Share

Chapter Six

PAGKAGISING ni Venixe ay naisipan niyang mag-jogging muna. Alas singko pa lang ng umaga. Wala pang gising sa mga katabing kwarto niya dahil madilim pa ang paligid. Nakasuot siya ng high waist black leggings at black sports bra and paired it with her black rubber shoes. Tinali niya ang kanyang mahabang buhok. 

Nagstretching muna siya bago niya sisimulang mag-jog.

"Good morning, ba-!" Hindi natapos ni Xander ang sasabihin kay Venixe nang bigla na lang siya hinawakan sa braso ng dalaga at pinilipit niya iyon patalikod.

Nagulat si Xander sa ginawa ni Venixe dahil balak niyang nakawan ito nang halik sa labi. Nagtataka siya kung paano nito nalaman na nasa likuran siya nito, samantalang abala ito sa pagstretching. Mas lalo siyang napabilib sa dalaga. Kung no'ng isang araw ay nanakawan niya ng halik ang dalaga, ngayon ay mukhang marunong nang makiramdam si Venixe.

"Ahh! B-abe, it's me... aahhh!" Nasasaktan na saad ni Xander kay Venixe. Napangiwi rin ang binata at napapaluhod sa ginawa ng dalaga sa kanya. "Stop it, babe! Masakit... ahhh!" Awat na niya sa dalaga dahil talagang diniinan nito ang ginawa niyang pagpilipit sa braso ni Xander na nilagay niya sa likuran ng binata.

"Next time, hindi lang 'yan ang gagawin ko sa 'yo," madiing saad ni Venixe sa punong tainga ng binata.

Binitawan niya si Xander. Kitang-kita ang pamumula ng leeg nito at braso sa  ginawa niya.

Her lips parted a bit. Nakahubad ang pang itaas ng binata at mukhang kanina pa ito nakapag-jogging dahil pawisan na ang katawan nito. Bumaba ang kanyang tingin sa pawisang katawan ni Xander. Her eyes feasted on Xander's six-pack abs, down to his V-line. Napalunok siya sa nakikita. 

Napansin iyon ni Xander, ang ginawang pagpasada ni Venixe sa kanyang hubad na katawan. He smirked. A mischievous smile emerged from his lips. Lumapit pa siya ng kaunti kay Venixe. Napaatras naman ang dalaga sa ginawang paglapit niya rito. Tila, nahihiya sa kanya si Venixe.

"Breakfast?" pang-aasar pa niya referring to his six-pack abs. "Pandesal?" mas lumapad ang pagngisi niya kay Venixe na ngayon ay namumula sa hiya.

Biglang nakaramdam nang kahihiyan si Venixe sa sinabing iyon ni Xander. Inirapan niya ang binata at tinaas niya ang kanyang mukha at confident na nagsalita. "No, thanks. Hindi ako mahilig sa pandesal," aniya sabay balik sa pagstretching.

Tumabi sa gilid niya si Xander habang inuunat niya ang kaliwang kamay papunta sa kabilang side. Gano'n din ang ginawa niya sa kanang kamay. Ginaya siya ng binata sa ginawa niya. Hindi na lang niya pinansin si Xander sa ginagawa nito. Pagkatapos niyang magstretching ay nagsimula na siyang tumakbo nang mahina. Iniwan niya si Xander.

"Wait, babe!" sigaw ni Xander kay Venixe dahil basta na lang ito tumakbo at iniwan siya ng walang pasabi.

Naabutan siya ng binata. Huminto siya kaya napahinto rin si Xander. 

"Why you're so kulit ba? Why are you following me?" reklamo niya rito dahil ang aga-aga ay binubwisit siya ng binata. Aminado siyang iba ang epekto ng binata tuwing lumalapit ito sa kanya.

Gwapo si Xander dahil mestizo ito. Matangos ang kanyang ilong, may kaliitan ang kanyang mapupulang labi. May kakapalan ang kanyang kilay. His eyes are expressive, and his eyelashes are long and thick. Mauuna mo agad mapapansin ang kanyang magandang mata. He smiled and showed off his perfect white teeth. Mas lalo iyon nakadgadag sa kanyang appeal. Malinis tingnan at maputi si Xander kaya kahit ngayon na pawisan siya, ay nanaisin mo pa rin na yakapin ka ng isang Alexander.

Bahagya niyang pinilig ang kanyang ulo sa naisip na yakapin si Xander. Lihim niyang kinakastigo ang sarili.

"Bakit mo ako iniwan? Please allow me to accompany you on your jog, babe."

She crossed her arms in front of him. "Stop calling me babe!  Hindi ako baboy!" Inis niyang saad kay Xander.

Natawa si Xander sa sagot ni Venixe sa kanya. Why on earth does she think, calling her babe means she's a pig?

"Ano'ng nakakatawa? Pinagtatawanan mo ba ako?"

He waves his hands, showing her that he's not making fun of her. "No. Hindi kita pinagtatawanan. You're just... cute."

Pinaningkitan niya si Xander ng mata dahil parang pinagloloko siya nito. Tinawanan siya tapos ay sasabihin nitong, cute siya?

"Pinagloloko mo ba ako? Hindi ako nakikipagbiruan sa 'yo Alexander, huh!" Inis na niyang saad dito dahil dahil talagang naiinis siya sa binata.

"No, why would I do that? I'm serious with you, babe."

"Sinabi ng, 'wag mo akong matawag-tawag na babe, eh!"

"Hon? Love?" inosente pa nitong tanong sa kanya na para bang, okay lang sa kanya na tawagin siya ng kung anu-ano.

Sa inis ni Venixe ay sasampalin niya sana si Xander. Ngunit mabilis na hinawakan siya sa kamay ni Xander at hinawakan sa baywang habang ang isang kamay ay nanatiling nakahawak sa kamay niyang ipangsasampal sana niya. Napasinghap siya nang marealize ang ayos nilang dalawa. Nakadikit na siya halos sa binata. Napapaso ang kanyang pakiramdam sa pagtama ng hubad at pawisan na katawan ng binata sa kanyang balat.

"I prefer calling you babe, kaya tatawagin pa rin kitang babe. Unless, gusto mo ng ibang endearment." Pinagalaw-galaw pa nito ang dalawang kilay at ngumiti sa kanya nang nakakaloko.

Inis niyang binawi ang kamay niya at tinulak ang binata palayo sa kanyang katawan. Magjojogging na lang siya dahil mauubusan lang siya ng pasensiya sa binata.

Aakma na siyang tatakbo ulit nang pigilan siya sa kamay ng binata.

Automatikong nasundan niya ng tingin ang ginawang paghawak ng binata sa kanya. Xander's presence bothers her. Nawawala siya sa sarili dahil sa presensiya ng binata tuwing nasa paligid niya ito.

"Pwede ba? Kung gusto mong sumabay na magjogging sa 'kin, 'wag mo akong istorbohin at magjogging ka na lang. Kanina ka pa nakakaistorbo sa 'kin." Mataray niyang saad sa binata upang pagtakpan ang nararamdaman niyang kakaiba kay Xander.

Pagkatapos, ay tumakbo na siya at hinyaan na lang niyang sabayan siya ni Xander dahil wala na rin naman siyang magagawa dahil makulit ito.

Habang nagjojogging sila, ay panay lang ang kwento ng binata sa kanya na hindi na niya pinapakinggan. Madaldal at makulit itong si Xander. Lihim na lang siyang napapangiti.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Phil Sns
they're cute
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status