Share

Chapter 2

Author: Lucy Heart
last update Last Updated: 2022-11-02 08:38:26

"Mabuti naman at tinanggap mo na iyong bakasyong regalo sayo ni Lexy," si Nanay Bebang. 

Sumabay ito sa kanya kanina sa pag-uwi at hindi niya namalayang nasa pintuan na ng kwarto niya ang matanda. 

Si Nanay Bebang ang nag-iisang Lola ni Lexy na nagpalaki rito at dahil parang magkapatid na rin ang turingan nilang dalawa ni Lexy ay parang naging totoong lola niya na rin ito.Mabait at maalaga din ito kagaya ni Lexy. 

"Opo, ‘Nay, magaling kasing mangulit iyong apo ninyo," biro niya at isinarado na ang dadalhing maleta na may laman na ng mga gamit niya. Bahagya namang natawa ang matanda. 

"Mabuti naman kung ganun," sang-ayon nito at tuluyan ng pumasok sa kwarto niya. Naupo ito sa gilid ng kanyang kama. Hinawakan nito ang kanyang mga kamay at marahang pinisil-pisil iyon. 

Napangiti naman siya at tuwang-tuwa na inihiga ang ulo sa kandungan ng matanda. Para itong bata na naglalambing sa ina. Batid niyang sobra talaga niyang mami-miss ito kahit ilang araw lang siyang mawawala. 

"Sumama ba iyong loob mo kay Lexy?" Malumanay na tanong nito habang marahang hinahaplos-haplos ang kanyang buhok. 

Tumingala naman siya at nakangiting umiling. Kahit kailan naman kasi ay hindi pa nangyaring sumama ang loob nito sa kaibigan. Alam niya kasing palaging mabuti ang intensyon nito. 

"Alam mo naman kasing nag-aalala lang din ang kaibigan mong iyon sa’yo. Iniisip kasi no’n na baka habang buhay na maging ganyan ka na lang." 

"Bakit?Ano po bang mali sa akin na labis niyang pinag-alala?" Kumunot ang noo niya. Para kasi sa kanya,wala namang mali sa pinaggagawa niya. 

"Ang paikutin mo ang buhay mo sa isang bagay lang," makahulugang sagot nito sa kanya. "Hindi naman siguro niya kayang sikmurain na habang masaya siya ay ganyan ka pa rin. Ito na rin siguro ang tamang panahon, hija, para pansamantala munang umayo sa masasakit na alaala. 

"Try to relax at kalimutan mo muna ang lahat. Umalis ka at tingnan mo kung gaano kaganda ang mundo. Huwag mong sayangin ang buhay mo sa galit at lungkot. Umalis ka muna at tuklasin ang marami pang mga bagay na mas lalong magpapasaya pa sa'yo," payo nito sa kanya at malugod naman niya iyong pinakinggan para na rin sa ikakatahimik ng loob nila. 

Naiintindihan naman kasi niya na nag-alala lang ang mga ito sa kanya ngunit hindi pa rin talaga sang-ayon ang puso niya sa bakasyong iyon. Kahit malugod niyang pinakinggan ang payo nito sa kanya ay talagang hindi pa rin maipasok sa puso niya ang regalo ni Lexy. 

Kung ang ibang tao ay siguradong ikakatuwa ang ganitong regalo,well not her. 

Nasasayangan kasi siya sa oras na ipapahinga niya na alam naman niyang magiging busy ang mga taong maiiwan niya. Para kasi sa kanya kahit isang segundo lang na mawala siya sa shop nila ay hindi na siya mapakali. 

Hindi naman sa wala siyang tiwala sa taong maiiwan doon. Para na kasing anak niya ang shop na iyon. Dugo at pawis ang pinuhunan nila ni Lexy para mapalago lang iyon at mapalaki. 

Sa sobrang pag-iisip ay napadapo na naman ang kanyang mga mata sa kanyang maleta. Parang gusto na niyang maiyak. Hindi pa man siya naka-alis ay pakiramdam niya ay isang taon siyang mawawala dito sa munting apartment nila. 

