Share

Chapter Nine

VENIXE

Nagpahatid lang ako kay Mang Romeo sa labasan kung saan dumadaan ang mga bus. May kalayuan pa kasi ang terminal ng bus sa resort ni Angel at nahihiya naman ako magpahatid. Kung bakit naman kasi pumayag ako na hindi magdala ng sasakyan. O kaya sana, sumabay na lang pala ako kay Cloud lumuwas ng Maynila. Mabilis naman siguro makasakay dito. Hapon na ako nagpahatid dahil mas gusto kong magbiyahe ng gabi na.

Naka-isang oras na yata akong nakatayo dito pero hindi pa rin ako nakakasakay. Akala ko talaga, mabilis lang makasakay dito. Dapat pala, ay sa terminal na nga talaga ng bus ako nagpahatid.

I glanced at my wrist watch. It's almost five o'clock, pero laging pununuan ang mga bus papuntang Maynila. Sasakay na lang ako ng ibang bus na dadaan sa terminal ng bus.

Napakunot ang noo ko ng may pumarada na magarang itim na sasakyan sa tapat ko at bumaba si Xander. Nakasuot ito ng black v-neck shirt at jeans. Litaw na litaw ang kaputian nito sa kanyang suot na kulay itim. Ang bango at ang linis niyang tingnan.

Xander. Bakit siya nandito?  Paano niyang nalaman na nandito ako?

"W-hat are you doing here?"

Hindi niya ako sinagot. Kinuha niya ang maleta ko at nilagay sa compartment ng kanyang sasakyan.

Sinundan ko siya at pilit na inaagaw sa kanya ang maleta ko.

"What do you think you're doing?!"

Again, he said nothing. Pagkasara niya sa compartment ay binuhat niya ako na parang sako ng bigas at sinakay sa kanyang sasakyan.

Nagpupuyos ang kalooban ko sa inis sa kanya.

"Babalik na rin ako ng Manila. Bakit hindi ka nagpahatid o nagsabi sa 'kin? Hindi mo ba naisip na delikado rito ng ganitong oras." Pinasadahan niya pa ang kabuuan kong suot. "And for pete's sake babe! Ganyan pa ang suot mo? Look at you." Turo niya sa shorts ko at crop top na blouse. "Kahit sino makakakita sa 'yo, malamang pinagpipiyestahan na ang katawan mo."

"Ano ba ang pakialam mo?! Boyfriend ba kita? As far as I remember, kahit friends ay hindi tayo gano'n." Mataray kong saad. Humalukipkip na rin ako.

"Kasi magiging asawa mo ako," nakangising saad nito sabay kumindat pa sa 'kin.

I rolled my eyes. Ang kapal din talaga ng face nitong si Xander.

"Tsk. Hindi mo ako madadaan sa ganyan-ganyan mo, ah! Tigilan mo ako. Wala rin akong balak na sumabay sa 'yo, kaya buksan mo na nga 'to." Utos ko sa kanya na buksan ang kotse niya.

"Really? But you're avoiding me."

"W-hat?! Of course not! Bakit ko naman gagawin iyon?"

"I don't know. Maybe you can't just resist my charm, babe."

Wow. Ang taaas din talaga ng confidence level nito. Bahagya akong napatawa sa sinabi niya.

"Tsk. Pwede ba Alexa-" He cut me off by kissing me on my lips!

Kinagat niya ang pang-ibabang labi ko upang makapasok ang kanyang dila.

"Mmmmp!" Tinulak ko siya pero nakahawak siya sa ulo ko kaya hindi ako makawala sa kanya.

Then slowly, nadala na rin ako sa paraan ng kanyang paghalik. His aggressive kiss turned into a soft and gentle one.

Napadilat ako ng mata nang tumigil na ito sa paghalik sa 'kin. Isang nakakalokong ngiti ang kanyang pinakawalan sa kanyang labi bago ito umaayos nang pagkakaupo. Dahil napahiya na ako, binaling ko na lamang ang tingin ko sa labas ng bintana. Pinaandar na rin niya ang sasakyan.

Wala na kami naging imikan sa loob ng sasakyan pagkatapos no'n.

NAGSTOP OVER kami sa isang hotel na nadaanan namin dahil biglang bumuhos ang malakas na ulan. Wala na akong nagawa dahil nasa kanya ang gamit ko at isa pa, nagugutom na rin naman ako.

Hinayaan ko lang si Xander na makipag-usap sa receptionist. Isang VIP suite ang kinuha niya para sa 'min. Hindi ako tumutol dahil sandali lang naman kami. Kakain lang kami at magpapatila ng ulan.

"You can take a shower first while I order our food. What do you want to eat?"

"Ikaw na ang bahala," tipid kong sagot at kumuha na ng damit upang makaligo na ako.

"Okay."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status