Patrick's Point Of View
NAGISING ako kinabukasan dahil sa sikat ng araw. Nakabukas pala ang kurtina.
Napahawak naman ako sa ulo ko na medyo sumasakit. Naalala ko, may nangyari nga pala sa aming dalawa ni Rhian. I can't believe na pumayag siya. Sinubukan ko na kasi dati na gawin ito pero hindi siya pumayag. Ang sabi niya, ibibigay lang daw niya 'yon kapag kasal na kaming dalawa, and I respect her decision. Pero laking pagtataka ko nang pumayag siya kagabi.
Napatingin ako sa kanang banda ko and I saw her, nakatalikod sa akin at mahimbing na natutulog. Niyakap ko naman siya galing sa likuran.
"Good morning, Babe!" Hindi ko intensiyon ang gisingin siya pero naramdaman ko na lang na unti-unti na siyang gumagalaw paharap sa akin at nagulat ako nang hindi mukha ng taong mahal ko ang nakikita ko ngayon. Teka, s-sino siya? Magre-react pa sana ako nang maunahan niya akong sumigaw.
"Aaahhh!" sigaw niya sabay takip ng kumot sa katawan. Napatakip na rin ako ng kumot sa katawan ko dahil kahit hindi ko pa nakikita, ramdam kong hubo't hubad ako ngayon.
"S-Sino ka?!" sabay na tanong naming dalawa. "Anong sino ka? Sino ka?! Anong nangyari? Bakit
nasa kama ka katabi ko? Bakit wala na akong damit? Anong ginawa mo sa akin?!" sunod-sunod niyang tanong sa akin habang nakasigaw pa rin. Hindi ko naman siya masagot agad, bukod kasi sa sumasakit ang ulo ko, ang dami pa niyang tanong.
Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Ngayon ko lang narealize, wala pala ako ngayon sa kwarto ko. Nasaan ako? Napansin ko namang nilibot niya rin ang paningin niya sa paligid at kita ko sa mukha niya ang pagkagulat.
"Kaninong bahay 'to? Nasa'n ako?" tanong niya. "Hindi ko alam. Kaninong bahay ba 'to?" tanong
ko rin sa kanya pabalik.
"Waah! Rapist ka siguro, 'no? Rapist! Pinagsamantalahan mo ako! Hayop ka!" Pinagsasampal na niya ako. Ano bang nangyayari? Sino ba ang babaeng ito? "Tumigil ka nga! Hindi ako rapist! Basta, ang alam ko lang, magkasama kami kagabi ng taong mahal ko. Siya ang kahalikan ko kagabi. Siya talaga ang nakikita ko kagabi, pero bakit ikaw ang nasa harapan ko ngayon? Shit!" naguguluhan kong tanong sa kanya. Namamalik- mata lang ba ako kagabi? Siya ba talaga ang babaeng kahalikan ko kagabi at hindi si Rhian? Pero bakit siya pumatol kung hindi siya ang taong mahal ko?
"Shit! Shit! Ang tanga ko!" Nakita kong nilunod niya ang kanyang mukha sa unan.
▫▫▫🎈▫▫▫
Sunshine's Point Of View
"Ang tanga mo! Ang tanga-tanga mo talaga, Sunshine! Anong ginawa mo sa sarili mo? Bakit mo hinayaang mangyari ito sa inyo ng lalaking iyon? Ni hindi mo nga siya kilala!" galit kong sabi sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. Nasa banyo ako ngayon, nagtatago dahil sa kahihiyan. Parang ayoko na yatang lumabas. Nakakahiya!
Ano bang nangyari? Bakit siya ang kasama ko ngayon? Ang alam ko, si Bryan ang kasama ko kagabi.
▫▫▫🎈▫▫▫
Pumunta ako sa bahay nina Bryan para kausapin siya. Ayoko talaga. Ayokong mawala siya sa buhay ko. Pero pagkarating ko sa bahay nila wala na raw siya doon. Ang sabi ng katulong nila ay nakaalis na raw si Bryan papuntang America. Nakakainis siya! Mas pinili niya talaga ang pangarap niya kaysa sa akin. Iniwan na niya talaga ako nang tuluyan.
Dahil sa inis ay pumunta na lang ako sa bar. Gusto kong magpakalasing. Sa mga oras na ganito, alak lang talaga ang karamay ko. Nang hindi ko na makaya ay umalis na ako sa bar na 'yon at naglakad nang kaunti. Pero hindi pa man ako nakalalayo ay huminto na ako sa may upuan doon sa gilid at umupo. Naalala ko na naman ang pag-iwan sa akin ni Bryan. Dahil sa sakit ng nararamdaman ay napasabunot na lang ako sa sarili kong buhok at napahilamos ng mukha at saka nag-i-iyak.
Wala pang isang oras ng pag-iyak ko na 'yon ay may bigla na lang yumakap sa akin. "Tell me you love me. Tell me you need me at kalilimutan kong niloko mo ako. Please, just say you love me."
"Let go of me!" itinulak ko siya pero niyakap niya pa rin ako. Hindi ko pa nakikita ang mukha niya pero alam kong hindi ko siya kilala. Pero napatigil rin ako nang may ma-realize ako. Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya, pero may ka-boses siya... si Bryan. Sa pangalawang pagtulak ko sa kanya ay halik ang iginanti niya. Dala na rin ng alak kaya medyo blurred na yung paningin ko pero alam kong siya 'to.
"I love you, Babe!"
Napaluha na lang ako nang marinig ko 'yon. Sabi no'ng katulong nila, umalis na raw siya. Akala ko, iniwan na niya talaga ako nang tuluyan. Pero bakit nandito siya ngayon sa harapan ko at hinahalikan ako? Ibig bang sabihin nito ay hindi na siya aalis?
"Please don't leave me. I love you too."
Pagkatapos kong sabihin 'yon ay mas lalo pang naging madiin ang halik niya sa akin. Ramdam na ramdam kong mahal na mahal niya ako at ayaw niya akong iwan.
Si Bryan na akala ko ay iiwan na talaga ako. Mahal na mahal kita, Bryan.
▫▫▫🎈▫▫▫
Dahil sa sobrang kalasingan, hindi ko na halos maalala kung paano kami nakaabot sa kwartong ito.
"Shit!" usal ko nang marealize ang nangyari. All this time, ang inakala kong si Bryan ay hindi pala siya? Totoong iniwan na niya ako at hindi siya ang nakasiping ko kagabi. Shit lang talaga! Ano nang gagawin ko?
"Miss! Bilisan mo naman d'yan. Hindi lang ikaw ang gagamit ng CR!" Bigla akong kinabahan nang marinig ko ang boses niya. Ngayon ko lang narealize ang kaibahan ng boses nilang dalawa ni Bryan. Ang engot mo, Sunshine! Bakit ngayon ka pa naging tanga?
Nagbihis na ako ng damit at dahan-dahang binuksan ang pinto. Nakakahiya talaga. Nakayuko lang ako, ayoko siyang tingnan. Pero bago pa siya tuluyang makapasok sa CR ay tinawag ko siya.
"Sandali," sabi ko sabay tingin sa kanya pero nakatalikod lang siya. Kaya mo 'yan, Sunshine!
"Ano 'yon?"
Humarap na siya sa akin. Hindi ko alam kung magtatakip ba ako ng mukha ulit o ano. Ngayon ko lang kasi napansin na naka-boxer shorts lang pala siya ngayon. Kitang-kita ang maskulado niyang katawan at anim na pandesal sa kanyang tiyan. Pero mas napanganga ako nang makita ko ang mukha niya. Ngayon ko lang kasi natutukan nang maigi ang mukha niya, ang gwapo pala niya. Ang kinis ng mukha n'ya at medyo mapupula ang kanyang mga labi. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko pero para akong kinabahan bigla. I found him HOT!
God! What am I thinking? Bakit ko nasasabi ito ngayon?
"May sasabihin ka ba?" untag niya sa akin. I cleared my throat first bago pa nagsalita.
"Ano... Ahm..." Paano ko ba 'to sasabihin? "Let's forget what happened." Siya na ang
nagpatuloy ng sasabihin ko. Tama! 'Yon naman talaga ang gusto kong sabihin sa kanya, hindi ko lang talaga alam kung paano ko sisimulan.
"Tama. Isipin mo na lang na walang nangyari. Hindi ko kailangang humingi ng paumanhin at hindi mo kailangang mag-sorry sa akin. It was a mistake at hindi natin iyon sinasadya. Kalimutan na lang natin. And besides, ito na rin naman ang una't huli nating pagkikita, 'di ba?" Hindi ako makatingin nang diretso sa kanya. Naiilang kasi ako.
"Okay." 'Yon lang ang sinabi niya at sinarado na n'ya ang pinto. Bakit parang ang dali lang para sa kanyang sabihin 'yon? Kahit sabihin na nating kalimutan na lang ang nangyari pero hindi pa rin 'yon okay. Palibhasa kasi, lalaki siya kaya gano'n lang kadali ang tanggapin 'yon. Aish!
Kinuha ko na ang shoulder bag ko sa sahig at tuluyan nang lumabas ng kwartong iyon. Hindi ko alam kung anong dahilan pero narealize ko na lang sa sarili ko na nakangiti na pala ako.
▫▫▫🎈▫▫▫
"Saan ka galing, Sunshine Bernardo?"
Nagdahan-dahan pa akong naglakad. Akala ko, hindi nila ako mapapansin pero nahuli pa rin ako. Paano nila nalaman ang pagdating ko, eh nakatalikod lang sila? Lagot na!
"Ah. Hi, Mom!" sabi ko na lang sabay yakap sa kanya mula sa likuran at hinalikan siya sa pisngi. "Good morning, Dad," bati ko rin sa Papa ko. Nasa sofa sila ngayon, nakaupo at nanonood ng TV.
"Aba! Bigla yatang nag-iba ang mood mo ngayon? Anong nangyari?" Nanlaki ang mga mata ko dahil sa tanong ni Mama.
"W-Wala po. Walang nangyari, promise! Doon lang ako nakitulog sa bahay ng kaibigan ko. Promise, wala talagang nangyari."
"Oh, bakit defensive ka naman masyado? Ibig kong sabihin, anong nangyari? Nagbalikan na ba kayo ni Bryan? Nagka-usap ba kayo kahapon? Akala ko, doon ka natulog sa kanila?" Natahimik rin ako dahil sa sinabi niya. Great. Si Bryan.
"W-Wala pong nagbalikan," malumanay at malungkot kong sabi sa kanya.
"Ha? Eh, bakit iba ang mood mo kanina? Bakit parang ang blooming mo? Akala ko, hindi siya natuloy?"
Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Mama at dumiretso na ako sa kwarto ko. Napatingin naman ako sa salamin. Blooming ba ang mukha ko? Hindi naman, ah? Saka, paanong magiging blooming, eh broken hearted nga ako? Tsk.
▫▫▫🎈▫▫▫
Patrick's Point Of View
Hindi ko na ulit nakita pa ang babaeng 'yon. I don't know what's with her pero palagi siyang laman ng isip ko. No'ng gabing may nangyari sa amin, akala ko talaga siya si Rhian, pero hindi pala. She's just a stranger pero bakit feeling ko ay hinahanap-hanap ko siya? Buwan na ang nakalipas magmula no'ng mangyari 'yon pero bakit hindi pa rin mawala 'yung mukha niya sa isipan ko? Shit! What's wrong with me? Hindi puwede 'to. Si Rhian ang mahal ko. Siya lang.
"Shit lang mga pare, eh! Alam niyo 'yung feeling na gano'n? 'Yung pareho ka nilang pinagmukhang tanga? Pinagkatiwalaan ko sila pero ito ang nangyari," bulyaw ko sa kanila. Nandito kami ngayon sa tambayan namin. Actually, club ito dati pero naging tambayan na namin ngayon. Isa kasi sa tropa namin ang may-ari.
"Buwan na ang lumipas pero 'yan pa rin ang issue mo sa buhay, men?" Si Darwin, ang pinaka-bata sa aming lima. Womanizer 'yan. "Bakit kasi hindi ka na lang gumaya sa akin na pagkatapos ng isa ay 'yung isa naman? Come on! Hindi lang si Rhian ang babae sa mundo, marami pang iba d'yan," patuloy pa rin niya. May point din naman siya, eh. Pero kasi, mahal ko talaga si Rhian.
"Ulol! Hindi ako babaero kagaya mo!"
"Alam mo, P're, kung ayaw na niya sa 'yo, 'wag mo nang pilitin. Minahal mo siya pero siya 'yung bumitaw. Hayaan mo siya. At saka, bakit ikaw itong naghahabol? Eh, ikaw nga itong niloko at sinaktan?" Siya naman si Miko, ang may-ari sa clubhouse na 'to. Moody 'yan. Minsan seryoso, pero madalas loko-loko. Napaisip ako. May point naman sila pareho.
"Tama! Kung ako sa 'yo, pabayaan mo na siya. Move on, move on din 'pag may time." Siya naman si Jecko, may pagka-ewan. Praning na tao 'yan, eh. Ewan ko nga kung pa'no 'yan napasama sa tropa.
Alam nilang lahat ang nangyari. Siyempre, sinabi ko sa kanila. Hindi kasi ako marunong magtago ng sikreto sa kanila. Well, siguro ngayon pa lang. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa sinasabi sa kanila ang tungkol sa estrangherang 'yon. At wala akong balak na sabihin 'yon sa kanila. Kahit naman kasi ipagdasal ko na sana ay magkita ulit kami ay hindi pa rin mangyayari iyon. Ang daming tao sa Pilipinas, hindi ko alam kung paano at saan ko siya makikita. At siguro, nawawalan na rin talaga ako ng pag-asa na makita ko ulit ang mukha niya.
"Hindi ko alam."
Sa totoo lang, hindi ko na talaga alam kung ano bang gagawin ko. Kung may balak pa ba ako na harapin sina James at Rhian. Gusto kong magalit sa kanila pero sabi nga noon sa akin ni Manong Driver, walang magbabago ano man ang gawin ko. Useless pa rin kung magagalit man ako sa kanila.
Ewan. Ang gulo.
"WE'RE sorry to say this... but the baby didn't make it." Iyon kaagad ang narinig ko nang unti-unting bumalik ang malay ko. Nakita ko kaagad si Patrick sa may paanan ko, kaharap at kausap ang isang doctor. Ano raw? Hindi yata matanggap ng puso't isipan ko 'yung sinabi no'ng doctor.Hindi!"Doc, bawiin mo 'yung sinabi mo," pagsasalita ko. Napatingin naman silang dalawa sa 'kin. Kita ko 'yung lungkot sa mukha ni Patrick. "Buhay pa ang baby ko, 'di ba?""Babe...""Doc, sumagot ka! Hindi nawala ang baby ko, 'di ba? Mali lang ang pagkakarinig ko sa sinabi mo kanina. Patrick, please tell me nagbibiro lang siya," pagmamakaawa ko kay Patrick. Pero gano'n pa rin ang ekspresyon ng mukha niya kaya unti-unting namuo ang luha sa mga mata ko."Pero Sunshine, 'yon ang nangyari. W-Wala na ang baby natin.""Hindi..." Napailing pa ako. "Hindi!"Napabangon na lamang ako dahil sa isang panaginip. Masamang panaginip. Umiiyak na rin ako.Bigla ko na namang naramdaman ang pananakit ng ulo at katawan ko. Nas
Patrick's Point Of ViewKANINA pa ako titig na titig sa phone ko. Inaabangan ko kasi ang text ni Sunshine. Kanina pa rin ako naghihintay dito sa kanya sa sala pero hindi pa rin siya dumarating. Sabi niya darating siya, 'di ba? Pero bakit parang ang tagal naman yata? Saan ba siya nagpunta?"Ba't ang tagal mo? Nasaan ka na?" text ko sa kanya. Mayamaya lang ay nag-vibrate ang phone ko at dali-dali ko namang binasa ang text."Can't wait? Almost there!"Nakahinga naman ako nang maluwag nang mag- reply siya. Akala ko kasi kung ano nang nangyari, eh. Bumilis din ang pagtibok ng puso ko. Iba kasi ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya. Umaandar ang pagka- berde ng utak ko! Hahaha! 'Di naman ako mapakali. Gusto ko na talaga siyang mayakap at mahalikan ngayon.'Yon nga lang ba?Habang nakaupo ako dito sa may sofa ay may bigla na lang naglagay ng piring sa mga mata ko. Mag-re- react pa sana ako nang bigla siya nag-'shhh'. Naramdaman ko na lang na biglang nagtaasan ang mga buhok ko dahil doon. Inal
Sunshine's Point Of View"HAPPY birthday!" pambungad ko nang makalapit na sa kanya. "Dinalhan nga pala kita ng regalo. Ito, oh." Ipinakita ko pa sa kanya ang dala-dala kong maliit na cake na may nakasulat doon na Happy Birthday na may pangalan pa niya. Inilapag ko naman iyon sa baba pagkatapos. Umupo na rin ako para mahaplos ko ang kanyang lapida.Yes, nandito nga ako ngayon sa sementeryo kung saan nakalibing si Bryan. Grabe, medyo matagal-tagal na rin nang huli akong pumunta dito. Na-miss ko siya! At kahit naging stressed ako these past few days, hindi ko pa rin nakakalimutan ang mahalagang araw na 'to—ang kanyang kaarawan."Kumusta ka na, Bryan?" tanong ko sa kanya habang hinahaplos pa rin ang kanyang lapida. "Sana, okay ka lang. Miss na kita." Ngumiti ako."Bryan, puwede ba akong humingi ng pabor sa 'yo?" tanong ko. "Kung puwede sana, hanapin mo si Sheena, 'yung kontrabida sa buhay ko? Kilala mo ba siya? Gusto ko sana, multuhin mo siya para sa 'kin. Nakakainis kasi siya, eh!" sumbo
Sunshine's Point Of View"MASYADO na siyang nagiging stress these past few days kaya nangyari 'to sa kanya. Mabuti na lang kamo at naagapan ang pagdala sa kanya dito dahil kung hindi ay baka may nangyari na sa kanila." 'Yon ang narinig ko nang magising ako. Dahan- dahan kong iminulat ang mga mata ko at nakita ko sa harapan ko ang doctor na kasalukuyang kinakausap si Patrick. Mukhang hindi yata nila napansin ang paggising ko."Doc, hindi po kita maintindihan. Ano pong ibig niyong sabihin? Anong 'kanila'?" Kita ko 'yung pagkalito sa mukha niya. Nakikita ko rin 'yung lungkot sa mga mata niya. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa puso ko. Bakit ang tanga ko talaga? Mahal ako ni Patrick pero nagawa ko pa rin siyang pagdudahan."Hindi mo ba alam? Your wife is pregnant." Natahimik si Patrick dahil sa sinabi ng doctor. Kita ko rin 'yung gulat niyang mukha. Feeling ko naman ay mapapatingin sa akin si Patrick kaya dali-dali kong isinara ang mga mata ko at nagtulog-tulugan. Mayamaya lang ay may hu
Sunshine's Point Of ViewTULALA pa rin akong nakatingin sa singsing na iyon. How come na magkapareho talaga sila ng singsing na nakita ko doon sa ibaba ng kama ni Patrick? It must be coincidence. Alam kong nagsisinungaling lang siya. Para sa 'kin talaga 'yung singsing na nakita ko noon."Oww. Look at your ugly face. Kawawa ka naman," sabi niya at tiningnan ang singsing na parang manghang-mangha ito. "This initials means Patrick and Sheena. Kaya 'wag kang mag-ambisyon na mahal ka nga talaga ni Patrick kasi hindi naman! Sawa na siya sa 'yo. Sawang-sawa na kaya naghanap siya ng iba which is better than you, bitch!"Hindi ko na inintindi pa ang mga sinasabi niya tungkol sa akin. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin mawari kung bakit may gano'n din siyang singsing. Nagkataon lang naman, 'di ba? O baka naman, ninakaw niya kay Patrick 'yung isa? Hindi kasi ako naniniwalang lolokohin ako ni Patrick. Yeah, I doubt him once, pero narealize ko na mahal niya talaga ako noong gabing nagpaulan s
Sunshine's Point Of View"Wah! Sunny, may good news ako sa 'yo!"Halos mabingi na yata ako sa sobrang lakas ng sigaw niya kaya naman nailayo ko ang phone sa tainga ko. Ano ba 'yan? Makasigaw, wagas!"Halata nga. Tsk! Sakit ng eardrums ko!" reklamo ko sa kanya."Haha. Sorry naman. Eh kasi...""Ano ba 'yon?""Nasabi ko na kay Sweety!""'Yung alin?" clueless kong tanong. Ano bang sasabihin nito?"Duh! 'Yung secret nating dalawa! Sinabi ko na sa kanya.""Huh? Alin do'n?" naguguluhan ko pa ring tanong. Duh! Ang dami na kaya naming sikreto sa isa't isa kaya paano ko malalaman kung alin do'n ang sasabihi niya?"Maka-alin do'n naman 'to! 'Yung about sa baby." Automatic na nanlaki ang mga mata ko sa narinig. "What?! Really?!" 'di makapaniwalang tanong ko. Seryoso? Nako, baka sinabi rin niya 'yung tungkol sa 'kin?"Yes. Kanina ko pa sinabi actually, kaya 'yon, kung makatalon parang bagong taon. Haha! Tingin ko nga, nasa tambayan siya ngayon at panigurado, alam na ng buong tropa na magiging tata