Kaya kahit puno ng pag-aalala ay isinantabi niya muna para lang mabigyan ng katuparan ang kahilingan ng kaibigan. Para na rin sa ikakapanatag ng loob nito na okay na siya at okay lang talaga siya. 

Kahit hindi man kasi nito sabihin sa kanya ay alam nito ang dahilan kung bakit 

natagalan ang pagpapakasal nito sa boyfriend niyang si Ken at dahil iyon sa kanya. 

"Nay?Aalis pala ako ngayon,"mabilis siyang bumangon ng maalalang may pupuntahan pa pala siya ngayon. Kaagad na tinungo niya ang lagayan ng mga damit at pumili ng maisusuot. 

"Saan ka naman ba pupunta?" tila nag-aalalang tanong ng matanda. "Akala ko ba kaya ka umuwi ng maaga para makapagpahinga." 

"Dadalawin ko lang po si Daddy. Mukhang hindi ko na kasi siya madadalaw sa mismong araw ng pagkamatay niya," sagot niya habang nagbibihis. 

Pagkatapos nito ay lumapit ito sa matanda para bigyan ito ng halik sa pisngi. 

"Sige mag-iingat ka ha! Huwag masyadong magpapagabi," bilin nito sa kanya at siya naman ay binitbit na ang bag at tuluyan ng lumabas ng apartment nila. 

Nagpasya siyang mag taxi na lang para hindi na sasakit ang ulo niya kung saan siya magpa-park. Malayo kasi ang parking area ng naturang sementeryo. 

Ma-swerte naman siya dahil maraming dumaan na taxi kaya ayon nakarating siya ng maaga sa puntod ng ama. 

Maayos na inilapag nito ang binili niyang bulaklak sa puntod ng ama. Biglang naging weird lang ang pakiramdam niya dahil parang may nakamasid sa kanya.Binalewala niya na lang iyon at inalayan na ng dasal ang namayapang ama. 

Minsan gusto niya ring magtampo sa ama dahil bigla na lang itong nang-iwan. Masakit din naman sa kanya ang nangyari pero pilit niyang kinakaya dahil may ama pa siyang nagmamahal sa kanya. 

Pero iniisip din niya na marahil ay hindi na nito nakayanan ang sakit at mas pinili na lang tapusin ang lahat. 

Lahat ay iniwan siya pero sobrang blessed pa rin naman siya dahil pinalitan iyon ng mga mabubuting tao. Huminto siya sa pag-aaral sa isang University na pinagkukunan niya ng kursong Accounting noon at lumipat sa isang Fashion and Arts institute. 

Doon niya na-meet si Lexy at after nilang matapos ang dalawang taong pag-aaral ay nagpasya silang magtayo ng sarili nilang shop. 

Gamit ang naiwang pera ng Daddy niya para sana pag-aaral niya ay ginamit niya iyon bilang puhunan nila para sa isang maliit na shop. 

Pareho silang pursigido sa napiling negosyo kaya napalago naman nila ito. Bukod sa mga customer nilang araw-araw na binibisita ang shop nila ay tumatanggap din sila ng mga online buyers.

*** 

Mga tatlong oras na ring nakaupo sa damuhan si Niel, kaharap ang puntod ng Lola niya. Ito lang naman kasi ang tanging tinatakbuhan niya mula pa noon sa tuwing nalulungkot siya. 

Parehong hindi niya kasundo ang parents niya kaya nasanay siya sa lola niya. Pati nga ang lolo nito ay hindi niya rin makasundo. Pareho kasing mga seryoso sa buhay ang mga ito. Puro pera at negosyo ang laman ng mga isipan nila. 

Ang lola niya lang ang naiiba, simpleng tao lang ito at simpleng mga bagay lang ang hanggad sa mundo. Makakain lang ito ng tatlong beses sa isang araw at makitang malusog ang mga tanim nitong halaman ay solve na ito. 

Naagaw lang ang atensyon niya nang mapalingon sa kabilang side niya. May kararating lang din na babae doon. Kulay purple ang buhok nito na parang mahilig sa anime. Ewan niya kung bakit bigla na lang siyang napangiti. 

Nakapalda ito ng kulay itim na pagkahaba-haba na abot hanggang talampakan nito. Ngunit kahit ganoon ang suot nito pero parang ang dating sa kanya ay sexy at bagay dito ang suot. 

Katulad niya ay nakatitig lang din ito sa puntod na kaharap din nito. Side view lang ang nakikita niyang bahagi ng mukha ng babae pero sa hula niya ay maganda ito. 

Lalo na kapag masayang nililipad ng hangin ang katamtamang haba ng buhok nito. Parang isang diwata tuloy ang tingin niya sa dalagang naka-agaw ng kanyang atensyon.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Beautiful Days with You   Chapter 35

    Nasa kalagitnaan na siya ng trapiko nang muli na namang bumalik sa isipan niya ang mabait na boss. Napapa-isip pa rin siya dahil parang familiar sa kanya ang pangalan ng babae. Hindi niya lang matandaan kung saan niya narinig o kanino."Hindi kaya nagkita na kami noon pa?" bulong niya at ikiniling ang ulo. Nagmumukha na kasi siyang baliw kung magpapatuloy pa siya. Saktong paglingon niya sa kabilang linya ay nahagip ng kanyang tingin ang malaking billboard ng Quirino family. Namungay ang mata nito ng makita ang lalaking mahal niya na pinagitnaan ng mga magulang. Hindi niya maiwasang mapangiti, no words can expressed how much she missed that guy.Binaba pa nito ng maigi ang salamin ng kotse para makita ito ng maayos. Lalo lang itong gumuwapo sa bago nitong style na buhok. Kagalang-galang na rin ang dating nito na tila seryoso na sa buhay. Hindi niya tuloy maiwasang itanong sa sarili kung makulit pa rin ba ito katulad ng dati. Kung mahilig pa ring mang-asar. Ilang sasakyan na ba ang nako

  • Beautiful Days with You   Chapter 34

    Four years later......."Hi!" bati niya kay Nougat pagkabungad niya mismo sa cake shop nang mga ito. "Mag-isa ka lang? Nasaan ba si Hazel?"“ Hindi pa naka-uwi 'eh." sagot ni Nougat. "Medyo na late ka 'ha!” maarteng wika pa nito.“Yeah, I’m sorry,” nakangiwi niyang sabi. Nagpareserved kasi siya ng cake sa mga ito at kukunin niya by 5:00 P.M ngunit dahil marami siyang inasikaso ngayong araw kaya medyo na late ng isang oras ang kanyang pick-up time. “Ang dami ko kasing customer na inasikaso.” paliwanag niya.“Ano ka ba, okay lang ‘no!” sagot naman ni Nougat. “Pero huwag puro trabaho ‘ha! Minsan mag-jowa ka rin para balance. Charot!” Bahagya naman siyang natawa sa biro ng bakla. “Oh, ‘sya! Sandali at kukunin ko na iyong cake mo. Maupo ka muna,” ani nito bago tumalikod.Umupo naman siya sa bakanteng silya na naroon at nalungkot ng konti nang makita ang larawan nina Levy at Ezekiel na nakasabit sa pader. Magkatabi ang dalawa habang puno ng sigla at saya ang makikita mo sa kanilang mga m

  • Beautiful Days with You   Chapter 33

    Two weeks later….Nasa harapan siya ng puntod ng ina habang ang ibang mga kaibigan at kakilala ng ina na dumalo sa pakikipaglibing ay isa-isang na rin nagsi-uwian. Habang naiwan pa rin silang tatlo nina Sena at Norilyn sa harap ng puntod ng ina. Napapagitnaan siya ng mga ito at walang humpay pa rin ang hikbi ng dalawa habang siya'y wala sa sariling nakatingin lang sa lapida ng ina. She was supposed to be happy dahil magkasama na ang parents nito sa langit. They reunited and hoped they found forgiveness in their hearts too."I can't believe na wala talaga siya!" ani ni Sena na walang tigil pa rin ang hikbi. "She wasn't just a mentor to me. Para ko na rin siyang pangalawang ina. Ang dami niyang naitulong sa akin at ni hindi man lang ako lubusang nakapag-bayad sa kanya ay kinuha na kaagad siya ni Lord."Malungkot na sinulyapan niya lang ito dahil kahit siya ay hindi rin gaano ka tanggap ang pagkawala ng ina. She is totally orphaned now."She's been a good boss to me. Hindi ko alam kong

  • Beautiful Days with You   Chapter 32

    "May cancer po ang Mama nyo, two years ago pa," panimula ng P.A ng Mommy niya na si Norilyn. Parang nag-echo iyon sa kanyang pandinig. She kept on asking herself kung bakit ito nangyayari sa kanya. Bakit hindi man lang niya magawang maging masaya.Her mother is dying at hindi niya alam kung ilang araw at buwan niya na lang itong makakasama."Bakit niya nagawang ilihim ito sa akin?" nakatulalang tanong niya habang titig na titig sa natutulog na ina."Iyon po ang hindi ko alam pero alam ko po kung gaano kayo ka mahal ng iyong ina. Araw-araw, ikaw lang po ang bukambibig niya. Kung gaano na raw kayo ka ganda ngayon at kung gaano kayo kakulit noon." Napangiti siya ng mapait. "She really wanted to live a long more years kaya sa kabila ng sinasabi ng mga doktor sa kanya na may 30% na chances na lang ito na maka-survive. Hindi talaga siya nawalan ng pag-asa. Kahit na gustong-gusto na niyang sukuan ang mga chemo session niya ngunit pilit niyang kinakaya. Gustong-gusto niya kasing bumawi sa iny

  • Beautiful Days with You   Chapter 31

    A week after she totally lost Niel, she decided to go somewhere else that can heal her brokenness. Naintindihan naman iyon ng Nanay Bebang niya at ni Lexy. Gaya ng pangako ng ina ni Niel, ibinalik na nito ang lahat sa normal. Bumalik na si Ken sa kompanyang pinagtatrabahuhan pati na rin ang ama ni Ana. Hindi na rin natuloy ang paglipat nila ng bagong pwesto dahil biglang nagbago raw ang isip ng buyer ayon kay Mrs. Hernandez. Laking tuwa rin ni Ana ng ibalita sa kanya na may bago na itong sponsor sa kanyang scholarship. Wala na rin problema si Lexy sa catering at reception ng kanilang kasal ni Ken.Everything go back to normal, maliban lang sa kanyang nararamdaman. She can't deny the fact that she doesn't even know how to move on and go back to her normal life. Hindi naman siya dating ganito at alam niyang sanay na sanay siya sa disappointment na nangyayari sa kanyang buhay. Sa murang edad niya ay nasaksihan na niya kong paano masaktan ng husto. She grew up and tried so hard to be str

  • Beautiful Days with You   Chapter 30

    Dumaan ang isang linggo matapos ang break up nila ni Niel. Panay ang tawag ng binata sa kanya ngunit hindi niya lang ito sinasagot. Isang linggo na rin siyang nakakulong lang sa kanyang kwarto. Gustuhin niya mang pumasok sa kanilang shop pero alam niyang pupunta at pupunta doon si Niel at iyon ang gusto niyang iwasan. She can't take it to see him suffer in pain. Crying in front of her and begging for her to come back. Alam niyang masakit ang kanyang piniling desisyon and half of it ay gustong gusto niyang pagsisihan ngunit wala naman siyang magagawa. She just keep convincing herself that she do the right thing. Kailangan niyang magsakripisyo alang-alang sa mga taong nakapaligid sa kanila. At kung sila talaga ni Niel sa huli ay muli silang pagtatagpuin ng tadhana at kung hindi man ay magiging masaya pa rin siya para sa binata. Napatingin siya sa labas ng bintana ng kanyang kwarto. Walang bituin sa kalangitan kaya bigla na lang siyang nalungkot dahil tila uulan ngayong gabi."Chandy!

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status