos lang siya magamot at nagapahinga na. Galit ako sa kanya dahil sa ginawa niya sa kapatid at pamangkin ko pero hindi ko naman kaya manakit ng babae, alam niya naman ang kakahantungan niya dahil sa ginawa niya. "Storm," mahinang tawag niya sa akin pero hindi ako sumagot at nanatili lang na nakatitig sa kanya. "I-im sorry, a-alam kung hindi sapat ang paghingi ko ng tawad sa mga nagawa ko sa inyo ng kapatid mo. Masyado lang akong nabulag sa pagmamahal ko sayo kaya nakagawa ako ng mali. T-tama ka nga, kung talaga mahal kita ay hindi ko magagawang saktan ang mga taong mahal mo." dagdag pa nito. "But you did it Kaye, you know how important Kiara to me. Siya na lang ang natitira kung pamilya at hindi
Kiara POV Kinabukasan ay maaga akong nagising at naalala ko na naman ang anak ko, kaya nagmadali akong lumabas ng kwarto at saka bumaba. Naabutan ko sa sala ang kapatid ko, si Nigel at ang mga pulis. Wala na sina Tita Calliyah at Tito Dark. Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Nigel. "How's your sleep?" tanong nito sa akin "Not fine at all, hanggang sa pagtulog naiisip ko pa din ang anak natin. Natulog na ba kayo? Anong balita? Binigay ba ni Kaye ang address gaya ng sinabi niya?" tanong ko Mabilis naman siyang umiling. "Wala kaming natanggap galing sa kanya, mabuti na lang at naitrack ng mga pulis kagabi ang lokasyon niya habang nag uusap kayo." Kumunot naman ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin? Hindi ba at sinabi niya sa akin na ibibigay niya ang address kung nasaan sila?" tanong ko sa kanya, nawala kasi sa isip ko ang bagay no'n dahil sumama ako kay Tita umakyat kagabi pero iniwan ko naman ang phone ko kay Kuya. "Iniisip namin na nagbago ang isip niya, marahil ay wala siy
Kiara POV Kanina pa kami aligaga dito sa bahay dahil hanggang ngayon ay wala pa din ang anak ko, ilang beses na kaming tumawag sa school at kahit ang driver ng bus ay sinabi na hindi sumakay ang anak ko dahil may nagsundo dito at nagpakilala na relatives ng bata. Galit na galit kami ni kuya dahil sa kapabayaan ng eskwelahan. Kanina pa ako umiiyak dahil sa hindi ko na alam ang gagawin ko, mabuti lang at hindi ako iniwanan ni Nigel habang si kuya naman ay nakikipag usap sa mga pulis. Isang tao lang ang iniisip namin na pwedeng kumuha sa anak ko. "B-babe, paano kung masaktan si Chase?" umiiyak na saad ko. "That won't happen babe, sa oras na saktan niya ang anak natin ay may paglalagyan siya sa akin." madiin na wika ni Nigel. "Kakasuhan ko talaga ang eskwelahan na 'yan! Tangina!" rinig kung sigaw ni Kuya. "Ang mabuti pa babe, magpahinga ka na muna. Kami na ang bahala dito. Mayamaya naman ay nandito na din sina Dad at Mom." saad ni Nigel pero umiling lang ako. "Ayaw ko, gusto ko nand
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen