Share

Chapter Eight

"Shit!" Xander cursed. He's planting small kisses on Venixe's neck.

He is already hard and ready to explode. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit tanging kay Venixe lamang niya naramdaman ang ganito. He had dated a lot of women, but only Venixe could make him feel this way. He's turned on and aroused.

Napapikit siya upang kontrolin ang sarili. Ayaw niyang isipin ni Venixe, na ito lang ang habol niya sa dalaga. Tinigil niya ang ginawa. He heavily sigh. Pigil na pigil ang kanyang nag-iinit na nararamdaman.

"I'm s-orry," saad niya sa dalaga. Nakaawang ang labi nito at nagtataka ang mga mata na nakatingin.

Bumaba ang tingin niya sa labi nito. Parang inaakit siya nitong halikan lalo na nang kinagat ni Venixe ang kanyang pang-ibabang labi. Para 'yong naging signal sa kanya.

Hindi niya napigilan ang sarili at kinabig niya ang dalaga at hinalikan sa labi. Dahil nakaawang ang labi nito, malaya niyang naipasok ang kanyang dila sa loob ng bibig nito. Mas lalo siyang nag-iinit nang gumanti rin ng halik si Venixe sa kanya. Binuhat na niya ito. Automatikong nilagay ni Venixe ang dalawang binti sa kanyang baywang.

Hapong-hapo niyang tinigil ang paghalik at tinitigan si Venixe, na tulad niya ay mapupungay na rin ang kanyang mga matang nakatingin sa kanya.

"My place." Namamaos niyang saad kay Venixe. Tumango ito sa sinabi niya.

Buhat-buhat niya ito habang naglalakad papunta sa kanyang silid na katabi ng silid ni Venixe. Kinuha niya talaga ang isang room sa tabi ng dalaga upang masilayan niya ito nang madalas. Muli niya itong hinalikan nang malapit na sila sa kanyang silid. Patuloy sila sa paghahalikan nang mapusok at madiin.

"Fuck!" naka-ilang pagmumura na nga ba ang ginawa niya sa tindi nang nararamdaman nila sa isa't isa.

Sinandal niya ito sa likuran ng pintuan pagkapasok na pagkapasok. Buhat pa rin niya ang dalaga.

Nagsimula ng naging malikot ang kamay ni Xander sa katawan ni Venixe. Bumaba ang halik nito sa kanyang leeg.

"Ahh... shiiiit!" Hindi na napigilian ni Venixe na mapaungol nang kinagat at sinipsip nito ang kanyang leeg. Napasabunot na rin siya sa buhok nito. Ramdam na ramdam na niya ang katigasan nito na tumatama sa kanyang kaselanan.

"Nix..." usal nito kanyang pangalan sa namamaos na boses. Mas lalo iyon nakadagdag nang pagnanasa sa kanya sa paraan ng pagtawag ni Xander sa kanyang pangalan. 

"Xander!" 

Parehas silang bumulagta sa sahig ng biglang bumukas ang pintuan.

"Fuck!" mura ulit ni Xander dahil bumagsak sila. Nakapatong sa kanyang katawan si Venixe.

"Ohhh, shit! Pare, sorry," saad ni Lucas pagkakita sa kanilang ayos.

Hindi na halos makadilat ng mata si Venixe sa kahihiyaan. Sumiksik siya sa leeg ni Xander para itago ang kanyang mukha sa kaibigan ng binata. Niyakap siya ng binata para takpan. Napangiti rin siya sa ginawa nito sa kanya.

"Get out! What are you doing here? Bakit hindi ka kumatok muna!" Sigaw nito sa kaibigan.

"Sorry talaga pare, hindi ko naman-"

"Out! Fuck you!"

Tinaas ni Lucas ang kamay at lumabas na ng kanyang silid. Ilang sandali pa sila sa gano'ng posisyon bago tumayo si Venixe, at basta na lang lumabas na sa silid ni Xander ng walang paalam sa binata.

Hiyang-hiya si Venixe sa binata. Tinawag pa siya nito at alam niyang sinundan din siya para habulin, ngunit agad na nilock ni Venixe ang kanyang silid pagkapasok. Nanghihina ang kanyang tuhod. Napasandala siya sa likod ng pintuan pagkapasok at dahan-dahan na napaupo sa sahig.

"WHAT?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Angel kay Venixe habang nakatingin ito sa kaibigan na nagsisimulang mag-impake ng gamit.

"May gagawin pa pala ako sa Maynila Angel. But I'll be back, promise. Urgent lang, kaya ako luluwas." Pagsisinungaling ni Venixe kay Angel upang makaalis sa resort.

Balak naman niyang bumalik, pagkaalis nina Xander sa resort.  Ayon kay Angel, ay mga 3 days na lang ang grupo nina Xander sa resort at babalik na ng Maynila. 

Hindi gusto na gustong maulit ulit ni Venixe ang nangyari sa kanila ni Xander. Isa pa, wala siyang mukhang ihaharap sa binata kapag nagkaharap silang muli na dalawa. Hindi siya lumabas pagkatapos ng nangyari sa pagitan nilang dalawa ng binata. Nagpahatid lamang siya ng pagkain sa kanyang silid. Dahil busy si Angel, ay hindito nag-usisa sa kanya. 

Kahapon, ay buong araw din siyang hindi lumabas ng silid. Nagpapahatid lang siya ng pagkain. Kinakatok nga siya ng binata pero matindi ang pag-iwas niya.

Kinausap naman ni Xander ang kaibigan na si Lucas, na huwag sabihin o ikwento kay Angel ang nakita sa kanyang silid. Nakilala ni Lucas na si Venixe ang kayakap ng binata, nang 'di sinasadya ay pumasok siya sa silid ng kaibigan.

"Hindi kita mahahatid. Kay kuya Romeo na lang kita ipapahatid hanggang Maynila." Imporma ni Angel sa kaibigan. Nagtataka siya sa biglaang desisyon nito na uuwi ng Maynila. Ayaw na lang niyang pigilan dahil baka hindi na nga bumalik ito kung kukulitin pa niya.

Huminto sa paglalagay ng mga damit si Venixe at humarap kay Angel. "Kahit sa sakayan na lang ng bus. Magcocommute na lang ako, para 'di na makaabala kay Kuya Romeo. Malayo ang Maynila kung magbabalikan siya sa paghatid sa 'kin, pagkatapos babalik dito."

"Ayos lang 'yon," saad ni Angel at umupo sa gilid ng kama.

"Hindi ayos 'yon Angel. Sige na, tatapusin ko lang 'tong ginagawa ko."

Muling binalik ni Venixe ang atensyon sa pagliligpit ng kanyang mga damit. Nasundan lamang siya ng tingin ng kaibigan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status