Storm POV
Napahilot na lang ako sa sentido ko ng makaalis ang kapatid ko. Alam kung hindi niya na naman ako titigilan kakabunganga kapag nanatili pa siya dito kahit na sanay naman na siya sa ugali ko.
Tama siya ng sinabi na walang tumatagal na sekretarya ko dahil palagi ko itong tinatanggal sa trabaho. Ayaw ko sa lahat ng empleyado ang tamad at may tinatagong landi sa katawan. Kung gusto nila magtagal ay kailangan din nilang ayusin ang trabaho nila dahil maayos ko silang binabayaran.
I treasure this company dahil isa ito sa iniwan sa amin ni Daddy habang si Kiara naman ang namamahala sa restaurant ni Mommy at meron din siyang mga boutiques. Ginawa ko ang lahat para mapanatiling maayos at successful ang Alcantara Company dahil ito na lang ang alala na meron kami galing sa mga magulang namin.
I admit that until now I’m still mourning, hindi ko pa din matanggap ang pagkamatay nilang dalawa. Ang sabi nga nila Tito Cain ay malaki ang pinagbago ko, hindi na ako tukad ng dati na masiyahin at jolly. Pakiramdam ko sa pagkawala nila ay kalahati ng pagkatao ko ang nawala din.
I never thought na maaga silang kukunin sa amin but I know na masaya na sila dahil magkasama sila. I admire their relationship na kahit hindi naging maganda ang unang pagsasama nila pero sa huli ay sila pa din ang nagkatuluyan. Too bad for my sister dahil hindi niya man lang nakita ang pagmamahalan ng mga magulang namin kaya ng ilibing sila ay ipinangako ko na aalagaan at poprotektahan ko ang kapatid ko.
Halos ilang buwan din akong nagmukmok matapos ilibing ang mga magulang namin, mabuti na lang at hindi kami iniwan nila Tito Cain, Tito Dark, Tita Calliyah at Tita Monique. Nag aral ako ng Business Administration para mapamahalaan ang kompanya kapag nakapagtapos na ako, hindi naging madali sa akin ang mga bagay bagay at mabuti na lang dahil nandyan ang mga tito’s namin na umalalay sa akin.
Nasa malalim ako ng pag iisip ng bumukas ang pinto at pumasok sina Tito Cain at Tito Dark.
“Kinakausap mo na naman ang picture ng mga magulang mo.” saad ni Tito Cain.
“I just miss them tito.” maikling anas ko.
“Lahat naman tayo na mimiss ang mga magulang mo, iba pa din talaga kapag nandito sila pero alam naman natin na masaya na sila kung nasaan man sila ngayon.” Tito Cain said.
“Ikaw kamusta naman?” tanong ni tito Dark.
“Gwapo pa din ako tito at walang nagbago do’n.” sagot ko sa kanya.
“Balita ko ay napapirma mo ang isang investor na mailap ah.”
“Finally I did it tito, ilang araw ko din siyang niligawan at mabuti na lang napapayag ko siya dahil kung ayaw niya din naman ay hindi ko siya pipilitin, hindi naman siya kawalan.” saad ko.
“Nagmana ka talaga sa ama mo, ganyan din siya mahaba ang pasensya.” pailing iling na wika ni Tito Dark.
“Balita ko nawalan ka na naman ng sekretarya ah, sabi ni Kiara.” singit ni Tito Cain.
“I fired her,” sagot ko naman.
“Bawasan mo ang pagiging mainitin ng ulo mo Stormy, para naman may tumagala na sekretarya sayo. Ngayong buwan pa lang ay nakatalo ka na.” bulalas ni Tito Dark.
“Hindi kasi nila inaayos ang trabaho nila kaya natatanggal sila, magsasayang lang ako ng pera mga tito’s kung hahayaan ko silang manatili dito sa kompanya tapos hindi naman ako satisfy sa gawa nila.” depensa ko.
Hindi din naman sila nagtagal at umalis din dahil susunduin pa nila ang mga asawa nila, samantalang ako ay nag ayos na din para makauwi na.
Inayos ko lang ang mga dokumento sa mesa ko at lumabas na ng opisina. Dumiretso na ako sa parking lot at sumakay sa kotse ko.
Halos isang oras din ang naging byahe ko dahil sa traffic, minsan talaga mapapamura ka na lang kapag naabutan ka ng rush hour.
Nang makarating ako sa bahay ay mabilis kung ipinark ang sasakyan ko sa garahe at pumasok na sa loob. Nakita ko ang kapatid ko na nanonood ng tv.
“Hi kuya.” bati niya sa akin.
“Himala at nandito ka na sa bahay ng ganitong oras.” saad ko.
Ngumuso naman siya. “Ang sama mo sa akin, palagi naman akong maaga umuwi ah. Kapag nga nalate ako tinatawagan mo na ako.”
“Anong maaga? Mas nauuna pa ako umuwi sayo minsan. Porke’t wala dito si Nigel labas ka ng labas.” sermon ko sa kanya.
“Duh! Hindi nga kami okay no’n, hindi nga siya tumatawag.”
“Paano inuuna mo ‘yang ka malditahan mo. Mabuti nga at pinagtitiisan ka pa ng fiance mo.” wika ko.
“Break nga kami ng kaibigan mo!”
“Ay ewan ko sayo, malaki ka na alam mo na ang tama at mali.” saad ko.
Maglalakad na sana ako paakyat ng pinigilan ako ni Kiara. “Why?” tanong ko sa kanya.
“Eh kasi diba wala ka na ulit sekretarya?”
“So? Ano ngayon kung wala?” tanong ko ulit sa kanya.
“May kilala kasi ako na kailangan niya ng trabaho kaya kinausap ko siya kung gusto niya mag apply sa kompanya.”
Tiningnan ko naman siya ng seryoso. “Seriously? Sino naman ‘yan? May alam ba ‘yan sa pagiging sekretarya? Alam mo ang requirements ko sa isang sekretarya ko.”
Nakita ko naman ang pagkamot niya sa kanyang ulo. “She is an undergrad.”
“Are you kidding me Princess Kiara? Magrerekomenda ka na lang sa akin ang hindi pa graduate?” bulalas ko.
“Sige na kuya, she helped me kasi one time eh.”
“Pwede mo siyang tulungan in other way, pero ang maging sekretarya ko? No way!” anas ko at umakyat na sa taas. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa akin pero hindi ko na siya pinansin.
Hindi ko maintindihan ang trip ng kapatid ko, imagine gusto niyang tanggapin ko bilang sekretarya ang kilala niyang hindi naman nakapagtapos ng pag aaral? Hindi ko alam kung nasisiraan na ba siya ng ulo o ano eh.
Pagpasok ko sa kwarto ko ay dumiretso na ako sa banyo para makaligo at makapagbihis dahil mayamaya ay kakain na kami ng hapunan.
Kiara POV This is the day! Ito na ang araw ng kasal ko. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon, kinakabahan, masaya, natatakot. Tapos na akong ayusan ng make up artist na kinuha ni kuya sa akin at suot ko na din ang wedding gown ko. "You look tense." napatingin ako sa kapatid ko na nakaupo sa gilid ko. "Kinakabahan lang ako kuya." saad ko. "Saan? Na baka hindi ka siputin ni Nigel? Huwag kang mag alala kasi hindi mangyayari ang bagay na 'yon, subukan niya lang gawin at hindi niya na kayo makikita ni Chase." biro niya kaya napairap na lang ako. "Manahimik ka na lang kuya, hindi nakakatulong 'yang sinasabi mo." Natawa naman siya at saka lumapit sa akin. "Calm down Ki, it's your special day. Ako nga hanggang ngayon ay hindi pa din makapaniwala na ikakasal na ang kapatid ko sa kaibigan ko. Parang kailan lang sanggol ka pa na alagain eh, tapos sinasamahan pa kita palaging bumili ng paborito mong mga books at saka sweets tapos mamaya ay ihahatid na kita sa altar, ipapaubaya na k
Kiara POV Limang buwan na ang nakalipas simula mangyari ang lahat sa buhay namin, laking pasasalamat ko dahil hind nagkaroon ng trauma ang anak ko at mabilis niyang nakalimutan ang nangyari sa kanya. Nagbakasypn din kami dahil 'yon ang gusto ni Nigel para magkaroon din kami ng oras bilang isang pamilya. Tungkol naman kay Kaye ay simula ng maging okay siya ay agad siyang sumuko sa mga pulis, ilang beses din siyang humingi ng tawad sa aming lahat at handa siyang pagbayaran ang kasalanan na ginawa, pero maiksi lang ang sentenya sa kanya dahil hindi na kami nagsampa ng kaso, si kuya lang talaga ang nagtuloy. Kahit naman may ginawa siyang mali sa amin ay ramdam naman namin ang kanyang pagsisisi at handa naman siyang magbagong buhay ulit, unti unti niya na din tinatanggap wala ng pag asa na magkabalikan pa sila ng kapatid ko. Nakausap niya na din ang kanyang mga magulang at sa oras na makalabas na siya ng kulunan ay isasama na siya nito sa ibang bansa. Habang si Vina naman ay tuluyan ng nak
Kiara POV Simula ng lumabas kami sa kwarto ni Kaye ay napansin kung tahimik lang si Nigel, hindi ko tuloy alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya. Umupo ako sa tabi niya habang si kuya naman ay nagpaalam para puntahan si Chase. "Are you okay babe?" tanong ko. "I'm fine babe, may iniisip lang ako." "Dahil ba sa sinabi ni Kaye?" tanong ko pa. Tumingin naman siya sa akin. I can clearly see the guilt and sadness in his eyes. "Babe, what are you really thinking? Hmmm." dagdag ko pa at hinawakan ko ang kanyang kamay na kanina ko pa napapansin na nakakuyom. "Iniisip ko lang ang nangyayari sa atin. Kasalanan ko ang lahat ng ito, pati anak natin nadamay na." narinig ko pa ang pagbuntong hininga niya "Hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo Nigel." malambing na turan ko. "Why not? Ako naman talaga ang dahilan kung bakit naranasan mo ang lahat ng 'yon diba? Nagawa 'yon ni Vina dahil sa akin, dahil sa putanginan pagmamahal niya sa akin. Ang gago ko lang dahil nagawa kitang talikuran n
Storm POV Ako na ang nagpresentang sumama sa mga pulis, dinala na muna si Kaye sa hospital para mapagamot dahil may tama ito. Samantalang si Nigel at Kiara naman ay inasikaso ang kanilang anak para patingnan kung nagkaroon ba ito ng trauma. Kasalukuyan akong nasa harap ni Kaye ngayon, katatapos lang siya magamot at nagapahinga na. Galit ako sa kanya dahil sa ginawa niya sa kapatid at pamangkin ko pero hindi ko naman kaya manakit ng babae, alam niya naman ang kakahantungan niya dahil sa ginawa niya. "Storm," mahinang tawag niya sa akin pero hindi ako sumagot at nanatili lang na nakatitig sa kanya. "I-im sorry, a-alam kung hindi sapat ang paghingi ko ng tawad sa mga nagawa ko sa inyo ng kapatid mo. Masyado lang akong nabulag sa pagmamahal ko sayo kaya nakagawa ako ng mali. T-tama ka nga, kung talaga mahal kita ay hindi ko magagawang saktan ang mga taong mahal mo." dagdag pa nito. "But you did it Kaye, you know how important Kiara to me. Siya na lang ang natitira kung pamilya at hindi
Kiara POV Kinabukasan ay maaga akong nagising at naalala ko na naman ang anak ko, kaya nagmadali akong lumabas ng kwarto at saka bumaba. Naabutan ko sa sala ang kapatid ko, si Nigel at ang mga pulis. Wala na sina Tita Calliyah at Tito Dark. Lumapit ako sa kanila at umupo sa tabi ni Nigel. "How's your sleep?" tanong nito sa akin "Not fine at all, hanggang sa pagtulog naiisip ko pa din ang anak natin. Natulog na ba kayo? Anong balita? Binigay ba ni Kaye ang address gaya ng sinabi niya?" tanong ko Mabilis naman siyang umiling. "Wala kaming natanggap galing sa kanya, mabuti na lang at naitrack ng mga pulis kagabi ang lokasyon niya habang nag uusap kayo." Kumunot naman ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin? Hindi ba at sinabi niya sa akin na ibibigay niya ang address kung nasaan sila?" tanong ko sa kanya, nawala kasi sa isip ko ang bagay no'n dahil sumama ako kay Tita umakyat kagabi pero iniwan ko naman ang phone ko kay Kuya. "Iniisip namin na nagbago ang isip niya, marahil ay wala siy
Kiara POV Kanina pa kami aligaga dito sa bahay dahil hanggang ngayon ay wala pa din ang anak ko, ilang beses na kaming tumawag sa school at kahit ang driver ng bus ay sinabi na hindi sumakay ang anak ko dahil may nagsundo dito at nagpakilala na relatives ng bata. Galit na galit kami ni kuya dahil sa kapabayaan ng eskwelahan. Kanina pa ako umiiyak dahil sa hindi ko na alam ang gagawin ko, mabuti lang at hindi ako iniwanan ni Nigel habang si kuya naman ay nakikipag usap sa mga pulis. Isang tao lang ang iniisip namin na pwedeng kumuha sa anak ko. "B-babe, paano kung masaktan si Chase?" umiiyak na saad ko. "That won't happen babe, sa oras na saktan niya ang anak natin ay may paglalagyan siya sa akin." madiin na wika ni Nigel. "Kakasuhan ko talaga ang eskwelahan na 'yan! Tangina!" rinig kung sigaw ni Kuya. "Ang mabuti pa babe, magpahinga ka na muna. Kami na ang bahala dito. Mayamaya naman ay nandito na din sina Dad at Mom." saad ni Nigel pero umiling lang ako. "Ayaw ko, gusto ko nand